NEW
Font size
WorksheetsMASTERY TEST-EL FILI
Total questions: 48
Worksheet time: 24mins
Ang pangyayaring tumukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang El Filibusterismo.
Higit na naging madali para kay Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo kaysa Noli Me Tangere.
Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris ay nagbigay-inspirasyon sa kanya upang tapusin ang nobela.
Nalalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal habang isinusulat niya ang nobelang ito.
Mas maraming pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, o hindi isinama ni Rizal sa Noli kaysa sa mga pahinang hindi niya isinama sa El Fili.
Ang pangyayaring nagtulak kay Rizal upang isulat ang El Filibusterismo.
Ang pagpapakasal ni Leonor Rivera sa iba
Nang talikuran siya ng kanyang mga kaibigan sa La Solidaridad
Maraming mga Pilipino ang nag-udyok sa kanya na isulat ang El Fili.
Ang pangyayaring malagim at kalunos-lunos na nasaksihan niya, ang pagbitay ng tatlong paring martir.
Ang layunin ni Rizal sa pagsulat ng El Filibusterismo.
Ipaliwanag ang kahulugan ng Filibustero.
Isiwalat ang mga suliraning kinaharap ng bansa.
Ipinakita ang paglaban ng mga Pilipino dahil sa pagbitay ng tatlong pari.
Imulat ang isipan at damdamin ng mga Pilipino laban sa pang-aapi at pang-aabuso ng mga Kastila.
Isa sa mga suliraning naranasan ni Rizal habang isinulat ang El Fili na muntik na siyang sumuko.
Iniwan siya ng kanyang kasintahan.
Nakaranas siya ng suliranin sa pananalapi.
Bumagsak siya sa kanyang pag-aaral ng medisina.
Pinagbawalan siya ng kanyang mga kaibigan sa samahan.
Sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo sa Calamba Laguna, ipinagpatuloy ito sa Madrid, Paris, at Brussels at sa bansang ito tinapos niya ang buong manuskrito.
Ghent, Belgium
Biarritz, France
Hongkong, China
London, Englatera
Ang naghimok kay Rizal na lisanin ang Pilipinas.
Emilio Terero
Jose Alejandro
Valentin Ventura
Ferdinand Blumentritt
Sa taong ito, sinimulan ni Rizal ang kanyang ikalawang nobelang El Filibusterismo.
1897
1887
1987
1997
Natapos at nakumpleto niya ang buong nobela.
1981
1881
1891
1991
Ang itinuturing ni Rizal na tagapagligtas ng El Filibusterismo.
Mariano Ponce
Valentin Ventura
Marcelo H. Del Pilar
Ferdinand Blumentritt
Mula sa France lumipat siya sa ibang bansa para tutukan ang pagsulat ng El Filibusterismo.
Brazil
Belgium
Englatera
Espanya
Tinatawag na filibustero ang mga Pilipino sa panahon ng mga Kastila.
Katulong
mahirap
mangmang
rebelde
Ang orihinal na sipi ay ipinadala niya sa kanyang kaibigan.
aklat
bolyum
kopya
sulat
Naudlot ang pagpapalimbag ng ikalawang aklat ni Rizal.
Nahinto
Natagalan
Natapos
Nasimulan
Nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling pagsisikap. Sa pamamagitan ng tauhang ito ay ipinakita ni Rizal na ang kahirapan, ang pagkakaroon ng iresponsableng magulang, ang pinagmulan ay hindi hadlang sa pagkamit ng mga pangarap sa buhay, isang tauhan na biktima rin ng pagkakataon.
Basilio
Crispin
Isagani
Placido
Ang tauhang ginamit ni Rizal upang ilarawan ang naging suliranin at karanasan ng mga magsasakang Pilipino noon. Isang tauhang naging radikal dahil sa kaapihang tinamo mula sa kamay ng mga mananakop.
Basilio
Kabesang Tales
Tandang Selo
Simoun
Isang tauhan na mapanulsol at makasarili, sa halip na hadlangan ang kasamaan, ito ay kanyang inudyukan.
Donya Victorina
Kabesang Tales
Prayle
Simuon
Tauhang ginamit ni Rizal upang ipakita ang pagkadismaya ng mga Pilipino sa pamamaraan at sistema ng edukasyon noon kanyang kapanahunan.
Isagani
Juanito
Pecson
Placido
Isang paring Dominiko na mabuting pilosopo at bantog sa husay ng pakikipagtalo at makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon ng bansa.
Padre Camorra
Padre Millon
Padre Salvi
Padre Sibyla
Ang pangyayaring ito ay nagsasaad ng pagkamakatotohanan.
Ang ulo ay maaaring makapagsalita tulad ni Imuthis.
