WorksheetsMaikling Pagtataya sa Panukalang Proyekto
Total questions: 21
Worksheet time: 19mins
Ano ang uri ng akademikong sulatin ang nagpapakita ng detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad?
Abstrak
Talumpati
Proyekto
Panukalang Proyekto
Alin sa mga sumusunod ang HINDI maaaring maging anyo ng isang panukalang proyekto?
Oral
Dokumentado
Nakasulat
Kombinasyon ng nakasulat at oral
Nagrekomenda si Belinda ng isang proyekto para sa pagpapanatili ng kalinisan ng kanilang barangay dahil nakikita niya ang pangangailangan nito. Anong uri ng panukalang proyekto ang isinagawa ni Belinda?
Solicited
External
Prospecting
Unsolicited
Nakatanggap ng isang panukalang proyekto ang opisina nina Genelle na nagtataglay lamang ng walong pahina. Anong uri ng panukalang proyekto ang natanggap ni Genelle?
Internal
Eksternal
Maikling Panukala
Mahabang Panukala
Pinahahalagahan ng kumpanya ni Delia ang oras sa pagbuo ng panukalang proyekto na kanilang ihahain sa napiling stakeholder. Anong tagubilin sa pagsulat ng panukalang proyekto ang ipinamamalas ni Delia?
Gawin ang pagpaplano nang pangkatan.
Maging realistiko sa gagawing panukala.
Matuto bilang isang organisasyon.
Magplano nang maagap.
Kailangan na laging isaalang-alang sa paggawa ng isang panukalang proyekto ang kakayanin sa loob ng panahong ilalaan at kung ano ang makakamit sa mga pagmamay-aring resorses.
Gawin ang pagpaplano nang pangkatan.
Maging realistiko sa gagawing panukala.
Matuto bilang isang organisasyon:
Magplano nang maagap.
Isa sa tagubilin sa pagsulat ng isang panukalang proyekto ay ang pagiging makatotohanan at tiyak. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
Pagpapatupad ng patakarang ClayGo sa Paaralang Marikit.
Pagrarasyon ng pagkain sa mga malnutrisyon na kabataan sa buong Pilipinas.
Pagpapatayo ng isang tatlumpung palapag na gusali sa loob lamang ng tatlong buwan.
Pagbibigay ng mga laptop sa lahat ng guro at fablet sa lahat ng mag-aaral sa Pilipinas
Alin sa mga sumusunod na salita ang mas mabuting gamitin sa pagbuo ng isang panukalang proyekto?
malaki
maglunsad
madulas
paaralan
Ano ang dapat na limitahan ang paggamit kapag bubuo ng isang panukalang proyekto?
salitang kilos
naglalarawang salita
tiyak na mga salita
teknikal na jargon
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mga dapat gawing paghahanda bago gawin ang pagsulat ng isang panukalang proyekto MALIBAN SA?
Pagkonsulat sa mga eksperto
Pagsasagawa ng sarbey at iba pa
Pag-oorganisa ng mga focus group
Pangongolekta ng tulong pinansyal
Saang bahagi ng panukalang proyekto makikita ang pangalan ng nagpapanukalang organisasyon, lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at ang ahensyang pinaglalaanan ng panukala?
Abstrak
Konteksto
Titulo ng Proyekto
Katwiran ng Proyekto
Anong bahagi ang inilalagay lamang sa isang panukalang proyekto kung aabot ng sampu o higit pang pahina ang isang panukalang proyekto?
Konteksto
Nilalaman
Titulo ng Proyekto
Target na Benipesaryo
Maaaring maisakatuparan ang panukalang ito sa papamagitan ng pagkakaroon ng direktang supplier ng mga tela at retaso. Gayundin ang pagkuha ng isang kompanya na tutulong sa pagbebenta ng mga magagawang basahan.
Anong bahagi ng panukalang proyekto ang inilalarawan sa itaas?
Layunin
Interbensyon
Alokasyon
Mga Lakip
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa subseksyon ng bahaging Katwiran ng Proyekto ng panukalang proyekto?
Alokasyon
Interbensyon
Pagpapahayag ng suliranin
Mag-iimpluwensyang Organisasyon
Ano ang dapat na maging katangian ng bahaging LAYUNIN ng panukalang proyekto?
Maaaring gumamit ng anomang pormat sa pagsasagawa nito.
Nararapat na ito ay nagtataglay lamang ng isang masaklaw na layunin.
Ito ay nagpapakita ng mga kakailanganin sa pagsasagawa ang mga aktibidad.
Nilalaman nito ang iskedyul at alokasyon ng resorses sa panukalang proyekto.
Makikinabang sa proyektong ito ang lahat ng estudyanteng nasa SHS ng Paaralang Mauway at maging ang mga magulang o bisitang nais gumamit ng banyo. Masisiguro na hindi na magpipigil ng pag-ihi ang mga tao dahil sa kawalan ng tubig o pagiging mapanghi at madumi ng palikuran. Anong bahagi ng panukalang proyekto ang nabasa?
Implementasyon ng Proyekto
Pagmonitor at Ebalwasyon
Target na Benepisyaryo
Layunin
Anong uri ng CHART ang maaaring gamitin sa paggawa ng Iskedyul para sa panukalang proyekto?
pie chart
line chart
pictograph
Gannt chart
Ninanais ni Jacob na malaman ang deskripsyon ng bawat miyembro ng gumawa ng proyektong 'OPLAN TANIM' ng kanilang barangay. Saang bahagi ng panukalang proyekto niya ito matatagpuan?
Pagmonitor at Ebalwasyon
Pangasiwaan at Tauhan
Implementasyon ng Proyekto
Target na Benepisyaryo
Saang bahagi ng panukalang proyekto matatagpuan ang datos tungkol sa gastusin at kita ng isasagawang proyekto?
Badyet
Mga Lakip
Pangasiwaan at Tauhan
Pagmonitor at Ebalwasyon
Dito matatagpuan ang anomang papeles na hihingiin ng organisasyon o indibidwal kung kanino ipapanukala ang proyekto.
Badyet
Mga Lakip
Pangasiwaan at Tauhan
Pagmonitor at Ebalwasyon
Sa iyong palagay, paano mo masisiguro na matagumpay na maisasakatuparan ang iyong pinlanong panukalang proyekto?
