wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Quiz 1

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang Guryon

Ang hiling ko lamang, bago paliparin

Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;

Ang solo’t paulo’y sukating magaling

nang hindi mang-ikit o kaya’y magkiling.

Mula sa tula sa itaas na isinulat ni Iidefonso Santos, anong uri ng tugma ang kaniyang ginamit?

a)

Tugmang di-ganap

b)

Tugmang Tuluyan

c)

Tugma-tugma

d)

Tugmang ganap

2.

Ang Guryon

Ang hiling ko lamang, bago paliparin

Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;

Ang solo’t paulo’y sukating magaling

nang hindi mang-ikit o kaya’y magkiling.

Sa tulang “Ang Guryon” ilang pantig ang mabibilang sa bawat taludtod?

a)

12

b)

10

c)

8

d)

14

3.

Ito ay tumutukoy sa pagkakatulad ng tunog sa huling pantig sa bawat taludtod.

a)

Sukat

b)

Talinhaga

c)

Tugma

d)

Tayutay

4.

Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag na “Oh aking irog susungkitin ko ang bituin para sa iyo”

a)

Pagsasatao

b)

Pagmamalabis

c)

Pagwawangis

d)

Pgtutulad

5.

Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag na “ang mundo ay isang dulaan”

a)

Pagsasatao

b)

Pagmamalabis

c)

Pagwawangis

d)

Pagtutulad

6.

Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga tayutay at nagtataglay ng hindi lantad na mensahe.

a)

Sukat

b)

Talinhaga

c)

Kariktan

d)

Sesura

7.

“Ano pang hinihintay ninyo? Tumatakbo ang oras kaya’t marapat na simulan na natin ang gawain” anong uring tayutay ang may salungguhit na salita?

a)

Pagtutulad

b)

Pagwawangis

c)

Pagmamalabis

d)

Pagsasatao

8.

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.

a)

Sukat

b)

Tula

c)

Simbolismo

d)

Kariktan

9.

Ito ay ang bawat linya na bumubuo sa isang saknong.

a)

Sesura

b)

Larawang diwa

c)

Taludtod

d)

Saknong

10.

Ito ay isang anyo ng sining na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsulat. Binubuo ito ng saknong at taludtod.

a)

Maikling Kwento

b)

Awit

c)

Dula

d)

Tula