NEW
Font size
WorksheetsUnang Markahang Pagsusulit sa Ekonomiks
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay ______________________.
pamamahala ng Negosyo
pamamahala ng tahanan
pakikipagkalakalan
pagtitipid
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat ________________________.
pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
nagbibigay suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakaroon ng salapi ang mga tao.
pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa.
Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon ay ____________________.
kagustuhan
dinaluhang okasyon
opportunity cost ng desisyon
tradisyon ng pamilyang kinabibilangan
Noong nakaraang eleksyon, inihalal ni Ramon ang kaibigan niyang si Rigor bilang Mayor ng kanilang bayan. Kilala ni Ramon si Rigor bilang isang matapat at matalinong tao. Ang kasanayan sa ekonomiks na nalinang kay Ramon ay ________________.
mabuting pakikipagkaibigan
mahusay na pakikisama
mabuting makisama
matalinong botante
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na gumagamit ng siyentipikong paraan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatotoo sa nasabing pahayag?
Tinatanggap ang mga haka-haka sa paggawa ng desisyon.
Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng konklusyon.
Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan.
Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na konklusyon.
Ang Teorya ng Hirarkiya ng Pangangailangan ay nakabatay sa kaisipan ni _____________.
Abraham Harold Maslow
Adam Smith
Adolf Hitler
Karl Marx
Tumutukoy sa hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Kakapusan (Scarcity)
Incentives
Opportunity cost
Trade-off
Ang antas ng kaganapang pantao ay nasa pinakamataas dahil _________________.
Ito ang pinakamahirap na matugunan.
Kakaunti lang ang nakakaabot sa antas na ito.
Ang tao sa antas na ito ay masasabing perpekto.
Ang tao sa antas na ito ay may mas malawak na pagpapakahulugan at pagtingin sa mga bagay-bagay.
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng tao sa kaniyang ________ pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kaniyang _________ pangangailangan.
limitado; walang hanggang
limitado; may hangganan
sapat; walang hanggang
sapat; may hangganan
Sa anong antas ng hirarkiya ng pangangailangan maiuugnay ang katagang "no man is an island"?
Pagkilala (esteem)
Pisyolohikal (physiological)
Kaganapang Pagkatao (self-actualization)
Makisapi o makisalamuha (love and belonging)
Bilang miyembro ng pamilya, ano ang gagawin mo upang makatulong maibsan ang suliraning dulot ng kakapusan?
Gumastos ayon lamang sa mga kagustuhan.
Maglista ng mga haka-haka na makakatulong sa pag-unawa ng suliranin.
Hayaan na lang ang suliraning nararanasan sapagkat ito'y parte na ng buhay ng tao.
Gumawa ng badyet na naglalayong maging produktibo at makatotohanan upang maresolba ang suliraning nararanasan.
Inaanyayahan ka ng iyong kaibigan na dumalo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan na gaganapin sa gabi pagkatapos ng inyong klase. Gayunpaman, kailangan mo na ring umuwi nang maaga dahil magkakaroon ng pagsusulit sa inyong klase kinabukasan. Sa kabila nito, nais mo pa ring paunlakan ang paanyaya ng iyong kaibigan. Ano ang pinakamabuting desisyon na iyong gagawin?
Paunlakan ang paanyaya at matulog pagdating sa bahay.
Bigyang halaga ang mas mabuting makamit mula sa pagkakataon.
Hayaan na lamang ang anumang kahihinatnan ng gagawing pagpapasya.
Bigyang halaga ang kasiyahang madarama sa pagdalo sa nasabing okasyon.
Alin sa mga sumusunod ang hindi palatandaan ng kakapusan?
Pagkakaroon ng sobrang supply ng mga produkto.
Pagkaubos at pagkasira ng natural na sistema ng kalikasan.
Pagkaluma at pagsira ng mga yamang kapital (capital goods)
Pagbaba ng bilang ng nahuhuling isda at iba pang lamang dagat dahilan sa pagkasira ng mga coral reefs.
