wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

KENT AP REVIEWER

Total questions: 60

Worksheet time: 1hrs 7mins

Name
Class
Date
1.

Sino sa lahat ng mga conquistador ang pinakamatagumpay na nakapunta sa Pilipinas?

a)
Hernan Cortes
b)
Francisco Pizarro
c)
Ferdinand Magellan
d)
Miguel Lopez de Legazpi
2.

Sa anong lugar unang itinatag ang pinakaunang syudad ng mga Espanyol sa Pilipinas?

a)
Baguio
b)
Davao
c)
Cebu
d)
Manila
3.

Matapos ang matagumpay na pagdating ni Legaspi sa Pilipinas, ano naman ang naging sunod na malaking problema nila?

a)

Paghahanap ng Ruta pabalik ng Mehiko

b)
Pagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain
c)
Pagkakaroon ng malubhang sakit sa mga tauhan
d)

Pagkaubos ng kanilang baon na pagkain at tubig

4.

Sino ang paring manlalakbay ang nakatuklas ng agos ng tubig pabalik mula maynila pa mehiko?

a)

Padre Gregorio Araneta

b)
Padre Damaso
c)

Padre Andres de Urdaneta

d)

Padre Florentino

5.

Sino ang espanyol na nanguna sa pagsakop sa kaharian ng tondo at maynila?

a)
Miguel López de Legazpi
b)

Martin De Goiti

c)

Gregorio Martin

d)

Hernan Cortez

6.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa 3G o ang tatlong motibasyon ng pananakop ng mga Espanyol?

a)

God

b)

Gold

c)

Glory

d)

Greatness

7.

Sa pananakop ng mga Espanyol, ano ang pinakaunang paraan na ginagamit upang mapasunod ang mga sasakuping pamayanan?

a)

Pakikipag-usap at pakikipagkaibigan

b)

Pagpatay at sapilitang pagsakop sa kanilang kalupaan

8.

Ano ang dalawang simbulo ng pananakop ng espanya sa Pilipinas?

a)

Krus at Espada

b)

Baril at Rosaryo

c)

Pulbura at Banal na Tubig

d)

Kriss at Pana

9.

Ano ang Reduccion?

a)

Pagpapataw ng buwis sa mga katutubo

b)

Pababawas sa mga gawain ng mga Pilipino

c)

Pagbibigay ng mga lupain sa mga espanyol at pagtira nila dito

d)

Pagsasama-sama ng mga baranggay sa iisang sentro upang madali silang pamahalaan

10.

Isa sa layunin ng pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay palaganapin ang Kristiyanismo.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Napipilitan ang mga katutubong magtrabaho upang mapaglingkuran ang mga Espanyol.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Nagbabayad ng buwis ang bawat pamilya.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa.

a)

Monopolyo

b)

Kalakalan

c)

Imperyalismo

d)

Kolonyalismo

14.

Isang Italyanong mangangalakal na naglakbay sa silangan.

a)

Vasco de Gama

b)

Maco Polo

c)

Ruy Villalobos

d)

Ferdinand Magellan

15.

Ito ay tawag sa pagkontrol ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa.

a)

Merkantilismo

b)

Katolisismo

c)

Kolonyalismo

d)

Imperyalismo

16.

Kailan naganap ang kauna-unahang misa sa Pilipinas?

a)

Marso 2, 1521

b)

Marso 6, 1521

c)

Marso 16, 1521

d)

Marso 31, 1521

17.

Ano ang relihiyong nais ipalaganap at layunin ng kolonyalismong Espanyol?

a)

Katolisismo

b)

Budismo

c)

Islam

d)

Protestante

18.

Ang sagisag ng Kristiyanismo sa pagpapalaganap nito ng Espanya sa ating bansa?

a)

Pari

b)

Espada

c)

Krus

d)

Binyag

19.

Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag na ang kayamanan ay isa sa mga layunin ng Espanya sa pagtuklas at pagsakop ng bagong lupain?

a)

maipalaganap ang kristiyanismo

b)

makamit ang katanyagan ng bansa

c)

mapaunlad ang ekonomiya ng kolonya

d)

maangkin ang mga likas na yaman ng bansa

20.

Isang dahilan kong bakit nabigo ang mga katutubong Pilipino sa pagpigil sa mga

dayuhang Espanyol na sakupin ang kanilang mga pamayanan.

a)

Hindi nagkakaisa ang mga katutubo.

b)

Itinatag ng mga Espanyol bilang isang lungsod ang Maynila.

c)

Muntik nang matalo ng mga katutubong Pilipino ang mga Espanyol

d)

Mas kakaunti ang bilang ng mga mandirigmang Pilipino laban sa Espanyol

21.

Ito ay isa sa mga pangunahing dahilan ng paglalakbay ng mga Europeo sa Malayong Silangan?

a)

Hanapin ang pulo ng Moluccas

b)

Makipagkaibigan sa mga Pilipino

c)

Maipalaganap ang Kristyanismo sa bansa

d)

Ang pakikipagkalakalan ng mga Espanyol sa mga bansang Asyano

22.

Alin sa mga sumusunod ang mahalagang nangyari sa ating pananampalataya nang dumating si Magellan sa Pilipinas noong 1521?

a)

Natakot ang mga Pilipino.

b)

Narating ni Magellan ang Limasawa at naganap ang unang misa sa kapuluan

c)

Nakilala ni Magellan ang mga katutubong pinuno ng mga isla.

d)

Nagkaroon ng labanan ang grupo nina Magellan at Lapu-lapu sa Mactan.

23.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pagtuklas at pananakop ng mga Espanyol?

a)

Maging tanyag at makapangyarihan

b)

Maipalaganap ang Relihiyong Kristiyanismo

c)

Upang palakasin ang mga mahihinang bansa

d)

Makuha ang kayamanan ng mga masasakop na lupain

24.

Bakit kailangang ipalaganap ang relihiyong Katoliko sa Pilipinas?

a)

sapagkat ang mga Espanyol ay takot sa ibang relihiyon

b)

sapagkat ang Espanya ay isang bansang Katoliko

c)

sapagkat ang Espanya ay may maraming pari

d)

sapagkat ang Espanya ay kumikillala sa kapangyarihan ng Papa

25.

Siya ay isang Portuges na naglayag sa ilalim ng watawat ng Espanya.

Ang kanyang pagdating ay nagsilbing unang hakbang sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas

a)

Ferdinand Magellan

b)

Miguel Lopez de Legazpi

c)

Raja Humabon

d)

Lapulapu

26.

Ano ang pangunahing layunin ng ekspedisyon ni Magellan?

a)

Bagong ruta patungong Amerika

b)

Bagong ruta patungong Spice Islands (Moluccas)

c)

Bagong ruta patungong China

d)

Bagong ruta patungong India

27.

Noong Marso 16, 1521, ano ang unang pulo na narating ni Magellan?

a)

Cebu

b)

Moluccas

c)

Homonhon

d)

Limasawa

28.

Saan ginanap ang unang misa sa Pilipinas noong Marso 31, 1521?

a)

Cebu

b)

Moluccas

c)

Limasawa

d)

Maynila

29.

Sa Cebu, matapos makuha ni Magellan ang tiwala ni Raha Humabon at ng kanyang mga tauhan, ano ang ginawa bilang tanda ng kanilang alyansa?

a)

Nagpakasal

b)

Nagpabinyag

c)

Napalibing

d)

Nagpakain

30.

Noon Abril 27, 1521. Sinubukan ni Magellan na sakupin ang Mactan ngunit sila ay nabigo.
Sino ang pinuno ng Mactan na nanguna sa Labanan sa Mactan?

a)

Raja Humabon

b)

Datu Lapulapu

c)

Datu Puti

d)

Raja Soliman

31.

