wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 6

Total questions: 50

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.
Madalas na pinapayuhan ka ng iyong mga magulang na pumili ng tamang kaibigan. May mga pagkakataon na gusto mong magdesisyong mag-isa. Susundin mo ba ang iyong mga magulang tungkol sa pagpili ng kaibigan?
a)
Depende sa mga kaibigan na ayaw nila akong pasamahin.
b)
Gagawin ko ang gusto ko kasi ako naman ang pipili ng kaibigan
c)
Pag-iisipan ko muna dahil gusto ko rin kasi ang magdesisyong mag-isa.
d)
Susundin ko. Naniniwala ako na mabuti ang hangad nga lahat ng magulang para sa kanilang anak.
2.
May takdang aralin kang iuulat sa klase. Nakalimutan mong bumili ng manila paper.
a)
Bibili na lang ako ng manila paper sa kantina.
b)
Manghihingi ako sa aking kamag-aral
c)
Hindi na lang ako papasok
d)
Gagamitin ko ang mga lumang manila paper na maari pang sulatan.
3.
Nalukot ng bunso mong kapatid ang limang pahinang ulat na ipapasa mo sa iyong guro. Wala ka ng panahon upang ulitin ito.
a)
Iiyak na lang ako sa guro habang kasama ko ang aking bunsong kapatid na magpaliwanag sa kanya.
b)
Hindi na ako papasok at magpapasa ng ulat
c)
Sabihin sa guro ang sitwasyong nangyari at gagawa nalang ulit
d)
Susuntukin ko ang aking bunsong kapatid
4.
Nasira ang rubber shoes mo. Wala kang magagamit para sa klase mo sa PE
a)
Magpapabili agad sa nanay
b)
Iiyak ako para maawa ang guro ko
c)
Kukunin ko ang sapatos ng kamag-aral ko
d)
Manghihiram muna ako sa aking kapatid o kaib
5.
Umiiyak ang bunso mong kapatid dahil nahulog sa kabilang bakod ang kanyang laruan.
a)
Pagagalitan ang kapatid
b)
Magpapaalam sa kapitbahay at kukunin ang laruan
c)
Hahayaan ang kapatid na pumunta sa kabilang bakod upang siya ang kumuha ng laruan
d)
Iiyak ka na lang din ako
6.
Oras ng recess, inilabas mo ang iyong baon, nang buksan mo nakita mong walang kutsara at tinidor. Malayo ang kantina sa inyong silid-aralan.
a)
Maghuhugas ng kamay at magkakamay na lang
b)
Manghihiram ng ginamit na kutsara ng kamag-aral
c)
Hihintayin ang kamag-aral na pahiramin ka ng kutsara niya.
d)
Hindi ka na lang kakain.
7.
Dala-dala mo ang proyektong isusumite mo sa iyong guro. Sa hindi inaasahang pangyayari, nabitawan mo ito at narumihan.
a)
Sikretong kukunin ang gawa ng kamag-aral
b)
Uuwi ng bahay at gagawa ng bago
c)
Ipapaliwanag sa guro ang nangyari upang makagawa ka ulit ng panibago
d)
Hindi na lang papansinin ang guro
8.
Araw ng Sabado, naglilinis ka ng bahay ninyo. Nilalaro mo ang walis tambo nang mabali ito dahil tumama sa poste. Kabilin-bilinan ng nanay mo na ingatan ang mga kagamitan.
a)
Sasabihing pinalo mo ang malaking daga kaya ito nabali paumanhin
b)
Isisi sa bunsong kapatid ang pagkakabali nito
c)
Kukuha ng pera sa pitaka ng tatay at bibili ng walis na bago
d)
Sasabihin sa nanay ang totoong nangyari at hihingi na paumanhin
9.
Pinagsaing ka ng kapatid mo. Nilagyan mo ng bigas ang saingan at hinugasan. Nagmamadali kang isalang ang kalsdero dahil parating na ang iyong mga kalaro. Nakalimutan mong buksan ang kalan.
a)
Pagalitan ang kapatid dahil pinagsaing ka
b)
Babalik sa bahay at bubuksan ang kalan
c)
Hahayaan na lang na buksan ni nanay ang kalan pagbalik nito
d)
Magdadahilan ka na masakit ang tiyan kaya dI mo ito nabuksan.
10.
Hiniram ng kamag-aral mo ang aklat sa Science, may pagsusulit pa naman kayo kinabukasan.
a)
Mangongopya na lang sa katabi
b)
Sisihin ang kamag-aral sa pangyayri
c)
Pag-aaralan ko ang mga naitala ko sa kwaderno
d)
Pipilitin kong makakuha ng ibang libro sa aklatan nang walang paalam.
11.
