wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Araling Panlipunan 6

Total questions: 53

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Anong uri ng pamahalaan ang unang itinatag ng mga Amerikano sa Pilipinas noong Agosto 14, 1898 na may layuning payapain ang bansa?

a)

Pamahalaang Sibil

b)

Pamahalaang Militar

c)

Pamahalaang Diktatoryal

d)

Pamahalaang Demokratiko

2.

Sino ang kauna-unang Gobernador-Sibil sa Pilipinas?

a)

Elwell Otis

b)

Wesley Merritt

c)

Arthur Mac Arthur

d)

William Howard Taft

3.

Anong tawag sa kauna-unahang komisyon sa Pilipinas na ipinadala ni Pangulong William Mc Kinley na may layuning siyasatin ang tunay na kalagayan na Pilipinas?

a)

Komisyong Taft

b)

Komisyong Jones

c)

Komisyong Spooner

d)

Komisyong Schurman

4.

Bakit nakinabang nang malaki ang Estados Unidos sa Pilipinas sa Batas Underwood Simmons?

a)

Dahil mataas ang presyo ng kanilang produkto

b)

Dahil wala nang bumibili sa produkto ng mga Pilipino

c)

Dahil kahit mahahalagang produkto ay naipasok nila sa Pilipinas

d)

Dahil ipinagbabawal na ang pagluluwas ng mga produktong Pilipinas sa Estados Unidos

5.

Bakit naging marahas at mahigpit ang pamamaraan ng mga Amerikano sa pagsupil sa paghihimagsik ng mga Filipino?

a)

Upang maging sunod-sunuran sa mga batas na pinaiiral

b)

Upang hindi na makapaghikayat ng samahan na lalaban sa mga Amerikano

c)

Upang maging kasapi ng mga sundalong Amerikano na magliligtas sa mga dayuhan

d)

Upang pahupain ang nag-aalab na damdaming makabansa ng mga Filipino at supilin ang rebelyon laban sa pamahalaang kolonyal

6.

Alin sa mga sumusunod ang mabuting epekto ng patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga Amerikano?

a)

Paghina ng tradisyunal nating industriya

b)

Pagkakaroon ng bagong kaalaman sa kalakalan

c)

Lalong pagyamanin ng mga Pilipinong nasa panggitnang antas ng Lipunan

d)

Pagbabago ng panlasa at pagpapahalaga sa produkto ng mga Amerikano

7.

Anong batas ang unti-unting nagbigay-pagkakataon sa mga Pilipino na pamahalaan ang sariling bansa?

a)

Philippine Bill of 1902

b)

Tydings-McDuffie Law

c)

Jones Law

d)

Hare-Hawes Cutting Law

8.

Anong batas ang halos katulad ng mga probisyon ng Hare-Hawes-Cutting Act maliban sa probisyon tungkol sa pagpapanatili ng US ng mga base militar sa Pilipinas?

a)

Philippine Bill of 1902

b)

Tydings-McDuffie Law

c)

Jones Law of 1916

d)

Wood-Forbes Mission Payne-Aldrich Act

9.

Anong batas ang nagsasaad ng pagkilala ng US sa kasarinlan ng Pilipinas matapos itong magkaroon ng matatag na pamahalaan?

a)

Wood-Forbes Mission

b)

Tydings-McDuffie Law

c)

Philippine Bill of 1902

d)

Jones Law of 1916

10.

Sino ang kapartido ni Manuel Quezon na nagwagi bilang Pangalawang Pangulo sa halalan na idinaos noong Setyembre 17, 1935?

a)

Sergio Osmena

b)

Franklin Drillon

c)

Francis Harrison

d)

Manuel Roxas

11.

Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagpapahalaga sa likhang kultura na nagpaunlad sa layuning kasarinlan?

a)

Pagsapi ng mga Pilipino sa Sandatahang Lakas ng Amerika

b)

Paggamit ng Wikang Ingles sa mga pampublikong paaralan

c)

Pagdami ng banyagang produkto sa lokal na pamilihan

d)

Pagpapamalas ng kagalingan ng mga Pilipino sa pamumuno ng pamahalaan

12.

Bakit masuring binalangkas ng mga Pilipino ang Saligang Batas 1935?

a)

Dahil may kakayahan ang mga Pilipino na maipaglaban ang mga lupain

b)

Dahil may kakayahan ang mga Pilipino na maisulong ang Sistema ng edukasyon na itinatag sa ilalim ng Komnwealth

c)

dahil ito ang magiging pamantayan ng Estados Unidos upang malaman kung may kakayahan na ang mga Pilipino sa kasarinlan

13.

