NEW
Font size
WorksheetsAP10 Reviewer Summative Test #2_2nd Qtr
Total questions: 20
Worksheet time: 9mins
Ang “Guarded Globalization “ ay ang pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang – proteksyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante Aling pangungusap ang nagpapatotoo dito?
Pagpapataw ng buwis o taripa sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa labas ng bansa upang tumaas ang halaga nito kumpara sa presyo ng mga produktong lokal
Pagpapataw ng buwis o taripa sa lahat ng podukto at serbisyong nagmumula sa lokal na namumuhunan upang tumaas ang presyo ng kanilang produkto ng sa gayon ay lumaki ang kanilang kita
Pagpapataw ng buwis o taripa sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa labas ng bansa at lokal na pamilihan ng tumaas ang kita ng pamahalaan
Malayang makapasok ang mga kalakal na nagmumula sa labas ng bansa upang magkaroon ng pantay na kompetisyon ang dayuhang kalakal sa lokal na pamilihan
Ang pagkabuo at pagkatatag ng mga samahang panrehiyon at pandaigdig ay nagdulot ng mabilis at malawak na ugnayan ng nagkakaisang mga bansa. Anong aspekto ang inilalarawan nito?
Globalisasyong Ekonomiko
Globalisasyong Politikal
Globalisasyong Sosyo-kultural
Globalisasyong Teknolohikal
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal company) ay kumokontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon?
Iskemang Subcontracting
Unemployment
Brawn Drain
Kontraktwalisasyon
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa mga tao na may edad 15 pataas na may sapat na lakas, kasanayan at maturidad upang makilahok sa gawaing may layuning lumikha ng produkto o magbigay ng serbisyo?
Lakas Paggawa
Produksyon
Trabahador
Overseas Filipino Worker
Alin sa sumusunod ang itinuturing na bibliya ng mga manggagawa sa Pilipinas?
Civil Code
Labor Code
Revised Penal Code
Hammurabi Code
Ito ay ang pag-alis o migrasyon ng mga propesyonal na manggagawa papunta sa ibang bansa upang ipraktis ang kanyang pinag-aralan at espesyalisasyon.
Brawn Drain
Brain Drain
Contractualization
Underemployment
Alin sa sumusunod ang HINDI naging epekto ng globalisasyon sa sanlibutan?
Paglalapit ng relasyon ng mga bansa
Pagpapalitan ng kalakal at kultura
Pagtutulungan sa paglutas ng suliranin
Pagsasarili ng mga mahihirap na bansa
Ikaw ay isang miyembro ng lipunan, nakikita mo ang epekto ng globalisasyon sa politika, ekonomiya, teknolohiya at kultura. Ano ang iyong magiging tugon?
Gawing hamon sa buhay ang mabuti at masamang epekto ng globalisasyon.
Ipagkibit balikat ang mabuting dulot ng globalisasyon.
I-post sa social media ang damdamin tungkol sa epekto ng globalisasyon.
Palawakin at linangin ang mabuting epekto ng globalisasyon.
Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang sumasalungat sa pahayag?
Ang tinatanggap na sahod ng Tatay ni Emman ay hindi nakasasapat sa gastusin ng pamilya sa loob ng isang buwan.
Dahil sa tinanggap na bonus ni Francine ay nakabili siya ng bagong modelo ng cellphone.
Pagkatapos ng 5 buwan ay naghahanap ng trabaho si Mariano upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Hindi natatanggap sa trabaho si Angel dahil hindi sapat ang kanyang kwalipikasyon sa inaplayang trabaho.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapahiwatig ng epekto ng mga hamon sa paggawa sa mga manggagawang Pilipino?
Pangingibang-bansa ng kababaihan upang magtrabaho
Pagtaas ng antas ng mga may trabaho sa bansa
Pagiging globally competitive ng mga manggagawang Pilipino
Pagwawakas ng sistemang endo o contractualization
Ang lahat ay di- mabuting naidulot ng globalisasyon sa sector ng agrikultura MALIBAN sa_____
Ang ating pamahalaan ay nagbigay pahintulot sa pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga subdibisyon, malls, pabrika,pagawaan mula sa TNCs.
