wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Reviewer sa AP7 1st Quarter

Total questions: 35

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Ang isang malawak na sona kung saan madalas nagaganap ang mga paggalaw ng lupa at pagputok ng mga bulkan. Hitik sa mga bulkan ang lugar na ito at maaaring magdulot ng paglindol bunga ng kanilang pagsabog.

a)

Insular Timog Silangang Asya

b)

Mainland Timog Silangang Asya

c)

Pacific Ring of Fire

d)

Zone of Proximal

2.

Binubuo ito ng mga kapuluang nakakalat sa karagatan. Kabilang dito ang mga islang Pilipinas, Indonesia, at East Timor.

a)

Pangkapuluang Timog Silangang Asya

b)

Pangkontinenteng Timog Silangang Asya

c)

Pacific Zone of Fire

d)

Zone of Fire

3.

Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.

a)

Agrikultura

b)

Biodiversity

c)

Heograpiya

d)

Ekonomiya

4.

Ang Insular Timog Silangang Asya ay binubuo ng mga kapuluang nagkalat sa karagatan. Kabilang dito ang mga isla ng ______________.

a)

Amerika, Japan China

b)

China, Pilipinas, Indonesia

c)

Pilipinas, Indonesia, at East Timor

d)

Singapore, Malaysia, at Thailand

5.

Ang ________________ ay isang tangway na nasa pagitan ng South China Sea at Indian Ocean.

a)

Insular Timog Silangang Asya

b)

Mainland Timog Silangang Asya

c)

Pacific Ring of Fire

d)

Zoographic Region

6.

Alin sa sumusunod na likas na yaman ang nasa tamang pangkat?

a)

Bakal at karbon

b)

Ginto, tanso, natural gas, Mayapis

c)

Ganges, Brahmaputra, hydroelectric power

d)

Trigo, palay, barley, mais, bulak at gulay

7.

Ang naglalarawan sa taglay na likas na yaman ng Timog Silangang Asya ay _________.

a)

Mayaman sa langis at petrolyo.

b)

Mayroong malalawak na kagubatan

c)

Mayroong pinakamalaking deposito ng ginto.

d)

Nangunguna sa industriya ng telang sutla.

8.

Paano mo mabibigyan ng paglalarawan ang mga likas na yaman sa bawat rehiyon sa Asya?

a)

Malapit ng maubos.

b)

Sagana at magkakaiba.

c)

Mayaman at magkakatulad.

9.

Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan sa likas na yaman na taglay ng rehiyon ng Timog Silangang Asya?

a)

Salat sa likas na yaman ang rehiyon ng Timog Silangang Asya.

b)

Ang rehiyon ng Timog Silangang Asya ay nangunguna sa larangan ng magagandang aplaya o beaches.

c)

Ang Timog Silangang Asya ay kilala sa mala-paraisong mga pulo at baybayin na may pinong-pinong buhangin.

d)

Ang Timog-Silangang Asya ay tahanan ng mga natural wonders o kahanga-hangang tanawin na likha ng kalikasan

10.

Bakit mahalaga ang mga likas na yaman sa isang bansa? Pumili ng dalawa.

a)

Sapagkat ang likas na yaman ang tumutustos pangangailangan ng mamamayan.

b)

Sapagkat ang likas na yaman ay nagbibigay ng karangalan sa isang bansa.

c)

Ang likas na yaman ang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales.

d)

Ang likas na yaman ang nagbibigay ng yaman sa bansa.

11.

Kung bubuo ng isang pangako o commitment ukol sa pagsusulong ng likas kayang pag-unlad ng mga pinagkukunang likas-yaman batay sa gabay na pahayag, "Bata man akong maituturing, ngunit sa aking mumunting gawain, kayang-kaya kong isulong ang likas-kayang pag-unlad ng yaman ng bansa sa pamamagitan ng …". Alin sa sumusunod ang iyong mabubuo?

a)

Pagsasawalang bahala sa mga nagtatapon ng mga basura kahit saan.

b)

Pagtindig sa mga taong walang habas ng pagpuputol ng puno sa mga kagubatan

c)

Pagsali sa mga gumagamit ng dynamite o pampasabog sa panghuhuli ng isda sa dagat

d)

Pagbuo ng mga adhikain upang mapalaganap ang polusyon sa iba't ibang bahagi ng pamayanan sa daigdig

12.

Kung magkakaiba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya nangangahulugan na ang pinakamalaking hamon sa bansa ay_____?

a)

Modernisasyon

b)

Pagkakakilanlan

c)

Politikal

d)

Pagkakaisa

13.