Bakit masuring binalangkas ang Saligang Batas 1935?

a)

Dahil may kakayahan ang mga Pilipino na maipaglaban ang mga lupain

b)

Dahil may kakayahan ang mga Pilipino na maisulong ang Sistema ng edukasyon na itinatag sa ilalim ng Komonwelt

c)

Dahil may sistema ng pamahalaan at kwalipikasyon ng mga pinuno sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt

d)

Dahil ito ang magiging pamantayan ng Estados Unidos upang malaman kung may kakayahan na ang Pilipino sa kasarinlan

14.

Anong uri ng pamahalaan ang ipinatupad ng mga Amerikano sa Pilipinas upang tukuyin ang sampung taong transisyunal na may layuning sanayin ang kakayahan ng mga Pilipino sa pamamahala?

a)

Pamahalaang Komonwelt

b)

Pamahalaang Militiar

c)

Pamahalaang Bayan

d)

Pamahalaang Sibil

15.

Ano ang naging pundasyon sa pagtatatag ng Pamahalaang komonwelt?

a)

Batas Jones

b)

Batas Cooper

c)

Saligang Batas 1935

d)

Commission Taft

16.

Sino ang nagwagi bilang Pangalawang Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt sa idinaos na halalan noong Setyembre 17, 1935?

a)

Claro M. Recto

b)

Manuel Quezon

c)

Sergio Osmeña

d)

Emilio Aguinaldo

17.

Sino ang unang naging Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt?

a)

Emilio Aguinaldo

b)

Claro M. Recto

c)

Sergio Osmeña

d)

Manuel Quezon

18.

Bakit binalangkas ang Saligang Batas 1935?

a)

Dahil ayaw nilang magsarili ang Pilipinas

b)

Dahil ito ay para sa istarktura ng konstitusyon ng Estados Unidos

c)

Dahil nais nilang turuan ang mga Pilipino sa pamumuno

d)

Dahil nais ng Estados Unidos na magkaroon ng pagbabago sa kanilang paraan ng pamumuno

19.

Ano ang pansamantalang pamahalaan ng Pilipinas na hahawakan ng mga Pilipino hanggang sa itinakdang pagbibigay ng ganap na kasarinlan?

a)

Pamahalaang Diktatoryal

b)

Batas Tydings McDuffie

c)

Pamahalaang Demokratiko

d)

Pamahalaang Komonwelt

20.

Anong programa ni Pangulong Quezon ang nagbigay karapatan sa mga nangungupahan na mag may -ari ng hanggang 16 na ektaryang lupain para sakahin?

a)

Labor Law

b)

Komonwelt Act

c)

Homestead Program

d)

Social Justice Program

21.

Sino ang binansagan bilang "Ama ng Wikang Pambansa"?

a)

Emilio Aguinaldo

b)

Manuel Quezon

c)

Sergio Osmeña

d)

Claro M. Recto

22.

Ano ang layunin ng Pensionado Act of 1903?

a)

Pagbabawal sa pagwagayway ng watawat ng Pilipinas

b)

Pagbibigay sa awtoridad sa mga Amerikano na pamunuan ang Pilipinas

c)

Ipinapadala sa US ang ilang kuwalipikadong Pilipino upang doon mag-aaral nang libre sa ilalim ng sistemang Amerikano

d)

Pagbibigay ng kaparusahang kamatayan at panghabang-buhay na pagkakabilanggo sa mga lumalaban sa mga Amerikano

23.

Sino ang kauna-unahang Komisyon na ipinadala ng US upang siyasatin ang kalagayan ng Pilipinas?

a)

Wright William Mc Kinley

b)

Jacob G. Schurman

c)

William Howard Taft

d)

Dean Worcester Luke

24.

Paano binigyan ng pagpapahalaga ang mga kababaihan sa Pamahalaang Komonwelt?

a)

Binigyan sila ng karapatang bumoto

b)

Binigyan sila ng karapatang makapagtrabaho

c)

Hinikayat silang manungkulan sa pamahalaan

d)

Inanyayahan silang maipahayag ang mga kuro-kuro

25.

Paano naging mabilis ang daloy ng impormasyon sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano?

a)

Paggamit ng mga iba’t-ibang uri ng gadget katulad ng cellphone, I-pad at tablet

b)

Gumamit ng youtube, instagram at facebook

c)

Pagtatag ng mga linya ng telepono, radio at telegrapo

d)

Paggamit ng telebisyon at pahayagan

26.

Sino ang Commander-in-Chief ng Japanese Imperial Army sa Pilipinas?

a)

General Basilio Valdez

b)

General Douglas MacArthur

c)

Admiral Kichisaburo Momura

d)

General Masaharu Homma

27.

