wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga Kontemporaryong Isyu

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod na pahayag ang higit na makatutulong sa paglutas ng mga suliraning panlipunan?

a)

  Laging bantayan ang mga ulat sa bayan upang makasali sa iba’t ibang welga.

b)

Pumunta sa ibang bansa upang doon sanayin ang kasanayan sa ibang larang.

c)

Dapat maging bukas ang kaisipan ng bawat mamamayan sa mga isyung panlipunan.

d)

Kailangang sumunod sa batas ang mga mamamayan gaya ng pagbabayad ng tamang buwis. 

2.

Alin sa dalawang pahayag ang nagsasaad ng PINAKAANGKOP na konsepto?

A. Ang hindi tuwirang pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa lipunang kinabibilangan ay magdudulot ng kapakinabangan sa pagbuo ng isang maayos, sistematiko at organisadong lipunan.

B. Ang bawat indibidwal ay may katayuan sa lipunang kinabibilangan at ang katayuang ito ay may kaukulang gampanin o tungkulin sa pagpapatakbo ng maayos na lipunan.

a)

Tama ang nilalaman ng pahayag 1 at 2.

b)

Tama ang nilalaman ng pahayag 1 at mali ang pahayag 2.

c)

Mali ang nilalaman ng pahayag 1 at tama naman ang pahayag 2.

d)

Mali ang nilalaman ng pahayag 1 at 2.

3.

Noong 1992, isinabatas ang Republic Act No. 7586 o ang National Integrated Protected Areas System (NIPAS). Alin sa sumusunod ang HINDI kasama sa mga layunin nito? 

a)

pangangalaga sa pagpapanatili ng mga puno

b)

rehabilitasyon ng malaking bahagi ng kagubatan

c)

pangangalaga sa mga taong nakatira malapit sa gubat

d)

pangangalaga sa protected areas mula sa pang-aabuso 

4.

Isa sa mga maituturing na isyung pangkapaligiran ang naranasan sa Villa, Aurora nang magkaroon ng pagguho ng lupa rito na naging dahilan ng pagkasira ng daan at ilang tahanan; patunay na ito ay epekto ng unti-unting pagkaubos ng mga puno sa kagubatan gawa ng illegal logging at pagkakaingin. Alin sa sumusunod ang PINAKAMABISANG hakbang na maaari mong gawin upang mapigilan ang suliraning ito?

a)

Batikusin ang pamahalaan at iba’t ibang lider sa mga maling gawain at pagpapahintulot sa pagpuputol ng puno.

b)

  Magbigay ng tulong gaya ng pagkain, damit at tubig para sa mga biktima ng ganitong uri ng trahedya at suliraning pangkapaligiran. 

c)

Sumali sa iba’t ibang programang may kinalaman sa pagpapanatili ng maayos na kapaligiran gaya ng clean-up drive program at tree planting.

d)

Mag-post sa social media ng mga larawan at ipahayag ang mga saloobin hinggil sa isyung may kinalaman sa kapaligran upang makakuha ng maraming suporta.   

5.

Maraming dahilan kung bakit hindi natatapos ang problema ng bansa hinggil sa hindi tamang pagtatapon ng basura dahil sa patuloy na kawalan ng disiplina ng ilang mamamayan. Alin sa sumusunod na mga gawain ang HINDI kabilang sa mga ito?

a)

pagsusunog ng mga plastik, gulong at goma sa mga bakuran

b)

paggawa ng compost pit at tamang segregasyon ng mga basura

c)

hindi pagreresiklo ng mga basura upang magamit pa sa ibang bagay

d)

pagtatapon ng basura sa mga kanal, estero, bakanteng lote, ilog at iba pang mga pampublikong lugar

6.