Ang kakapusan ay isa sa mga suliranin na hinaharap ng bansa. Paano nakaaapekto ang kakapusan sa mamamayang Pilipino?
Tumataas ang kakayahan ng mga konsyumer na bumili ng produkto sa pamilihan.
Tumataas ang bilang ng walang trabaho, mahirap at maraming nagkakasakit.
Bumababa ang presyo ng mga bilihin sa merkado.
Dumarami ang mga namumuhunan sa bansa.
Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay maaaring maganap maliban sa _____________________.
magiging maayos ang pagbabadyet
hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan
magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng ugnayan ng alokasyon sa kakapusan at pangangailangan at kagustuhan?
Nasa alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman ang susi upang maiwasan ang kakapusan kung mas higit na pagtutuunang pansin ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan.
Kung ihuhuli ang kagustuhan ay magiging maayos ang alokasyon ng iyong baon at hindi ka makakaranas ng kakapusan.
Nagkakaroon ng kakapusan dahil hindi tama ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman.
Ang alokasyon ay nangangahulugang pagkakaroon ng kakulangan.
Sa market economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
Likas-yaman
Negosyante
Pamahalaan
Presyo
Alin sa mga sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang,"There isn't enough to go around." ni John Watson Howe?
May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya't hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao.
Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan.
Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinakukunang-yaman.
May hangganan ang halos lahat ng pinakukunang-yaman sa buong daigdig.
Bakit bawat pamahalaan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya?
Upang maipagmalaki sa iba ang kanilang ekonomiya.
Upang matuwa ang mga mamamayan at mabuhay ng payapa at maunlad.
Upang matugunan ang kagustuhan ng mga mamamayan at makatulong sa pag-unlad ng bansa.
Upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo.
Ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko. Alin sa mga sumusunod ang kasagutan ng traditional economy sa katanungang: Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.
Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.
Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon at kultura.
Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa market economy?
Wala, sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya ay nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.
Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan.
Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang-yaman.
Malaya akong makakakilos subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ilang mga gawain.
Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman?
Dapat itong sumasagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko
Dapat siguraduhin na hindi mauubos ang pinagkukunang-yaman ng bansa.
Dapat magkaroon ng pagsangguni o pagtatanong sa taong-bayan.
Dapat magkaroon ng tamang ebalwasyon ang gobyerno.
Si Cardo ay maaaring kumain sa fastfood chain na nais niya tulad ng Jollibee, McDonalds, KFC, at iba pa ayon sa presyo at dami ng nais niyang ikonsumo. Sa anong sistemang pang-ekonomiya makikita ang katangiang ito?
Mixed Economy
Market Economy
Command Economy
Traditional Economy
Ang tawag sa salik ng produksiyon na tumutukoy sa mga makinarya o kasangkapan na gagamitin ng mga manggagawa sa paglikha ng produkto ay ____________.
kapital
proseso
puhunan
teknolohiya
Kinakailangan ang salik ng lupa sa paggawa ng mga produkto at serbisyo. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng salik na ito sa produksiyon?
Ito ay may kakayahang iproseso ang hilaw na sangkap upang maging isang ganap na produkto.
Ito ay ang kagamitang kinakailangan upang mabuo at mapabilis ang paglikha ng mga produkto.
May kakayahang pamunuan at gabayan ang buong proseso ng paglikha ng mga produkto.
Dito nagmumula ang mga sangkap at iba pang hilaw na materyales na kinakailangan upang makalikha ng produkto.
Gustong makuha ng mga tao ang kanyang pangangailangan at kagustuhan dahil dito, kinakailangang makabili muna siya ng mga produkto, sa gayon kailangan ang produksiyon. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa diwa ng produksiyon?
Pagsasaayos ng mga pangangailangan sa wastong pagkakasunod-sunod.
