wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Lagumang Pagtataya sa AP10 4thQ 23-24

Total questions: 35

Worksheet time: 35mins

Name
Class
Date
1.

Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa.

a)

Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.   

b)

Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon. 

c)

Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa. 

d)

Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag mayroong digmaan. 

2.

Ito ang pinakamataas na antas ng kamalayan sa pag-unawa at pagsakatuparan ng mga karapatang pantao ng isang mamamayan.

a)

Limitadong Pagkukusa 

b)

Pagpapaubaya at Pagkakaila

c)

Kawalan ng pagkilos at Interes

d)

Militance, Pagsasarili, at Pagkukusa

3.

Ang sumusunod ay ang mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa isa.

a)

Residente ng Pilipinas sa loob ng isang taon 

b)

May edad na labing walong taong gulang sa araw ng eleksyon

c)

Mga taong wala sa tamang katinuan ng pag-iisip

d)

Residente sa lugar na pinili niyang bumoto sa loob ng anim na buwan sa petsang itinakda ng pagdaraos ng eleksyon

4.

Bakit kinakailangang bumoto ang mga mamamayan tuwing eleksiyon?

a)

Dahil ito ay isa sa kanilang tungkulin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas.

b)

Dahil ito ay nagpapatunay ng kanilang pagiging mamamayan ng bansang Pilipinas.

c)

Kinakailangang bumoto upang makasigurado na tayo ay mabibigyan ng tulong tuwing may mga sakuna o kalamidad.

d)

Kinakailangang bumoto upang mapili natin ang mga taong karapat-dapat na mamuno sa ating bansa.

5.

Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?

a)

Sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa. 

b)

Sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng Saligang Batas.  

c)

Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan.

d)

Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa

6.

Basahin ang sumusunod na mensahe: "Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country." Ano ang mensaheng nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F. Kennedy?

a)

Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.

b)

Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.

c)

Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.

d)

Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan. 

7.

Aling kabihasnan ang tinatayang pinagmulan ng konsepto ng citizen?

a)

Greece

b)

Egypt

c)

Mesopotamia

d)

Africa

8.

Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado.

a)

Mamamayan

b)

Pagkamamamayan

c)

Makabansa

d)

Makabayan

9.

Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.

a)

Jus Sanguinis

b)

Jus Soli

c)

Citizenship

d)

Naturalisasyon

10.

Ayon sa __________, ang Pilipinas ay isang Estadong Republikano at Demokratiko.

a)

Artikulo II, Seksiyon 1 ng Saligang-batas

b)

Artikulo III, Seksiyon 1 ng Saligang-batas

c)

Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang-batas

d)

Artikulo V, Seksiyon 1 ng Saligang-batas

11.

Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito.

a)

Civil Society

b)

People's Organization

c)

Grassroots Organizations

d)

Non-Governmental Organizations

12.

Ito ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas ng 1987.

a)

Pagbili

b)

Pagpili

c)

Pagboto

d)

Pagtamasa

13.

Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa pamahalaan.

a)

Civil Society

b)

Non-Governmental Organizations

c)

Grassroots Organizations

d)

People's Organization

14.

Ang mga mamamayang Pilipino ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa pagkakatibay ng Saligang Batas na ito na ang ina o ama ay mamamayan ng Pilipinas.

a)

Saligang Batas ng 1978, Artikulo IV Seksiyon 1

b)

Saligang Batas ng 1992, Artikulo VI Seksiyon 2

c)

Saligang Batas ng 1987, Artikulo IV Seksiyon 1

d)

Saligang Batas ng 1982, Artikulo V Seksiyon 3

15.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kaugnayan ng karapatang pantao sa isyu at hamong pangkapaligirang kinakaharap ng tao sa kasalukuyan?

a)

Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay ang simula sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran

b)

Ang karapatan sa pagtulong at pakiisa sa mga programa ng pamahalaan para sa pagsagip ng ating kapaligiran.

c)

Ang karapatan sa edukasyon ang nagbibigay-daan upang matutunan ang kahalagahan ng pagsusumikap ng bawat tao na pangalagaan ang kapaligiran.

d)

Lahat ng nabanggit.

16.

