wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP10 IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

Total questions: 37

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga basehan tungkol sa pagkamamamayan ng mga Pilipino ay makikita sa Artikulo II ng Saligang Batas ng 1987.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Ang natural na pagkamamamayan ay paraan ng pagkilala sa isang dayuhan bilang mamamayan ng estado at pagkakaloob sa kanya ng mga karapatang tinatamasa ng mga mamamayan.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Ang pagkamamamayan ay ang pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinakda ng batas.

a)

MALI

b)

TAMA

4.

Ang regular na pagbibigay ng tulong sa kawanggawa (charity) ay maituturing na halimbawang gawain ng mabuting mamamayan.

a)

MALI

b)

TAMA

5.

Ang Pilipinas ay bansang demokratiko ayon sa Artikulo IV ng Saligang Batas ng 1987.

a)

TAMA

b)

MALI

6.

Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?

a)

Sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa

b)

Sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng Saligang Batas

c)

Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan

d)

Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa

7.

Anong kaisipan ang ipinapakita sa kamalayang pansibiko?

a)

pananagutan sa Diyos

b)

pananagutan sa bansa

c)

pananagutan sa kapwa

d)

pananagutan sa kalikasan

8.

Sa kabila ng pagkakaroon ng demokrasya sa Pilipinas, bakit itinuturing na flawed democracy ang umiiral sa bansa?

a)

hindi nagkakaroon ng malayang halalan

b)

mahinang politikal na pakikilahok ng mga tao

c)

hindi matalinong pagboto ng mga mamamayan

d)

mababang pagpapahalaga sa karapatan ng mga tao

9.

Dahil ang ama ni Marcus ay Pilipino, Pilipino rin siyang maituturing. Anong prinsipyo ng pagkamamamayan ang nasunod dito?

a)

jus soli

b)

jus civile

c)

jus naturale

d)

jus sanguinis

10.

Ito ay proseso na kung saan ang mga mamamayan ay nabibigyan ng pagkakataon upang magmungkahi ng batas.

a)

Civil Rights

b)

Initiative

c)

Recall

d)

Plebiscite

11.

Ang civic welfare o kagalingang pansibiko ang pinakamataas na kabutihang makakamit at mararanasan ng mga mamamayan. Alin sa sumusunod ang maling pagpapakita ng kagalingang pansibiko?

a)

Ang kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapuwa

b)

Ang pagpapaunlad sa sarili dahil sa kaisipang 'You cannot give, what you don't have'

c)

Ang pagkukusang-loob, pagtulong nang walang inaasahang kapalit, at bayanihan

d)

Ang pagkilala na ang indibidwal ay may kakayahang paunlarin ang lipunan sa anumang paraang kaya niyang tugunan at gampanan

12.

Ito ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang.

a)

Civil Rights

b)

Natural Rights

c)

Political Rights

d)

Karapatang Pantao

13.

Si Kris ay likas o katutubong Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag nito?

a)

Siya ay ipinanganak sa Pilipinas

b)

Dumaan siya sa proseso ng naturalisasyon

c)

Pareho sa kanyang mga magulang ay Pilipino

d)

Pinagkalooban siya ng hukuman ng pagkamamamayang Pilipino

14.

Alin ang maling konsepto tungkol sa mabuting pamamahala o good governance?

a)

Ang lahat ng gumagawa ng desisyon ay may pananagutan sa publiko.

b)

Lahat ay mayroong pagkakataong makilahok at mapakinggan sa pagbuo ng desisyon.

c)

Mayroong transparency o may malayang daloy ng impormasyon sa ilang transaksiyon, proseso, desisyon, at ulat ng pamahalaan.

d)

Ang pagpapatupad ng batas ay pantay-pantay, walang mayaman at walang mahirap, lalo't higit ang mga batas ukol sa karapatang pantao.

15.

Alin ang mali sa mga pahayag sa ibaba tungkol sa tungkuling pansibiko ng isang mamamayan ayon kay Justice Antonio Carpio?

a)

Makilahok sa pamamahala ng ating bansa.

b)

Alamin ang katotohanan at panindigan ito.

c)

Igalang ang pangunahing karapatan ng kapwa.

d)

Maging patas sa pakikitungo sa mga namumuno ng bansa.

16.

