NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Total questions: 46
Worksheet time: 15mins
Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos - loob.
Layunin
Paraan
Sirkumstansiya
Makataong kilos
Ito naman tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na maaring makabawas o makadagdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
Layunin
Paraan
Sirkumstansiya
Makataong kilos
Ano ang tawag sa kilos na isinasagawa ng tao na may kaalaman, kusa, at malaya. Kadalasan ito ay bunga ng kaalaman, nilapatan ng isip at kilos - loob kaya naman may kapanagutan sa pagsasagawa nito
Layunin
Paraan
Sirkumstansiya
Makataong kilos
Ano ang tawag sa panlabas na kilos na nagsisilbing kasangkapan upang makamit ang layunin?
Layunin
Paraan
Sirkumstansiya
Makataong kilos
Saan karaniwang ginagamit ng tao ang kanyang isip at kilos loob?
sa paggawa ng bagay na ikasisiya niya
sa paglikha ng problema
sa kanyang pagpapakatao
sa kanyang paglilingkod sa tao
Ayon kay Agapay, dito nakasalalay ang uri ng tao na mayroon sa mga susunod na araw at sa hinaharap.
sa kanyang ninuno
sa kanyang konsiyensiya
sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa
sa kanyang kapaligiran
Ito ang tawag sa uri ng kilos na likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao.
Makataong kilos
Kilos ng Kapanagutan
Kilos ng Kalayaan
Kilos ng tao.
Ito ang tawag sa uri ng kilos na isinasagawa ng tao ng may kaalaman, malaya at kusa.
Makataong kilos
Kilos ng Kapanagutan
Kilos ng Kalayaan
Kilos ng tao.
Maari bang maging makataong kilos ang kilos ng tao?
Oo
Hindi
Siguro
Walang pagkakataon
Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
Walang kusang-loob
Kusang-loob
Di kusang-loob
Kilos-loob
Ito ang tawag sa kilos na may kaalaman at pagsang -ayon.
Kusang -Loob
Di -kusang loob
Walang Kusang loob
Walang pakialam
Isang barangay official at naglilingkod bilang opisyal ng COMELEC ang binulungan ng isang kandidato upang mandaya. Alam niyang ito ay ilegal at labag sa batas kaya hindi siya pumayag. Sa kabila nito, ginawa niya pa rin ito sa takot matanggal sa pwesto kahit labag sa kanyang kalooban. Anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang ipinakikita sa sitwasyon?
Kusang -Loob
Di -kusang loob
Walang Kusang loob
Walang pakialam
Ito ay kilos na walang kaalaman kaya't walang pangsang -ayon sa kilos.
Kusang -Loob
Di -kusang loob
Walang Kusang loob
Walang pakialam
Ito ay kilos na may paggamit sa kaalaman ngunit kulang ang pagsang -ayon.
Kusang -Loob
Di -kusang loob
Walang Kusang loob
Walang pakialam
Ayon sa kanya, hindi lahat ng kilos ay obligado.
Max Scheler
Sto. Tomas de Aquino
Immanuel Kant
Mother Teresa
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng obligasyon na kung hindi ilalayon o isasagawa ay may masamang mangyayari?
Hindi pagbabayad ng buwis
Pagpasok ng maaga
Pagtulong sa maysakit
Pagtanaw ng utang na loob
Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon ang pagpapasiya?
Magsilbing paalala sa gagawin
Maging gabay sa buhay
Maging pamantayan sa pagpili
Mapagnilayan ang bawat panig ng pagpipilian
Anong bahagi ng hakbang sa moral na pagpapasiya ang pagsusuri ng konsensya?
Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos
Tingnan ang kalooban
Maghanap ng ibang kaalaman
Isaisip ang mga posibilidad
Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
Paglilinis ng ilong
Pagpasok nang maaga
Pagsusugal
Maalimpungatan sa gabi
Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob?
Umunawa at magsuri ng impormasyon.
Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.
Tumulong sa kilos ng isang tao.
Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.
Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
pasiya
kilos
kakayahan
damdamin
Bakit kailangang isaalang-alang na isipin at timbangin ang mga masamang maidudulot ng pasya?
Makatutulong sa pagkakaroon ng mabuting kilos
Ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan
Nagdudulot ito ng kaseguruhan sa pagpili
Nagsisilbing gabay sa bawat pagpapasya
Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?
Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.
Ito ang pinakatunguhin ng kilos.
Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon ang pagpapasya?
Magsilbing paalala sa gagawin.
Maging gabay sa buhay
Maging pamantayan sa pagpili
Mapagnilayan ang bawat panig ng pagpipilian
Ito ay ang panlabas na kilos na paraan upang makamit ang layunin.
kahihinatnan
kilos
layunin
paraan
Ito ang panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.
kahihinatnan
layunin
sirkumstansiya
paraan
Si Mayumi ay nakapaghanda para sa kanilang nakatakdang pagsusulit subalit ang kaniyang kaklase at matalik na kaibigan na si Alena ay hindi nakapag-balik-aral. Sa araw ng kanilang pagsusulit ay nanghingi ito ng tulong sa kaniya. Dahil sa awa ay napagpasyahan niyang pakopyahin na lamang ang kaibigan. Tama ba ang pasya ni Mayumi?
