WorksheetsAP Online Quiz #2 - Laurasia
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Ito ay tumutukoy sa interaksiyon ng mga ahensya at opisyal ng pamahalaan sa corporate sector, civil society organizations at mga partido politikal.
dministrasyon
gobyerno
pamahalaan
pamamahala
Upang mapag-aralan ang estado ng demokrasya sa 167 na bansa sa mundo, ginagamit ang panukat na ito.
political index
democracy index
consumer price index
corruption perceptions index
Sa isinagawang 2022 Democracy Index, ang Pilipinas ay lumabas na nasa:
49th sa buong mundo
54th sa buong mundo
59th sa buong mundo
64th sa buong mundo
Sa kabila ng pagkakaroon ng demokrasya sa Pilipinas, itinuturing na flawed democracy ang umiiral sa bansa dahil sa:
hindi nagkakaroon ng malayang halalan
mahinang politikal na pakikilahok ng mga tao
hindi matalinong pagboto ng mga mamamayan
mababang pagpapahalaga sa karapatan ng mga tao
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng posisyon sa pamahalaaan upangpalaganapin ang pansariling interes.
korapsiyon
pagnanakaw
pandarambong
pang-aabuso
Sa isinagawang Corruption Perception Index noong 2021, lumabas na ang bansang may pinakamababang marka sa buong mundo pagdating sa pamamahala ng katiwalian ay ang:
Yemen, Rep.
Libya
Nicaragua
Pilipinas
Noong 2021, nakakuha ang Pilipinas ng markang 33/100 sa Corruption Perception Index. Sa buong mundo, tayo ay nasa:
44th sa buong mundo
54th sa buong mundo
64th sa buong mundo
74th sa buong mundo
Ito ay tumutukoy sa isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.
governance
civic governance
good governance
participatory governance
Ito ay isang pandaigdigang institusyong pinansiyal na nagpapautang sa mga papaunlad na bansa o developing countries kagaya ng Pilipinas.
World Bank
Asian Development Bank
International Monetary Fund
Development Bank of the Philippines
Isa ito sa mga katangian ng mabuting pamamahala na nakaugat sa malayang pagdaloy ng mga impormasyon para sa mga tao.
accountability
participation
responsiveness
transparency
Ang mabuting pamamahala ang isa sa mga salik na nakaaapekto sa mabutingp aggamit ng mga resources upang mabawasan ang antas ng kahirapan saisang bansa. Ang sumusunod ay indikasyon ng good governance maliban sa:
partisipasyon ng mga civil society
pagkakaroon ng financial accountability
paggalang sa mga karapatang pantao
transparency sa mga prosesong pampamahalaan
Mahalaga ang gampanin hindi lamang ng pamahalaan kundi maging ng mga mamamayan upang masiguro na tama at wasto ang paggamit ng mga resources ng Estado.
TAMA o MALI?
Tama
Mali
Itinuturing na isang flawed democracy ang umiiral sa Pilipinas dahil sa hindi pagrespeto ng bansa sa karapatan ng mga mamamayan nito.
TAMA o MALI?
Tama
Mali
Ang kapangyarihan ng isang Estado ay tunay na nagmumula sa pamahalaan kaya’t maliit na partisipasyon lamang mula sa mga mamamayan ang inaasahan.
TAMA o MALI?
Tama
Mali
Ang tunay na manipestasyon ng pagkakaroon ng good governance ay ang antas ng pagpapaabot ng mga pangako ng mga karapatang pantao sa lahat ng aspekto: sibil, kultural, ekonomiko, politikal, at sosyal.
TAMA o MALI?
Tama
Mali
Hindi magiging posible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamamahala kung walang kapanagutan at katapatan sa panig ng pamahalaan at mamamayang laging mulat sa mga gawain ng pamahalaan.
TAMA o MALI?
Tama
Mali
Binigyang-diin ang kapanagutan at katapatan ng mga pampublikong opisyalng pamahalaan sa Saligang Batas ng 1987 partikular sa:
Artikulo VIII
Artikulo IX
Artikulo X
Artikulo XI
Isang testamento sa pagkilala sa papel ng mamamayan sa pamamahala kung saan ibinababa ng pambansang pamahalaan ang ilang tungkulin sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan.
Saligang Batas 1987
Bill of Rights
Local Government Code of 1991
United Nations Development Program
Batay sa Democracy Index 2022, anong bansa ang may pinakamataas na democracy score?
Finland
Norway
New Zealand
Iceland
Ang kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong ng opinyon ng mga tao tungkol sa katiwalian sa kanilang bansa.
Corruption Perception Index
Democracy Index
Global Corruption Barrometer
Transparency International
Batay sa Corruption Perception Index noong 2021, anong bansa ang nangunguna o may pinakamataas na CPI score?
Norway
Finland
New Zealand
Denmark
Isang uri ng pamamahala kung saan ang desisyon para sa pamamahala ay nagmumula lamang sa mga namumuno.
Participatory Governance
Flawed Democracy
Elitist Democracy
Civic Governance
Isang proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko, at tinitiyak na mapangalagaan ang mga karapatang pantao, maging malaya sa pang- aabuso at korapsyon, at may pagpapahalaga sa rule of law.
Good Governance
Participatory Governance
Civic Governance
Governance
Lahat ng lalaki at babae ay dapat mabigyan ng pagkakataon na mapanatili o mapagbuti ang kanilang kagalingan.
Transparency
Accountability
Equity and Inclusiveness
Effectiveness and Efficiency
Ang mabuting pamamahala ay namamagitan sa magkakaibang mga interes upang makabuo ng isang desisyong makabubuti sa interes ng lahat ng grupo at, kung maaari, sa mgapolisiya at hakbangin.
Consensus Oriented
Equity and Inclusiveness
Effectiveness and Efficiency
Responsiveness
