wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ARALING PANLIPUNAN 9:SIMEON

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Pinilit ni Christian na pumasok sa trabaho kahit na masama ang pakiramdam. Nanghihinayang kasi siya sa isang araw na suweldo na maaaring ikaltas sa kanya.

a)

Trade off

b)

Opportunity Cost

c)

Marginal Thinking

d)

Incentives

2.

Maliban sa mura at maganda, eco-friendly pa ang nabiling bag ni Jessa

a)

Trade off

b)

Opportunity Cost

c)

Marginal Thinking

d)

Incentives

3.

Tukuyin kung anong salik sa paggawa ng matalinong desisyon ang tinutukoy ng sitwasyon: "Pinili ni John na gamitin ang naipong pera sa pagbili ng school supplies sa halip na bumili ng sapatos na matagal niya ng gusto"

a)

Trade off

b)

Opportunity Cost

c)

Marginal Thinking

d)

Incentives

4.

Tumutukoy sa dagdag na pakinabang o halaga na maaari nating makuha sa gagawing desisyon

a)

Trade off

b)

Opportunity Cost

c)

Marginal Thinking

d)

Incentives

5.

Ayon kay Warren Buffet, kilalang bilyonaryo sa buong mundo, “ If you buy things that you don’t need, you

might end up selling things that you need”. Ano ang ipinapahiwatig nito kaugnay ng ating pangangailangan at kagustuhan?

a)

Maaaring masakripisyo ang ating mga pangangailangan kapag inuna natin ang mga kagustuhan.

b)

Hindi masama na magkaroon ng maraming kagustuhan hangga’t natutugunan ang mga pangangailagan.

c)

Maituturing na kagustuhan ang isang bagay kapag ito’y higit pa sa ating pangangailangan.

d)

Iba-iba ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

6.

Tumutukoy sa halaga na maaaring mawala o nang “best alternative” na pangunahing nararapat na isaalang-alang sa

paggawa ng anumang desisyon.

a)

Trade off

b)

Opportunity Cost

c)

Marginal Thinking

d)

Incentives

7.

Ang suliranin ng kakapusan o scarcity ay maaaring masolusyunan sa pamamagitan ng

a)

Matalinong paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman

b)

Pagkakaroon ng maraming pera at ari-arian

c)

Pag-iimbak o pagtatago ng maraming pagkain sa panahon ng krisis

d)

Pagdarasal na manalo sa Lotto

8.

Pangunahing batayan sa pag-aaral ng Ekonomiks ay ang suliranin ng kakapusan. Bakit nagkakaroon ng kakapusan?

a)

Dahil sa mapang-abusong paggamit ng likas na yaman

b)

Dahil sa mga kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang yaman

c)

Dahil limitado ang pinagkukunang yaman subalit walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao

d)

Dahil sa mapagsamantalang negosyante na minamanipula ang supply ng mga produkto

9.

Ang Ekonomiks ay hango sa griyegong salita na "oiko" at "nomos" na nangangahulugang

a)

Pamamahala ng negosyon

b)

Pamamahala ng yaman

c)

Pamamahala ng tahanan

d)

Pamamahala ng bansa

10.

Ano ang pinaka-angkop na kahulugan ng ekonomiks?

a)

Ito ay tumutukoy sa paggamit ng likas na yaman

b)

Ito ay may kinalaman sa tamang paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao.

c)

Ito ay bahagi ng siyensiya na pinakamahalagang salik sa lipunan

d)

Ito ay pag-aaral sa tao at lipunan

11.

Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang griyego na ibig sabihin ay pamamahala ng tahanan/bahay

a)

oikonomos

b)

oikonomiks

c)

oikonomia

d)

oikonomiya

12.

Ang hindi paggamit ng tamang pagpapasya sa pagkonsumo ng mga pinagkukunang yaman ay maaring magbunga ng

a)

kakapusan

b)

kasaganaan

c)

kaayusan

d)

kapayapaan

13.

