WorksheetsTAGISAN NG TALINO MADALI
Total questions: 15
Worksheet time: 5mins
1. Mga salitang pantawag sa tao, bagay, hayop, lugar at kaganapan.
a. Pangngalan
b. Panghalip
c. Panaguri
d. Pamatlig
2. Ito ay isang tula na patungkol sa kamatayan o sa pagdadalamhati lalo na sa paggunita sa isang sumakabilang-buhay na.
a. Pastoral
b. Elehiya
c. Oda
d. Komedya
3. Ito ang tawag sa pandiwa na nagsasaad ng kilos na ginagawa pa lamang
a. Perpektibo
b. Kontemplatibo
c. Imperpektibo
d. Pandiwa
4. Ito ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa isang salita, parirala, sugnay, at pangungusap sa kapwa nito.
a. Pangngalan
b. Pandiwa
c. Pang-uri
d. Pangatnig
5. Ito ay nagsasaad ng kilos na tapos na.
a. Imperpektibong aspeto
b. Perpektibong aspeto
c. Kontemplatibong aspeto
d. Aspektong panghinaharap
6. Binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang naghahayag ng mga gintong aral.
a. Tula
b. Bugtong
c. Salawikain
d. Sawikain
7. Isang maikling kwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
a. Sawikain
b. Salawikain
c. Pabula
d. Parabula
8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pang-abay na pamanahon?
a. Taimtim
b. Kanina
c. Marahil
d. Saan
9. Ano ang tawag sa pagkakaroon ng mga magkakatulad na tunog sa huling bahagi ng bawat taludtod sa isang tula?
a. Aliterasyon
b. Asonansiya
c. Talinghaga
d. Tugma
10. Ito ang anyo ng panitikan na naglalayong mabigyang-kasagutan ang pinagmulan ng mga bagay, pook, pangyayari, o katawagan. Bagamat mahiwaga at hindi kapani-paniwala ang nilalaman, kasasalaminan pa rin ito ng kultura ng rehiyong pinagmulan.
a. Pabula
b. Alamat
c. Epiko
d. Paradula
11. Ang salitang yamang-dagat ay halimbawa ng anong kayarian ng salita?
a. Tambalan
b. Inuulit
c. Maylapi
d. Payak
12. Anong pagbabagong morpoponemiko ang nangyari sa mga halimbawang “buksan,
takpan, tupdin at sakyan”?
a. Metatesis
b. Pagkakaltas
c. Paglilipat ng diin
d. Pagpapalit ng ponema
13. Sa pangungusap na, “Magandang araw po nanay”.Ang salitang may salungguhit
ay isang?
a. Penomenal
b. Eksistensiyal
c. Pormulasyong Panlipunan
d. Padamdam
14. Sino ang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa?
a. Lope K. Santos
b. Cirio H. Panganiban
c. Manuel L. Quezon
d. Severino Reyes
15. Anong uri ng tayutay ang ginagamit sa pahayag na “Kumukulong tulad ng bagyong malakas ang kanyang galit”?