Bilang isang kabataan, alin sa sumusunod ang PINAKAMAINAM na dapat mong gawin upang makatulong sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang mabawasan ang mga suliraning pangkapaligiran?

a)

pagkakaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura

b)

  pagsunod sa mga alintuntuning itinatakda ng ating pamahalaan

c)

  pakikiisa sa mga gawaing panlipunan na makatutulong sa pagsasaayos ng kapaligiran

d)

pagiging huwarang kabataan na nakikisangkot sa mga gawaing panlipunang makatutulong sa pagsasaayos ng iyong kapaligiran

7.

  Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan na hindi sila ligtas sa panahon ng sakuna at kalamidad? 

a)

upang mapabilang sila sa listahan ng mga maaaring maging biktima

b)

upang maitala na sila ay kabilang sa mga mahihirap na mamamayan

c)

upang mas marami silang tulong na matatanggap sa pamahalaan at pribadong sektor

d)

upang makapaghanda at maiwasan ang maraming pinsala sa buhay, ari-arian at sa kalikasan

8.

Mahalaga ang aktibong pakikilahok ng iba’t ibang sektor ng lipunan sa pagharap sa banta ng kalamidad upang __________.

a)

maraming makaalam sa parating na kalamidad

b)

mapagtulong-tulungan na mapaghandaan at maiwasan ang anumang dulot na kapahamakan

c)

  mabigyan ng agarang solusyon ang mga maaaring maapektuhan ng kalamidad

d)

  malimitahan ang pagkilos ng mga mamamayang nais tumulong upang mapagaan ang gawain ng pamahalaan

9.

  Ano-anong aspekto ang naaapektuhan ng mga kalamidad na nararanasan sa Pilipinas? 

a)

kalusugan, kabuhayan, at kalikasan

b)

kabuhayan, kalakalan, at kalusugan 

c)

kalakalan, kapayapaan, at kalikasan 

d)

kapayapaan, kabuhayan, at kultura

10.

  Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dahilan kung bakit kailangang aksyonan ng kinauukulan ang lumalalang isyu ng pagbaha?

a)

Maraming hanapbuhay ng pamilya ang maaantala.

b)

Magdudulot ito nang maraming sakit sa mga mamamayang apektado ng baha.

c)

Makatutulong ito upang masuplayan ng tubig ang ilang taniman

d)

  Maaaring magkaroon ng kakulangan sa suplay ng tubig at pagkain sa lugar.  

11.

Bilang isang mamamayang disiplinado at may kooperasyon sa inyong lugar, alin sa mga pahayag ang HINDI mo dapat gawin upang maiwasan ang pagbaha? 

a)

Panatilihing maayos ang pagtatapon ng basura gaya ng paghihiwahiwalay ng mga nabubulok at hindi nabubulok.

b)

Magtanim ng mga puno sa bakuran o sumama sa mga tree planting program ng barangay.

c)

Makisangkot sa mga gawaing pangkomunidad na may kinalaman sa pagsasaayos ng kapaligiran gaya ng community service o paglilinis.

d)

Magmasid sa komunidad at hayaaan ang mga hindi sumusunod sa tamang disiplina sa pagtatapon ng basura.

12.

Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng Top-Down Approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?  

a)

Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non-Government Organization (NGO), ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.  

b)

Ipinatawag ni Kapitan Capin ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.

c)

Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.  

d)

  Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad.

13.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng community engagement o kolaborasyon sa pamayanan at iba pang katuwang na sektor? 

a)

Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo. 

b)

Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mamamayan.

c)

Malaki ang posibilidad na maging matagumpay ang proyekto kapag pinagplanuhan. 

d)

Mas magiging komprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito ng iba’t ibang sektor.   

14.

Sa pagbuo ng CBDRRM Plan, ano ang PINAKAMABISA mong nararapat gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging handa sa pagdating ng iba’t ibang panganib at kalamidad? 

a)

Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan.

b)

Magsagawa ng personal plan matugunan ang pangangailangan ng lipunan.

c)

Makibahagi sa gawaing panrehabilitasyon at tulungan ang mga naapektuhan.

d)

Magkaroon ng planong pampinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao.