Matapos mapatay si Magellan, ang mga natitirang miyembro ng kanyang ekspedisyon, sa pamumuno ni Juan Sebastián Elcano, ay nagpasya na ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay pabalik sa Espanya.

Noong 1522, anong barko ang nakabalik sa Espanya, na siyang unang barko na nakapaglibot sa buong mundo?

a)

Concepcion

b)

Trinidad

c)

Santiago

d)

Victoria

32.

Sino ang beteranong conquistador, na ipinadala ng Espanya upang muling ipagpatuloy ang pagsakop sa Pilipinas. Dumating siya sa Cebu noong Pebrero 13, 1565, kasama si Fray Andrés de Urdaneta, isang eksperto sa navigasyon.

a)

Miguel López de Legazpi

b)

Juan Sebastián Elcano

c)

Padre Pedro de Valderrama

d)

Ferdinand Magellan

33.

Ano ang 3Gs na dahilan ng Kolonyalismong Espanyol

a)

Gold, God, Goods

b)

Golds, Goods, Games

c)

God, Good, and Glory

d)

Gold, God, and Glory

34.

Kung ikaw ay isang makapangyarihang pinuno ng isang bansa, gagawin mo rin ba ang ginawa ng mga Espanyol noong unang panahon—ang sakupin at kontrolin ang ibang mga bansa gamit ang pwersang militar at Kristiyanisasyon? Bakit o bakit hindi?

"If you were a powerful leader of a country, would you do what the Spanish did in the past—conquering and controlling other nations using military force and Christianization? Why or why not?

4 lines
35.

Alin sa mga sumusunod ang mahalagang nangyari sa ating pananampalataya nang dumating si Magellan sa Pilipinas noong Marso 31, 1521?

a)

Natakot ang mga Pilipino.

b)

Ginanap ang unang misa sa Limasawa

c)

Nakilala ni Magellan ang mga katutubong pinuno ng mga isla.

d)

Nagkaroon ng labanan ang grupo nina Magellan at Lapu-lapu sa Mactan.

36.

Siya ang nagtatag ng kauna-unahang pamayanang espanyol sa bansa.

a)

Ferdinand Magellan

b)

Andres de Urdaneta

c)

Miguel Lopez de Legazpi

d)

Gob. Hen. Hurtado de Corcuera

37.

Maliban sa Kristiyanismo, ginamit din ng mga Espanyol ang espada upang mapasailalim sa kanilang kapangyarihan ang mga Filipino.Ano ang ibig sabihin ng pahayag?

a)

Mga espada ang pangunahing sandata ng mga Espanyol laban sa mga katutubo

b)

Naging marahas din ang mga misyonero sa pagsakop sa Pilipinas

c)

Gumamit ng puwersa at lakas-militar ang mga Espanyol sa kanilang pananakop sa Pilipinas

d)

Pinagsabay ng mga sundalong Espanyol ang krus at espada sa pakikipaglaban

38.

12.  Alin sa sumusunod ang isa sa dahilan kung bakit ninais ng mga Espanyol na sakupin ang Pilipinas?

a)

a. Ang mga likas na yaman ng Pilipinas ay magbibigay ng kayamanan sa Spain.

b)

b. Gustong manirahan ng maraming Espanyol sa Pilipinas.

c)

c. Nais nilang ipalaganap ang Islam sa mga kapuluan ng bansa.

d)

d. Tinanggap ng mga katutubo ang pamamahala ng mga Espanyol.

39.

Bakit naging mahirap para sa mga Espanyol na masakop ang lahat ng pangkat na nakatira sa masusukal na kabundukan at magkakahiwalay na pulo?

a)

A. Dahil magaling magtago ang mga Pilipino.

b)

Dahil sa katangiang heograpikal ng Pilipinas.

c)

Dahil maraming mababangis na hayop sa kabundukan.

d)

Dahil sila ay gumawa ng mga patibong at ikinatakot ito ng mga Espanyol.

40.