Ang mga lupang sakahan ay patuloy na lumiliit bunsod ng patuloy na paglaganap ng iba’t ibang industriya sa bansa
Pagdami ng bilang ng mga nawalan ng hanapbuhay sa mga pook rural dahil sa pagliit ng lupang salahan
Pagpasok ng mga makabagong teknolohiya na maaring gamitin ng mga magsasakang Pilipino kapalit ang nakasanayang gawain.
Isa sa mga pagtugon ng ating bansa sa pagbabagong dulot ng globalisasyon sa paggwa ay ang pagbabago n gating kurikulum upang makasabay ang mga mag-aaral na magsispagtapos sa standard na itinakda ng pandaigdigang mamumuhunan. Sa ganitong layunin patuloy pa di ang pagtaas ng porsiyento ng sulirani sa tinatawagna job-mismatch. Ito ay patuloy na nagaganap dahil_________.
Maraming kurso at kolehiyo sa bansa ang hindi tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na nagtatakda
Ang mga mag-aaral ay kuukuha ng kurso sa kolehiyo ng hindi napag-iisipan at napaghahandaan.Madalas ang kursong kanilang kinukuha ay hindi nakabatay sa kanilang kakayahan o skill
Hindi lahat ng nagtapos ng sekondarya ay nakapagpatuloy sa kolehiyo kaia nagiging dahilan ng tinatawag na jo-mismatch
Iba ang nakahiligan ng kabataang Pilipino sa kasalukuyan. Madalas naisasantabi ang kanilang panahon sa pag-aaral na nagiging resulta ng kawalan ng kakayahan.
Ayon sa International Fair Trade Association (IFTA), ang fair Trade ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang ekonomiko at pampolitikang kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Ayon naman sa pananaw ng neo-liberalismo , ito ay nangangahulugang higit na moral at patas na pang- ekonomiyang Sistema sa daigdig. Samakatuwid ang Fair Trade ay mahalaga dahil?
Ito ay nangangalaga sa interes ng namumuhunan at ng pamahalaan
Binibigyang pansin dito ang pangangalaga ng karapatan ng mga nandarayuhan
Ito ay pagbibigay ng sapat na trabaho at ligtas na produkto sa lahat
Ito ay isang sistemang ginawa upang mapakinabangan ng mga umuunlad na bansa.
Ano ang pangunahing salik sa mabilis na pagkalat ng kultura ng isang bansa?
Sulat
Teknolohiya
Telebisyon
Transportasyon
Ang globalisasyon ay hindi palaging positibo ang epekto sa mga tao, lipunan at ekonomiya. Lahat MALIBAN SA ISA ay mga negatibong dulot ng globalisasyon dahil daan ito ng________.
Pagbangon ng bansa sa kahirapan.
Pagkalat ng mga impormasyon sa paggawa ng mga illegal na gawain.
Pagkawala ng pagkakakilanlan ng isang rehiyon o bansa.
Pagnanakaw ng mga importanteng rekord o dokumento ng isang institusyon o “file hacking”.
Ang globalisasyon ay may positibong epekto lamang sa ekonomiya ng bansa.
TAMA
MALI
Ang "Brain Drain" ay tumutukoy sa pag-alis ng mga hindi edukadong manggagawa patungong ibang bansa.
TAMA
MALI
Ang Labor Code ng Pilipinas ay nagbibigay proteksyon sa mga karapatan ng mga manggagawang Pilipino.
TAMA
MALI
Ang Fair Trade ay isang konsepto na nagsusulong ng pantay at makatarungang kalakalan sa pagitan ng mga bansa.
TAMA
MALI
Ang job mismatch ay resulta lamang ng maling pagpili ng kurso ng mga mag-aaral.
TAMA
MALI
