Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 4TH REVIEWER

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

   Alin ang nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng batas?

a)

Jus Soli     

b)

Naturalisasyon

c)

Jus Sanguinis

d)

Pagkamamamayan

2.

Anong kasulatan kung saan nakasaad ang pagkamamamayang Pilipino?

a)

Commonwealth Act No. 475

b)

Republic Act 9225

c)

Mapa ng mga Lathalain

d)

Saligang Batas

3.

   Aling konsepto ng pagkamamamayan ang naglalarawan na naaayon sa dugo ng magulang o isa man sa kanila?

a)

Jus Soli     

b)

Naturalisasyon

c)

Jus Sanguinis

d)

Dual Citizenship

4.

Ano ang tawag sa prinsipyo ng pagkamamamayan batay sa lugar ng kapanganakan?

a)

Jus Soli     

b)

Naturalisasyon

c)

Jus Sanguinis     

d)

Dual Citizenship

5.

Anong proseso ng pagiging mamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas sa bisa ng Commonwealth Act 475?

a)

Baptism

b)

Naturalisasyon

c)

Dual Citizenship 

d)

C.   Pagkamamamayan

6.

Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng tama at wastong pahayag tungkol sa pagkamit ng pagkamamamayan ng isang dayuhan?

a)

  Siya ay 18 na taong gulang.

b)

Siya ay pumuntang Pilipinas para magbakasyon.

c)

Siya ay dapat naninirahan ng limang taon sa Pilipinas.

d)

Siya ay may 21 taong gulang at naninirahan ng 10 taong tuloy tuloy sa Pilipinas.

7.

  Isa sa mga katangian ng isang dayuhan upang maging naturalisadong Pilipino ay ang paninirahan nang tuloy-tuloy sa Pilipinas sa loob ng sampung taon. Kailan ito maaaring mapaikli ng limang taon?

a)

kung ang isang dayuhan ay mayaman

b)

kung ang isang dayuhan ay tanyag sa kaniyang bansa

c)

kung ang isang dayuhan nakapangasawa ng isang Pilipino

d)

kung ang isang dayuhan ay may kilalang mataas na opisyal sa Pilipinas

8.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkamamamayang Pilipino maliban sa isa, ano ito?

a)

ikinahihiya ang paggamit ng sariling wika

b)

hindi ikinahihiya ang kulay kayumangging balat

c)

pagtangkilik sa mga produktong gawa sa Pinoy

d)

ipinagmamalaki ang wikang Filipino sa mga dayuhan

9.

Paano ka matatawag na isang likas na mamamayang Pilipino?

a)

ipinanganak ka sa Amerika

b)

Pilipino ang iyong magulang

c)

Dayuhan ang iyong mga magulang

d)

Intsik ang iyong ama at Koreano ang iyong ina

10.

Paano nawawala ang pagkamamamayang Pilipino?

a)

tinatanggap niya ang kulturang Pilipino

b)

naniniwala siya sa Saligang Batas ng Pilipinas

c)

bumalik sa Pilipinas at muling nanunumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas

d)

napatunayang tumakas sa hukbong sandatahan ng Pilipinas at kumampi sa kaaway sa panahon ng digmaan

11.

Isinasaad ditto ang anumang bagay o paglilingkod na tinatamasa ng isang tao nang naaayon sa batas, ano ito?

a)

karapatan  

b)

prinsipyo

c)

pagkamamamayan        

d)

tungkulin

12.

Anong karapatan ang nakatutulong sa pangangalaga ng kapakanang panlipunan ng mga mamamayan?

a)

karapatang pangkabuhayan

b)

karapatang panlipunan

c)

karapatang panlipunan

d)

karapatang sibil

13.

  Anong karapatan ang nauukol sa pagtatamasa ng mga mamamayan ng kapayapaan at kaligayahan sa buhay?

a)

karapatang pangkabuhayan

b)

karapatang politikal

c)

karapatang panlipunan

d)

karapatang sibil

14.

   Anong karapatan ang nauukol sa ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan?

a)

karapatang pangkabuhayan

b)

karapatang politikal

c)

karapatang panlipunan

d)

karapatang sibil

15.

  Anong artikulo ng ating saligang batas nakapaloob ang mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino bilang isang demokratikong bansa?

a)

Artikulo III

b)

Artikulo V

c)

Artikulo IV 

d)

Artikulo VI

16.

May mga dumalo na naghahalakhakan sa loob ng isang bulwagan. Nang inawit na ang pambansang awit ay hindi sila tumigil. Ano ang dapat mong gawin?

a)

sawayin sila

b)

sumali sa nagkukwentuhan

c)

huwag kumibo

d)

sabihan sila na tumahimik muna

17.

