NEW
Font size
WorksheetsQ3 Aralin 2 Quiz 2
Total questions: 20
Worksheet time: 40mins
Ang mga sumusunod ay kabilang sa primitibong pangkat ng Papua New
Guinea maliban sa isa. Alin dito?
Abelian
Arapesh
Mundugumor
Tchambuli
Anong primitibong pangkat sa Papua New Guinea na ang babae at lalaki ay parehong maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak?
Abelian
Arapesh
Mundugumor
Tchambuli
Anong primitibong pangkat sa Papua New Guinea na tinatawag din na Chambri?
Abelian
Arapesh
Mundugumor
Tchambuli
Alin sa primitibong pangkat na ito,ang mga babae at lalaki ay kapwa
matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o
posisyon sa kanilang pangkat.
Abelian
Arapesh
Mundugumor
Tchambuli
Ayon sa World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan
(bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensya ng tradisyon ng lipunang ginagalawan. Ano kaya ang layunin ng gawaing ito?
Mapanatili ang hugis ng katawan ng babae hanggang siya ay
maikasal.
Mapanatili na walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay
maikasal.
Mapanatili ang kalinisan ng katawan ng babae hanggang siya ay
maikasal.
Mapanatili ang kalusugan ng katawan ng babae hanggang siya ay
maikasal.
Ano ang ibig ipahiwatig ng talahanayan sa ibaba?
Lalaki lamang ang pwedeng bumuto noong unang panahon.
Matagal natamasa ng mga kababaihan ang kanilang kalayaang
bumuto.
Walang karapatang bumuto ang mga kababaihan noong unang
panahon.
Hindi pantay ang karapatan ng mga kalalakihan at kababaihan noong
unang panahon.
Maraming mga nararanasang karahasan at diskriminasyon hindi lamang ang mga LGBT kundi pati na rin ang mga kababaihan at kalalakihan. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga pangha-harass maliban sa isa. Alin dito?
Pagkukumpara
Pagbabanta at paninigaw
Panghihipo o paghawak sa bahagi ng katawan nito
Panghihiya at panghahamak ng mga tao dahil sa kanilang kasarian.
Sa kasaysayan ng Pilipinas, ipinapakita na ang asawang lalaki ang
nagsisilbing haligi ng tahanan. Siya ang inaasahang bumuhay sa kanyang
pamilya. Samatalang ang asawang babae naman ang nagsisilbing ilaw ng
tahanan. Siya ang gumagawa sa gawaing bahay at nag-aaruga sa mga anak. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
May karahasan na sa kababaihan at kalalakihan.
May diskriminasyon na sa kababaihan at kalalakihan.
May mataas na pagtingin sa mga kalalakihan kaysa sa kababaihan sa
lipunan.
May nakatalaga ng papel na ginagampanan ang kalalakihan at
kababaihan sa loob ng tahanan.
Sa kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas, ay maraming pagsulong ang
inilunsad na naging daan sa pag-usbong ng kamalayan ng Pilipinong
LGBT. Maraming mga grupo ang naitatag tulad ng Lesbian Collective,
ProGay Philippines, at ang Ladlad na naging politikal na partido pero
hindi pinayagan ng COMELEC na tumakbo sa halalan 2010. Ano kaya ang
dahilan nito?
Dahil sa pinunong partido
Dahil sa basehang moralidad ng partido
Dahil sa kakulangan ng pondo ng partido.
Dahil sa kakulangan ng dokumento ng partido.
Sa anong dekada umusbong ang Philippine Gay Culture sa Pilipinas?
Dekada 50
Dekada 60
Dekada 70
Dekada 80
Ang sumulat ng A Different Love: Being Gay in the Philippines.
Emelda Driscoll
Margaret Mead
Margaretta Go-Singco Holmes
Reo Fortune
Ang Ladlad ay isang partido politikal na itinatag noong Setyembre 21,
2003? Sino ang nagtatag nito?
Danton Remoto
Neil Garcia
Reo Furtune
Anderson Cooper
Sa anong dekada na pinaniniwalaang nagsimula ang LGBT movement sa
Pilipinas?
Dekada 60
Dekada 70
Dekada 80
Dekada 90
Ang pinakamataas na uring timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki. Isa sa patunay nito ay ang pagkakaroon ng binukot at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Sa anong kultura ito makikita ang pagkakaroon ng binukot?
Ifugao
Ivatan
Kalinga
Panay
Sa kasaysayan, sa anumang lipunan sa daigdig, lalaki ang karaniwang
inaasahang bumubuhay sa kanilang pamilya. Anong panahon kung saan nag-ugat na ang mga kalalakihan ay mangangaso at nangangalap ng pagkain para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya?
Panahong Paleolitiko
Panahong Neolitiko
Panahong Bronze
Panahon ng Metal
Dumating ang mga Hapones sa Pilipinas noong pagsiklab ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga hapones. Ano ang ipinapakita nito?
Ang mga babae ay magaling sa digmaan.
Kayang gawin ng babae ang ginagawa ng lalaki.
Pantay ang karapatan ng babae at lalaki tuwing digmaan lamang.
Nagpapakita ng pagmamahal sa bayan ang mga kababaihan noong
panahon ng Hapones sa Pilipinas.
Anong primitibong pangkat sa Papua New Guinea na ang babae at lalaki ay parehong maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak?
Abelian
Arapesh
Mundugumor
Tchambuli
Ang Babaylan ay isang lider-ispirituwal na may tungkuling panrelihiyon
at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman.
Tama ang pahayag
Mali ang pahayag
Ang asog sa Visayas ay isang halimbawa ng Babaylan na hindi
lamang nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo ring babae upang ang
kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng mga espiritu.
Tama ang pahayag
Mali ang pahayag
Ang Female Genital Mutilation o FMG ay isang proseso ng pagbabago sa
ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal.
Tama ang pahayag
Mali ang pahayag