Ginagalang ni Padre Camorra ang mga kababaihan.
Ang kahirapan ay hindi naging hadlang kay Basilio para
makapag- aral.
Tumulong si Ginoong Pasta sa pagkakaroon ng Akademiya ng Wikang Kastila.
Ang katotohanang nais ilantad ni Rizal hinggil sa hindi na dapat ang pag-aantanda kapag marumi na ang agua bendita.
Walang bisa ang agua bendita kapag marumi na.
Parang kinikitil na ang buhay sa ganitong paniniwala
Hindi na pantay ang biyayang matatanggap kapag marumi na ang agua bendita.
Maaaring may gumamit na sa agua bendita na may nakahahawang sakit at ito ay makahawa pa.
Ang ginawang pang-iinsulto ng gurong si Padre Millon sa kanyang estudyanteng si Placido Penitente na naging dahilan upang ang huli ay mawalan ng ganang mag-aral.
Tao laban sa Tao
Tao laban sa Sarili
Tao laban sa Lipunan
Tao laban sa Kapaligiran
Ang kabiguan at kasawian ni Kabesang Tales ay dulot ng mga prayle at ng pamahalaan.
Tao laban sa Tao
Tao laban sa Sarili
Tao laban sa Lipunan
Tao laban sa Kapaligiran
Ang takot at pagkahimatay ni Padre Salvi sa salaysay ni Imuthis na may kaugnayan sa kanyang nakaraan.
Tao laban sa Tao
Tao laban sa Sarili
Tao laban sa Lipunan
Tao laban sa Kapaligiran
“Ang mga tapat na loob at ang mga karapat-dapat ay kailangang magtiis upang ang kanilang adhika’y makikilala, lumaganap at kailangang pingkiin ang bato upang magbigay ningas.”
Ang taong may pangarap ay taong may prinsipyo.
Kailangang maghirap muna para makamit ang nais.
Dapat panindigan ang mithiin at ituon ang pansin sa tagumpay nito.
Kahanga-hanga ang taong may paninindigan sa kanyang mgagawain.
“Biktima ng isang pamahalaang masama naglagalag ako”, ang turan ni Simoun.
Magulo
Masalimuot
Lubhang mapaniil
Katamtamang mahigpit
“Ang kabaitan ay di tulad ng mga brilyante na maisasalin sa iba. Ito ay likas sa tao.”
Likas sa tao ang kabaitan.
Hindi naibibigay ang ugali ng isang tao.
Ang kabaitan ay tulad ng isang brilyante.
Ang ugali ay yaman ng tao na maaaring ipamana sa iba
“Sa isang utos ng pamahalaan, maaaring maipabilanggo ang ama, asawa o kapatid.”
Mahilig manakot ang pamahalaan.
Makapangyarihan ang pamahalaan.
Nagbubulag-bulagan ang pamahalaan.
Natatakot ang ama, asawa o kapatid sa pamahalaan.
“Ang sabi ng ilan, ang magnanakaw ay maaaring Espanyol, ayon sa iba, Tsino, ang iba naman, Indiyo.”
Hindi mabuti ang kumuha ng pag-aari ng iba.
Lahat ay maaaring mapaghinalaang magnanakaw.
Hindi alam kung kailan darating ang magnanakaw.
Sila lang ang magnanakaw, ang ibang lahi ay hindi.
“Malapit na ang araw, at sa pagbubukang liwayway ay ako na rin ang magbabalita sa inyo”, wika ni Simoun
Mamatay na siya
Tutulungan niya si Basilio
Magbabago siya ng pasya
Magiging malaya ang bansa
“Kung ako po’y magkakaroon ng uban na katulad niyan, at wala akong nagawa kundi ang ukol lamang sa sarili, ang bawat uban ay magiging tinik at hindi ko sila ipagkakapuri, bagkus ay aking ikahihiya”,
ayon kay Isagani.
Walang silbi ang iyong mga uban kung itoy iyong ikakahiya.
Ang pagkakaron ng maraming uban ay tinik na dapat ikahiya.
Walang silbi ang pagtanda kung wala kang nagawa para sa bayan.
Ang pagkakaroon ng maraming uban ay tanda ng halaga ng isang tao.
Maraming tao ang nagsisimba sa misa de gallo.
