wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FIL1 LONG QUIZ 02 (MIDTERM)

Total questions: 26

Worksheet time: 55mins

Name
Class
Date
1.

BUONG PANGALAN-KURSO-TAON-GRUPO

4 lines
2.

Ginagamit ang wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may iba’t ibang wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay wika bilang ____.

a)

Wikang panturo

b)

Wikang pambansa

c)

Wikang opisyal

d)

Linggwa franka

3.

Paano maaaring maging gabay sa pag-aaral ng wika ang kasaysayan nito?

a)

Nagbibigay ito ng konteksto sa kasalukuyang gamit ng wika   

b)

Nililimitahan nito ang pag-unlad ng wika

c)

Binabalewala nito ang gamit ng wika sa kasalukuyan

d)

Nagsasaulo ito ng mga salita

4.

Anong pamamaraan ang maaaring gamitin upang ipakita ang implikasyon ng sosyolek sa akademikong pag-aaral ng wika?

a)

Paggawa ng debate gamit ang balbal na salita

b)

Pagkakaroon ng pagsusulit sa tamang gamit ng wika

c)

Pagbuo ng case study batay sa iba't ibang pangkat ng lipunan

d)

Pagsusulat ng mga formal na papel

5.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba sa register ng wika?

a)

Iba't ibang salita para sa iba't ibang disiplina

b)

Wika ng mga nasa pamahalaan

c)

Wika ng mga hindi nakapag-aral

d)

Parehong salita sa lahat ng larangan

6.

Nadedevelop ang Filipino sa pamamagitan ng ___ ng mga salita sa mga wika sa Pilipinas at ibang banyanggang wika.

a)

Panggagaya

b)

Panghihiram

c)

Pangongopya

d)

Pagtataklas

7.

Makakatulong sa ____ ng Filipino ang paggamit ng wika sa mga leksyon sa klase.

a)

Modernisasyon

b)

Istandardisasyon

c)

Rasyonalisasyon

d)

Intelektwalisasyon

8.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang gamit ng rejister sa isang disiplina?

a)

Paggamit ng mga teknikal na salita sa medisina

b)

Pagsasama ng wika sa iba't ibang rehiyon

c)

Pagsasalita ng pangkaraniwang wika sa korte

d)

Paggamit ng balbal sa akademikong diskurso

9.

Ano ang pangunahing tungkulin ng wikang Filipino bilang akademikong wika?

a)

Pamamahayag

b)

Pagnenegosyo

c)

Pagtuturo at pagkatuto

d)

Pansariling pakikipag-ugnayan

10.

Ayon kay Salazar (1996;40), ang lumikha sa sariling wika ay nagpapayaman sa sariling kultura; ang lumikha sa ibang wika ay naglalayo rito at nag-aambag lamang sa ibang kultura. Anong tungkulin ng wikang Filipino ito?

a)

Binibigkas ang lipunang Pilipino 

b)

Inaabot ang isip at damdamin ng mga Pilipino

c)

Sinasalamin ng wikang ito ang Kulturang Pilipino

d)

Tumutulong sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino

11.

Sa tungkuling ito, inaantig ng wikang Filipino ang damdamin ng mga Pilipino. Tumatagos ito sa puso’t isipan na nagpipitlag o nagpapakilos sa tao. Ang pangungusap na Iniibig kita, ay higit na nagpapakislot sa puso kaysa sa pangungusap na I Love You.

a)

Binibigkas ang lipunang Pilipino

b)

Inaabot ang isip at damdamin ng mga Pilipino

c)

Sinasalamin ng wikang ito ang Kulturang Pilipino

d)

Tumutulong sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino

12.

Nagkakaroon ng integrasyon ang mga etnikong grupo sa bansa. Nagkakaugnayan sila sa pamamagitan ng isang wikang pareho nilang nauunawaan. Anong tungkulin ng wikang Filipino ito?

a)

Binibigkas ang lipunang Pilipino

b)

Inaabot ang isip at damdamin ng mga Pilipino

c)

Sinasalamin ng wikang ito ang Kulturang Pilipino

d)

Tumutulong sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino

13.

Saang aspeto ng linggwistika maaaring ilagay ang kasaysayan ng wikang Filipino?

a)

Paggamit ng wika

b)

Pag-unlad at pagbabago ng wika

c)

Estruktura ng wika

d)

Pagkilala sa wika

14.

Ang ___ at ___ ay mahalagang komponent ng elaborasyon ng gawaiin ayon sa tipolohiya ni Haugen (1966).

a)

Modernisasyon at Intelektwalisasyon

b)

Istandardisasyon at Intelektwalisasyon

c)

Rasyonalisasyon at Istandardisasyon

d)

Intelektwalisasyon at Istandardisasyon

15.

