wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino Worksheet: Multiple Choice Questions

Total questions: 40

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Kwentong nagsasaad kung saan nanggaling o nagmula ang mga bagay-bagay.

a)

Alamat

b)

Kwentong bayan

c)

Maikling Kwento

d)

Mito

2.

Ang nagbibigay buhay sa akda na maaaring masama o mabuti.

a)

Banghay

b)

Simula

c)

Tagpuan

d)

Tauhan

3.

Nalalaman dito kung ang kwento ay naganap sa panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga, tanghali at gabi, sa lungsod o lalawigan, sa bundok o sa ilog.

a)

Banghay

b)

Simula

c)

Tagpuan

d)

Tauhan

4.

Sa bahaging ito nagkakaroon ang kwento ng isang makabuluhang wakas na maaaring ang kinahinatnan ay masaya o malungkot.

a)

Pababang pangyayari

b)

Panimulang pangyayari

c)

Resolusyon

d)

Tunggalian

5.

Sa bahaging ito, nalutas ang suliranin at natamo ng pangunahing tauhan ang layunin. Ito ang magbibigay daan sa wakas ng kwento.

a)

Pababang pangyayari

b)

Panimulang pangyayari

c)

Resolusyon

d)

Tunggalian

6.

May isang Pilandok na isinuyod ang lupa para maghanap ng makakain. Dahil naghihirap ay kailangan talagang kumilos ngunit dahil sa pagod ay naisip niyang magpahinga muna. Huminga siya nang malalim at nabaling ang kaniyang mata sa bahay-pukyutan na animo ay isang batingaw. Ano ang kalagayan ni Pilandok sa oras na iyon?

a)

Malungkot

b)

Masaya

c)

Pagod

d)

Sawi

7.

Nagkasundo ang dalawa at sinabi ni Somusun ang ganito. “Iibigay ko sa iyo ang yaman ko.” Nang maiabot niya kay Pilandok ang yaman ay agad namang tumakbo si Pilandok papalayo. Samantala, gamit ang matulis na bagay ay buong lakas na pinalo si Somusun ang inakalang batingaw na isa pa lang bahay-pukyutan. Ano ang kasabihan ang maaaring iugnay sa pangyayaring ito?

a)

A. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo

b)

B. Kung may isinuksok may madudukot

c)

C. Tuso man ang Matsing napaglalalamangan din

d)

D. Lahat ng nabanggit

8.

Ito ay isang maikling kuwentong na may pangunahing tauhan na hayop, isang suliraning nilulutas, isang mahalagang pangyayari, at matatapos o mababasa sa isang upuan lamang. Ito ay hindi lamang hitik sa kagandahang-asal kung hindi maging ang kultura ay masasalamin dito.

a)

Pabula

b)

Alamat

c)

Epiko

d)

Tula

9.

May utos ang alkalde sa mensahero ng bayan kung saan nakatira si Juan Osong na ipabatid sa mga mamamayan ang bagong ordinansa na nagbabawal na maglakad sa kalsada pagsapit ng alas diyes ng gabi. Dahil nasa lansangan pa si Juan Osong ng alas diyes, ipinasiya niyang gumapang. Nakita siya ng pulis at tinanong, “Bakit narito ka pa? Hindi mo ba alam na bawal sa taumbayan ang maglakad sa kalye pagkatapos ng alas diyes ng gabi?” Ano ang ginawa ni Juan Osong upang hindi mahuli sa paglabag sa ordinansa ng alkalde?

a)

Gumapang siya sa kalsada

b)

Naglakad siya sa gilid ng kalsada

c)

Nagtagoo siya sa isang tindahan

d)

Tumakbo siya pauwi ng Bahay

10.

Ano ang hinulog ni Juan mula sa puno upang takutin ang mga magnanakaw?

a)

Isang malaking bato

b)

Isang sumbrero

c)

Isang palakol

d)

Isang sako ng bigas

11.

Noong unang panahon sa Kaharian ng Agamaniog, payak na naninirahan ang isang pamilya. Si Lokus a Mama ang haligi ng tanan, si Lokus a Babae naman ang ilaw ng tahanan at si Bagoamama naman ang kanilang anak. Simple ang kanilang pamumuhay, si Lokus a Mama ay kumukuha ng mga ligaw na gulay at halaman sa gubat na kanilang makakain habang si Lokus a Babae naman ay kumikilos ng gawaing bahay. Sa binasang siping nagmula sa dulang “Ang Mahiwagang Tandang”, anong elemento ng dula ang mga salitang nakahilig?

a)

Banghay

b)

Tagpuan

c)

Tauhan

d)

Tunggalian

12.