Paano maipamamalas ang pagiging Makabayan bilang mamamayan na nagsusulong sa konsepto ng pakikilahok na pansibiko?

a)

Sumunod sa Saligang Batas at iba pang batas ng Pilipinas.

b)

Isaalang-alang ang kapakanan ng higit na nakararami sa pagkilos na gagawin.

c)

Tumulong sa kapwa sa pagresolba sa mga isyu at suliraning kinakaharap ng bayan.

d)

Pahalagahan ang kalidad ng output at gamitin ang lahat ng yaman nang walang pag-aaksaya.

17.

Bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas ay may tungkulin at pananagutan tayong dapat gampanan. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na tungkulin kundi pananagutan ng mamamayang Pilipino?

a)

gampanan ang obligasyong magparehistro at bumoto

b)

pagiging tapat sa pagbabayad ng buwis sa takdang panahon

c)

maging tapat sa Republika at paggalang sa bandila ng Pilipinas

d)

nakikipagtulungan sa mga maykapangyarihan gaya ng pulis at pinuno ng lungsod

18.

Ito ay pagboto ng tao laban o pabor sa isang panlipunang isyu.

a)

Civil Rights

b)

Civic engagement

c)

Initiative

d)

Referendum

19.

Ito ang karapatang inaangkin ng mamamayan kahit na hindi ito ipagkaloob sa kanya ng estado.

a)

Natural Rights

b)

Initiative

c)

Jus Sanguinis

d)

Karapatang Pantao

20.

Nakapangasawa ng isang Australian si Ayasha at nagdesisyon silang sa Australia na manirahan. Madalas pa rin siyang umuwi sa Pilipinas upang dalawin ang kaniyang mga magulang at kapatid sa Baguio at para na rin magbakasyon. Ano ang pagkamamamayan ni Ayasha?

a)

Australian, sapagkat sa Australia na siya naninirahan.

b)

Australian, sapagkat nakapangasawa na siya sa Australia.

c)

Pilipino, sapagkat hindi naman niya itinakwil ang kanyang pagkamamamayan.

d)

Pilipino, sapagkat madalas pa rin naman siyang umuwi sa Pilipinas para dalawin ang kanyang pamilya at magbakasyon.

21.

Ito ay uri ng pamahalaang nakabatay ang anumang desisyon sa kooperasyon at pagsang-ayon ng lahat ng mga sektor ng lipunan.

a)

Participatory Governance

b)

Civic engagement

c)

Jus Sanguinis

d)

Good Governance

22.

Basahin ang pahayag. "Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country." Ano ang mensaheng nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F. Kennedy?

a)

Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.

b)

Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.

c)

Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.

d)

Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.

23.

Ano ang pinakamahalagang asal na dapat nananatiling buhay at mahalaga sa kasalukuyang panahon ayon kay Pangulong Quezon sa kanyang EO 217?

a)

Mahalin at igalang ang iyong mga magulang.

b)

Magtiwala ka sa Poong Maykapal na gumagabay sa kapalaran ng mga tao at mga bansa.

c)

Tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang panlipunan.

d)

Mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at bukal ng iyong kaligayahan at pagiging tao

24.

Ano ang isa sa pinakamahalagang aspekto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan?

a)

pagkakabit-bisig upang isulong ang mga pansariling interes

b)

pagkakabuklod-buklod ng mga tao tungo sa ikabubuti ng kanilang lipunan

c)

pagsasama-sama ng mga indibiduwal upang ipagtanggol ang interes ng pangulo

d)

pagkakaisa ng mga mamamayan upang magkaroon ng isang malakas na pamahalaan

25.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagbibigay ng tamang paglalarawan ng mga karapatang sibil?

a)

Ito ay may kaugnayan sa ating pakikitungo sa ating kapwa.

b)

Ito ay nagbibigay proteksyon kung tayo ay lumalabag sa batas.

c)

Ito ay tungkol sa paghahanap ng mapagkakakitaan upang mabuhay.

d)

Ito ay may kinalaman sa ating karapatang mabuhay nang matiwasay at malaya.

26.

Paano higit na maisusulong at mapangangalagaan ang ating mga karapatang pantao?

a)

pangalagaan ang sariling karapatan

b)

igalang at unawain ang karapatang pantao ng kapwa

c)

pagsulong ng mga programa ukol sa human rights education

d)

sumama sa mga kilos-protesta na tumutuligsa sa mga paglabag ng karapatang pantao

27.

