NEW
Font size
S
M
L
XL
WorksheetsREGIONAL ACHIEVEMENT TEST IN ESP 7
Total questions: 50
Worksheet time: 1hrs 15mins
Name
Class
Date
1.
Ano ang kritikal na panahon na maaring bumuo o sumira ng iyong kinabukasan?
a)
Yugto ng Pagbibinata o Pagdadalaga
b)
Kabataan
c)
Yugto ng Pagtanda
d)
Kapanganakan
2.
Para sa isang nagdadalaga o nagbibinata, mahalaga ito upang tunay na makilala ang kaniyang pagkatao upang matukoy kung saan siya nababagay sa lipunan at upang mabuo ang kaniyang tiwala na makibahagi sa anumang gawain o trabaho.
a)
Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
b)
Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
c)
Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
d)
Pagtanggap ng papel na angkop sa babae o lalaki
3.
Sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata, isa sa mga mahalagang bagay na kanilang dapat pagtuunan ng pansin ng isang kabataan ay ang pagtanggap sa kanilang papel sa lipunan na naaayon sa kanilang kasarian. Paano mapalalalim ng isang kabataan ang pag-unawa sa inaasahang mga kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?
a)
sa pagbibigay ng pagkakataon sa kabataan na hubugin ang kanilang mga papel sa lipunan
b)
sa pakikipagtalastasan sa mga miyembro ng lipunan upang mahasa ang kanilang papel na dapat gampanan
c)
sa pagsali sa mga social media forum para sa Kabataan
d)
sa pakikisalamuha sa mga guro at kapwa Kabataan
4.
Sa ating lipunan, iminumulat ang mata ng mga nagdadalaga o nagbibinata na matutuhan ang mga kakayahan na kailangan upang makakuha ng magandang hanapbuhay sa hinaharap. Paano mo ito mapaghahandaan?
a)
Pagbutihan ang kursong akademiko.
b)
Kilalanin ang iyong mga talento, hilig, kalakasan at kahinaan.
c)
Magmasid sa mga patok na negosyo sa pamayanan
d)
Sumangguni sa mahuhusay na vlogger sa Youtube upang malaman ang kanilang sikreto sa tagumpay.
5.
Ang iyong kaibigan ay nakagawa ng isang pagkakamali sa inyong klase, nagsinungaling siya sa inyong guro upang hindi siya mapagalitan. Sa paanong paraan mo maitatama ang ganitong pag-uugali ng iyong kaibigan?
a)
Sabihin ito sa mga kaklase upang malaman nila ang pangyayari.
b)
Kausapin siya at ipaliwanag na mali ang kanyang nagawa.
c)
Turuan ang kaibigan upang hindi na magkamali sa susunod.
d)
Isumbong sa guro upang siya ay mapagalitan.
6.
Ang mga kabataan ngayon ay nagpapakita ng husay sa teknolohiya. Kung ikaw ay isa mga kabataan na mayroong talento sa pagdidisenyo ng isang website, ano ang mga maaaring talento na mayroon ka?
I. Visual Spatial
II. Verbal/Linguistic
III. Mathematical/Logical
IV. Interpersonal
a)
I, II, III
b)
I, II, IV
c)
I, III, IV
d)
II, III, IV
7.
Ikaw ay nalilito pa kung ano ba talaga ang ibinigay na talento sa iyo ng Diyos. Anong paraan ang iyong gagawin upang matuklasan mo ang iyong natatagong kagalingan?
a)
Gumaya sa mga talento ng kaibigan at kamag-aral
b)
Sundin ng saan ka magaling
c)
Sumubok sa mga paligsahan sa paaralan sa ibat-ibang larangan
d)
Magnilay-nilay upang matuklasan ang iyong natatagong kagalingan
8.
Ang mga Sy ang may-ari ng SM Group of Companies, sila ay kasama sa mga itinuturing na pinakamagagaling na negosyante sa ating bansa. Sa iyong palagay, paano nila napagtagumpayan ang kanilang larangang napili?
a)
sa pamamagitan ng pagsasanay, interes at tiwala sa sarili
b)
sa pamamagitan ng tamang inspirasyon o motibasyon para sa pangarap
c)
sa pamamagitan ng paggamit ng mga biyayang talento o kakayahan
d)
sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili at paggamit nito sa lahat ng oras
9.