Si Loku a Mama, si Lokus a Babae at si Bagoamama na nabanggit sa sipi ay ang mga ng dula.

a)

Banghay

b)

Tagpuan

c)

Tauhan

d)

Tunggalian

13.

Sa kabila ng kanilang pagsusumikap sa buhay, makikita pa rin ang kanilang kahirapan na maitaguoy ang kanilang pang-araw-araw dahil palagi pa rin silang salat sa pagkain. Ang pahayag ay nagpapakita ng

a)

Banghay

b)

Tagpuan

c)

Tauhan

d)

Tunggalian

14.

Ang inyong klase ay inatasan ng guro sa Filipino na bumuo ng isang kwento na itatanghal sa gaganaping pagdiriwang ng paaralan. Bilang lider ng grupo, ano ang una mong ihahanda upang makapagsimula ng pagsasanay?

a)

Direktor

b)

Iskrip

c)

Tauhan

d)

Teknikal

15.

May programa ang Sangguniang Kabataang Barangay sa inyong lugar, kabilang sa programa ang pagpapalabas ng dulang “Ang Mahiwagang Tandang” sa covered court ng barangay. Anong uri ng dula ang itatanghal?

a)

Pambahay

b)

Pantanghalan

c)

Panlansangan

d)

Pampaaralan

16.

Ginagamitan ng mga salitang naging, kasi, palibhasa, sapagkat at iba upang makita ang dahilan sa pangungusap.

a)

Bunga

b)

Kasalungat

c)

Pagtutulad

d)

Sanhi

17.

Ginagamitan ng mga salitang tuloy, bunga nito, kaya, kayaman at iba pa upang makita ang resulta sa pangungusap.

a)

Bunga

b)

Kasalungat

c)

Pagtutulad

d)

Sanhi

18.

“Dahil sa lakas ng Bagyong Kristine ay nagdulot ito ng malaking pinsala sa iba’t ibang panig ng lugar sa Pilipinas lalo na sa bahagi ng Luzon.” Ang may salungguhit na pangungusap ay

a)

Bunga

b)

Kasalungat

c)

Pagtutulad

d)

Sanhi

19.

“Si Ana ay nagsusunog ng kilay sa kanyang pag-aaral.” Alin sa pangungusap ang nagpapakita ng bunga.

a)

kaya naman nakakuha ng mataas na marka

b)

nakakuha ng mataas na marka

c)

nasunog ang kilay ni Ana

d)

Si Ana ay nagsunog ng kilay

20.

“Si Andrew ay takaw-mata sa sa pagkain kung kaya’t ang kanyang ina ay nagagalit sa kanya sa tuwing nasisira ang mga tirang pagkain nito. Ano sa pangungusap ang nagpapakita ng sanhi?

a)

A. kung kaya’t ang kanyang ina ay nagalit

b)

B. nasisira ang mga sirang pagkain nito

c)

C. Si Andrew ay takaw-mata

d)

D. Si Andrew ay takaw-mata sa pagkain

21.

Isa itong paglalahad ng aktuwal na naranas sa akda batay sa isang historikal na pangyayari.

a)

Brochure

b)

Journal

c)

Kasaysayan

d)

Memoir

22.

Ito ay talaan ng mga sangkap at pamamaraan sa pagluluto ng isang putahe, kakanin, o anumang pagkain

a)

Brochure

b)

Journal

c)

Kasaysayan

d)

Resipi

23.

Naratibo tungkol sa mga mahahalagang pangyayari kaugnay sa isang lahi o bansa.

a)

Brochure

b)

Journal

c)

Kasaysayan

d)

Memoir

24.

Isang maliit na magasin na nagpapakilala sa isang tao, produkto, serbisyo, paaralan, at iba pang bagay.

a)
Brochure
b)

Kasaysayan

c)

Memoir

d)

Resipi

25.

Isang siyentipikong publikasyon na naglalaman ng mga pananaliksik at artikulong likha ng mga eksperto sa iba’t ibang larangan.

a)

Brochure

b)

Journal

c)

Kasaysayan

d)

Memoir

26.

Ikaw ay susulat ng iyong sariling tekstong ekspositori para sa isang patimpalak sa pagsulat. Ang mga sumusunod ay mga dapat na isaalang-alang maliban sa isa.

a)

Alamin ang mga panununtulan at pamantayan sa paghuhusga

b)

Paggamit ng estilo at diksyon

c)

Pagtatala ng mahahalagang impormasyon

d)

Pagtukoy sa paksa

27.

Sina Lea at Anthony ay ang mga batang nangunguna sa klase, dahil mahilig silang magbasa at mag-aral ng leksyon.

a)

Anapora

b)

Katapora

c)

Nominal

d)

Verbal

28.

Sa panahong ng krisis, tumataas ang presyo ng mga bilihin ___ ang bayad sa kuryente. Ano ang wastong pangatnig ang dapat gamitin?

a)

At

b)

Habang

c)

Sapagkat

d)

Samantala

29.

