wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP-MATATAG 7-review

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang maaaring epekto sa ekonomiya ng isang sinaunang kabihasnan sa Timog-Silangang Asya kung ang kanilang heograpiya ay nagbago nang malaki?

a)

Pagkakaroon ng mas maraming oportunidad para sa pag-export

b)

Pagkakaroon ng problema sa pagkain at pag-access sa mga merkado.

c)

Pagbawas ng impluwensya sa kultura at relihiyon

2.

Paano naiiba ang epekto ng heograpiya sa pag-unlad ng kabihasnan sa mainland at insular na bahagi ng Timog-Silangang Asya?

a)

Ang mainland ay nakasalalay sa mga ilog habang ang insular ay sa mga dagat.

b)

Ang mainland ay may higit na agrikultural na lupain habang ang insular ay may mas maraming mineral.

c)

Ang mainland ay higit na naapekto sa klima habang ang insular ay sa mga tektonikong paggalaw

3.

Paano makakatulong ang pag-aaral ng heograpiya sa pag-intindi ng sinaunang kasaysayan ng Timog-Silangang Asya?

a)

Nagbibigay ito ng konteksto para sa pagbuo ng mga estratehiya sa military.

b)

Nagbibigay ito ng mga paliwanag kung bakit umunlad ang ilang kabihasnan sa partikular na lugar

c)

Nagbibigay ito ng mga detalye sa mga pang-araw-araw na gawain ng mga tao

4.

Bakit mahalaga ang heograpiya sa pagbuo ng sinaunang mga imperyo sa Timog-Silangang Asya?

a)

Dahil ito ay nagbigay daan sa pagbuo ng mga sistema ng pamahalaan

b)

Dahil ito ay nagbigay sa kanila ng mas maraming kalakalan at yaman

c)

Dahil ito ay nagbigay sa kanila ng mga pagkakataon sa teknolohikal na pag-unlad

 

5.

Paano nakaapekto ang lokasyon ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya sa kanilang kalakalan noong sinaunang panahon?

a)

Nagbigay ito ng access sa mga karagatang pandaigdig para sa kalakalan

b)

Nagkaroon ng epekto sa kanilang agrikultura at kabuhayan

c)

D.

Nagdulot ito ng limitadong pakikipag-ugnayan sa ibang bansa

­­

6.

Aling aspeto ng sinaunang kalakalan ang pinaka-nakaaapekto sa relasyon ng Pilipinas sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya, China, at India?

a)

Ang kalidad ng mga produktong ipinagpapalit

b)

Ang estratehikong lokasyon ng Pilipinas bilang sentro ng kalakalan

c)

Ang teknolohiyang ginagamit sa paggawa ng mga produkto

7.

Alin sa mga aspeto ng ugnayan ng sinaunang Pilipinas sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya, China, at India ang pinakamahalaga sa pagbuo ng kanilang kultura?

a)

Pagpapalitan ng mga teknolohiya

b)

Pagpapalitan ng mga produkto at kalakal

c)

Pagpapalitan ng mga ideolohiya at pamamahala

8.

Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer?

a)

Ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng lahat ng nasasakupan.

b)

Ang gawain lamang sa tungkuling panrelihiyon ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro.

c)

Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lamang panrelihiyon

9.

Anong pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan tulad ng baha at malakas na pag-ulan?

a)

Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag tag-ulan.

b)

Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog.

c)

Inayos ang mga daluyan ng tubig upang hindi pumasok sa kanilang pamayanan.

 

10.

Paano maituturing umiiral ang pagkakaroon ng isang kabihasnan?

a)

Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura, at sistema ng pagsulat

b)

Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at sistema ng pagsulat

c)

Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan

11.

Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?

a)

Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao

b)

Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya

c)

Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak

12.

Anong pangunahing relihiyon ang namayani sa Madjapahit noong ika-13 siglo?

a)

Budismo

b)

Hinduismo

c)

Islam

13.

Anong kabihasnan ang nagmula sa Insular Srivijaya noong ika-7 siglo? 

a)

Sailendras

b)

Malacca

c)

Funan

14.

Aling aspeto ng Imperyong Maritima ang pinakamahalaga sa pagbuo ng kalinangan ng Pilipinas sa panahon ng sinaunang kabihasnan?

a)

Ang kanilang militar na lakas

b)

Ang kanilang kakayahang makipagkalakalan sa iba't ibang bansa

c)

Ang kanilang sistema ng pagsulat

15.

Alin sa mga sumusunod na aspeto ang pinaka-maimpluwensya ng Imperyong Maritima sa pagbuo ng kalinangan sa Timog-Silangang Asya?

a)

Pagpapalawak ng teritoryo sa lupa

b)

Pagpapakilala ng mga bagong teknolohiya sa agrikultura 

c)

Pagbuo ng mga malawak na ruta ng kalakalan sa dagat

16.