Iniwanan kayo ng gawain ng inyong guro. Ihinabilin kayo sa pangulo ng inyong klase.
a)
Makikipag-usap sa katabi
b)
Sisigawan ang pangulo ng klase upang ikaw ang maging lider
c)
Susundin ang ipinagagawa ng guro
d)
Maglalaro sa klase habang wala ang guro
12.
Nakita mong walang baon ang katabi mo,gutom na gutom na sya
a)
Hahayaan siyang tingnan akong kumain
b)
Babahaginan ko siya ng aking pagkain
c)
Sisigawan ko siya at sasabihang lumayo sa akin dahil siya ay nakatunganga
d)
Tatapunan ko siya ng pagkain ko
13.
Namamalimos sa kalsada ang isang kaklse mo kaya di siya nakapasok noong araw na iyon. Wala silang pambili ng gamot ng kanyang ina.
a)
Sasamahan ko siyang mamalimos
b)
Sasabihin ko sa kanya na bawal mamalimos
c)
Pagtatawanan ko siya habang namamalimos
d)
Ipagbibigay alam ko sa aming guro ang kanyang kalagayan
14.
Nasa loob kayo ng kapilya ng mapansin mo ang kaibigan mong pumasok na maiksi ang suot at nagcecelphone lamang.
a)
Kakausapin ko siya at pagsasabihan
b)
Makikipanood din ako sa celpon niya
c)
Ipagsasabi ko sa iba ang suot niya ay maiksi
d)
Ipapahiya ko siya sa harap ng pari.
15.
Niregaluhan ka ng iyong nanay ng laruang babasagin, sa hindi sinasadyang pangyayari nabitawan mo ito at nabasag.
a)
Hihingi ulit ng bagong regalo
b)
Pababayaan ang nabasag na laruan para makita ng nanay
c)
.Magdadahilan para di mapagalitan
d)
Ihihingi ng paumanhin sa nanay ang nangyari.
16.
Humihingi ng tulong ang mga nasalanta ng pagputok ng BuDlkang Mayon sa Albay
a)
Magdadala ako ng mga damit na punit na punit at marurumi .
b)
Magdadala ako ng mga de lata at pagkain na malapit ng ma expire
c)
Maghahanda ako ng mga damit na hindi ko na ginagamit na maaari pang isuot
d)
Magkukunwari akong wala akong narinig para di ako magdala.
17.
Sa mga pagkakataong nakagagawa ng mabuti sa iyo ang ibang tao, ano ang ginagawa mo para mapasalamatan sila?
a)
Binibilhan ng regalo at ipinamamalita sa ibang tao
b)
Ipinagpapasa-Diyos na lang ang pagpapasalamat sa ibang tao
c)
Ipinapahayag ang pasasalamat sa mga ginawang tulong ng ibang tao
d)
Hindi na nagpapasalamat dahil obligasyon naman nila ang tumulong sa iba.
18.
Anong katangian mayroon si Charice sa kaniyang madalas na pagboboluntaryo sa pamumuno ng dasal bago magsimula ang klase?
a)
Madasalin
b)
Mapanagutan
c)
Mahusay na lider
d)
Pasimuno sa Gawain
19.
Ang anumang usapin sa relihiyon ay maaring malutas kung ang bawat tao ay magtataglay ng anong pagpapahalaga?
a)
Paggalang
b)
Magalang
c)
Pagmamalasakit
d)
Pag-unawa
20.
Ang isang ugaling dapat na pairalin ng bawat isa nang mundo ay pumayapa. Ito ang pinakadakilang utos ng Diyos.
a)
Pag-asa
b)
Respeto/ Paggalang
c)
Pananampalataya
d)
Pag-ibig/Pagmamahalan
21.
Ang buhay ay puno ng pagsubok, subalit habang nabubuhay ang kaisipang ito ay di dapat na mawala.
a)
Pag-asa
b)
Respeto/ Paggalang
c)
Pananampalataya
d)
Pag-ibig/Pagmamahalan
22.
Dapat na maging gawi ng lahat ng tao sa paniniwala at panaampalataya ng ibang relihiyon.
a)
Pag-asa
b)
Respeto/ Paggalang
c)
Pananampalataya
d)
Pag-ibig/Pagmamahalan
23.
Laging isaisip na ang pananalig sa Diyos ay bahagi ng buhay.
a)
Pag-asa
b)
Respeto/ Paggalang
c)
Pananampalataya
d)
Pag-ibig/Pagmamahalan
24.
Si Anita ay nagdarasal araw-araw. Nagbabasa siya ng mga salita ng Diyos at ibinabahagi niya ito sa kapwa. Inaalam din niya ang mg dapat na maging gawi upang higit pang makilala ang Panginoon at ang tamang pakikipag-ugnayan sa kapwa.
a)
Pakikihalubilo sa mga taong may ibang relihiyon at paniniwala gawaing simbahan
b)
Inaalam ang mga ritwal na ginagawa ng iyong kinabibilangang relihiyon
c)
Nag-iisip ng paraan paano mapauunlad ang pananampalataya
d)
Nakikilahok sa mga gawaing simbahan
25.