Batay sa survey, "Sa kada sampung tao sa mundo, anim doon ay Asyano" , alin sa sumusunod ang magpapaliwanag nito?

a)

Ipinapakita dito na may ipinapanganak na anim na katao araw araw sa Asya

b)

Ipinakikita dito na sa bawat sampung tao sa mundo ang anim ay nagpupunta sa Asya

c)

Ipinakikita dito na 6% ng tao sa daigdig ay nagmula sa Asya

d)

Ipinakikita dito na ang 60% ng tao sa daigdig ay nagmula sa Asya

14.

Kung ang pamilya ay binubuo ng nanay, tatay , mga anak at iba pang mga kamag-anak sinasabing ito ay pamilyang _______?

a)

Bilateral

b)

Ekstended

c)

Nukleyar

d)

Patriyarkal

15.

Alin sa sumusunod ang isang pagbabagong nagaganap sa pamilyang Asyano?

a)

Pananatili sa makalumang paraan.

b)

Pagiging patriyarkal ng mga pamilya.

c)

Pagtaas ng katayuan ng mga kababaihan.

d)

Pagkakaroon ng mga pinagkasunduang kasal.

16.

Si Mang Juan ang tatay ni Pedro at si Aling Nora ang kanyang Ina. Lahat ng desisyon sa loob ng pamilya nila ay si Mang Juan ang nagdidikta at sumusunod lang si Aling Nora sa kanyang sinasabi. Anong sistema ng pagpapamilya ang kanilang isinasagawa?

a)

Bantriyarkal

b)

Matriyarkal

c)

Patriyarkal

d)

Totalitaryal

17.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa pamilyang Asyano na WASTO?

a)

Nahaharap sa mas matinding suliraning sa kasalukuyan ang pamilyang Asyano.

b)

Ang pamilyang asyano ay lubos nang naimpluwensiyahan ng pamilyang kanluranin

c)

Unti unting humihina ang pamilyang Asyano bunga ng mga suliranin at pagbabagong kinakaharap nito.

d)

Nananatiling matatag ang mga pamilyang Asyano sa pagharap sa mga hamon at suliranin na dala ng pagbabago

18.

Ang ninuno ng mga Pilipino at ng lahat ng mga tao sa Timog-silangang Asya. Sila ay nakarating sa Pilipinas mula sa Taiwan na orihinal na nagmula sa Timog China.

a)

Austronesian

b)

Creole

c)

Maritima

d)

Maui

19.

Ang maaaring dahilan ng pagkakatulad ng mga kultura, wika at pisikal na katangian ng mga bansa sa Asya batay kay Peter Bellwood.

a)

Imperyalismo ng mga dayuhan mula sa kanlurang bahagi ng daigdig

b)

Kolonyalismo na paraan ng pananakop ng mga Europeo sa kontinente ng Asya

c)

Pagpaparami ng lahi upang magkaroon ng iisang pamilya para sa buong Timog Silangang Asya

d)

Migrasyon o paglipat-lipat ng mga katutubong naninirahan sa mga isla na nag

20.

Noong 2500 B.C.E. ang mga Austronesian ay nakarating sa Pilipinas mula sa Taiwan. Sa Timog China naman ang orihinal na pinagmulan ng mga taong ito. Ano ang iyong naunawaan sa Teoryang Austronesian Migration?

a)

Paglalakbay ng sinaunang tao sa ibang lugar

b)

Pagkalat ng lahi at kultura ng Austronesian

c)

Paglipat ng mga tao gamit ang bangka papunta sa ibang isla

d)

Pinagsimulan na ninuno ng lahat ng tao mula sa Timog-Silangang Asya

21.

Paano mo maipaliliwanag ang ibig sabihin ng Teoryang Mainland Origin Hypothesis ni Peter Bellwood?

a)

Mula sa Mainland Timog-Silangang Asya gumamit ng tulay na lupa para makalipat s ibang lugar

b)

Naglakbay sa tubig upang hanapin ang puso ni Tefiti at nakarating sa iba’t ibang bahagi ng Timog Silangang Asya

c)

Gamit ang kanilang mga bangka nagpalipat lipat sila ng isla upang duon manirahan habang naglalakbay sa dagat ang kanilang mga kasamahan

d)

Binigyang diin na nagmula ang mga Austronesian sa timog China na naglakbay sa Taiwan at nagtungo sa hilagang Pilipinas at sa iba’t ibang bahagi ng Timog Silangang bahagi ng mundo

22.

Ang migrasyon o pandarayuhan sa loob ng isang bansa at maging sa ibang bansa ay mahalagang salik sa pagtataya ng kaunlarang pangkabuhayan. Ito ay hindi na bagong pangyayari sapagkat ang prosesong ito ay bahagi na ng mahabang kasaysayan ng Asya. Ang mga sumusunod ang magpapatunay nito MALIBAN sa:

a)

Ang pagkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng mga bansang nag-aagawan sa West Philippine Sea

b)

Ang pandarayuhan na isinagawa ng mga Indian at Tsino na nagresulta sa pagdami ng kanilang bilang

c)

Migrasyon bilang salik ng pagpapaunlad ng isang lipunan at estado na naging dahilan ng pagunlad ng ekonomiya ng rehiyon

d)

Dahil sa migrasyon ay napaunlad ang mga pamayanan dahil sa paninirahan ng ating mga ninuno na pinagmulan ng ating lahi

23.