Sa paanong paraan higit na mababatid ng mambabasa kaisipan o diwa ng isang tekstong ekspositori?

a)

Dapat malikhain ang pagsulat

b)

Gumagamit ng matatalinhagang pahayag

c)

May sapat na kakayahang pangwika

d)

Tumutugon sa tema o paksa ng tekstong nais isulat

30.

Ang mabait na anak na may disiplina kaya siya ay kahanga-hanga. Alin sa pangungusap ang pangatnig?

a)

ang

b)

kaya

c)

may

d)

siya

31.

Ito ay anyong sining at pampanitikan na naglalaman ng kuwento na isinasayos sa pamamagitan ng paggamit ng imahe, teksto, at iba’t ibang elemento ng disenyo.

a)

Brochure

b)

Crossword Puzzle

c)

Dula

d)

Komiks

32.

Maaari itong gamitin sa iba’t ibang layunin tulad ng promosyon, edukasyon, at pagpapalaganap ng kamalayan. Uri ito ng impormasyonal na materyal na gumagamit ng elementong pangkomiks.

a)

Advertisement Brochure

b)

Comic Book Brochure

c)

Leaflets/Flyers

d)

Travel Brochure

33.

Ito ang aktuwal na nakikitang representasyon ng mga teksto o impormasyon sa pamamagitan ng mga larawan, grapiko, disenyo, at iba pang biswal na elemento.

a)

Tekstong Biswal

b)

Tekstong Deskriptibo

c)

Tekstong Naratibo

d)

Tekstong Persweysib

34.

Ang paggamit ng comic book brochure ay isang ______ paraan upang maghatid ng impormasyon. Ang mga Biswal na kwento ay mas madaling maunawaan at nakakaakit ng atensiyon.

a)

makatotohanan

b)

malikhaing

c)

nakakatakuwang

d)

nakakaaliw

35.

Ano ang tawag sa propesyonal na lumilikha ng mga animated films, TV shows, video games, at iba pang digital content?

a)

Animator

b)

Comic book Writer

c)

Script Writer

d)

Story Writer

36.

Ang bayograpikal na sanaysay ay isang mahalagang paraan upang maipahayag ang buhay ng mga tauhan mula sa panahon ng katutubo. Ano ang hindi kabilang sa hakbang sa pagbuo ng bayograpikong sanaysay?

a)

Magbasa at magsaliksik tungkol sa napiling paksa/tauhan

b)

Magsulat ayon sa imahinasyon

c)

Pumiling tauhan/paksa

d)

Sumulat ng panimula

37.

Kasalukuyan kang gumagawa ng isang komiks tungkol sa mga lugar at produktong ipinagmamalaki ng Biñan at nais mong maihatid ang iniisip ng iyong karakter sa mga mambabasa. Anong uri ng balloon o bubble ang iyong gagamitin?

a)

Dialogue balloon

b)

Scream bubble

c)

Thought balloon

d)

Whisper bubble

38.

Kasalukuyan kang gumagawa ng isang komiks tungkol sa mga lugar at produktong ipinagmamalaki ng Biñan at nais mong maipakita ang pag-uusap ng iyong karakter sa mga mambabasa. Anong uri ng balloon o bubble ang iyong gagamitin?

a)

Dialogue balloon

b)

Scream bubble

c)

Thought balloon

d)

Whisper bubble

39.

Suriin ang mga sumusunod, piliin ang tiyak na dayalog na nakapaglalarawan sa tauhan ng labis ang pagmamahal?

a)

Akala mo lang wala... Pero meron, meron, meron, meron! (-Carlo Aquino, Batabata Paano Ka Ginawa)

b)

Ako na lang... Ako na lang ulit... (–Bea Alonzo, One More Chance)

c)

"Ang labo mo!Noong nakakakita ka, hindi mo ako nakita. Tapos noong nabulag ka,saka mo ako nakita..."(Empoy, Kita kita)

d)

"Walang sigurado. Pero minsan kailangan mo na lang maniwala. Kasi minsan maniwala ka lang, sapat na."(Julia Baretto, Love You to the Stars and Back)

40.

Hindi kinakailangang bumuo ng timeline at gawing organisado ang nakuhang impormasyon. Ang Multimodal ay binigyang-depinisyon na estilong paggamit ng dalawa o mahigit pang moda ng komunikasyon halimbawa ay mga imahe, kilos musika, pasalita at/o pasulat na wika. Ito ay maaaring mula sa slide presentations, e-books, blogs, e-posters, web pages at social media, tungo sa animation, pelikula at video games.

a)

Digital

b)

Moda

c)

Praktikal

d)

Transmedia