Ang mga sumusunod ay konsepto sa pag-aaral ng ekonomiks maliban sa isa:

a)

tamang pagbabadget

b)

tamang pagpapasya

c)

tamang pagtitipid

d)

tamang pagboto

14.

Ang kakapusan ay maaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng suliraning panlipunan?

a)

magdudulot ito ng pagbabago sa badyet ng mga tao

b)

magkakaroon ng pagtaas ng presyo sa pamilihan

c)

magdudulot ng malakas na lindol dahil sa pagguho ng lupa

d)

magkakaroon ng monopolyo sa hanay ng mga negosyante

15.

Bakit tinaguriang isang agham ang ekonomiks?

a)

dahil pinag-aaralan nito kung ano ang epekto ng ginagawa niyang pagpili para sa pansarili niyang pangangailangan

b)

dahil gumagamit ng mga datos mula sa pananaliksik ang ekonomiks upang maipaliwanag ang ibat-ibang mga suliraning panlipunan.

c)

dahil may mga tuntunin sa pag-aaral ng ekonomiks na kadalasan ay may relasyon sa pananaliksik at gawain ng mga siyentipiko.

d)

lahat ng nabanggit

16.

Sa ekonomiks upang makapagsuri at makapagpasya ang mga mamamayan tungkol sa suliraning pang-ekonomiya kailangan ang mga sumusunod na kaalaman maliban sa:

a)

kaalaman at pagkaunawa tungkol sa kalikasan at kabuuan nito

b)

kaalaman at pagkaunawa sa mga patakarang pinaiiral ng pamahalahan

c)

kaalaman at pagkaunawa kung ano ang mga pangunahing pangangailangan at kagustuhan

d)

kaalaman at pagkaunawa sa sariling kapakanan

17.

Mahalaga ang ekonomiks bilang kasapi ng pamilya dahil:

a)

natutuhan ang matalinong paggasta

b)

napapahalagahan ang pag-aaral ng mabuti

c)

nagkakaroon ng matalinong desisyon sa pagtugon sa iyong mga pangangailangan

d)

lahat ng nabanggit

18.

Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan, bakit kailangan pag-aralan ang ekonomiks?

a)

Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang bumili ng

maraming pagkain sa panahon ng pandemya.

b)

Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong sa nangyayari sa lipunan.

c)

Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa

buhay.

d)

Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo.

19.

Sa ekonomiks kailangang maging makatuwiran ang tao sa kanyang pag-iisip sa pagpili ng mga bagay na mapapakinabangan. Ano ang kahalagahan nito sa panahon ng pandemya?

a)

Ang isang indibidwal ay hindi na kailangan suriin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa kanya.

b)

Hahayaan na lamang ng isang indibidwal kung ang produkto ay may pakinabang sa kanya o wala.

c)

Kailangan suriin ang mga produktong bibilhin dahil limitado ang pagkakaroon ng salapi.

d)

Hindi pakikialaman ang mataas na presyo ng mga produkto at serbisyo na nais niyang bilhin.

20.

Ito ang pangunahing suliraning pang-ekonomiko

a)

Kakapusan

b)

Kagustuhan

c)

Kakulangan

d)

Kalinangan

21.

Ano ang tawag sa limitado ng pinagkukunang-yaman upang tugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao?

a)

kabuhayan

b)

kakulangan

c)

kakapusan

d)

kalungkutan

22.

Ano ang tawag sa nagaganap kapag hindi sapat ang supply ng produkto sa dami ng gustong bumili nito?

a)

kakapusan

b)

kakulangan

c)

kinabukasan

d)

kalungkutan

23.

Piliin ang mga halimbawa ng palatandaan ng kakapusan

a)

Deforestation, pagkonti ng nahuhuling isda, yamang kapital, oras, pera.

b)

Reforestation, kagwapohan, pangkabuhayan, swak na swak.

c)

Kasaganahan, kasinungalingan, katamtaman.

d)

kasarian, kapwa-tao, kalaglagan

24.

Ano ang tawag sa dulot ng kakapusan kong hindi gawan ng paraan?

a)

Suliraning Dynamiko

b)

Suliraning Pampubliko

c)

Suliraning Panlipunan

d)

Suliraning Kakawalan

25.