Paggamit ng mga produkto at serbisyo upang masiyahan ang mga tao.
Pagpapalit-anyo ng mga input upang makalikha ng output.
Pagpapabagal ng proseso ng paglikha ng mga produkto.
Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng salik ng kapital sa proseso ng produksiyon?
Dito nagmumula ang mga taong may kakayahang bumuo ng produkto.
Dito nagmumula ang mga makinarya na ginagamit upang mapabilis ang produksiyon.
Dito nagmumula ang mga taong may talino at kakayanan para pamunuan ang buong proseso ng produksiyon.
Dito nagmumula ang mga hilaw na materyales o sangkap na kinakailangan para makalikha ng mga produkto at serbisyo.
Unawain ang isinasaad ng dayagram sa ibaba upang masagot ang katanungan sa bilang na ito. Ano ang ipinahihiwatig ng ilustrasyon sa itaas ukol sa produksiyon?
Ang produksiyon ay isang proseso ng pagsasama-sama ng output tulad ng produkto at serbisyo upang mabuo ang input tulad ng lupa, paggawa, kapital at kakayahan ng entreprenyur.
Ang produksiyon ay ang proseso ng pagsasama-sama ng mga input upang makalikha ng output.
Magiging mas produktibo ang produksiyon kung mas marami ang lakas-paggawa kaysa sa mga makinarya.
Magaganap lamang ang produksiyon kung kumpleto ang mga salik na gagamitin dito.
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na maging isang entreprenyur, anong katangian ang dapat mong taglayin?
May matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa takbo ng pamilihan
May inobasyon sa paggamit ng makabagong estilo sa paggawa.
May kakayahang pangasiwaan ang negosyo.
Lahat ng nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng produksiyon sa pang-araw-araw na pamumuhay?
Ang produksiyon ay lumilikha ng trabaho.
Ang produksiyon ang pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang-araw-araw.
Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.
Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksiyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil dito masasabing mas mahalaga ang pagkonsumo kaysa sa produksiyon.
Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapakipakinabang kung hindi gagamitin at gagawing produkto. Nangangahulugan itong kailangan ang mga manggagawa para sa naturang gawain. Ang mga sumusunod ay mga paraan kung paano mapangangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa maliban sa ______________.
bigyan ng overtime work
igalang ang kanilang mga karapatan
pagkalooban ng sapat na sahod at benepisyo
proteksyon laban sa mga mapang-abusong gawain
Ang entreprenyur ay tagapag-ugnay sa iba pang salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto at serbisyo. Alin sa mga sumusunod ang hindi naaayon sa katangiang dapat taglayin ng isang entreprenyur?
May kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo.
May matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan.
May paniniwala na hindi dapat magbago ng pamamaraan sa pagnenegosyo.
May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo.
Mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ang bawat salik ng produksiyon. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng angkop na kabayaran sa bawat salik?
upa sa kapitalista, sahod sa lakas-paggawa, tubo sa may-ari ng lupa, at interes para sa mga entreprenyur
tubo sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, upa sa kapitalista, at interes sa entreprenyur
upa sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa entreprenyur
sahod sa entreprenyur, upa sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa entreprenyur
Ang agarang pag-inom ng tubig dahil sa pagka-uhaw ay halimbawa ng _____________.
Maaksayang pagkonsumo
Mapanganib na pagkonsumo
Produktibong pagkonsumo
Tuwirang pagkonsumo
Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang ating mga pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan.
Alokasyon
Distribusiyon
Pagkonsumo
Produksiyon
Ang pagkonsumo ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng tao. Alin sa mga salik ng pagkonsumo ang dahilan ng pagkakaiba sa paraan ng pagkonsumo ng isang abogado at isang construction worker?
Kita
Mga inaasahan
Pagbabago ng presyo
Pagkakautang
Tumataas ang pagkonsumo ng karne tuwing magpapasko. Aling salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ang sumasaklaw dito?