15.

“Ang globalisasyon ay laganap na noon pa man at naging mas malawak sa kasalukuyang panahon.” Ang mahihinuha natin sa pahayag na ito ay _______.

a)

ugnayan ng mga bansa sa daigdig na walang pagitan o hadlang 

b)

suliraning panlipunan na pumipigil sa kaunlaran ng mga bansa sa daigdig

c)

bagong anyo ng malayang kalakalan, pagpapalitan ng produkto, impormasyon at tao, dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon

d)

isyung panlipunan na tumatalakay sa pamahalaan, ekonomiya, relihiyon, teknolohiya, kapaligiran, komunikasyon at kultura ng mga bansa sa daigdig 

16.

Alin sa dalawang pahayag ang nagsasaad ng PINAKAANGKOP na konsepto ng globalisasyon? 

I.      Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.

II.    Ang globalisasyon ay may iba’t ibang pagkakakilanlan tulad ng ekonomiko, teknolohikal, sosyo-kultural at politikal.

a)

Tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

b)

Tama ang nilalaman ng una at mali ang ikalawang pahayag.

c)

Mali ang nilalaman ng una at tama ang ikalawang pahayag.

d)

Mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

17.

Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagsasaad ng dahilan sa pagusbong ng globalisasyon?

a)

pagpapalitan ng impormasyon at teknolohiya at paggalaw ng mga tao dulot ng migrasyon

b)

pagbaba ng sahod ng mga manggagawa at pagdami ng mga taong walang trabaho dahil nalulugi ang maliliit na negosyo

c)

pagbuti ng mga lokal na kompanya sa presyo at kalidad ng serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga banyagang kompanya

d)

paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan ng materyales na ginagamit dito

18.

Bilang tugon sa suliraning nararanasan ng mga manggagawa, mayroon silang karapatang hindi dapat malabag upang masabi na sila ay may disente at marangal na hanapbuhay. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga karapatan ng manggagawa?

a)

Karapatan sa pantay na suweldo para sa parehong trabaho.

b)

Karapatang sumali sa marahas at mapanganib na uri ng unyon.

c)

Karapatang maging ligtas at malayo sa panganib ang kalagayan ng pagtatrabaho.

d)

Karapatan na makatanggap ng sapat at karapat-dapat na suweldo para sa makataong pamumuhay. 

19.

Halos mapudpod na ang sapatos ni Justin sa paghahanap ng trabaho ngunit hindi pa rin siya natatanggap. Maraming job fair na rin ang kaniyang pinuntahan ngunit bigo siyang makakuha ng trabaho. Bakit kaya ito nangyayari kay Justin? 

a)

Kulang pa ang kaniyang lakas ng loob. 

b)

Kulang siya sa aspekto ng personal relations kaya hindi siya nagugustuhan.

c)

Hindi kaaya-aya ang kaniyang pisikal na kaanyuan kaya hindi siya natatanggap sa trabaho.

d)

Biktima si Justin ng job mismatch kung saan hindi tugma ang kaniyang kakayahan at kasanayan na hinahanap ng mga kompanya.

20.

  Ayon sa tala ng Department of Labor and Employment (DOLE), maraming job fairs noong 2010 ngunit kakaunti lamang ang mga natanggap na kalipikadong aplikante mula sa maraming bilang ng mga nag-apply. Alin ang HINDI angkop na dahilan nito?

a)

Ang mga aplikante ay hindi interesado sa mga trabaho sa bansa. 

b)

Kapansin-pansin ang patuloy na paglaki ng bilang ng job skills mismatch ng mga aplikante sa bansa.

c)

Mayroong patuloy na mismatch sa kasanayan at kakayahan mula sa tinapos na kurso at sa hinihinging kalipikasyon ng mga employer.

d)

Maraming kurso sa Higher Education Institutions sa bansa ang hindi na tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na nagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng mga manggagawa.