Font size
WorksheetsMigrasyon
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng buhay at lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. May mga pagkakataon na ang isang mag-aaral ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral sa ibang lugar o bansa sa pamamagitan ng scholarship programs. Dito ay higit na nalilinang ang mga angking talento ng isang mag-aaral sapagkat naibibigay ang tama at dekalidad na edukasyon sa kanya.
Ano ang ipinakikitang dahilan ng migrasyon sa talata?
Panghihikayat ng mga kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa
Magandang oportunidad gaya ng trabaho at mas mataas na kita.
Pumunta sa pinapangarap na lugar o bansa.
Pag-aaral sa ibang bansa.
Ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay malaki ang naitutulong sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang kanilang mga remittance, o ipinapadalang pera, ay nagsisilbing kapital para sa negosyo at nakakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya. Marami sa kanila ang nakapag-ahon sa kanilang pamilya mula sa kahirapan at nakapagpatapos ng kanilang mga anak sa pag-aaral.
Ayon sa kwento ng mga OFW, alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahusay na nagpapakita ng epekto ng remittance sa kanilang pamilya at sa ekonomiya ng Pilipinas?
Ang remittance mula sa mga OFW ay nagiging puhunan sa mga negosyo, nakakatulong sa kanilang pamilya at nakapagpapataas ng kalidad ng buhay sa Pilipinas.
Ang remittance mula sa mga OFW ay hindi nakakatulong sa pagpapalago ng negosyo at hindi nakakaapekto sa kahirapan ng pamilya.
Ang remittance ay ginagamit lamang para sa personal na pangangailangan ng mga pamilya ng OFW, at hindi nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa.
Ang remittance mula sa mga OFW ay nagiging sanhi ng pagtaas ng utang ng mga pamilya at hindi nakakatulong sa kanilang pagpapabuti.
Si Rosa ay isang domestic helper na nagtatrabaho sa isang pamilya sa Dubai. Sa una, maayos ang trato sa kanya ng kanyang amo, ngunit sa paglipas ng panahon, naging mas malupit at hindi makatarungan ang kanilang ugnayan. Hindi siya binabayaran ng tama, madalas siyang pinapagalitan kahit hindi siya nagkakamali, at hindi rin siya pinapayagan magpahinga. Ang mga ganitong pagtrato ay nagdulot ng malaking epekto sa kanyang pisikal, emosyonal, at mental na kalagayan.
Batay sa kwento ni Rosa, alin sa mga sumusunod ang pinaka-kapansin-pansin na implikasyon ng hindi makatarungang pagtrato sa mga domestic helper tulad niya?
Ang mga manggagawa ay nagiging mas produktibo at natututo mula sa kanilang karanasan.
Ang mga manggagawa ay maaaring makaranas ng pisikal na pagkakapagod, emosyonal na stress, at mental na kalusugan na naapektuhan.
Ang mga manggagawa ay mas nagiging maligaya at mas motivated na magtrabaho sa kabila ng hindi makatarungang trato.
Ang mga manggagawa ay nagiging immune sa mga negatibong epekto ng hindi makatarungang pagtrato at hindi naaapektuhan sa kanilang kalusugan.
Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na solusyon upang matugunan ang kakulangan ng mga guro sa mga pampublikong paaralan?
Pagtaas ng sahod at mga benepisyo ng mga guro sa Pilipinas upang makipagsabayan sa mga alok sa ibang bansa.
Pagpapaigting ng mga programa para sa mga guro upang magtulungan sila sa ibang bansa.
Pagpapababa ng pamantayan sa pagpili ng mga guro upang mapadali ang proseso.
Pagpapahinto sa mga guro na nagtuturo sa ibang bansa upang bumalik sa Pilipinas.
Isa sa mga naidulot ng globalisasyon ay pagtaas ng demand ng bansa para sa iba’t ibang kasanayan sa paggawa na globally standard. Paano ito tinutugunan ng ating bansa?
Pagdaragdag ng sampung taon sa basic education sa mga mag-aaral
Pagtatayo ng mga paaralan na maglilinang sa mga mag-aaral upang maging globally competitive
Pagdaragdag ng mga asignatura sa sekondarya na may kinalaman sa kalakalan at pagmamanupaktura
Pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education at lilinangin sa mga mag-aaral ang mga kasayanan na pang ika-21 siglo.
Tinatayang 4.23 milyong bakanteng trabaho ang binuksan sa mga job fair na isinagawa ng DOLE para sa mga manggagawang Pilipino, umabot lamang sa 391,000 na mga aplikante ang natanggap sa mga posisyon mula sa 1.29 milyon na mga aplikante. Ano ang mahihinunang konklusyon mula sa pahayag?
Kakaunti lamang ang aplikanteng may sapat na kasanayan at kakayahan sa trabahong kanilang papasukan.
Mapili sa trabaho at posisyon ang ilang aplikante sa job fair.
Mataas ang pamantayang tinatakda ng mga kumpanya.
Patuloy ang paglaki ng bilang ng job-skills mismatch sa bansa na naging dahilan ng pagdami ng mga unemployed.
Ito ay isang paraan ng mga namumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang sahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
Mahal at Flexible Labor
Mahal at Inflexible Labor
Mura at Flexible Labor
Mura at Inflexible Labor
Bakit tinagurian na bagong bayani ang mga Overseas Filipino Workers (OFW)?
Dahil hindi matatawaran ang kanilang sakripisyo para sa kanilang pamilya.
Dahil sa katapangan na kanilang ipinakita sa pamamagitan ng pangingibang bansa.