Simbang gabi
Misa para sa pasko
Misa para sa patay
Simba ng mga katoliko
Kailangan may bongo de copa sa ulo upang makaiwas sa matinding init ng panahon.
bandana
payong
putong
salakot
Nang dumating si Basilio sa San Diego ay kasalukuyang inilibot ang prusisyon ng Noche Buena. Nandoon ang tatlong Haring Mago na nakasakay ng mga kabayong dumaramba.
pagdiriwang ng Pasko
pagpapahalaga sa tatlong hari
paniniwala ng mga Pilipino sa Diyos
pagsunod ng mga paniniwala ng mga Espanyol
Palihim na pumanaog si Basilio at pumunta sa matandang kagubatan. Sa harap ng isang bunbon ng mga bato, inalis ang sombrero at nagdasal dahil iyon ang libingan ng kanyang mahal na ina.
pagdalaw sa yumaong mahal sa buhay
pagpapakita ng pagmamahal sa yumaong mahal sa buhay
pagpapakita ng paggalang sa isang yumaong tao kahit patay na
pagtanaw ng utang na loob sa isang taong nagbigay ng buhay sa kanya
Nakita ni Basilio si Juanito sakay ng isang magandang karwahe sa piling ng isang babaeng nakadamit pangkasal.
pagpapakasal ng dalawang tao
masayang pagdiriwang ng pista
magkaroon ng marangyang handaan sa kaarawan
mainit ng pagtanggap ng bisita sa pamamagitan ng pagkaroon ng piging
Marami ang nanonood ng palabas sa dulaang Variedades ngunit hindi nagbigay ng magagandang komento.
Ayaw umalis ang
nang-agaw ng upuan.
Hindi sila nasiyahan sa pagtatanghal.
Gumagawa na ang tao ng sariling palabas.
Dahil sa isang lalaking basta na lamang naupo sa hindi niya luklukan.
Ikawalo na ng gabi ngunit hindi agad makapagsimula ang palabas kahit puno na ng tao ang teatro.
Wala pa silang gana para magsimula.
Hinihintay ang takdang oras ng pagsisimula.
Maiingay pa ang mga tao at hinihintay lamang na tumahimik ang lahat.
Makapangyarihan ang Kapitan-Heneral at kailangang hintayin siya bago magsimula.
Natuklasan ni Basilio ang pinakaiingatang lihim ni Simoun.
Paghuhubad ng maskara
Lahat ng tao ay may lihim
Walang lihim ang hindi nabubunyag.
Ang pagbabalat kayo ay hindi magtatagal.
Ang paggamit ni Kabesang Tales sa kanyang kalayaang pumili ayon sa kanyang kagustuhan anuman ang bunga nito.
Eksistensyalismo
Humanismo
Klasismo
Realismo
Walang kamatayan ang pag-ibig ni Simoun sa kanyang kasintahang si Maria Clara. Labintatlong taon siyang nagtiis at nagpunyagi upang makabalik at mailigtas ang dalaga sa kaawa-awang kalagayan niya.
Eksistensyalismo
Humanismo
Realismo
Romantisismo
Ang kadakilaang ginawa ni Huli para kay Basilio at sa pamilya.
Eksistensyalismo
Humanismo
Realismo
Romantisismo
Naipakita ni Simoun ang totoong buhay at kalagayan ng lipunan noon -- walang kalayaan; mailap ang katarungan sa mga api; sadlak sa kahirapan ang karamihang Indio; ipinagkait ang wastong paraan ng pagtuturo; marahas ang mga nasa pamunuan; laganap ang bisyo; at tiwali ang mga namumuno.
Eksistensyalismo
Humanismo
Klasismo
Realismo
“Ayokong maging kaaway ng mga prayle, kaya pinilit ko siyang humanap ng salaping pambayad ng kanyang utang sa akin”, wika ni Hermana Penchang.
pagkaawa
pagkatakot
pagkabigla
pagkagalit
Labag sa kalooban ni Huli ang humingi ng tulong sa kanilang kura dahil hindi pa rin nawala sa kanyang isipan ang ginawang pagtatangka nito sa kanya at alam niya kung gaano ito ka sama.
pagkaawa
pagkatakot
pagkamuhi
pagkukunwari
Mga malulungkot at kakila-kilabot na panaginip gumambala kay Huli sa kanyang pagtulog.
Nagising siya na pinagpapawisan nang malamig.
pag-aalala
pagkapoot
pagkamuhi
pagkapagod
Piliin ang pahayag na naghahambing.
Kinausap ni Camaroncocido si Tiyo Kiko.
Si Camaroncocido ay nagdidikit ng kartelon sa dulaan.
Si Camaroncocido ay tulad ng isang agila kung mag-isip.
Nakita ni Camaroncocido ang mga kahina-hinalang tao sa paligid.
Maputi ang katawan ng magandang sumayaw na si Pepay na humihingi ng pabor kay Don Custodio. Ibigay ang ginamit na pang-uri.
maputi
maganda
sumayaw
humihingi
Mabagal na naglalayag ang Bapor Tabo sa mababaw na Ilog Pasig. Ibigay ang ginamit na pang-uri.
Mabagal
Naglalayag
mababaw
Ilog Pasig
