wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Summative test sa Araling Panlipunan 9 Second Quarter

Total questions: 40

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ayon sa Batas ng Demand, anong salik ang pangunahing nakakaapekto sa pagtaas at pagbaba ng demand para sa isang produkto?

a)

Panlasa

b)

Presyo

c)

Kagustuhan

d)

Kalidad ng produkto

2.

Kapag ang demand sa isang produkto ay napakalaki ang ibinaba sa kabila ng maliit na pagbabago sa presyo.Anong uri ng elastisidad ang inilalarawan nito?

a)

Elastic

b)

Inelastic

c)

Unitary

d)

Perfectly Elastic

3.

Ano ang pinakamahalagang elemento sa pamilihan na nagtatakda ng dami ng produkto na gusto at kayang bilhin ng konsyumer at dami at kayang ibenta ng prodyuser?

a)

Kompetisyon

b)

Pamahalaan

c)

Presyo

d)

Regulasyon

4.

Ang Rebisco crackers ay isang halimbawa ng produktong may Elastic demand. Ibig sabihin, malaki ang magiging epekto sa demand kapag nagkaroon ng maliit na pagbabago sa presyo nito. Ano ang maaaring paliwanag dito?

a)

Ang Rebisco ay pangunahing pangangailangan

b)

Maraming pamalit o substitute sa Rebisco

c)

Ang Rebisco ay complementary product lamang

d)

Walang pamalit o substitute para sa Rebisco

5.

Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto ng demand na idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?

a)

Ito ay tumutukoy sa mga produktong panghalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.

b)

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mga konsyumer sa iba't ibang halaga o presyo.

c)

Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.

d)

Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba't ibang presyo.

6.

Upang masabing demand, dapat nagtataglay ito ng dalawang elemento: gusto at kayang bilhin. Sino sa mga sumusunod na halimbawa ang tumpak na naglalarawan tungkol sa demand?

a)

Si Daniel na isang grade 9 student na nangangarap na makabili ng Ferrari sports car.

b)

Si Lilyn na inilibre ang kaniyang kaklase na kumain ng kaniyang gusting-gusto na pizza.

c)

Si Mark na bumili ng mamahaling sapatos matapos makaipon ng malaking halaga mula sa allowance.

d)

Si Mayet na nangutang upang mapanood ang concert ng kanyang paboritong K-POP na BTS.

7.

May-ari ng isang panaderya si Robert, nang tumaas ang presyo ng butter napilitan siyang gumamit ng margarine para sa kaniyang tinapay. At dahil hindi bumababa ang presyo nito, margarine na ang kaniyang ginagamit sa lahat ng kaniyang produkto maliban sa cake na butter pa rin ang sangkap. Ano ng tumpak na paliwanag sa sitwasyong ito?

a)

Higit na mas masarap para sa tinapay ang margarine kaysa sa butter.

b)

May piling produkto lamang na pwede ang butter at margarine.

c)

Ang margarine ay murang pamalit o cheaper substitute para sa butter.

d)

Maaaring gumamit ng margarine o butter depende sa presyo ng isang produkto.

8.

Sa Price Elasticity of Demand, Anong uri ng elasticity ang may coefficient na 0?

a)

Elastic

b)

Inelastic

c)

Unitary

d)

Perfectly Inelastic

9.

Ang pagiging 'in' o uso ng isang produkto ay maaaring makapaghikayat ng mas maraming mamimili dahilan upang tumaas ang demand para rito. Anong epekto ang tinutukoy sa sitwasyon na kara?

4 lines
10.

Anong epekto ang tinutukoy sa sitwasyon na karaniwang nagaganap sa loob ng pamilihan?

a)

Substitution effect

b)

Complementary effect

c)

Bandwagon effect

d)

Income effect

11.