Bansa na may ganap na kapangyarihang angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng awtoridad na pampamahalaan.

a)

Pilipinas

b)

Singapore

c)

China

d)

Indonesia

17.

Ano ang tawag sa mga lungsod-estado sa kabihasnang Griyego?

a)

Bayan

b)

Lalawigan

c)

Polis

d)

Rural

18.

Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?

a)

Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad.

b)

Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay.

c)

Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.

d)

Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.

19.

Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang lumahok sa isang samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?

a)

Funding-Agency NGOs

b)

Government-Owned and Controlled Corporations

c)

Non-Governmental Organizations

d)

People's Organizations

20.

Dokumentong naglimita sa kapangyarihan ng hari ng England noong 1215 at nagbigay ng ilang karapatan ng mga taga-England.

a)

Magna Carta

b)

Bill of Rights

c)

Cyrus' Cylinder

d)

The First Geneva Convention

21.

Sa dokumentong ito mababasa ang mga karapatang pantao na maigting na pinahahalagahan ng Republika ng Pilipinas.

a)

Artikulo III ng Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas

b)

Artikulo I ng Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas

c)

Preamble, Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas

22.

Itinuring na "International Magna Carta for All Mankind" ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.

a)

Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas

b)

Declaration of the Rights of Man and of the Citizen

c)

Magna Carta ng 1215

d)

Universal Declaration of Human Rights

23.

Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?

a)

Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.

b)

Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.

c)

Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula.

d)

Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang pagpapasya.

24.

Ito ay tumutukoy sa katayuan at kalagayan ng isang indibidwal bilang kabahagi ng lipunan o estado na naiba batay sa kasaysayan ng lipunan.

a)

Pagkamamamayan

b)

Lumalawak na pananaw

c)

Ligal na pananaw

d)

Naturalisasyon

25.

Ang konsepto ng pagiging mamamayan sa kasalukuyan na hindi tumitingin lamang sa katayuan sa lipunan batay sa estado kundi tinitingnan nito ang pagkakaisa at Pagtupad sa tungkulin ng mamamayan para sa pag-unlad at ikabubuti ng kanilang lipunan.

a)

Jus Soli

b)

Lumalawak na pananaw

c)

Ligal na pananaw

d)

Jus Sanguinis

26.

Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang ginamit kung ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa mga magulang?

a)

Dual Citizen

b)

Jus Sanguinis

c)

Jus Soli

d)

Naturalisasyon

27.

Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?

a)

Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan

b)

Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan

c)

Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin

d)

Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

28.

Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?

Pananagutan

Walang sinuman ang nabubuhay

Para sa sarili lamang

Walang sinuman ang namamatay

Para sa sarili lamang

Koro:

Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa

Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya

a)

Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa buhay.

b)

Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa na kaniyang kinabibilangan.

c)

Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng bansa ang kaunlaran.

d)

Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may pagtutulungan.

29.

Batay sa ISSP Citizenship Survey noong 2004, may katangian ang isang mabuting mamamayan hinggil sa pagboto maliban sa:

a)

Wastong pagbabayad ng buwis

b)

Hindi pag-unawa sa opinyon ng ibang tao

c)

Palaging pagsunod sa batas

d)

Pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan

30.

Sino sa mga sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987.

a)

Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.

b)

Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.

c)

Si Edward na ang kaniyang mga magulang ay parehong mga Filipino.

d)

Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.

31.

Sino sa sumusunod ang maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas?

a)

Si James na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.

b)

Si Samantha na ang kaniyang mga magulang ay parehong mga Pilipino.

c)

Si Ramon na ipinanganak noong Pebrero 2, 1969 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.

d)

Lahat ng nabanggit.

32.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng "kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan"?

a)

Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol

b)

Pag-anib sa mga people's organization tulad ng samahang Gabriela

c)

Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa

d)

Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan

33.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?

a)

Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.

b)

Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.

c)

Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.

d)

Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.

34.

Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?

a)

Yaong naging mamamayan ayon sa batas.

b)

Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.

c)

Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas na ito.

d)

Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang.

35.

Sa anong artikulo ng Saligang Batas nakasulat ang mga maituturing na Pilipino sa bansa?

a)

Artikulo 1

b)

Artikulo 2

c)

Artikulo 3

d)

Artikulo 4