Paano nakakaapekto ang sosyolek sa paggamit ng wika?

a)

Nabubuo ito dahil sa iba’t ibang estado ng lipunan

b)

Pantay na ginagamit sa lahat ng pagkakataon

c)

Nakadepende ito sa panahon

d)

Ginagamit ito sa pormal na usapan

16.

Ano ang kahulugan ng wika ayon sa lingguwistika?

a)

Sistema ng arbitraryong simbolo na ginagamit sa komunikasyon

b)

Isang uri ng sining

c)

Paraan ng pagpapahayag ng emosyon

d)

Likas na anyo ng tunog

17.

Paano makakatulong ang kaalaman sa kasaysayan ng wika sa pagsulong ng wikang Filipino sa kasalukuyan?

a)

Sa pamamagitan ng pagbabalik sa paggamit ng sinaunang wika

b)

Sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo

c)

Sa paglimita sa paggamit ng wika sa akademya

d)

Sa pagpapaunlad ng makabagong salita batay sa pinagmulan ng wika

18.

Paano naiiba ang baybayin sa kasalukuyang alpabetong Filipino?

a)

Wala itong mga titik para sa mga hiram na salita

b)

Ginagamit ito sa modernong pagsusulat

c)

Mas mahaba ang alpabetong baybayin kaysa sa modernong alpabeto

d)

Ito ay binubuo ng mga numero

19.

Paano mo bubuuin ang isang aralin na tumutukoy sa kasaysayan ng wikang Filipino?

a)

Paggamit ng timeline upang ipakita ang mga pagbabago ng wika mula noon hanggang ngayon

b)

Pag-aalis ng kasaysayan sa pagtuturo ng wika

c)

Paggamit ng pormal na talakayan

d)

Pagbibigay lamang ng mga tekstong Ingles

20.

Ano ang pinakamahusay na paraan upang mapreserba ang kasaysayan ng wikang Filipino?

a)

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng kasaysayan nito at pagbabahagi sa mga susunod na henerasyon

b)

Sa paglimita ng wika sa akademikong mga teksto

c)

Sa paggamit ng mga banyagang wika sa akademya

d)

Sa pagtutok lamang sa kasalukuyang gamit ng wika

21.

Ano ang layunin ng "Batas Komonwelt Blg. 570"?

a)

Itaguyod ang paggamit ng Ingles bilang opisyal na wika

b)

Itaguyod ang Espanyol bilang pambansang wika

c)

Ipagbawal ang paggamit ng wikang banyaga

d)

Ideklara ang Filipino bilang pambansang wika

22.

Ano ang pangunahing layunin ng ortograpiyang Filipino?

a)

Upang gawing mas mahirap ang pagsulat

b)

Upang gawing banyaga ang Filipino

c)

Upang ilahad ang kasaysayan ng wika

d)

Upang gawing mas simple at malinaw ang sistema ng pagsulat ng wika

23.

Paano matutulungan ang mga kabataan na mapalawak ang kanilang kaalaman sa Tungkulin at Gamit ng Wikang Filipino?

a)

Sa pamamagitan ng paggamit ng Filipino sa pormal na diskurso

b)

Pagsusulat gamit ang mga makalumang salita

c)

Pagbabasa ng mga banyagang literatura

d)

Paggamit lamang ng balbal na wika

24.

Paano nakakaapekto ang ortograpiyang Filipino sa tamang pagsulat ng mga salitang hiram mula sa ibang wika?

a)

Nagbibigay ito ng gabay sa tamang pagbaybay ng mga salitang banyaga

b)

Tinatanggal nito ang mga hiram na salita mula sa ibang wika

c)

Nililimitahan nito ang paggamit ng mga banyagang salita

d)

Nagiging mas mahirap ang paggamit ng mga salitang hiram

25.

Bakit mahalaga ang domeyn na nagkokontrol sa paggamit ng wika?

a)

Upang magkaroon ng kalayaan ang mga tao sa pagpili ng wika

b)

Upang itaguyod ang diyalekto sa bansa

c)

Upang ipalaganap ang balbal na salita

d)

Upang magkaroon ng pagkakaisa sa komunikasyon sa mga opisyal na larangan

26.

Paano naiiba ang pidgin sa creole?

a)

Ang pidgin ay simpleng wika na ginagamit ng mga taong may magkaibang unang wika, habang ang creole ay naging pangunahing wika ng isang komunidad

b)

Ang pidgin ay isang anyo ng teknikal na wika

c)

Ang creole ay ginagamit lamang sa opisyal na dokumento

d)

Ang pidgin ay pormal na wika, samantalang ang creole ay hindi