Alin sa sumusunod ang nagpapahiwatig ng price elasticity of demand?

a)

Kapag mas malaki ang naging bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago sa presyo.

b)

Kapag mas maliit ang naging bahagdan ng pagbabago ng presyo kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded.

c)

Kapag hindi matukoy ang tiyak na dami ng pagtugon ng mamimili.

d)

Kapag halos walang pagbabago sa bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo.

12.

Ang perfectly inelastic demand ay mayroong coefficient na zero, ibig sabihin walang nagaganap na pagtugon ang quantity demanded kahit pa tumaas ang presyo, ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

May mga produkto tayong madaling hanapan ng pamalit kaya't kahit tumaas ang presyo nito makabibili pa rin tayo ng alternatibo para dito.

b)

Kapag ang produkto ay labis na tumaas ang presyo at hindi naman masyadong kailangan, maaari ng ipagpaliban muna ang pagbili nito.

c)

May mga produkto na kahit mataas ang presyo ay kailangan mong bilhin sapagkat wala itong pamalit.

d)

May mga produktong walang epekto sa atin kahit hindi natin ito bilhin.

13.

Ano ang tawag sa dami ng produkto o serbisyo na kaya o handang ipagbili ng mga prodyuser?

a)

Demand

b)

Ekwilibriyo

c)

Produksiyon

d)

Supply

14.

Alin sa mga sumusunod na salik ang maaaring makapagpataas sa antas ng produksiyon at supply ng isang produkto?

a)

Paggamit ng angkop na teknolohiya

b)

Pagdami ng bilang ng mga mamimili

c)

Paggamit ng mga salik ng produksiyon

d)

Kumpetisyon sa pagitan ng mga prodyuser

15.

Ano ang tawag sa konseptong nagpapakita sa kakayahan ng mga negosyante na dagdagan o bawasan ang kanilang mga supply para sa mga produkto o serbisyo batay sa pagbabago ng presyo ng mga ito?

a)

Elastisidad ng Supply

b)

Elastisidad ng Demand

c)

Elastisidad Presyo

d)

Elastisidad ng Negosyo

16.

Kapag ang limang porsyentong (5%) pagtaas ng presyo ng isang produkto ay nagdulot ng sampung porsyentong (10%) pagtaas sa quantity supplied nito, masasabing ang produkto ay may nagpapakita ng anong uri ng elastisidad?

a)

Inelastic Supply

b)

Elastic Supply

c)

Unitary Supply

d)

Perfectly Elastic

17.

Bumili ng bagong makinarya si Mang Juan upang makabuo ng mas marami pang supply ng produkto. Sa sitwasyong ito, anong salik ang nakaaapekto sa pagbabago sa supply?

a)

Pagbabago sa teknolohioya

b)

Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto

c)

Ekspektasyon ng presyo

d)

Pagbabago sa bilang ng mamimili

18.

Ano ang tawag sa matematikong pagpapakita ng ugnayan ng quantity supplied at presyo na nagaganap sa pamilihan?

a)

Supply Curve

b)

Batas ng Supply

c)

Supply Function

d)

Supply Schedule

19.

Sa presyong Php2.00 bawat piraso, nakakapagproseso ang pagawaan ni Alex ng 2,000 siomai bawat araw. Pero ng tumaas ang presyo nito sa Php3.00 dinagdagan niya ang kaniyang sa produksiyon sa 4,000.

a)

1.66, Elastic

b)

1, Unitary

c)

0.96, Inelastic

d)

1.26, Elastic

20.

Ang 10 apartment ni Monica ay pinauupahan niya sa halagang Php5,000 bawat buwan. Dahil sa mataas na demand, tumaas ang renta ng mga apartment sa Php 7,000 kaya't sinikap ni Monica na magpatayo ng karagdagang 2 pang apartment.

a)

0.94, Inelastic

b)

0.54, Inelastic

c)

1, Unitary

d)

1.1, Elastic

21.