   Nakakita ka nang isang matanda na tumatawid nang mag-isa sa kalsada. Ano ang gagawin mo?

a)

alalayan ang matanda

b)

pabayaan at huwag pansinin    

c)

  sabihan na mag-ingat sa pagtawid

d)

maghanap ng mga pulis na tutulong sa matanda  

18.

Nakalimutan na naman ni Lola Tina yang daan pauwi. Paikot-ikot siya sa kapitbahay. Paano ka tutulong?

a)

   huwag pansinin ang matanda

b)

ipaalam sa barangay tanod ang matanda

c)

   hanapin ang pamilya ng Lola upang maiuwi

d)

tanungin ang matanda kung alam ba niya kung saan siya nakatira

19.

Dumaan ang malakas na bagyo sa inyong lugar. Nagtutulungan ang buong pamayanan sa paglilinis sa mga nasirang gamit. Ano ang maari mong gawin?

a)

manood lamang

b)

sumali sa paglilinis

c)

manatili sa kuwarto                

d)

i-post ito sa social media

20.

May nagpapakain ng libre sa mga batang lansangan. Paano ka tutulong?

a)

umuwi lamang

b)

makikain kasama ng mga bata

c)

tumulong sa paghahanda ng pagkain

d)

kumain ng mas marami sa magpapakain

21.

Ano ang tawag sa pagbibigay ng tulong ng kusang loob, walang kapalit at pakikipagtulungan sa kapuwa?

a)

Kakitanlang Pansibiko  

b)

Kaligayahang Pansibiko

c)

Kagalingang Pansibiko  

d)

Kalinangang Pansibiko

22.

Bakit kailangan ang pagkakaroon ng matibay na kagalingang pansibiko bilang kasapi ng isang lipunan?

a)

  Dahil tumutulong ito sa pagbuo ng sarili sa isang maayos na lipunan.

b)

  Dahil tumutulong ito sa pagiging makasarili sa isang masaganang lipunan.

c)

Dahil tumutulong ito sa pagbuo ng pagkakaisa sa isang malakas na lipunan.

d)

Dahil tumutulong ito sa pagtitiyak na ang mga mamamayan sa isang lipunan ay tunay na malaya, nagsasarili, at kontento sa kanilang pamunuan.

23.

Kung tayo ay palaging magtutulungan, ano ang epekto nito sa ating pamahalaan?

a)

   naging matibay ang ating pamahalaan

b)

naging panatag an gating pamahalaan

c)

  naging mas marami ang kailangang tulungan ng ating pamahalaan

d)

naging mas malawak ang tulong na maiaabot ng mga ahensya ng gobyerno

24.

Paano mo mapapahalagahan ang mga kagalingang pansibiko?

a)

walang gawin

b)

maghintay sa nakatatanda kung ano dapat gawin

c)

  gagamitin nang tama, nararapat, kagalang-galang at may respeto sa aking sarili at sa mga taong nasa paligid ko

d)

wala sa nabanggit

25.

Bakit mahalagang makilahok sa mga gawaing pansibiko ang bawat isa bilang kabahagi ng bansa?

a)

Para makatulong sa mas maganda at mas maayos na komunidad.

b)

Upang magdulot ng kasiyahan, hindi lamang sa iyo kundi sa lahat ng tao sa komunidad.

c)

Upang magkaroon ng mas matibay na relasyon at pakikipagkaibigan sa mga kasama sa komunidad.

d)

Lahat ng nabanggit.

26.

  Ano ang tawag sa mga gawain ng mabubuting mamamayan sa isang demokratikong pamahalaan?

a)

Gawaing Pansibiko

b)

Kamalayang Pansibiko

c)

Kagalingang Pansibiko           

d)

Lahat ng nabanggit

27.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing pansibiko?

a)

  Pagbibigay ng mga ambag/kontribusyon.

b)

Sumusulat ng mga di kanais-nais na salita sa pader.

c)

Sumasali sa mga proyekto para sa kagandahan at kalinisan ng pamayanan.

d)

Panonood, pakikinig, at pagbabasa ng mga balita, at pangyayari sa kapaligiran.

28.

Masayang nakilahok si Marie sa paglilinis sa harap ng kanilang bahay dahil sa panawagan ng programa ng Barangay na “Tapat Ko, Linis Ko”. Anong paglilingkod ito?

a)

pagmamahal sa bayan  

b)

paggalang sa watawat

c)

pagtatanggol sa bansa

d)

pakikipagtulungan sa pamahalaan

29.

Alin sa sumusunod ang katangian ng isang matalinong mamimili?

a)

pinipili ang tamang panahon  

b)

nagmamasid sa kalidad ng produkto

c)

namimili sa kalidad ng produkto      

d)

lahat ay tama

30.

Ano ang palatandaan ng isang tamang saloobin sa paggawa?

a)

kabutihan sa trabaho

b)

pakikitungo sa kapwa manggagawa

c)

kasipagan sa paggawa

d)

lahat ay tama