Si Jessica Soho ay isang kilalang magaling na reporter, anchor at manunulat. Siya ay nakatanggap na ng iba’t ibang mga parangal sa kanyang larangan na tinahak. Suriin ang mga sumusunod na kagalingan at talento kung saan nakaayon ang kagalingan ni Jessica Soho.
a)
Mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving).
b)
Natuto gamit ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita.
c)
Natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran.
d)
Mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya.
10.
Isa sa paraan sa pagpapaunlad ng sarili ay ang paggawa ng Personal Development Plan (PDP). Nakaayon ito sa sinabi Steven Covey na “Begin with the end in mind”. Ikaw bilang isang kabataan, sa paanong paraan mo magagawa ang iyong PDP?
a)
Magsaliksik at makipagtalastasan upang makita ang kagalingan.
b)
Tukuyin kung nasaan na tayo ngayon at saan kailangang tumungo.
c)
Magtiwala sa Diyos at magdasal upang hingin ang paggabay sa pangarap.
d)
Makinig sa mga sinasabi ng mga magulang.
11.
Sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyunal, negosyo o hanapbuhay, ano ang nagsisilbing gabay at gumaganyak sa iyo na kumilos dahil gusto mo ang iyong ginagawa o magiging trabaho?
a)
Talento
b)
Hilig
c)
Kakayahan
d)
Tiwala sa sarili
12.
Si Ruben ay nasa yugto ng pagkikilala ng kanyang sarili dahil sa kanyang palagay ito ay nararapat matuklasan bago siya pumili ng kanyang track at strand sa Senior High School. Kung ikaw si Ruben, anong mga hakbang ang nararapat mong gawin upang matuklasan ang iyong tunay na hilig?
I. Alamin ang mga talento o kakayahan at gamitin ito sa pagpapa-unlad ng tiwala sa sarili
II. Pagnilayan ang iyong mga libangan (hobby) at paboritong gawain.
III. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
IV. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin.
a)
I, II, at III
b)
II, III at IV
c)
I, II at IV
d)
I, III at IV
13.
Anong hilig ang iyong taglay ayon sa larangan at tuon kung ikaw, kasama ang iyong mga kaibigan ay nasisiyahan sa pagpunta at pagtuklas sa ibat-ibang lugar, kasabay nito kayo ay nagtuturo ng literacy sa mga kabataan?
a)
Outdoor: Tao
b)
Social Services: Ideya
c)
Outdoor: Datos
d)
Social Services: Bagay
14.
Si Efren Peñaflorida Jr. ay pinarangalan noong 2009 ng CNN’s Hero of the Year, ito ay dahil sa kanyang programa kung saan siya nagtuturo sa mga kabataan sa kanilang komunidad na bumasa. Gamit ang kariton, umiikot siya sa komunidad kung saan siya higit na kailangan. Anong mga larangan ng hilig at tuon ng atensyon mayroon si Efren?
a)
Clerical, social services, persuasive: bagay, ideya, datos
b)
Social services, literary, persuasive: tao, ideya, tao
c)
Persuasive, clerical, mechanical: bagay, datos, bagay
d)
Outdoor, clerical, artistic: tao, ideya, bagay
15.
Sa kasalukuyan, naguguluhan ka kung ang tatahakin mong larangan ang pagnenegosyo o pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Sa paanong paraan mo mararamdaman ang kasiyahan sa iyong tatahaking larangan?
a)
Isipin ang makatutulong sa pamayanan.
b)
Sundin ang payo ng magulang.
c)
Alamin ang hilig at tuon.
d)
Tuklasin ang mga talento na mayroon ka.
16.
Ano ang taglay na katangian ng kilos-loob?
a)
magpasya
b)
manghusga
c)
mangatwiran
d)
magsuri
17.
Kapag dumarami ang mga natutuklasan na mga kaalaman at karunungan, anong kilos ang inaasahang maipapamalas mo bilang isang tao?
a)
Makipagtalastasan sa ibat-ibang tao.
b)
Humingi ng tulong sa mas nakatatanda.
c)
Ibahagi ito sa social media.
d)
Maging mapanagutan sa paggamit nito.
18.
Ikaw ay kumakain sa sasakyan pauwi galing sa paaralan. Napansin mo ang paalala kalsada na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura rito ngunit marami namang basura na nakakalat, paano mo gagamitin ang isip at kilos-loob ayon sa kay Santo Tomas de Aquino?
a)
Kumilos na naaayon sa kagustuhan.
b)
Gagawin ang mabuti at lalayo sa masama.
c)
Uunawain ang kahulugan paalala sa kalsada.
d)
Gagamitin ang matalinong paghuhusga sa lahat ng pagkakataon.