Dahil sa kitang ipinapasok nito sa bansa dahilan kung bakit hindi sumasadsad ang ekonomiya ng bansa.
Dahil sa pagpapalaganap nila ng kultura ng Pilipinas.
Si Mang Pedring ay nagtatrabaho bilang tanod sa barangay, ngunit dahil hindi sapat ang kanyang kinikita rito ay napilitan siyang pumasada ng tricycle sa ibang araw. Si Mang Pedring ay bahagi ng anong kalagayan o sitwasyon?
Employment
Labor Force Participation Rate
Underemployment
Unemployment
Isang seasonal worker si Kaloy, kung kayat wala siyang kaltas sa SSS, philhealth at PAGIBIG. Ano ang maaaring gawin ni Kaloy upang magkaroon ng sariling benepisyo?
Magreklamo sa kanyang amo tungkol sa benepisyo.
Huwag pumasok sa trabaho.
Ipost sa social media ang kanyang amo
Magapply ng voluntary contribution.
Ang trabahong nalilikha taon-taon ay hindi sapat sa bilang ng mga manggagawang walang trabaho o unemployed. Ano ang maaaring maging epekto nito?
Mas titindi ang kompetisyon ng lokal at dayuhang produkto.
Patuloy na tataas ang bilang ng mga unemployed.
Tataas ang bilang ng mga regular workers.
Mas nagbibigyang pansin ang karapatan ng mga manggagawa.
Lumipat ng tirahan sila Sally mula La Union patungong Marilao. Dito nakahanap ng permanenting trabaho ang kanyang ama. Anong uri ng migrasyon ang ginawa ng pamilya ni Sally?
Panloob na Migrasyon
Panlabas na migrasyon
Permanent Migrants
Irregular Migrants
Natanggap na ni Kris ang kanyang greencard kung kayat aalis na siya patungong Canada at dito na maninirahan at mamumuhay. Anong uri ng migrante si Kris?
Temporary Migrants
Irregular Migrants
Return migrants
Permanent Migrants
Marami sa OFWs ay nakakaranas ng pangungulila sa kanilang kaanak na humahantong sa desisyon na bumalik sa kanilang bansa. Paano kaya sila matutulungan?
Tulungan silang umuwi ng bansa.
Sabihan na palagiang tumawag sa pamilya.
Bumuo ng samahan na gagabay sa baguhang OFWs.
Palagiang magpulong upang maibsan ang lungkot
Ang sumusunod ay dahilan ng migrasyon maliban sa isa:
upang makahanap ng mas magandang hanapbuhay.
upang lumayo sa pamilya.
upang mag-aral sa mga kilalang pamantasan o unibersidad.
upang makahanap ng mas ligtas na lugar.
Ano ang namamahala sa mga operasyon ng DOLE sa 34 na opisina nito sa bahaging Kanlurang Asya at Asya?
Technical Education and Skills Development Authority
Philippine Overseas Employment Agency
Philippine Overseas Labor Offices
Department of Labor and Employment
Ano ang itinatag sa bisa ng R.A.7796 at nagsusulong na hikayatin ang partisipasyon ng industriya, paggawa at lokal na pamahalaan at mga instistuyong teknikal at bokasyunal upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng manggagawa sa bansa.?
Technical Education and Skills Development Authority
Philippine Overseas Employment Agency
Philippine Overseas Labor Offices
Department of Labor and Employment
Ano ang ahensya ng pamahalaan na nagbibigay suporta sa mga OFW sa pamamagitan ng maayos na ugnayan sa pamahalan ng mga bansang pandarayuhan?
Department of Labor and Employment
Overseas Workers Welfare Administration
Philippine Overseas Employment Agency
Department of Foreign Affairs
Ano ang ahensya ng pamahalaan ang nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW.?
Department of Labor and Employment
Overseas Workers Welfare Administration
Philippine Overseas Employment Agency
Department of Foreign Affairs
Ano ang ahensya ang itinatag sa bisa ng Executive Order 797 na may layuning isulong at paunlarin ang mga program at pangalagaan ang kapakanan ng mga OFW. Ang ahensya na namamahala sa PDOS?
Department of Labor and Employment
Commission on Filipino Overseas
Philippine Overseas Employment Agency
Overseas Workers Welfare Administration
Ano ang dalawang klase ng migrasyon ayon sa uri ng hanapbuhay?_________ at _______
(a)
Ano ang tawag sa bilang o dami ng mga nandarayuhang pumapasok sa bansa sa loob ng takdang panahon na karaniwan ay isang taon?
(a)
Ano ang tawag sa bilang ng nandarayuhan na naninirahan sa bansang nilipatan?
(a)
Ano ang tawag sa mga mamamayan na lumipat ng lugar dulot ng sigalot, problema sa kapaligiran, problemang politikal, mga sakuna at iba pang dahilan?
(a)
Ano ang tawag sa mga nandarayuhan na bumalik sa bansa o lugar na kanyang pinagmulan?
(a)
Ano ang tawag sa mga nandarayuhang nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado,walang permit para magtrabaho o overstaying sa bansang pinuntahan.?
(a)
Isang konsepto na ang layunin ay lumipat ng ibang lugar o bansa upang doon manirahan o maghanap-buhay.
(a)
Ano ang tawag sa isang miyembro ng pamilya ng isang OFW na nandarayuhan upang doon na sila permanenteng manirahan?
(a)
Ano ang tawag sa mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang doon magtrabaho o manirahan sa takdang panahon?
(a)
Ano ang tawag sa mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang doon magtrabaho o manirahan sa takdang panahon?
(a)