Ayon kay Peter Bellwood, ang ninuno ng mga Pilipino ay ang mga Austronesian at maging ng lahat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya. Ano ang naging batayan niya sa pagpapaliwanag nito?

a)

dahil ito sa Teorya ng Austronesian Migration na nagsasaad ng orihinal na pinagmulan ng mga Austronesian

b)

dahil ito sa Teorya ng Austronesian Migration na nagsasaad ng pagkakapareho ng kultura, wika, at pisikal na katangian ng mga bansa sa Asya

c)

dahil ito sa Teorya ng Austronesian Migration na nagsasaad ng pagkakatulad ng pisikal na kaanyuan ng mga Pilipino at ng mga tao sa Timog-Silangang Asya

d)

dahil ito sa Teorya ng Austronesian Migration na nagsasaad na ang mga Austronesian ay kilalang mga dakilang manlalayag gayun din ang mga taong mula sa Timog-Silangang Asya

24.

Isaayos ang mga pahayag upang maibuod ang mga detalye tungkol sa Austronesian Migration Theory.

  1. I. Ayon kay Peter Bellwood, isang Australyanong arkeologo, ang mga unang pangkat ng tao na nanirahan sa Timog-Silangang Asya at Oceania ay ang mga Austronesian

  2. II. Noong 2500 BCE, ang mga Austronesian ay nakarating ng Pilipinas mula Taiwan. Sila ay orihinal na nagmula sa Timog China. Ito ay kinilalang Austronesian Migration Theory.

  3. III. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ulit ng migrasyon hanggang sa kumalat na sila sa buong kapuluan ng Pilipinas hanggang sa mga isla ng Celebes, Borneo, at Indonesia. Ang iba naman ay nagtungo sa Malaysia, Samoa, Hawaii, Easter Island, at Madagascar.

  4. IV. Ang mga Austronesian ay ninuno ng mga Pilipino at lahat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya at Oceania. Ipinaliwanag sa Teorya ng Austronesian Migration ang dahilan ng pagkakatulad sa kultura, wika, at pisikal na katangian ng mga bansa sa Timog- Silangang Asya at Oceania

a)

I, II, III, IV

b)

II, III, IV, I

c)

IV, III, II, I

d)

III, II, IV, I

25.

Alin sa sumusunod ang mga kabihasnang naitatag sa pangkontinente o Mainland Southeast Asia?

a)

Funan, Sri Vijaya, Pagan, Le, Malacca, Angkor (Khmer)

b)

Ayutthaya, Le, Tounggoo, Madjapahit, Pagan, Sailendra

c)

Funan, Angkor (Khmer), Pagan, Tounggoo, Le, Ayutthaya

d)

Sri Vijaya, Pagan, Malacca, Madjapahit, Sailendra, Le

26.

Alin sa sumusunod ang katangian ng imperyong Angkor o Khmer?

a)

Ang imperyong ito ay naitatag bunga ng pag-aalsa laban sa mapaniil na pamumuno ng Dinastiyang Ming ng China.

b)

Ang imperyong ito ay may maunlad na ugnayan sa China, patunay nito ay ang pagpapadala ng mga embahador sa China.

c)

Ang pamunuan ng imperyong ito ay nagpasakodigo ng mga tradisyong Hindu at Thai na naging batayan ng kanilang batas hanggang sa ika-19 na siglo.

d)

Ang pamunuan sa imperyong ito ay nagpaggawa ng isang templo na nagsilbing kabisera ng imperyo at libingan ng kanilang hari na si Suryavarman II.

27.

Alin sa sumusunod ang katangian ng kahariang Sailendra?

a)

Ito ang kahariang pinabagsak ng pwersa ng mga Muslim.

b)

Ito ay ang kaharian sa Insular Southeast Asia na kumontrol sa rutang pangkalakalan ng Malacca.

c)

Ito ay ang kahariang tumanggap sa relihiyong Buddhism at nagpatayo ng monumento ng Borobudor.

d)

Ito ang kahariang naging sentrong pangkalakalan ng pampalasa sa Insular Southeast Asia sa pagitan ng Tsina at India.

28.

