wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MIGRASYON

Total questions: 25

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Paano mo bibigyang kahulugan ang migrasyon?

a)

Tawag sa pagbisita ng isang tao sa kanyang kamag-anak na nasa ibang bansa

b)

Pagpunta sa ibang lugar upang makapagbagong buhay mula sa kinagisnang buhay.

c)

Tawag sa pag-alis o paglipat ng isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pang bahagi permanente man o panandalian

d)

Pagbibigay ng karapatan sa mga taong may kapasidad makapanirahan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na kung saan ay maaari din nila madala ang kanilang kamag-anak dito.

2.

Tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.

a)

Irregular Migrant

b)

Migrant

c)

Permanent Migrant

d)

Temporary Migrant

3.

Mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.

a)

Irregular Migrant

b)

Migrant

c)

Permanent Migrant

d)

Temporary Migrant

4.

. Overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenting paninirahan sa piniling bansa

a)

Irregular Migrant

b)

Migrant

c)

Permanent Migrant

d)

Temporary Migrant

5.

Si Jenny ay taga Ilocos at nagdesisyong magtrabaho at manirahan na sa Maynila upang mas higit na matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Anong uri ng migrasyon ito?

a)

External Migration

b)

Internal Migration

c)

Permanent Migration

d)

Temporary Migration

6.

Ano ang migrasyon?

a)

Proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar

b)

Proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan

c)

Proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan.

d)

Proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente

7.

Tawag sa isang indibidwal na paalis ng lugar patungo sa panibagong lugar.

a)

Emigrant

b)

Immigrant

c)

Irregular

d)

Migrant

8.

Terminong gamit kapag ang isang indibidwal ay dumating sa panibagong lugar upang magtrabaho o manirahan.

a)

Emigrant

b)

Immigrant

c)

Irregular

d)

Migrant

9.

Si Cardo ay taga-Leyte at nagdesisyong magtrabaho at manirahan na sa Maynila upang mas higit na matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Anong uri ng migrasyon ito?

a)

External Migration

b)

Internal Migration

c)

Permanent Migration

d)

Temporary Migration

10.

Ang pamilya Peñaranda ay hinihikayat ng kanilang kamag-anak na nasa Australia na doon na lamang manirahan at may nag-iintay rin na magandang oportunidad na trabaho. Nagdesisyon ang pamilya na umalis sa bansang kinabibilangan at lumipat sa Australia. Ano ang tawag sa ganitong uri ng migrasyon?

a)

External Migration

b)

Internal Migration

c)

Irregular

d)

Temporary Migration

11.

Tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon.

a)

flow

b)

outflow

c)

net migration

d)

stock

12.

Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa kahulugan ng outflow?

a)

Tumutukoy sa mga taong gusto lumipat ng ibang bansa

b)

Bilang ng mga tao na umaalis o lumalabas ng bansa

c)

Taong pinapangarap na makapanirahan at makapagtrabaho sa ibang bansa

d)

Bilang ng mga tao na mas gusto na makapagtrabaho at makapanirahan lamang sa loob ng bansang kinagisnan

13.

Tawag sa bilang ng mga nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.

a)

flow

b)

net migration

c)

outflow

d)

stock

14.

Alin ang hindi dahilan ng pag-alis o paglipat ng migrasyon?

a)

Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay

b)

Paghahanap ng ligtas na tirahan.

c)

Pagbabakasyon

d)

Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa.

15.

Noong taong 2013, saang kontinente nagmula ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa?

a)

Europe

b)

Asya

c)

Africa

d)

Amerika

16.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa anyo at daloy ng migrasyon?

a)

Pagbabagong pangkabuhayan

b)

Kultural

c)

Pampolitikal

d)

Panrelihiyon

17.

Ang mga sumusunod ay dahilan ng migrasyon maliban sa isa

a)

Paghahanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita

b)

Makapag-aral o makakuha ng mga teknikal na kaalaman

c)

Makahanap ng ligtas na tirahan para sa kani-kaniyang pamilya

d)

Makapagbakasyon sa iba’t ibang panig ng mundo na kung saan ay madadalaw din ang kanilang mga kamag-anak

18.

Ano ang tawag sa mga taong walang mapasukang trabaho kahit may kakayahan at sapat na edukasyon?

a)

employed

b)

employment

c)

unemployed

d)

underemployed

19.

Saan karaniwang nagmumula ang mga nandarayuhan?

a)

Sila ay mula sa mayamang bansa patungo mayaman ding bansa.

b)

Sila ay mula sa mahirap na bansa patungo sa mahirap ding bansa.

c)

Sila ay mula sa mas mahirap na bansa patungo sa mas mayamang bansa.

d)

Sila ay mula sa mas mayamang bansa patungo sa mas mahirap na bansa.

20.

Bakit marami sa mga Pilipino ang umaalis ng bansa bilang OFW?

a)

Dahil nais nilang maiangat ang kanilang katayuan sa buhay

b)

Dahil nais nilang makakita ng mga dayuhang gwapo at maganda

c)

Dahil nais nilang makarating sa ibang bansa at makapagliwaliw

d)

Dahil nais nilang mabisita ang kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa.

21.

Malaki ang porsyento ng mga manggagawa na bumubuo sa lakas paggawa ay mga kababaihan. Bilang kalihim ng Department of Labor at Employment, paano ka makatutulong sa pagtataguyod ng mga karapatan ng mga kababaihan?

a)

Gumawa ng isang action plan na magtatampok ng mga proramang proprotekta at mag-aalaga sa mga kababaihan.

b)

Gumawa ng isang panayam sa mga kababaihang manggagawa sa iba’t ibang sektor ng lipunan at alamin ang solusyon.

c)

Ibilin ang mga kababaihan sa mga kalalakehang manggagawa upang maalagaan sila ng mabuti at di sila mapahamak.

d)

Makisali sa mga rally na nagtataguyod sa mga karapatan ng mga kababaihan at maging isa sa mga aktibista na magsusulong ng karapatan.

22.

Ito ay sinasadyang paggamit ng lakas o puwersang pisikal o kapangyarihan, na maaaring isang pagbabanta o tinotoo, at maaaring laban sa sarili, sa kapwa, o laban sa isang pangkat o kaya pamayanan, na maaaring kalabasan ng o may mataas na kalamangan ng pagreresulta sa kapinsalaan, kamatayan, kapahamakang pangsikolohiya, hindi pag-unlad o pagbawi at pag-aalis (depribasyon, katulad ng pag-agaw ng pag-aari o kapangyarihan; maaari ring pagkakait).

a)

diskriminasyon

b)

karahasan

c)

pananakit

d)

pang-aabuso

23.

Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa iba. Ano ang tawag sa anumang pag uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan?

a)

diskriminasyon

b)

pananakit

c)

pang-aabuso

d)

pananamantala

24.

Bakit tumataas ang bilang ng mga Pilipinong migrante?

4 lines
25.

Ano-anong pagbabago ang nararanasan ng mga mamamayan dahil sa migrasyon?

4 lines