Paano nag kakaroon ng kakapusan?

a)

kapag hindi sapat ang natural na pinagkukunang yaman sa pangangailangan ng tao.

b)

kapag itinatago ang supply ng isang produkto.

c)

kapag itoy nasisiraan na ng bait.

d)

kapag walang pera kailangang mangamba.

26.

Bakit maraming problema ang tao pagdating sa ikinabubuhay nito?

a)

dahil maraming pera na ipang bili ng masasarap na pagkain

b)

dahil walang malay sa mundo

c)

dahil hindi marunong pumili kong ano ang dapat na tamang gawin

d)

dahil kakulangan sa pagmamahal

27.

Mahalagang pag-aralan at maunawaan ang kakapusan sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring makaisip ang tao ng mga paraan kung paano ito epektibong mapamamahalaan.

a)

Tama

b)

Mali

28.

Ang gamit ng pera ay may limitasyon din sapagkat hindi nito mabibili ang lahat ng bagay.

a)

Tama

b)

Mali

29.

Ang pagbaba ng supply ng bigas sa pamilihan dahilan sa bagyo, peste, El Niño at iba pang kalamidad ay maituturing na Kakulangan.

a)

Tama

b)

Mali

30.

Sa pag aaral ng Kakapusan ay maaari din itong maging daan upang maging responsable ang bawat isa sa pagkuha at paggamit ng limitadong pinagkukunangyaman.

a)

Tama

b)

Mali

31.

Dahil sa coral bleaching, unti-unting nalalason ang mga coral na nagiging dahilan ng pagkaunti ng nahuhuling isda.

a)

KAKULANGAN

b)

KAKAPUSAN

32.

Noong 1995 at 1996, nagkaroon ng suliranin sa kuryente ang bansa, kaya ipinatupad ang pagkakaroon ng rotating brownout.

a)

KAKULANGAN

b)

KAKAPUSAN

33.

Nagkaroon ng malakas na bagyo sa sumalanta sa mga lalawigan sa Norte kabilang na ang Baguio na pinagkukunan ng mga gulay at prutas. Nasira ang mga pananim doon. Ano ang suliraning pang-ekonomiya ang naranasan sa sitwasyon?

a)

Kakapusan

b)

Kakulangan

34.

Sa papalapit na kapaskuhan ay labis ang naging kagustuhan ng mga tao na mamimili kaya madalas ang pagkaubos ng ilang mahahalagang pagkaing panghanda katulad ng spaghetti at fruit cocktail. Anong suliraning pang-ekonomiya ang nararanasan sa sitwasyon?

a)

Kakapusan

b)

Kakulangan

35.

Madalas mawalan ng suplay ng tubig sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad at Manila waters dahil mababa ang lebel ng tubig sa mga dam. Anong suliraning pang-ekonomiya ang nararanasan sa sitwasyon?

a)

Kakapusan

b)

Kakulangan

36.

Nagkaroon ng sunud-sunod na kalamidad sa bansa. Bunsod nito ay naapektuhan ang mga pananim lalo na ang mga palay. Nang mabalitaan ito ng mga suplayer ay agad silang nagtago ng mga sako ng bigas na naunan na nilang nabili upang hintayin ang pagtaas ng presyo nito. Anong suliraning pang-ekonomiya ang nararanasan sa sitwasyon?

a)

Kakapusan

b)

Kakulangan

37.

Maghanap ng ibang mapagkukunang yaman o yamang maaring mapalit kung

kinakailangan

a)

TAMA

b)

MALI

38.

S i g u r a d u h i n g m a y r o o n g pagpapatuloy ( sustainability) ang mga paraang inilatag upang maiwasan ang pagkaubos ng yaman

a)

TAMA

b)

MALI

39.

Magkaroon ng makabagong paraan ng produksiyon upang hindi masayang ang mga sobrang yaman

a)

TAMA

b)

MALI

40.

Huwag magtipid, ito ang pinakamahalaga at epektibong

paraan para malabanan ang

kakulangan

a)

TAMA

b)

MALI