May-ari ka ng panaderya at sa nakalipas na 2 linggo walang humpay ang pagtaas ng presyo ng harina na pangunahing sangkap sa iyong produktong tinapay. Iniisip mong magtaas ng presyo pero nangangamba ka na baka mawalan ka ng costumer. Kapag hindi ka naman nagtaas ng presyo, maaaring malugi ang iyong negosyo. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamatalinong pagpapasiya sa suliraning ito?

a)

Huwag munang magbenta ng tinapay hangga't hindi bumabalik sa normal ang presyo ng harina.

b)

Bawasan ang ibang sangkap ng tinapay tulad ng gatas, butter, asukal, atbp.

c)

Bahagyang liitan ang laki ng ginagawang tinapay upang maibenta pa rin ito sa dating presyo.

d)

Magbukas ng ibang negosyo na patok sa kasalukuyan tulad ng ukay-ukay at internet café.

22.

Ang presyo ng pangunahing salik sa pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan. Itinuturing itong "invisible hand" na siyang nagsasaayos ng ugnayan sa pagitan ng dalang pangunahing aktor sa pamilihan. Sino ang dalawang pangunahing aktor ng pamilihan?

a)

Mamamayan at Pamahalaan

b)

Konsyumer at Prodyuser

c)

Prodyuser at Supplier

d)

Magkagalit at Magkaibigan

23.

Ano ang tawag sa punto kung saan nagtatagpo ang kurba ng demand at kurba ng supply?

a)

Fulcrum

b)

Ekwilbriyo

c)

Interaksiyon

d)

Stability

24.

Kung ang quantity demanded para sa isang produkto ay 100 subalit ang quantity supplied ay 300, maaaring magkaroon ng:

a)

Shortage

b)

Hoarding

c)

Surplus

d)

Equilibrium

25.

Isang sitwasyon kung saan mas malaki ang dami ng quantity demanded kaysa sa dami ng produkto na kaya at handang ipagbili ng prodyuser?

a)

Ekwilibriyo

b)

Diskwilibriyo

c)

Surplus

d)

Shortage

26.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ekwilibriyo sa pamilihan?

a)

Kailangan ni Chiello ng isang dosenang rosas para sa kaarawan ng kaniyang ina ngunit siyam na rosas lamang ang natitira sa flower shop.

b)

Sa sobrang init ng panahon, naging matumal ang benta ng lugaw ni Jocelyn.

c)

Biniling lahat ni Ventor ang mga panindang biko ni ni Clara.

d)

Dahil pagtaas ng presyo ng mga salik ng produksiyon, napilitan si Maria na taasan ang presyo ng kaniyang panindang kakanin kung kaya't hindi ito naubos.

27.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paglipat ng kurba pakanan?

a)

Malakas ang benta ng pandesal dahil sa pagbaba ng presyo nito.

b)

Hindi muna ipinagbili ni Alin Nena ang kaniyang panindang asukal dahil sa balitang pagtaas ng presyo nito sa susunod na lingo.

c)

Makalumang pamamaraan ng pagtatanim ng palay ng maraming magsasaka.

d)

Pagtaas ng salik ng produksiyon.

28.

Ang tindahan ni Aling Nena ay bumibili sa kaniyang supplier ng 100 na Gardenia Slice Bread bawat linggo na kaniya namang ibinebenta sa halagang Php65.00 bawat isa. Matapos ang isang linggo, nakabenta lamang siya ng 60 piraso. Anong sitwasyon ang kinakaharap ni Aling Nena at ano ang dapat gawin sa presyo upang matamo ang estado ng ekwilibriyo?

4 lines
29.

Anong sitwasyon ang kinakaharap ni Aling Nena at ano ang dapat gawin sa presyo upang matamo ang estado ng ekwilibriyo?

a)

Surplus; taasan ang presyo

b)

Surplus; babaan ang presyo

c)

Shortage; taasan ang presyo

d)

Shortage; babaan ang presyo

30.