Laki ng kita
Okasyon
Pag-aanunsiyo
Presyo
Ito ay ang pagbibigay ng impormasyon upang hikayatin ang mga tao na tangkilikin ang isang produkto at serbisyo.
Laki ng kita
Okasyon
Pag-aanunsiyo
Presyo
Nakadepende madalas ang dami at uri ng pamimilihing produkto sa kung saan makakatipid gaya ng pagkakaroon ng malaking discounts, sale o promo. Anong salik ang nakaaapekto sa pagkonsumo rito?
Kita
Mga inaasahan
Pagbabago sa presyo
Pagkakautang
Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kaunti ang utang?
Malaki ang tiyansang makapag-ipon
Tumataas ang kakayahang kumonsumo
Bumaba ang kakayahang kumonsumo
Parehas na A at B
Kailan mo masasabing matalino ang isang mamimili?
Kapag laging gumagamit ng credit card sa pamimili at laging inaabangan ang sale.
Sumusunod sa badyet at mapanuri sa mga binibili.
Bumibili ng secondhand para makatipid.
Bumibili ng labis sa pangangailangan.
Si Florence ay nagtatrabaho sa bangko. Kumikita siya ng 30,000 piso kada buwan. Dahil dito, nabibili niya ang lahat ng kanyang mga pangangailangan at nakatutulong din siya sa kanyang pamilya. Anong salik ang nakakaimpluwensya rito?
Kita
Panlasa
Presyo
Testimonial
Si Majoy ay isang guro sa sekondarya. Malapit nang magbukas ang klase kaya kailangan na niyang bumili ng mga gagamitin para sa paaralan. Alin sa mga sumusunod ang kailangan niyang bilhin?
Class record, ballpen, chalk
Sewing machine, cloth, thread
Spatula, grater, rolling pin, oven
Stethoscope, rubber gloves, otoscope
Masugid na tagahanga ni Kathryn Bernardo si Irika kaya lahat ng ineendorsong produkto nito ay kanyang tinatangkilik. Alin sa mga sumusunod na salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ang tinutukoy dito?
Laki ng kita
Mga inaasahan
Demonstration effect
Pagbabago ng presyo
Organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na sumasang-ayong paghatian ang mga kita at pagkalugi ng isang negosyo.
Cooperative
Corporation
Partnership
Sole-proprietorship
Mahalagang humingi ng resibo sa bawat produktong bibilhin. Papaano ito makatutulong sa gobyerno sa pangongolekta ng buwis?
Isa itong pamamaraan na makalikom ng buwis sa mga negosyante na panustos para sa mga pampublikong paglilingkod.
Malaman ng pamahalaan ang dami ng kayang bilhin ng mga tao.
Dito kumukuha ang gobyerno ng salapi para sa ilegal na gawain.
Basehan ito sa pangongolekta ng malaking taripa.
Bumili si Amarah ng lipstick sa mall ngunit nang ito ay kanyang ginamit naging sanhi ito ng pagsusugat at pamamaga ng kanyang labi. Anong karapatan ang dapat ipaglaban dito?
Karapatang dinggin
Karapatan sa kaligtasan
Karapatang pumili o magdesisyon
Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?
Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng mismong produkto.
Palagiang pumunta sa timbangan ng bayan upang matiyak na husto ang bibilhing produkto.
Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran.
Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto at serbisyong bibilhin.
Nagkalat ang mga huwad na produkto sa pamilihan. Paano mo maiiwasan ang pagbili nito?
Bumili sa mga kilalang Department Store.
Maging tagapagtangkilik ng imported na produkto.
Bumili ng mga produkto na ineendorso ng sikat na artista.
Kailangan maging mapanuri, matalino, at alertong mamimili.
Ang lakas ng katawan ang higit na ginagamit sa uri ng lakas-paggawa gaya ng karpintero, drayber, magsasaka at marami pang iba.
Blue-collar Job
Part-time Job
Profession
White-collar Job