Paano mo mabibigyan ng pahiwatig ang pangyayaring ito? Ang pagpapaggawa ng baray ay tanda ng pagiging maparaan ng mga mamamayan ng imperyo.

a)

Ang pagpapaggawa ng baray ay tanda ng pagiging maparaan ng mga mamamayan ng imperyo.

b)

Ang pagpapaggawa ng baray ay tanda ng mas progresibong kabihasnan sa larangan ng inhenyeriya.

c)

Ang pagpapaggawa ng baray ay tanda ng pagiging malikhain at pagkamasinop ng mga mamamayan ng imperyo.

d)

Ang pagpapaggawa ng baray ay tanda ng pagpapakita ng mas matibay at mas malakas na kapangyarihan ng imperyo.

29.

Sa paanong paraan mo maipapaliwanag ang dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Madjapahit?

a)

Naging pabaya ang mga sumunod na lider ng imperyo

b)

Malawakang pamimirata sa mga sasakyang pangkalakalan na papun

c)

Paglaganap ng relihiyong Islam at pagkuha ng mga Muslim sa Java na kapital ng Imperyong Madjapahit

d)

Ang mga mamamayan ng Imperyong Madjapahit ay nag-alsa laban sa kanilang pinuno upang mapatalsik ito sa puwesto

30.

Sa makabagong pananaw, tinatanggap na sumailalim sa Indianisasyon at paglaganap ng impluwensiyang Chinese ang Timog-Silangang Asya. Ngunit sa kabila ng mga nasabing impluwensya, may sariling pagkakakilanlan ang Timog-Silangang Asya na tumanggap ng impluwensya sa labas subalit iniangkop at iniakma ito sa lokal na sitwasyon. Ibig sabihin lang nito ay:

a)

Lumaganap ng impluwensyang ng Tsino at Indian sa rehiyon

b)

Sumasalamin ang India at Tsina sa kalagayang kultural ng Timog Silangang Asya

c)

Naging susi ng pag-unlad ang Indianisasyon at paglaganap ng Chinese sa Timog Silangang Asya

d)

Sa kabila ng pagkakahalo ng kulturang Tsino at Indiano nananatili pa din ang pagiging katangi-tangi ng lahi at kultura ng mga nasa Timog Silangang Asya

31.

Isa sa mga pangkat ng mga dayuhang nakipag-ugnayan sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol sa bansa ay ang mga Indian. Anong relihiyon ang ipinakilala ng mga dayuhang Indian sa Pilipinas?

a)

Confucianismo

b)

Hinduismo

c)

Islam

d)

Kristiyanismo

32.

Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, masigla na ang pakikipag-ugnayang panlabas ng ating mga bansa sa mga kapwa Asyano. Sa paanong paraan naimpluwensiyahan ng mga dayuhan ang kabihasnang Pilipino?

a)

Digmaan

b)

Pag-aasawa

c)

Kalakalan

d)

Pag-lalakbay

33.

Sinasabing bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ay naimpluwensiyahan na ng mga dayuhang Asyano sa pamamagitan ng kalakalan ang mga unang Pilipino. Paano naimpluwensiyahan ng kalakalan ang kultura ng Pilipinas?

a)

Palitan ng mga produkto lamang

b)

Pagsasaayos ng mga wika lamang

c)

Pakikibahagi ng mga relihiyon lamang

d)

Pakikipagpalitan ng mga produkto, ideya, at kultura

34.

Paano mo mabibigyang halaga ang pag-aaral ng ugnayan ng Pilipinas sa mga sinaunang kabihasnan sa Timog-Silangang Asya?

a)

Pagpatuloy ng pakikipagkalakalan sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya

b)

Pagtukoy ng pinagmulan ng mga Pilipino at maisulat ito sa aklat ng Kasaysayan

c)

Pagtuturo ng mga pamamaraan ng buhay ng mga sinaunang Pilipino at pati na rin ang kanilang mga pagkakamali nang sa gayon ay hindi na maulit ito sa hinaharap

d)

Pagpapalakas pa natin ng ating pakikipag-ugnayan sa mga kalapit-bansa sa Timog-Silangang Asya nang sa gayun ay mapanatili ang kapayapaan, kaunlaran, at kaayusan sa rehiyong ito.

35.

Bagama't hindi nakapagtatag ng maagang sentralisadong kaharian bunga ng kadahilanang heograpikal, maipagmamalaki ng Pilipinas ang mga barangay, alyansa ng barangay ng mga barangay na tinatawag na kaharian, karadyaan at sultanato sa sinaunang panahon. Ang mga sumusunod ay ang mga hamon sa pag-aaral ng ugnayan ng Pilipinas sa mga sinaunang kabihasnan sa Timog- Silangang Asya MALIBAN sa:

a)

Kakulangan ng mga nakasulat na tala

b)

Kawalan ng interes ng mga tao sa Kasaysayan

c)

Limitadong pondo para sa mga arkeolohikal na pag-aaral

d)

Pagrereporma ng kasaysayan ayon sa kagustuhan ng mambabasa.