Ano ang naging kontribusyon ng imperyong Srivijaya sa rehiyon?

a)

Pagpapalaganap ng Budismo

b)

Ang pagsamba kay Buddha

c)

Paglikha ng Borobudur

17.

Paano nakaapekto ang pagkakaroon ng mga Austronesyano sa Timog-Silangang Asya sa pag-unlad ng kanilang lipunan?

a)

Nagsimula ng mga malawakang digmaan sa pagitan ng mga lokal na tribo.

b)

Nagbigay daan sa pagbuo ng mga mas komplikadong sistema ng pamamahala.

c)

D.

Nagresulta sa paglimos ng lokal na sining at kultura.

 

18.

Paano naiiba ang papel ng mga babae sa sinaunang lipunan ng Timog-Silangang Asya kumpara sa mga lalaki?

a)

Ang mga babae ay may higit na kapangyarihan sa mga desisyon sa pamilya

b)

Ang mga babae ay pangunahing responsable sa mga gawaing bahay at pagpapalaki ng mga anak.

c)

Ang mga babae ay hindi pinapayagan na magkaroon ng anumang tungkulin sa lipunan

19.

. Paano nakakaapekto ang sistema ng pagkakamag-anak sa pamamahala ng ari-arian sa sinaunang Timog-Silangang Asya?

a)

Ang ari-arian ay ipinamamana sa mga anak na lalaki

b)

Ang ari-arian ay binabahagi sa lahat ng kasapi ng pamilya

c)

Ang ari-arian ay naiwan sa mga kaibigan ng pamilya

20.

Paano nailalabas ng mga katutubong tao sa Timog Silangang Asya ang kanilang katatagan sa harap ng pagbabago at globalisasyon.

a)

Sa pamamagitan ng pagtanggi sa anumang anyo ng pagbabago at globalisasyon, upang mapanatili ang kanilang tradisyonal na pamumuhay at kultura.

b)

Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng ilang mga aspeto ng modernisasyon habang pinanatili ang mga kahalagahan at kaugalian mula sa kanilang kultura.

c)

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga seremonya at ritwal na nagpapakita ng kanilang koneksiyon at pag-aalaga sa kalikasan, pati na rin ang kanilang kakayahan sa pag-aangkop sa pagbabago.

21.

Paano naiiba ang epekto ng mga bundok sa kalakalan sa Timog-Silangang Asya kumpara sa mga kapatagan?

a)

Ang mga bundok ay nagpapabagal sa kalakalan, habang ang mga kapatagan ay nagpapabilis nito.

b)

Ang mga bundok ay nagbibigay ng proteksyon sa mga ruta ng kalakalan, samantalang ang mga kapatagan ay nagiging sanhi ng mas maraming pagsasalungatan.

c)

Ang mga bundok ay nagdudulot ng pagbuo ng mga bagong ruta, habang ang mga kapatagan ay nagpapalawak ng mga umiiral na ruta.

22.

Paano naiiba ang epekto ng mga volcanic eruptions sa heograpiya ng Indonesia kumpara sa iba pang bansa sa Timog-Silangang Asya?

a)

Sa Indonesia, ang mga volcanic eruptions ay madalas na nagdudulot ng pag-aasenso sa agrikultura, samantalang sa iba pang bansa, nagdudulot ito ng pinsala sa imprastruktura.

b)

Sa Indonesia, ang mga eruptions ay nagiging sanhi ng pagbabago sa mga landform, samantalang sa iba pang bansa, nagdudulot ito ng polusyon.

c)

Sa Indonesia, ang mga eruptions ay humahantong sa pagbuo ng mga bagong isla, habang sa iba pang bansa, nagdudulot ito ng panganib sa kalusugan.

23.

Ano ang pangunahing epekto ng mga bundok sa heograpiya ng Timog-Silangang Asya?

a)

Naglilimita sa pakikipag-ugnayan ng mga rehiyon

b)

Nagpapababa ng antas ng tubig sa mga ilog

c)

Nagbibigay ng proteksyon laban sa mga natural na sakuna

24.

Ano ang epektong dulot ng mga ilog sa Timog silangang asya sa taong naninirahan dito? 

a)

Nagbibigay ito ng saganang pinagkukunan  ng tubig tabang para sa inumin at irigasyon  

b)

Nagsisilbi itong natural na panghadlang  upang hindi makapasok ang mga dayuha

c)

Nagdudulot ito ng madalas na pagbaha, kung saan marami ang nawawalan ng tirahan

25.

Paano nakaaapekto  ang klima sa gawaing agricultural sa rehiyon?

a)

Nagbibigay daan ito sa taunang pagsasaka at masaganang ani

b)

Nalilimitahan nito ang iba’t ibang gawaing pagsasaka

c)

Humahadlang ito sa paglago ng mga halaman dahil sa matinding pagpapalit ng klima