Miyembro ng choir ng simbahan si Benny. Siya din ay katuwang ng pari sa pag_x0002_aayos ng mga kailangan sa mga gagawing pagdiriwang ng simbahan. Masaya niyang ginagawa ang mga ito ng walang kapalit.
a)
Pakikihalubilo sa mga taong may ibang relihiyon at paniniwala gawaing simbahan
b)
Inaalam ang mga ritwal na ginagawa ng iyong kinabibilangang relihiyon
c)
Nag-iisip ng paraan paano mapauunlad ang pananampalataya
d)
Nakikilahok sa mga gawaing simbahan
26.
Si Roy isang Katoliko, may kaibagan siyang Muslim na si Jamaimah. Madalas silang maglaro at magkwentuhan ng mga may kaugnayan sa Diyos kahit na sila ay magkaiba ng paniniwala
a)
Pakikihalubilo sa mga taong may ibang relihiyon at paniniwala gawaing simbahan
b)
Inaalam ang mga ritwal na ginagawa ng iyong kinabibilangang relihiyon
c)
Nag-iisip ng paraan paano mapauunlad ang pananampalataya
d)
Nakikilahok sa mga gawaing simbahan
27.
Sama-samang nagsisimba ang pamilya Molera. Dumadalo din sila sa mga prusisyon at mga novena ng kanilang simbahan. Pag-uwi ng bahay ay nagdarasal silang sabay-sabay.
a)
Pakikihalubilo sa mga taong may ibang relihiyon at paniniwala gawaing simbahan
b)
Inaalam ang mga ritwal na ginagawa ng iyong kinabibilangang relihiyon
c)
Nag-iisip ng paraan paano mapauunlad ang pananampalataya
d)
Nakikilahok sa mga gawaing simbahan
28.
Ito ay napalalalim kapag isinasabuhay ng isang tao ang kanyang pananalig sa Diyos.
a)
Gawain
b)
ispiritwalidad
c)
pagkamasayahin
d)
Kalungkutan
29.
Paano mo maipapakita na mayroon kang pananalig sa Diyos?
a)
Gagawa ng masama
b)
gagawa ng mabuti
c)
gagawa ng mabuti
d)
walang relihiyon
30.
Ang mga sumusunod ay mga gawaing nagpapakita ng pananalig sa Diyos maliban sa isa. Ano ito?
a)
Nagsisimba sa araw ng Linggo.
b)
Gumawa ng mabuti sa kapwa
c)
Gumawa ng mabuti sa kapwa
d)
pagbigay ng respreto sa ibang relihiyon
31.
Ano ang nagtuturo sa atin na magtiwala sa Diyos para sa lahat ng hindi natin nakikita at naalalaman?
a)
Pagtulong
b)
pananalig
c)
pagkaroon ng relihiyon
d)
pagiging Mabuti
32.
Kailangan ng magdarasal sa inyong pagpupulong
a)
Nagbulontaryo si Charice na magdasal
b)
Pinagsawalang bahalan ni Eden ang narinig
c)
Itinuro ni Amboy si Ben na magdasal
d)
Kunwari ikaw ay natutulog
33.
May pagdiriwang ang inyong relihiyon para pagpapaunald ng kaalaman sa pagbabasa ng Banal na Kasulatan
a)
Masayang makikilahok subalit hindi isasapuso
b)
Makikiisa sa pagdiriwang at magyaya ng ilang kasama na dumalo
c)
Makikiisa sa pagdiriwang at magpapaganda habang nagaaral ng kasalutan
d)
Masayang makikiisa dahil kasama mo ang iyong crush
34.
May usapin hinggil sa tamang suot sa loob ng simbahan
a)
Isusuot pa rin ang gustong isuot.
b)
Ibabahagi ang saloobin at opinyon sa tamang suot
c)
Sasabihan ang kaibigan na hindi maganda ang suot niya
d)
Ibibigay ang opinion ngunit magagalit sa mga nagpatupad ng suot.
35.
Nagtatakda ng oras ng pagdarasal ang inyong pamilya tuwing ika-anim ng gabi.
a)
Magkukunwaring masama ang pakiramdam
b)
Pipikit para di mapansin na naatasan kang manguna sa pagdarasal
c)
Magdarasal ka ng taimtim sa kalooban nang mag-isa
d)
Makikibahagi sa pamilya sa sama-samang pagdarasal
36.
Nais ni Gina na matamo ang tagumpay sa buhay .
a)
Magsisikap subalit hindi na magdarasal
b)
Magsikap at sabayan ng pagdarasal
c)
Magdasal at magdasal nalang maghapon
d)
Magsikap lamang kung nakikita ng iba
37.