19.
Isinumbong ka ng iyong kaklase sa inyong guro dahil pinakopya mo ng tamang sagot sa pagsusulit ang iyong mga kaibigan. Dahil dito, pinaringgan nyo siya kasama ang iyong mga kaibigan sa facebook at pinagsalitaan ng masama. Marami ang nagalit at huli na nang maisip mo na hindi tama ang iyong ginawang pagpo-post. Anong kilos ang dapat mong ginawa sa sitwasyong ito?
a)
Tatangalin ko ang post at personal ako na hihingi ng pasensya sa aking ginawa.
b)
Hahayaan ko na lang na magalit sa akin ang mga nakabasa, lahat naman ay may kalayaang mag-comment.
c)
May pagkakamali ako, ngunit mali din siya sa pagsusumbong dahil hindi lang naman kami ang nagkopyahan.
d)
Hindi ako dapat nagpost ng masama dahil may pagkakamali ako.
20.
Ito ang batas na iniukit ng Diyos sa ating mga puso mula nang tayo’y Kaniyang nilikha. Sa pamamagitan ng batas na ito, nagkaroon ng kakayahan ang tao na kilalanin ang mabuti at masama.
a)
Ang mga Birtud at Pagpapahalaga
b)
Ang Sampung Utos ng Diyos
c)
Ang Likas na Batas na Tama at Mali
d)
Ang Likas na Batas Moral
21.
Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagpapasya kung ano ang tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon?
a)
Kilos-loob
b)
Talino
c)
Kakayahan
d)
Konsensya
22.
Ano ang mabuting naidudulot ng konsensya sa wastong paglalapat ng kaalaman sa pagpapasya?
a)
Napupuna niya ang mga pagkakamali na nakikita niya sa kanyang paligid.
b)
Nakikilala ng tao ang mga bagay na kanyang ginawa.
c)
Natutukoy ng tao ang kanyang mabuting pagpapasya.
d)
Nahuhusgahan kung ang kanyang pagpapasya ay tama o mali.
23.
Masyado kang nawiwili sa paglalaro ng Mobile Legends kasama ng iyong mga kaibigan. Dahil dito, hindi ka pa nakakasagot sa iyong mga modyul na kailangan ng ipasa sa inyong eskwelahan. Nagmamadali kang nagsasagot sa iyong mga modyul nang biglang alukin ka ng iyong kaklase na kopyahin mo na lang ang kanyang mga sagot sa answer sheets. Anong angkop na kilos ang iyong gagawin sa sitwasyong ito?
a)
Sasagutan ko ang mga modyul kahit marami akong maging mali.
b)
Kokopyahin ko ang kanyang mga sagot upang makapagpasa ako sa oras.
c)
Hayaan ko na lang na bumagsak ako at babawi sa susunod.
d)
Tatanggihan ko nang maayos ang aking kaklase at hihingi nang sapat na oras sa aking guro.
24.
Ikaw ay inatasan ng iyong guro na maging IATF Protocol Officer ng inyong klase sa limited face to face class. Bilang isang tao na may isip at kilos- loob, ano ang maaari mong gawin kung ikaw ay may mga kamag-aral na hindi sumusunod sa protocol?
a)
Ipaliwanag sa klase ang protocol at iulat ang pangyayari sa guro.
b)
Mag-disinfect sa lugar kung saan sila nagkumpulan.
c)
Magalit at lapitan sila upang tumigil sa kanilang ginagawa.
d)
Kausapin sila nang may social distancing at ipaliwanag ang protocol.
25.
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan sa paggawa ng mabuti ng mga kabataan?
a)
Paglalaan ng oras sa pag-aaral, paglilibang, at pakikipagkaibigan.
b)
Paglalaro ng video games kasama ang mga kaibigan buong araw kapag walang klase.
c)
Pakikipagkumpetisyon sa kaklase sa pagiging Top 1 ng klase.
d)
Pagtatanggol ang kaibigan gamit ang FB post sa mga naninira sa kanya.
26.
1Si Lea ay maagang nakipagrelasyon sa edad na 12 taong gulang. Patago silang nagkikita ng kanyang nobyo dahil pinagbabawalan siya ng kanyang mga magulang. Para sa kanya, sinusunod lamang niya ang kanyang nararamdaman. Wasto ba ang paggamit niya ng kalayaan?
a)
Opo, mali na pigilan ang kanyang nararamdaman. Hindi edad ang magsasabi ng tagumpay ng isang relasyon.
b)
Hindi po, magiging malaya siya sa kanyang desisyon pero hindi sa maaaring magiging bunga ng kanyang pasya.
c)
Opo, lahat ay may karapatang magmahal at mahalin. Hindi dapat maging hadlang ang edad sa pagmamahalan ng dalawang tao.
d)
Hindi po, magagalit ang kanyang mga magulang. Dapat lamang na igalang ang kanilang kagustuhan.