Anong karapatan ang nalabag sa sitwasyong ito? Ipinasara ang lahat ng istasyon ng telebisyon at radyo, gayun din ang mga pahayagan na tumutuligsa ang pamahalaan at sa mga programa nito.

a)

right to information

b)

right to a free press

c)

rights of the accused

d)

privacy of communication

28.

Ang mga sumusunod ay kabilang sa 30 Article ng UDHR maliban sa, ano ito?

a)

Ang bawat tao'y may karapatan sa buhay, kalayaan, at kapanatagan ng sarili.

b)

Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.

c)

Ang bawat tao ay may karapatan na humingi ng parangal o pagkilala sa pamahalaan.

d)

Ang bawat tao'y may karapatang kilalanin saan mang dako bilang isang tao sa harap ng batas.

29.

Batay sa Batas Republika bilang 9225 o Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003, sino ang pinapayagan na magkamit ng dalawang pagkamamamayan o dual citizenship?

a)

dayuhan na may asawang Pilipino

b)

mga artista at atletang dayuhan na nagtatrabaho sa bansa

c)

ang mga magulang ay Pilipino na nanirahan sa ibang bansa

d)

dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon

30.

Nakapaloob sa UDHR ang iba't ibang karapatan tulad ng karapatang sibil, karapatang politikal, karapatang ekonomiko, karapatang sosyal, at karapatang kultural. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa karapatang kultural?

a)

Pinaigting ng pamahalaan ang programa kontra droga.

b)

Nagsagawa ng Job Fair sa KB Gym sa Lungsod ng Baguio nitong nagdaang May 1.

c)

Inanunsyo ng pangulo na walang pasok noong Abril 10 bilang pagbibigay daan sa Ramadan.

d)

Mahigpit ang ginawang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan sa mga sementeryo bilang seguridad sa araw ng mga kaluluwa.

31.

Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pagpapahalagang nakaugat sa aktibong pagkamamamayan maliban sa isa, ano ito?

a)

pagpaparaya o tolerance

b)

paninidigan para sa sariling kapakanan

c)

lakas ng loob na ipagtanggol ang isang pananaw

d)

paggalang sa katarungan, demokrasya, at rule of law

32.

Ang sumusunod ay halimbawa ng constitutional rights maliban sa isa, alin ito?

a)

kalayaan sa relihiyon

b)

karapatan sa minimum wage

c)

karapatan sa wastong kabayaran

d)

malayang pagdulog sa mga hukuman

33.

Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na Pilipino?

a)

mga naging mamamayan ayon sa batas

b)

ang ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas

c)

isinilang noong Enero 17, 1973 na ang ina ay Pilipino

d)

mamamayan ng Pilipinas nang pagtibayin ang Saligang Batas ng 1987

34.

Bakit mahalaga ang pagboto?

a)

naipakikita ng mamamayan na siya ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal

b)

nakapipili ang mamamayan ng mga matitino at mahuhusay na opisyal ng pamahalaan

c)

nagagampanan ng mamamayan ang kanyang tungkulin bilang Pilipino

d)

naitatakda ng mamamayan ang kinabukasan ng bayan

35.

Nakaranas ng torture si Alex dahil isa siya sa mga suspek sa pambobomba sa kanilang lalawigan. Bukod pa rito, dumanas siya ng ‘di makataong mga kaparusahan. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?

a)

kalayaan mula sa pagpapahirap

b)

karapatan sa buhay

c)

kalayaan mula sa di makatuwirang pagdakip

d)

karapatan sa isang makatarungan at hayag na paglilitis

36.

Bakit mahalaga ang mga karapatang nakasaad sa Bill of Rights sa Saligang-Batas ng 1987?

a)

Nakasaad dito ang mga karapatan natin bilang malayang mamamayan ng isang demokratikong Estado.

b)

Ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.

c)

Nakasaad dito ang karamihan sa ating mga karapatan.

d)

Ang lalabag sa mga nakasaad dito ay mapaparusahan ayon sa batas.

37.

Bakit may mga karapatan pa rin ang mga akusado o nasasakdal sa isang kaso?

a)

sila ay itinuturing na inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala

b)

sila ay mga malayang mamamayan katulad ng bawat isa

c)

ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan

d)

ito ay nakatadhana sa Saligang Batas