Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagbabalik-Aral sa Batayang Kaalaman sa Pagbasa

Total questions: 28

Worksheet time: 14mins

Name
Class
Date
1.

Anong antas ng pagbasa ang antas kung nauunawaan ng mambabasa ang ang kabuuan ng teksto at nakapagbibigay-hinuha rito alinsunod sa pagkakasulat ng may-akda?

a)

PRIMARYA

b)

INSPEKSiYONAL

c)

ANALITIKAL

d)

SINTOPIKAL

2.

Kailan ginagawa ang pagbuo ng sintesis sa pagbabasa?

a)

BAGO BUMASA

b)

HABANG NAGBABASA

c)

PAGKATAPOS MAGBASA

3.

Kailan ginagawa ang biswalisasyon sa pagbabasa?

a)

BAGO BUMASA

b)

HABANG NAGBABASA

c)

PAGKATAPOS MAGBASA

4.

Kailan ginagawa ang muling pagbabasa?

a)

BAGO BUMASA

b)

HABANG NAGBABASA

c)

PAGKATAPOS MAGBASA

5.

Kailan ginagawa ang inisyal na pagsisiyasat sa gawain ng pagbabasa?

a)

BAGO BUMASA

b)

HABANG NAGBABASA

c)

PAGKATAPOS MAGBASA

6.

I.A  Panuto: Tukuyin ang uri ng teknik sa pagbabasa na naaangkop sa sumusunod na mga sitwasyon sa ibaba?


Si Jewon ay nagbabasa sa pamamagitan ng paghahanap ng mga eksaktong salita sa diksiyonaryong kaniyang hawak-hawak. 

a)

SCANNING

b)

SKIMMING

c)

INTENSIVE READING

d)

EXTENSIVE READING

7.

I.A  Panuto: Tukuyin ang uri ng teknik sa pagbabasa na naaangkop sa sumusunod na mga sitwasyon sa ibaba?


Si Alvin ay nagbabasa ng nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang malibang dahil ngayon ay bakasyon na mula sa klase. 

a)

SCANNING

b)

SKIMMING

c)

INTENSIVE READING

d)

EXTENSIVE READING

8.

I.A  Panuto: Tukuyin ang uri ng teknik sa pagbabasa na naaangkop sa sumusunod na mga sitwasyon sa ibaba?


Matapos mabasa ang Noli Me Tangere ay binasa rin ng aking kamag-aral ang akdang El Filibusterismo na kapuwa isinulat ni Gat. Jose Rizal. Ito ay nagbigay-daan sa kaniya upang magbasa ng mga akdang may kinalaman sa kalagayan o sitwasyon ng bansang Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol. 

a)

SCANNING

b)

SKIMMING

c)

INTENSIVE READING

d)

EXTENSIVE READING

9.

Ito ay isang uri ng makabagong paraan ng pagbasa kung saan may gumagabay sa mata ng mga mambabasa sa pamamagitan ng mga artipisyal na fixation points. 

a)

READER VIEW

b)

NORMAL WEBPAGE

c)

BIONIC READING

10.

 Ito ay mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na karanasan, pananaliksik o pangkalahatang kaalaman o impormasyon

a)

OPINYON

b)

KATOTOHANAN

11.

Ito ay mga pahayag na nagpapakita ng presensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao. Maaaring kakitaan ito ng mga panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko”, “para sa akin”, “gusto ko” o sa “tingin ko”..

a)

OPINYON

b)

KATOTOHANAN

12.

Sa tingin ko ay may malaking pananagutan ang sinumang Pilipino sa pagboto sa nagdaang eleksiyon. 

a)

OPINYON

b)

KATOTOHANAN

13.

Galit ang naramdaman ni Bryan nang mabasa ang balita tungkol sa insidente na kumitil sa buhay ng 5 katao sa Maynila noong nakaraang linggo. Anong katangian ang dapat niyang ipamalas kaugnay ng kaganapan ito?

a)

PRIMARYA

b)

MAPAGSIYASAT

c)

ANALITIKAL

d)

SINTOPIKAL

14.

