wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Quiz Module 32 of 32

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Si Jose ay nahalal na pinuno sa kanilang klase kung kaya pinagsisikapan niyang maging isang epektibong lider. Sa layuning ito, ano ang kakayahan ang nararapat niyang maipakita upang maging ganap na mapanagutang lider?

a)

kakayahang kumilos ayon sa kagustuhan

b)

kakayahang tumingin sa sariling kapakanan

c)

kakayahang paunlarin ang pangkat na nasasakupan

d)

kakayahang makabili ng pangangailangan ng pamilya

2.

Anong kilos ang nakatutulong upang mapaunlad ang kakayahang maging epektibong tagasunod?

a)

kumilos nang mag-isa

b)

nakatuon sa mali ng iba

c)

pakikinig sa opinyon ng iba

d)

natututo sa ibang karanasan

3.

Paano maipapakita ang matibay na relasyon ng lider at tagasunod?

a)

sa pamamagitan nang sama-samang paggawa

b)

sa pamamagitan nang bukas na pag-uusap para sa ikabubuti ng iilan

c)

sa pamamagitan nang pagtanggap ng suhestiyon mula sa isang kasapi lamang

d)

sa pamamagitan nang paggawa ng pasya nang hindi sumasangguni sa kasama

4.

Alin sa mga sumusunod na kilos ang naging dahilan nang maayos na ugnayan sa pagitan ng lider at tagasunod?

a)

malawak ang pang-unawa

b)

nagpapabaya sa bawat suliranin

c)

walang pagkakaisa sa isang gawain

d)

padalos-dalos ang paggawa ng desisyon

5.

Bakit mahalagang maisagawang lider ang mga angkop na kilos?

a)

mapaunlad ang pisikal at ispiritwal na pagkatao

b)

upang hindi malihis sa maling daan ang mamamayan

c)

upang maging epektibong tagapag-utos sa mga kasapi

d)

upang magsilbing modelong tagapamahala sa isang lipunan

6.

Anong kilos ang maaaring gawin ng isang lider upang maging matagumpay ang layunin ng pangkat?

a)

Lider ang palaging nagsasalita.

b)

Suportahan ang ilang mga miyembro.

c)

Pinapaubaya ng lider ang mga gawain sa kasamahan.

d)

Nasusuri ang positibo at negatibong maging resulta na gagawing kilos.

7.

Bilang isang lider, ano ang nararapat gawin upang mahikayat ang kasaping nawalan ng determinasyong ipagpatuloy ang nasimulang gawain?

a)

hayaan silang magliwaliw muna

b)

pabayaan ang kasamahan sa kanilang gusto

c)

magbigay ng ibang trabaho na angkop sa kanilang panlasa

d)

magbigay ng pagganyak na mensahe sa mga kasamahan

8.

Si Emilia ay isang lider ng korporasyon. Kilala siyang matulungin at epektibong pinuno kaya mahal na mahal siya ng kanyang mga kasamahan at nasasakupan. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga ito, ang itinulong niya ay nagmula sa kinupit na pera mula sa kanilang negosyo. Sa tingin mo napaunlad ba ni Emilia ang kanyang kakayahan bilang lider?

a)

Oo, dahil ginamit sa mabuting paraan ang pera.

b)

Oo, dahil marami siyang natulungan at napasaya.

c)

Hindi, dahil magagalit ang mga kasamahan.

d)

Hindi, dahil ang kilos ay nagpapakita ng kawalan ng katapatan.

9.

Ang palaisdaan ng mga taga-Sitio May-Tubig ay nakapagbenta ng Php 10,000.00 sa loob ng isang araw. Kumuha ng Php 2,000.00 si Pablo upang ipambili ng gasolina at “maintenance” ng bangka, may natirang Php 500.00. Ngunit hindi niya ito ibinalik sa kanyang amo sa halip, ay ibinili ng pangangailangan nito sa sarili. Angkop ba ang kilos na ipinakita ni Pablo?

a)

Oo, sapagkat wala ng pagkain ang pamilya niya sa araw na iyon.

b)

Hindi, dahil ang tagasunod ay dapat na maging matapat sa lahat ng gagawin.

c)

Oo, dahil siya naman ang bumili ng gasolina para sa bangka at suhol niya iyon.

d)

Hindi, sapagkat pera ng kanyang amo ang ibinili ng mga pangangailangan niya.

10.

Bilang isang lider, ano ang pinakaunang aspeto na dapat isaalang-alang sa paggawa ng pasya?

a)

sapat na pundo

b)

opinyon ng kasamahan

c)

kagustuhan ng bawat isa

d)

kapakanan ng nakararami

11.

Sino sa mga sumusunod ang nagsagawa ng angkop na kilos sa pagpapaunlad ng kakayahang maging lider?

a)

Si James na tumutulong sa kapwa mahirap.

b)

Si John na may hangaring mapabuti ang buhay ng kanayon.

c)

Si Matteo na ginagawa ang lahat para sa kapakanan ng pamilya.

d)

Si Peter na nagpapasimuno sa mga tungkulin ng bawat isa at pagpapalaganap ng sama-samang pagbayanihan.

12.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapamalas ng huwarang kilos sa pagpapaunlad ng kakayahang maging tagasunod?

a)

Isang karpentero na pumipili ng kleyente.

b)

Isang caretaker na pinapabayaan ang bahay ng amo.

c)

Ang tinderang hinihikayat ang bawat kustomer na bumili.

d)

Ang kasambahay na hinahayan lamang ang mga basurang nagkalat.

13.

Isang mahusay na pinuno sa maliit na bayan si Karlo. Bago siya gumawa ng pasya sumasangguni muna siya sa mga nakatatanda at mga tagasunod. Kapag may hindi napagkasunduan ay gumagawa siya ng paraang makapaglahad ang mga kasamahan ng suhestiyon upang mapaunlad ang kanilang lugar. Anong angkop na kilos ang ipinapakita ni Karlo?

a)

masayahing pinuno

b)

magaling sa pagsasalita

c)

mapagmataas na pinuno

d)

marunong makinig at tumanggap ng ideya

14.

Paano mapapaunlad ang kakayahang maging lider at tagasunod?

a)

sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras kung kailan gusto

b)

sa pamamagitan ng pagsasarili sa mga problema

c)

sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga gawain ng pangkat

d)

sa pamamagitan ng pagiging malapit sa mga makapangyarihang tao

15.

Si Anna ay matagal ng nagtatrabaho sa isang korporasyon bagaman agad siyang tinanggal ng kanyang amo dahil sa sunod-sunod na pagliban nito sa trabaho na hindi man lang nakapagsumite ng sickleave application. Angkop nga ba ang ginawang hakbang ng amo?

a)

Oo, dahil lumabag sa patakaran si Anna.

b)

Oo, ipinatupad lamang ng amo ang nararapat.

c)

Hindi, dahil may pantay-pantay na karapatan ang bawat manggagawa.

d)

Hindi, dahil ang pagtatanggal ng empleyado ay dapat dumaan sa tamang proseso.