Sino ang Commander-in-Chief ng Japanese Imperial Army sa Pilipinas?

a)

General Basilio Valdez

b)

General Douglas MacArthur

c)

Admiral Kichisaburo Momura

d)

General Masaharu Homma

28.

Sinong heneral na nagsabi at nangakong" I shall return " pagkatapos ng pagbagsak ng Bataan?

a)

General Edward King

b)

General Basilio Valdez

c)

General Douglas Mac Arthur

d)

General Masaharu Homma

29.

Noong Marso 11, 1942 naatasan si Heneral MacArthur na pamunuan ang sandatahang lakas ng US sa Australia. Sino ang humalili sa kaniya bilang Commander-in-Chief ng USAFFE sa Pilipinas?

a)

William Taft

b)

Wesley Meritt

c)

Jonathan Wainwright

d)

Masaharu Homma

30.

Kailan binomba ng hukbo ng mga Hapones ang Pilipinas?

a)

Abril 9, 1942

b)

Enero 2, 1942

c)

Disyembre 8, 1941

d)

Mayo 6, 1941

31.

Bakit idineklarang Bukas na Lungsod o “Open City” ang Maynila?

a)

Upang maiwasan ang pagwasak nito

b)

Upang masakop agad ito ng mga hapones

c)

Upang maging kaibigan ang mga Hapones

d)

Upang hindi mahirapan ang mga Pilipino ng tumakas

32.

Bakit lumikas ang mga hukbong Pilipino at Amerikano sa Bataan at sa pulo ng Corregidor?

a)

Dahil takot sila sa kalaban

b)

Upang protektrahan ang Corregidor

c)

Upang protektrahan ang Bataan

d)

Dahil sa pagdami ng kalabang dumating sa bansa

33.

Ano ang inaasahan ng mga sandatahang Pilipino at Amerikano matapos ang kanilang pagsuko sa Corregidor?

a)

Matutuwa ang mga Hapones

b)

Palalayain sila ng mga Hapones

c)

Walang pagmamalupit na nangyari

d)

Matutuwa ang mga Pilipino at Amerikano

34.

Kalian naganap ang pagbagsak ng Pilipinas sa kamay ng mga Hapones?

a)

Enero 6, 1942

b)

Hunyo 24,1942

c)

Mayo 6, 1942

d)

Disyembre 7, 1943

35.

Anong tawag sa samahang pansibiko na kinasangkapan ng mga Hapones upang ganap na mapasailalim ang Pilipinas sa kanilang kapangyarihan?

a)

PCPI

b)

KALIBAPI

c)

HUKBALAHAP

d)

Council of State

36.

Hindi kinilala ng US ang Ikalawang Republika ng Pilipinas. Tinagurian ito ni Pangulong Roosevelt ng US na _______________.

a)

KALIBAPI

b)

Puppet Government

c)

Commonwealth Government

d)

Greater East Asia Co-Prosperity Sphere

37.

Saang pangkat nabibilang ang Hapon sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

AXIS

b)

ASEAN

c)

Allied Powers

d)

United Nations

38.

Bakit tinawag na “Puppet Government” ang pamahalaan noong panahon ng pananakop ng mga Hapones?

a)

Dahil walang kapangyarihanang mga pinuno nito na gumawa ng sarili nilang pagpapasaya

b)

Dahil walang kapanyarihan ang mga pinuno nito na magaptupad ng mga programa

c)

Dahil naging sunod-sunuran ito sa kagustuhan ng mga Hapones

d)

Lahat ng nabanggit

39.

Paano madaling nagapi ng mga Hapon ang puwersang Pilipino-Amerikano?

a)

Sa pamamagitan ng walang humpay na pambobomba sa mga mahahalagang instalasyong military

b)

Sa pamamagitan ng pagbabayad ng malaking halaga

c)

Sa pamamagitan ng pagpatay sa mga sumukong sundalo

d)

Sa pamamagitan ng propaganda

40.

Alin sa mga sumusunod ang mga pagbabagong panlipunan sa Pilipinas noong panahon ng mga Hapones?

a)

Paggamit ng Mickey Mouse money

b)

Paglapastangan sa mga kababaihan

c)

Ang utos at batas ay galling sa mga Hapon

d)

Pag-alis ng halalan at pagbabawal sa paaralan noong panahon ng Hapon

41.

Ano ang tawag sa isang militanteng pangkat na panig sa mga Hapones. Pinaghihinalaan silang mga kolaborador at espiya ng mga Hapones.

a)

KALIBAPI

b)

HUKBALAHAP

c)

Kempeitai

d)

MAKAPILI

42.