Inuunawa niya ang ipinababasa ng guro upang masagutan ang katanungang ibinigay nito. 

a)

PRIMARYA

b)

INSPEKSIYONAL

c)

ANALITIKAL

d)

SINTOPIKAL

15.

Sumulat si Marie sa editor ng diyaryo matapos mabasa ang maling nilalaman nito sa tulong ng kaniyang kaalaman sa paksang tinalakay sa artikulo.

a)

PRIMARYA

b)

INSPEKSIYONAL

c)

ANALITIKAL

d)

SINTOPIKAL

16.

Ano ang dalawang Uri ng Pagbasa?

a)

Masining at Karaniwan

b)

Opinyon at Katotohanan

c)

Skimming at Scanning

d)

Intensive at Extensive

17.

Piliin ang tamang antas ng pagbasa batay sa paglalarawan.

Binasa ni Ella ang pamagat, subheading, at buod ng artikulo upang malaman kung ito ay tungkol sa agham o teknolohiya.

a)

Inspeksiyonal

b)

Sintopikal

c)

Primarya

d)

Analitikal

18.

Piliin ang tamang antas ng pagbasa batay sa paglalarawan.

Si Liza ay nagbabasa upang matukoy kung ang artikulo ay may kaugnayan sa kanyang pananaliksik.

a)

Analitikal

b)

Sintopikal

c)

Inspeksiyonal

d)

Primarya

19.

Tukuyin kung kailan ginagawa ang sumusunod na kasanayan sa pagbasa.

Paggamit ng highlighter habang binabasa ang isang tekstong akademiko.

a)

Bago Magbasa

b)

Habang Nagbabasa

c)

Pagkatapos Magbasa

d)

Hindi Tiyak

20.

Ang pagbasa ay maituturing na aktibong proseso dahil ___________.

a)

sinasabayan ito ng pagsusulat

b)

pinapagana ang isip at karanasan ng mambabasa

c)

ginagamitan ng teknolohiya

d)

sinasali ang emosyon ng mambabasa

21.

Bakit mahalaga ang muling pagbasa?

a)

Para makalimutan ang nabasa

b)

Para mas maintindihan ang nilalaman

c)

Para maghanap ng ibang libro

d)

Para makagawa ng pagsusuri

22.

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa Bionic Reading?

a)

Paraan ng pagbabasa ng mahahabang akda

b)

Teknik kung saan ginagabayan ang mata sa mga piling salita

c)

Teknik sa pagbabasa gamit ang audio

d)

Paraan ng pagsusuri gamit ang flowchart

23.

Kailan pinakamainam gamitin ang scanning bilang teknik?

a)

Kapag naghahanap ng tiyak na impormasyon tulad ng petsa

b)

Kapag nais basahin ang buong nobela

c)

Kapag iniintindi ang aral ng akda

d)

Kapag nagsusulat ng sariling tula

24.

Aling uri ng pagbasa ang ginagawa ng isang taong patuloy na naghahanap ng ibang akda matapos makabasa ng isa?

a)

Intensive Reading

b)

Skimming

c)

Extensive Reading

d)

Scanning

25.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pananaw ng may-akda?

a)

“Sa aking palagay, ito ay makabubuti sa lahat.”

b)

“Makulay ang tagpo sa nobelang ito.”

c)

“Nasaktan ako sa kanyang desisyon.”

d)

“Masaya ang mga tauhan sa kwento.”

26.

Ano ang pangunahing layunin ng skimming?

a)

Alamin ang kabuuang ideya ng akda

b)

Hanapin ang pangalan ng tauhan

c)

Tukuyin ang suliranin sa kwento

d)

Makita ang lokasyon ng kabanata

27.

Kapag gumagamit ang mambabasa ng imahinasyon habang nagbabasa, siya ay gumagamit ng__________.

a)

Prediksyon

b)

Pagwawasto

c)

Biswalisasyon

d)

Sintesis

28.

Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ng pagbabasa?

a)

Tumuklas ng bagong kaalaman

b)

Maaliw at makapaglibang

c)

Makapagpahayag ng emosyon sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan

d)

Mapalawak ang pananaw ukol sa isang paksa