27.
Hinikayat si Carlo ng kanyang mga kaklase na maglaro ng basketbol at huwag na munang gumawa ng proyekto. Tinanggihan niya ang anyaya ng kanyang mga kaklase dahil nalalapit na ang araw ng pagpasa ng kanilang performance task. Mas gugustuhin pa niya na bigyang ng oras ang kanyang pag-aaral kaysa sa maglaro ng basketbol. Anong pamamaraan sa pagpapaunlad ng paggamit ng kalayaan ang ipinakita ni Carlo?
a)
Piliin lagi ang tama at maging responsable sa bawat pagpapasyang gagawin.
b)
Sumunod sa alituntunin ng Likas na Batas Moral kung nanaisin.
c)
Maging mapili sa pagpapasya para sa ikabubuti ng lahat.
d)
Maging mapanuri sa mga gawi at kinikilos ng mga kaibigan.
28.
Ang tao ay karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang sarili at kapuwa, anuman ang kanilang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan. Hindi ito nagmula sa lipunan o pananaw ng tao dahil likas na taglay itong tao. Alin sa sumusunod ang nabanggit?
a)
pagmamahal
b)
kalayaan
c)
dignidad
d)
katarungan
29.
Ano ang kailangan kong gawin bilang patunay na iginagalang ko ang dignidad ng aking kapuwa?
a)
Ibibigay ko ang aking paggalang sa lahat ng hindi nakabatay sa antas ng kanilang katayuan sa buhay.
b)
Itatama ko ang kanilang desisyon kapag ito ay mali.
c)
Tutulong ako sa aking kapwa sa abot ng aking makakaya sa lahat ng oras.
d)
Ibibigay ko ang respeto sa lahat ng hindi nakabatay sa antas ng kanilang katayuan sa buhay.
30.
Kilalang mayamang pamilya ang mga Villafuerte. Marami silang negosyo kaya ang mga katulong sa bahay ang nag-aasikaso sa kanilang mga anak. Hindi iba ang turing sa kanilang mga kasambahay, kasama nila itong kumakain at ibinibigay ang kanilang mga kailangang benepisyo. Anong pamamaraan ng paggalang at pagmamalasakit ang kanilang ipinamalas sa kanilang mga kasambahay?
a)
Pag-unawa sa kanilang kalagayan bilang mga kasambahay.
b)
Pagkilala sa kanilang dignidad at pagkapantay-pantay bilang nilalang ng Diyos.
c)
Pakikitungo ayon sa kanilang dangal bilang tao.
d)
Pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan sa abot ng kanilang makakaya.
31.
Alin sa mga sumusunod ang bunga ng palagian at mahabang pagsasabuhay ng pagpapahalaga ng isang indibidwal na makatutulong upang maging isang mapanagutang mamayan sa lipunan?
a)
konsensya
b)
birtud
c)
likas batas moral
d)
kilos-loob
32.
Upang magkaroon ng birtud ang isang tao, nararapat na paulit-ulit niyang gawin ang isang gawain. Ano ang dalawang uri ng birtud na dapat makamit ng isang tao?
a)
Paulit-ulit at Sanay na Birtud
b)
Intelektwal at Moral na Birtud
c)
Malaya at Kapayapaang Birtud
d)
Patas at Malakas na Birtud
33.
Nakasanayan na ni Clarissa na tulungan ang kanyang kaibigan na nahihirapan sa kanilang asignaturang Matematika. Bago siya umuwi ay naglalaan siya ng oras upang turuan ang kanyang kaibigan. Ano ang uri ng pagpapahalaga ang naisasabuhay ni Clarissa?
a)
Subhetibong pagpapahalaga
b)
Ganap na pagpapahalagang moral
c)
Obhetibong pagpapahalaga
d)
Pagpapahalagang kultural ng panggawi
34.
Likas kay Mang Manny ang pagiging tapat sa kanyang trabaho. Sinisiguro niyang siya ay dumadating at umaalis siya sa oras na nakalagay sa kanyang schedule. Ano ang nahuhubog na birtud ni Mang Manny sa pagsasabuhay ng kanyang mabuting gawi?
a)
Intelektuwal na birtud
b)
Eternal na birtud
c)
Pangkalahatang birtud
d)
Moral na birtud
35.