Ano ang itinuturing na pinakamalaking pangkat ng gerilya sa P

4 lines
43.

Ano ang itinuturing na pinakamalaking pangkat ng gerilya sa Pilipinas na binubuo ng magsasaka at manggagawa mula sa gitnang Luzon?

a)

Kempeitai

b)

KALIBAPI

c)

HUKBALAHAP

d)

MAKAPILI

44.

Anong tawag sa mga sundalong USAFFE na nakaligtas sa labanan at nakipaglaban nang patago sa hukbo ng mga kaaway?

a)

HUKBALAHAP

b)

KALIBAPI

c)

Girls Scouts

d)

Gerilya

45.

Sino ang mga nagsilbing pulis-militar sa okupadong teritoryo ng Japan?

a)

KALIBAP

b)

HUKBALAHAP

c)

Kempeitai

d)

MAKAPILI

46.

Bakit itinatag ang kilusang Hukbong Bayan Laban sa Hapon, na karaniwang tinartawag na HUKBALAHAP?

a)

Upang maging sunod-sunuran sa mga patakaran ng mga HUKBALAHAP

b)

Itinatag ang kilusang HUKBALAHAP upang makipagkasundo sa Pamahalaang Hapon

c)

Upang makamit ang Kalayaan ng Pilipinas laban sa pagmamalupit ng mga Hapones

d)

Upang pag-usapan ang namamagitan sa mga Hapon at kilusang HUKBALAHAP para sa kapayapaan

47.

Paano ipinakita ng HUKBALAHAP ang galit o paraan ng pakikipaglaban para sa kalayaan laban sa Hapon?

a)

Dinudukot ang mga namumuno ng Hapones at pinapatay

b)

Sinasalakay ang kampo ng sundalo kasama ang mga Amerikano

c)

Unti-unting gumagawa ng mga sandata para sa kanilang pagsalakay sa mga Hapones

d)

Sinisira ng mga pampamahalaang gusaling itinatayo at pinapatay abf mga sundalo sa kanilang estratehiyang lusob-takbo sa mga Hapones

48.

Sino-sino ang mga dayuhang sumakop nang mahabang panahon sa ating bansa?

a)

Kastila, Tsino at Hapones

b)

Espanyol, Kastila, Tsino

c)

Tsino, Hapones, Amerikano

d)

Espanyol, Amerikano at Hapones

49.

Ang pagpapadala ng mahuhusay na lider na Pilipino sa Estados Unidos ay dahil sa kagustuhan ng mga Pilipino na makapagsarili. Ito ay kilala sa ating kasaysayan bilang _________.

a)

Asembleya ng Pilipinas

b)

Misyong Pangkalayaan

c)

Kasunduang Militar

d)

Tydings-McDuffie Law

50.

Sino ang unang nagtatag ng kilusang gerilya?

a)

Takas na kawal na Pilipino at Hapones mula sa Corregidor at Bataan

b)

Takas na kawal na Pilipino at Amerikano mula sa Corregidor at Bataan

c)

Takas na kawal na Pilipino at Español mula sa Corregidor at Bataan

d)

Takas na kawal na Pilipino at Tsino mula sa Corregidor at Bataan

51.

Bakit tinatawag na Panahon ng Kadiliman ang panahon ng digmaan (1942-1945)?

a)

Dahil mabilis gumabi sa panahong ito

b)

Dahil marami ang maiitim na tao sa panahong ito

c)

Dahil naghirap nang husto ang mga Pilipino sa kalupitan ng mga Hapones

d)

Dahil purong itim ang mga gamit pandigma ng mga Hapones sa panahong ito

52.

Bakit labis na naghirap ang mga magsasaka sa panahon ng digmaan?

a)

Upang gayahin ang nasimulan ng mga dayuhan

b)

Upang palihim na makipag ugnayan sa mga Hapones

c)

Upang simulan na ang pakikipag-ayos sa mga dayuhan

d)

Upang bumuo ng isang kilusang na sinimulan ng mga gerilya

53.

Bilang mag-aaral, paano natin maipapakita ang pagmamahal sa bayan, katulad ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaan?

a)

Paggamit ng Wikang Ingles sa mga pampublikong paaralan

b)

Pagtangkilik sa mga banyagang produkto sa local na pamahalaan

c)

Pagsunod sa mga batas na pinaiiral ng mga dayuhan

d)

Pagsusulat ng iba’t ibang uri ng Panitikan at paglikha ng musika nagpapayaman sa ating bansa