Sa Panahon ng Pagtuklas noong ika-14 hanggang ika-16 na siglo, nagpaligsahan ang bansang Spain at Portugal sa pagtuklas at pagsakop ng mga bagong lupain.

a)

Tama

b)

Mali

41.

Si Magellan ay isang Espanyol na nanguna sa ekspidisyon upang makatuklas ng lupain para sa Hari ng Spain.

a)

Tama

b)

Mali

42.

Kristiyanismo ang isa sa pangunahing dahilan ng Kolonyalismong Espanyol sa mga bansang sinakop nila tulad ng Pilipinas.

a)

Tama

b)

Mali

43.

Ang paglalayag ni Magellan ay nagpabago sa pananaw ukol sa mundo at nagpatunay na ang mundo ay bilog.

a)

Tama

b)

Mali

44.

Lahat ng mga pinuno ng mga islang napuntahan ni Magellan sa Pilipinas ay naging mabuti ang pagtanggap sa kanila.

a)

Tama

b)

Mali

45.

Isang pulo sa Pilipinas na pinaniniwalaang lugar kung saan ginanap ang unang misa.

a)

Maynila

b)

Cebu

c)

Limasawa

d)

Bohol

46.

Siya ay isang katutubong pinuno sa Cebu na tumanggap kay Magellan at nagpabinyag sa Kristiyanismo noong 1521.

a)

Raja Humabon

b)

Lakandula

c)

Raja Matanda

d)

Lapu-Lapu

47.

Isang tanyag na manlalayag na nakarating sa Pilipinas noong 1521 na unang nagpatunay na bilog ang daigdig.

a)

Ferdinand Magellan

b)

Christopher Columbus

c)

Miguel Lopez de Legazpi

d)

Lapu-Lapu

48.

Isang Imahen ng batang Hesus na tanda ng pagiging Kristiyano na inihandog ni Magellan kay Humabon.

a)

Sto. Niño

b)

Birheng Maria

c)

Anito

d)

Babaylan

49.

Pinuno ng mga katutubo sa Mactan na nakipaglaban at nagtagumpay laban sa mga Espanyol kung saan nasawi si Magellan.

a)

Lapu-Lapu

b)

Raja Matanda

c)

Raja Sulayman

d)

Jose Rizal

50.

Ito ay bahagi ng kanilang misyon sa pananakop ng mga lupain ang paglaganap ng Relihiyong Kristiyanismo.

a)

Gold

b)

God

c)

Glory

51.

Itinuturing na kayamanan ang mga lupaing nasakop ng Espanyol sapagkat napapakinabangan nila ang yamang tao at kalikasan nito.

a)

Gold

b)

God

c)

Glory

52.

Isang karangalan ng mga mananakop ng makapangyarihang na bansa ang pagkakaroon ng mga kolonya o mga sakop na lupain.

a)

Gold

b)

God

c)

Glory

53.

Sinalakay ng mga Espanyol ang Mactan noong Abril 27,1521.

a)

God

b)

Gold

c)

Glory

54.

Ang pagbibinyag ng mga katutubo sa Cebu ay pinangungunahan ni Raja Humabon.

a)

God

b)

Gold

c)

Glory

55.

Ang Espanyol ay naglikom ng kayaman sa Pilipinas kagaya ng ginto at pilak.

a)

God

b)

Gold

c)

Glory

56.

Ang kasunduan ng Espanyol at Simbahang Katoliko na ipalaganap, panatilihin at ipagtanggol ang Relihiyong Romano sa Pilipinas.

a)

God

b)

Gold

c)

Glory

57.

Nagpapalaganap ng merkantilismo sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Espanyol.

a)

God

b)

Gold

c)

Glory

58.

Nagtatayo ng mga pamayanan sa Pilipinas si Miguel Lopez de Legazpi.

a)

God

b)

Gold

c)

Glory

59.

Ginanap ang kauna-unahang misa sa Limasawa noong Marso 31, 1521.

a)

God

b)

Gold

c)

Glory

60.

Ano ang napatunayan ni Magellan sa kanyang paglalayag ?

4 lines