Tungkol saan ang balita na maaaring nagpabago sa isip ng tatay ninyo na bumili ng bagong kotse?

a)

Patuloy na pagbaba ng dollar remittances ng mga OFW.

b)

Malawakang pagbabaha bunga ng ulang dala ng habagat.

c)

Ang malaswang jingle ni Mocha tungkol sa isinusulong na pederalismo.

d)

Ang sunud-sunod at walang humpay na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

31.

Ano ang implikasyon sa pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?

a)

Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser dahil ang dami ng nais bilhin ng konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng prodyuser.

b)

Sa presyong ito, may labis na quantity supplied dahil maaaring magtaas ng presyo ang mga prodyuser upang tumaas ang kita.

c)

Sa presyong ito, parehong nasiyahan ang konsyumer at prodyuser dahil tumaas man ang presyo, kaunti na lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.

d)

Sa presyong ito, hindi masaya ang konsyumer dahil ang labis na quantity demanded ay hindi napupunan ng labis na quantity supplied.

32.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamatalinong pagpapasya ukol sa suliranin ng surplus at mababang presyo ng kamatis?

a)

Magtanim ng variety ng kamatis na maaaring itanim off-season o hindi sa panahon upang limitado lamang ang maging supply nito sa pamilihan at mahal na maibebenta

b)

Iimbak ang naaning kamatis at ilabas lamang ito kung mahal na ang presyo.

c)

Ibyahe ang kamatis sa lugar na mas mataas ang presyo kaysa kinaroroonan.

d)

Maghanap ng malalaking mamimili tulad ng restaurant o planta na maaaring suplayan ng kamatis.

33.

Ano ang tawag sa lugar kung saan ang konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdng presyo ng mg produkto?

a)

Department Store

b)

Pamilihan

c)

Talipapa

d)

Tingge

34.

Pinakamahalagang elemento sa pamilihan na nagtatakda ng dami ng produkto na gusto at kayang bilhin ng konsyumer at dami ng produkto na gusto at kayang ibenta ng prodyuser.

a)

Presyo

b)

Regulasyon

c)

Pamahalaan

d)

Kumpetisyon

35.

Isang uri ng estruktura ng pamilihan kung saan maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto at serbisyo.

a)

Oligopolyo

b)

Monopolyo

c)

Monopsonyo

d)

Monopolestic Competition

36.

Paano nakatutulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?

a)

Tumataas ang kalidad at napapababa ang presyo ng mga produkto.

b)

Napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto.

c)

Nahihikayat ang iba pang prodyuser na magnegosyo at sumali sa kompetisyon.

d)

Higit na nakakakuha ng mas malaking kita ang mga prodyuser.

37.

Ang mga sumusunod ay katangian ng estruktura ito MALIBAN sa:

a)

Malayang kalakalan sa pamilihan

b)

May kakaibang produkto

c)

Maraming konsyumer at prodyuser

d)

Malayang paggalaw ng mga sangkap sa produksiyon

38.

Paano nakatutulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?

a)

Sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at prodyuser.

b)

Napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto.

c)

Nakakakuha ng malaking tubo ng mga prodyuser.

d)

Hindi nakakahikayat sa mga prodyuser na magpasok ng produkto.

39.

Ano ano ang inaasahang maidudulot na pagbabago ng pagpasok ng bagong kumpanya sa industriya ng telekomunikasyon sa bansa?

a)

Madaragdagan ang budget ng pamahalaan mula sa makokolektang buwis mula dito.

b)

Bababa ang unemployment rate dahil lilikha ito ng maraming trabaho.

c)

Mas lalong titingkad ang ugnayan ng Pilipinas at China sa komersiyo.

d)

Magreresulta ito sa mas mababang presyo at mas maayos na serbisyo.

40.

Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo?

a)

Price ceiling

b)

Floor prices

c)

Market clearing price

d)

Price support