Pagkagaling sa paaralan ay sumakay ka ng dyip pauwi. Nagbayad ka sa drayber at pagbaba mo ay iniabot sa iyo ang sukli. Huli na nang iyong mapansin na sobra ang perang isinukli sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin?
a)
Itatago ang sukli at gagamiting panggastos sa oras ng pangangailangan.
b)
Ibibigay ang sukli sa mga namamalimos sa kalye.
c)
Itatago ang sobrang sukli at kapag muling nakita ang drayber ito ay ibabalik sa kanya.
d)
Ibibigay sa donation drive ng paaralan para sa bahay-ampunan.
36.
Ang mga sumusunod ay hirarkiya ng pagpapahalaga maliban sa:
a)
Pandamdam
b)
Banal
c)
Pambuhay
d)
Intelektwal
37.
Kahit maraming gawain sa paaralan, pinipilit ni Macky na magkaroon ng sapat na tulog. Anong antas sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga ayon kay Mark Scheler ang ipinakita ni Macky?
a)
Pambuhay na pagpapahalaga
b)
Ispiritwal na pagpapahalaga
c)
Banal na pagpapahalaga
d)
Pandamdam na mga pagpapahalaga
38.
Paano mo mapatataas ang antas ng pagpapahalaga sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?
a)
Abutin ang pinakamataas na antas ng pagpapahalaga.
b)
Piliing gawin ang tama at mabuti sa lahat ng pagkakataon.
c)
Unawain nang mabuti ang mga bilin ng mga magulang at guro.
d)
Umiwas sa masamang bisyo at mga gawaing hindi makakabuti sa iyo.
39.
Sa kabataan pa lamang ay dapat nagsisimula na ang paghubog ng mga pagpapahalaga. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasali sa panloob na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng pagpapahalaga?
a)
Konsensiya
b)
Moral na Integridad
c)
Pagsasabuhay ng mga Birtud
d)
Pagiging sensitibo sa pangangailangan ng kapwa
40.
Ayon sa sikolohistang si Erich Fromm, ang pagnais ng taong takasan ang konsekuwensiya ng kanyang kilos ay ang pagnais na takasan ang kalayaan. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan sa pagpapasiya?
a)
Konsensiya
b)
Disiplinang Pansarili
c)
Pagiging mapanagutan
d)
Pagsasabuhay ng mga Birtud
41.
Ayon sa sikolohistang si Erich Fromm, ang pagnais ng taong takasan ang konsekuwensiya ng kanyang kilos ay ang pagnais na takasan ang kalayaan. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan sa pagpapasiya?
a)
Konsensiya
b)
Disiplinang Pansarili
c)
Pagiging mapanagutan
d)
Pagsasabuhay ng mga Birtud
42.
Nagtatrabaho sa ibang bansa ang magulang ni Jade. Dahil dito naiwan sya sa kanyang lola. Lahat ng kanyang hilingin sa kanyang magulang ay kanilang ibinibigay, kasama na rito ang mga gadget na hiningi niya sa kanyang mga magulang. Sa kabila ng pag-aalaga ng kanyang lola at pagbibigay ng mga magulang, pinili ni Jade na hindi magpapasok sa klase at sumama sa mga barkada sa paglilibot. Anong panloob na salik ang dapat nahuhubog sa pagkatao ni Jade batay sa sitwasyon?
a)
Konsensya, sa pamamagitan nito nalalaman ang mabuti at masama.
b)
Pagsasabuhay ng mga mabuting pagpapasya, mahalagang matutuhan ang pagiging responsableng kabataan.
c)
Disiplinang pansarili, dahil nasusukat pangkalahatang kabutihan ng kilos sa pamamagitan ng layon at pamamaraan.
d)
Pagiging sensitibo sa pangangailangan ng kapwa, para mapagnilayan kung ang nagiging kilos ay bunga ng kabutihan o kasamaan.
43.
Ano ang dapat mong gawin upang mapataas ang antas ng iyong pagpapahalaga?
a)
Pumili ng pagpapahalaga na nasa mababang antas.
b)
Isipin ang mga pagpapahalaga at pagnilayan ang mga ito.
c)
Sikapin na magkaroon ng sapat na kaalaman at kahandaan sa pagpili ng tama.
d)
Pag-aralan ang pagpili ng pagpapahalaga mula sa mababang antas hanggang sa mataas na antas.