Tama, dahil matalik niya itong kaibigan.
Tama, dahil titiyakin niyang di sila mahuhuli ng guro.
Mali, dahil kailangang matutuhan ng kaniyang kaibigan ang kahalagahan ng pag-aaral.
Mali, dahil nahirapan at napuyat siya sa pag-aaral.
Si Kiko ay hinahangaang artista. Nagsara ang istasyon ng telebisyon na kaniyang pinagtatrabahuhan dahil sa hindi tamang pagbabayad ng buwis. Dahil sa galit ay naglabas siya ng emosyon sa Facebook at nakapagbitaw ng masasakit na salita. Tama ba ang kaniyang ginawa bilang isang hinahangaang artista?
Opo, dahil siya may karapatang maglabas ng emosyon.
Opo, dahil dapat niyang galangin ang ibang tao.
Hindi po, dahil mali ang hindi pagbabayad ng buwis ng kaniyang pinagtatrabahuhang istasyon.
Hindi po, dahil siya ay iniidolo ng marami at baka siya ay tularan.
Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
makataong kilos
kilos
makatarungang pagkilos
masamang kilos
Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng kilos.
Kilos
layunin
kahihinatnan
sirkumstansiya
Si Sarah ay binigyan ng kaniyang nanay ng pera bilang regalo sa kaniyang kaarawan. Inalok siya ng kaniyang kaibigan na bilhin ang kaniyang cellphone. Matagal na niyang pangarap na magkaroon nito subalit sira na ang kaniyang sapatos at kailangan na itong palitan. Ano ang nararapat na gawin ni Sara?
Gamitin ang pera na pambili ng sapatos dahil mas mahalaga ito kaysa cellphone.
Gamitin ang pera upang ipambili ng cellphone na matagal na niyang pinapangarap.
Gamitin ang pera na pang blow-out sa kaklase.
Gamitin ang pera na pampanood ng sine.
Si Jen at Jolo ay matalik na magkaibigan. May gusto sila sa isa't isa subalit si Jolo ay kasalukuyang may karelasyon. Sa kabila ng balakid, itinuloy pa rin nila Jen at Jolo ang kanilang relasyon. Anong prinsipyo ng sirkumstansiya ang sumasakop at makikita sa sitwasyon? Ang sirkumstansiya ay
maaaring gawing mabuti ang kilos na masama.
pwedeng lumikha ng kakaibang kilos na mabuti o masama.
hindi pwedeng gawing mabuti ang masama.
hindi pwedeng lumikha ng kakaibang kilos na mabuti o masama.
Ang bawat kilos na ating ginagawa ay may ________________.
kahihinatnan
sirkumstansiya
paraan
layunin
Ang bawat kilos na ating ginagawa ay may ________________.
kahihinatnan
sirkumstansiya
paraan
layunin
Ang ________ ay pinag-isipan ng mabuti at malayang isinagawa ng tao.
kilos ng tao
makataong kilos
moralidad
pasya
Ang tao ang ___________ na uri ng nilalang.
may kalayaan
may moralidad
may puso at isipan
pinakamataas
Ang ___________ ay mga aktibidad ng tao na nagaganap nang walang kamalayan.
kalayaan
kilos-loob
kilos ng tao
makataong kilos
Ang ________ ay mga aktibidad ng tao na nagpapakita ng kanyang pagiging makatwiran.
kalayaan
kilos-loob
kilos ng tao
makataong kilos
Ang pagiging mapanuri at sumusunod sa pamantayang moral ay pagpapakita lamang na ang tao may _________ sa kanyang kilos.
kaalaman
kalayaan
pagkukusa
pananagutan
Ang makataong kilos na sumasang-ayon sa katwiran ay tinatawag na___________.
kaugnay sa kalooban
kaugnay sa kilos-loob
kaugnay sa makatwirang pag-iisip
kaugnay sa moral na kilos
Ang _______ ay pagkilos na nagnanais sa mga bagay na gustong makamit.
kaugnay sa kalooban
kaugnay sa kilos-loob
kaugnay sa makatwirang pag-iisip
kaugnay sa moral na kilos
Ang ________ ay katuparan ng ninanais ng tao.
kaugnay sa kalooban
kaugnay sa kilos-loob
kaugnay sa makatwirang pag-iisip
kaugnay sa moral na kilos
Ang _____ay pagpili ng kalooban upang naisin ang isang bagay na mabuti.
hangarin
pagnanais
pagpili
pagsang-ayon
Ito ay ang kawalan ng kaalaman ng tao sa isang sitwasyon.
Kamangmangan
takot
karahasan
masidhing damdamin
Ito ang dalawang uri ng kamangmangan.
damdamin at masidhi
nadaraig at hindi nadaraig
saya at takot
gawi at karahasan
Namamasukan si Kim na tindera sa palengke. Nagkasakit ang tatay niya kaya napilitan siyang ibenta ang paninda ng halos doble nang presyo. Ano ang masasabi ninyo sa ginawa niya?
Ayos lang dahil hindi naman alam ng mga mamimili ang toong presyo.
Masama ang ginawa niya kaya huwag na niyang uulitin ito.
Naging masaya siya dahil biglang lumaki ang kita niya.
Maraming mamimili ang magagalit sa kanya.