Kapag inutusan kang gawin ang isang gawain na hindi mo gusto, ano ang nararapat mong gawin?
a)
Hindi susunod dahil ayaw mo
b)
Magdadahilan na maraming ginagawa
c)
Susunod pero hindi tatapusin ang gawain
d)
Sisikapin na gustuhin ang gawain at pagsususmikapang matapos
38.
Kakayahan ng tao na makabuo ng isang bagay na orihinal o pinaunlad ang bersiyon ng isang disenyo.
a)
Malikhain
b)
MatalinO
c)
Mausisa
d)
Orihinal
39.
Ang mga tuntunin ng kabutihang asal na kinikilala sa isang tanging uri ng gawain.
a)
Orihinal
b)
Kasipagan
c)
Etiko sa Paggawa
d)
Pagiging matiyaga
40.
Bilang isang mamamahayag, ano dapat ang iyong pangunahing panuntunan sa pagpahayag ng balita?
a)
Kapakinabangan
b)
Kasipagan
c)
Katotohanan
d)
Napapanahon
41.
Anong kaparusahan ang iginagawad kung ang isang tao ay napatunayan na nagbebenta ng illegal na droga?
a)
12 hanggang 20 taong pagkabilanggo
b)
15 hanggang 20 taong pagkabilanggo
c)
12 hanggang 25 taong pagkabilanggo
d)
19 hanggang 30 taong pagkabilanggo
42.
Nakita mo ang nakakatandang kapatid ng kumukuha ng wallet sa bag ng iyong ama. Nalaman niyang nakita mo siya. Kinausap ka niya na huwag sabihin sa inyong ama ang iyong nakita. Ano ang iyong nararapat gawin?
a)
Kakausapin siya na masama ang kanyang ginawa
b)
Sasabihin sa mga magulang ang ginawa ng kapatid
c)
Bahala na siya , siya naman ang mapaparusahan kung sakali
d)
Magkunwari na walang nakita para hindi ka masaktan ang kapatid mo
43.
Ano ang nadarama ng matandang karpintero matapos ibigay sa kaniya ang susi ng bahay na ginawa niya at ipagkaloob ito sa kaniya bilang kabayaran sa kaniyang serbisyo?
a)
Galak
b)
Pagmamalaki
c)
Pasasalamat
d)
Pagsisi
44.
Ano ang tamang layunin sa paggawa?
a)
Hindi tumigil sa paggawa
b)
Pinagsisikapang matapos ang gawain
c)
Hindi iniisip ang serbisyo ng paggawa
d)
Hindi nagkakaroon ng negatibong damdamin sa paggawa
45.
Magkatugon ang pangangailangan ng tao at likas-yaman sa isa’t isa.
a)
Di-tiyak
b)
Mali
c)
Siguro
d)
Tama
46.
May malaking tao na nagsabi sa iyo na ibigay ang isang maliit na pakete sa isang taong naghihintay sa tindahan. Nangako siyang bibigyan ka ng P500 kapag ginawa mo ito para sa kaniya. Ano ang gagawin mo?
a)
Magsasabi na”Hindi” at iwasan ang tao
b)
Hahanapin muna ang alok na P500 bago sumunod
c)
Sasabihin sa kamag-aral mo na samahan ka sa tindahan
d)
Sasabihin agad sa iyong guro at/o mga magulang ang nangyayari
47.
Ano ang tamang pamamaraan kung mayroon kang gustong sabihin sa iyong kapwa?
a)
Hindi iimik hanggang mapansin na ikaw ay nagagalit magsasalita ako kahit alam kong may masasaktan
b)
Sasabihin ang katotohanan hindi bale na siyang masaktan
c)
Iisipin muna ang sasabihin at isasaalang-alang ang damdamin ng kapwa
d)
Kung anong naisip kong sabihin, magsasalita ako kahit alam kong may masasaktan
48.
Ang anuman usapin sa relihiyon ay maaring malutas kung ang bawat tao ay magtataglay ng anong pagpapahalaga?
a)
Paggalang
b)
Pagmamahal
c)
Pagmamalasakit
d)
Pag-unawa
49.
Anong pagpapahalaga ang iyong pinaiiral sa mga pagkakataong nahihirapan ka sa mga gawain sa paaralan?
a)
Madasalin
b)
Magalang
c)
Matiyaga
d)
Mapagpasensiya
50.
Kung ang iyong kaibigan ay nagpapahayag ng kaniyang paniniwala tungkol sa kanilan relihiyon, ano ang pinakamabuti mong gawin para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?
a)
Igalang ang kaniyang paniniwala
b)
Magdahilan na maraming gagawin at dapat tapusin
c)
Pakinggan lang ang kaibigan pero hindi papaniwalaan
d)
Pipiliin lang ang mga nais pakinggan sa sinasabi ng kaibigan