44.
Ang media ang isa sa mga panlabas na salik na nakakaimpluwensya sa paghubog ng pagpapahalaga ng isang tao, alin sa mga sumusunod na mga kasanayan ang gagabay sa iyo sa paggamit ng media ayon kay Esteban?
a)
Panonood ng palabas sa telebisyon na may mataas na kalidad.
b)
Pagbabahagi ng mga post sa Facebook na nagpapakita ng mga tamang pagpapahalaga.
c)
Pagsusuri sa mga nakikitang impormasyon sa mga social media platform.
d)
Pag-aralang pairalin ang pagtitimpi sa lahat ng pagkakataon sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga birtud.
45.
May mga kabataan sa paaralan na walang sapat na kakayahan ang pamilya para matugunan ang kanilang pangunahing mga pangangailangan. Samantala, may mga kabataan naman na may labis na karangyaan na natatanggap mula sa kanilang mga magulang. Paano makakaapekto ang sitwasyon sa paghubog ng pagpapahalaga ng isang kabataan?
a)
Nakadepende sa tao ang kanyang pagpapahalaga.
b)
Hindi makakaapekto ang katayuan sa lipunan ng isang tao sa paghubog ng kanyang pagpapahalaga.
c)
Maaaring nagiging hadlang ang kanilang katayuan sa lipunan ng isang tao sa paghubog ng kanyang pagpapahalaga.
d)
Nakadepende sa pangangailangan ng tao ang kanyang pagpapahalaga.
46.
May mga kabataan na hindi kasama ang kanilang mga magulang sa paglaki. Ang isang sa mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng pagpapahalaga ay ang pamilya at paraan ng pag-aaruga sa anak. Kung ikaw ay isang mag-aaral na nakaranas ng nabanggit sitwasyon, ano sa mga sumusunod ang pinakamabuting kilos upang mahubog ang iyong pagpapahalaga?
a)
Humingi ng gabay sa mga kaibigan sa komunidad na kinabibilangan.
b)
Maging mapanuri sa mga panlabas na salik na nakakaapekto sa ating paglinang ng pagpapahalaga.
c)
Pakikinig at pakikilahok sa talakayan sa komunidad o social media platform.
d)
Maghanap ng maaaring mapaglabasan ng sama ng loob sa magulang.
47.
Ang pagpapasya ay isang proseso. Nangangahulugan ito na:
a)
Ang pagpili ay walang pagtatangi.
b)
Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasya.
c)
Ang mga maaring kahantungan o maging epekto ng pagpapasya ay hindi nagkakamali.
d)
Alinman sa mga ito ay hindi nangangailangan ng kasanayan upang makagawa ng pasya.
48.
Sa Personal na Misyon ng Buhay na ginawa ni Aliah, binanggit niya na nais niyang maging isang sikat na influencer ng mga kabataan. Ngunit siya ay nag-aalinlangan kung ano ba ang higit na mahalaga sa panahon ngayon, diskarte o diploma. Ano ang dapat gawin ni Aliah para maisakatuparan ang kanyang mithiin ng naaayon sa tama at matuwid na pagpapasiya?
a)
Isipin mabuti ang ang pagpapasiya.
b)
Alamin ang kalakasan at kahinaan ng maaaring maging bunga ng desisyon.
c)
Bigyan ng panahon ang pag-aaral sa magiging bunga ng pagpapasiya at manalangin para makapagnilay.
d)
Mag-aral mabuti huwag muna isipin ang pagiging sikat sa social media, may tamang panahon sa lahat ng bagay.
49.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang may mas mataas na antas ng kabutihan?
a)
Pagsasama–sama ng mga magkakaibigan para sa isang okasyon.
b)
Pagsisikap na maibigay ang hiling ng taong may kaarawan.
c)
Pag-anyaya ng mga tao para sa isang salo-salo.
d)
Pamimigay ng mga damit at pagkain sa mga nangangailangan.
50.
Kinabukasan, hindi makita ni Liza ang libro na kailangan sa asignatura. Nakita niya ito sa ibabaw ng upuan ni Julie. Nagpasya agad siya na usigin ang kaibigan sa pag-aakalang kinuha nito ang aklat nang walang paalam sa kanya. Anong hakbang sa mabuting pagpapasya ang hindi naisaalang-alang ni Liza sa kanyang naging reaksyon sa sitwasyon?
a)
Magnilay sa mismong aksyon
b)
Mangalap ng kaalaman.
c)
Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya.
d)
Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya.
Reset
