wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

M1.S4_Pagpapakilala ng Sarili

Total questions: 8

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.
  1. 1. Hindi kailangang laging gumamit ng “po” at “opo” sa pagpapakilala ng mag-aaral sa kanino mang madla.

a)

TAMA

b)

MALI

2.
  1. 2. Sa unang pagpapakilala pa lamang sa iyong kaklase o guro, dapat ay ikuwento mo na ang mga detalyadong bagay tungkol sa kasaysayan ng iyong pamilya.

a)

TAMA

b)

MALI

3.
  1. 3. Alin sa sumusunod ang HINDI DAPAT makita sa isang mag-aaral na nagpapakilala sa madla?

a)

A. malakas ang boses

b)

B. may kumpiyansa sa sarili

c)

C. wasto ang pagbigkas ng mga salita

d)

D. iisang tono at ekspresyon ng mukha

4.
  1. 4. Alin sa sumusunod ang dapat IWASAN sa pagpapakilala ng sarili sa isang bagong pangkat o grupo?

a)

A. pagkakaroon ng positibong tono

b)

B. pagpapakita ng interes sa madla

c)

C. pagsasalita nang hindi tumitingin sa mata ng kausap

d)

D. pagsasabi ng buong pangalan at palayaw

5.
  1. 5. Nasa isang pormal na okasyon kayo ng iyong pamilya. Nais ng magulang mo na ipakilala mo ang iyong sarili sa matatandang bisita. Paano mo ito gagawin?

a)

A. Gumamit ng magagalang na wika at magsalita nang malinaw at maayos.

b)

B. Huwag magsabi ng maraming detalye, basta't magpakilala lamang.

c)

C. Gumamit ng impormal na wika para mas maging komportable.

d)

D. Magsalita nang mabilis upang matapos agad.

6.
  1. 6. Pormal na nagpapakilala sa harap ng klase ang isang bisita mula sa paaralan sa malayong probinsiya. Paano ka magtatanong kung may nais kang itanong?

a)

A. Magtanong kahit nagsasalita pa ang bisita para hindi mo makalimutan.

b)

B. Magtanong nang may pagmamalaki sa iyong karanasan.

c)

C. Magtanong nang maayos tungkol sa kanilang karanasan.

d)

D. Tama ang lahat ng nabanggit.

7.
  1. 7. Sa anong mga sitwasyon maaaring magamit ang pormal na pagpapakilala ng sarili?

a)

A. pagsulat ng liham / email sa guro o ibang personalidad

b)

B. mga panayam, kumperensiya, o pulong

c)

C. pag-aapply ng trabaho o interbyu

d)

D. Tama ang lahat ng nabanggit.

8.
  1. 8. Alin sa sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagpapakilala ng sarili sa madlang kausap?

a)

A. pakikipagkamay kahit ayaw ng kausap

b)

B. pagiging magalang sa madlang kausap

c)

C. pagtitiyak na nakaupo nang tuwid ang iilan

d)

D. pagpili ng mga taong kakausapin at sasagutin