WorksheetsPagsusulit sa Araling Panlipunan 7
Total questions: 48
Worksheet time: 24mins
Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pagpapalawak ng kapangyarihan ng isang dominanteng bansa sa pamamagitan ng pang-ekonomiya, pampulitika, pangkabuhayan, at pangkultura na paraan?
Imperyalismo
Kapitalismo
Kolonyalismo
Neokolonyalismo
Ito ay tumutukoy sa direktang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang teritoryo o estado upang pakinabangan ang mga yamang taglay nito.
Imperyalismo
Kapitalismo
Kolonyalismo
Neokolonyalismo
Ano ang dalawang bansang kanluranin na nanguna sa eksplorasyon sa malawak na karagatan at mga lupain ng daigdig noong ika-15 siglo?
Espanya at England
Espanya at France
Portugal at Espanya
Portugal at France
Paano nakaapekto ang imperyalismo sa mga hangganan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
Naging mas malinaw at tiyak ang mga hangganan ng mga bansa.
Nagbigayan ng teritoryo ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
Absolut ang bawat hangganan sa lupa at katubigan.
Ang mga hangganan ay hindi naging natural at patas.
Isang malaking kompanyang Amerikano ang nagbabalak na magpatayo ng isang malawak na minahan sa lalawigan ng Rizal na inaasahang makapagbibigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pag-ulit ng mga negatibong epekto ng kolonyalismo batay sa nabanggit na sitwasyon?
Pag-asa sa mga dayuhang kompanya para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Pagpapalakas sa mga lokal na negosyo at pagsuporta sa Pilipinong Entrepreneur.
Pakikipag-alyansa sa mga makapangyarihang bansa sa larangan ng ekonomiya at depensang Militar.
Pagpapaalis sa lahat ng dayuhang kompanya sa Pilipinas.
Aling yugto ang tumutukoy sa panahon ng panggagalugad, pagpapalawak, at pagtatatag ng mga kolonya sa iba't ibang bahagi ng daigdig noong ika-15 hanggang sa ika-17 siglo na kinilala rin bilang "Age of Discovery"?
Unang Yugto ng Imperyalismo
Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
Panahon ng Eksplorasyon
Panahon ng Rebolusyong Industriyal
Maraming mga Kanluranin ang nagnais na marating at maangkin ang lupain na tinatawag na "Spice Island" o Moluccas Islands dahil sa masaganang produkto ng pampalasa. Saang bansa sa Timog Silangang Asya ito matatagpuan?
India
Indonesia
Malaysia
Pilipinas
Ang mga sumusunod ay mga epekto ng pananakop ng mga kanluranin sa mga bansa sa Asya MALIBAN sa:
Pag-unlad ng Sistema ng transportasyon at komunikasyon upang mapabilis ang pagluwas ng produkto.
Napanatili ang katutubong kultura, paniniwala at tradisyon ng mga Asyano.
Nakaranas ng pang-aabuso at pang-aalipin ang ating mga ninuno.
Pagkakaroon ng mestizo o paghahalo ng mga lahi dahil sa pag-aasawa ng dayuhan at katutubo.
Anong ideolohiya ang mas malawak na ginamit sa ikalawang yugto ng imperyalismo kumpara sa unang yugto?
Liberalism at humanismo
Social Darwinism at White man's burden
Kapitalismo at komunismo
Marxismo at sosyalismo
Anong ideolohiya ang ginamit ng Britanya at Amerika na nagsusulong ng karapatan ng isang indibidwal, kalayaan, at pagkakapantay-pantay sa batas ng pamahalaan upang mahikayat ang mga katutubong Asyano na sumunod sa kanilang kagustuhan?
Demokrasya
Liberalismo
Merkantilismo
Sosyalismo
Anong pamamaraan ang ginamit ng mga Dutch upang mapasunod at masakop ang mga pulo sa Indonesia na kung saan pinag-aaway-away ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar?
Cultivation System
Divide and rule policy
Manifest Destiny
White Man's Burden
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng pagpapatupad ng sistemang polo y servicio sa panahon ng kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas?
Pagpapaunlad sa kasanayan ng mga kalalakihan sa larangan ng paggawa.
Pagbibigay ng libreng edukasyon at pagsasanay sa mga Pilipino.
Pagkamkam ng mga lupain at iba pang pagmamay-ari ng mga Pilipino
Pagkuha ng libreng paggawa mula sa mga Pilipino para sa mga proyektong pampamahalaan.
Ang strait settlements ay grupo ng mga teritoryo na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya na pinangasiwaan ng Britanya sa panahon ng kolonyalismo. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa strait settlement?
Brunei
Indonesia
Pilipinas
Singapore
Ayon sa mga Amerikano, sila ay may obligasyong moral na tulungan ang mga taong iba ang kulay sa kanilang balat upang maging sibilisado ang kanilang pamumuhay. Ano ang tawag sa konseptong ito na ginamit nilang dahilan sa kanilang pananakop?
Cultivation System
Divide and rule policy
Manifest Destiny
White Man's Burden
Ang sistemang reduccion ay patakarang ipinatupad ng Espanya sa panahon ng kanilang kolonyalismo sa Pilipinas kung saan pinagsama-sama ang mga katutubong Pilipino sa mga bagong bayan o "reducciones" na malapit sa simbahan at sa mga sentro ng kalakalan. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing layunin ng sistemang reduccion ng mga Espanyol MALIBAN sa:
Mas mapabilis ang pagtuturo sa mga bata sa pamamagitan ng paglalapit sa paaralan.
Mapadali ang pangongolekta ng buwis sa mga Pilipino.
Madaling maipalaganap ang kristiyanismo sa mga katutubong Pilipino.
Mabilis na makakuha ng mga tauhan sa paggawa ng mga kalsada, gusali, at iba pang istruktura.
Ano ang mga paraan ng mga pinuno ng bansang Thailand upang maiwasan ang direktang kolonisasyon ng mga makapangyarihang kanluranin?
Matalinong diplomasiya at pakikipag-ugnayan
Pagbabayad ng malaking halaga
Pagpapalakas ng hukbong sandatahan
Pakikipag-alyansa sa iba pang makapangyarihang bansa
Ano ang tawag sa pagtugon ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Espanyol sa pamamagitan ng pagtanggap ng kanilang relihiyon at kultura?
Pag-aalsa
Pag-angkin
Pag-angkop
Paglaban
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng Malayan Emergency?
Pagtatatag ng isang sosyalistang bansa sa pamamagitan ng pag-aalsa.
Pagnanais na maging protectorate ng iba pang makapangyarihang bansa sa pamamagitan ng pakikipag-alyansa.
Pagsusulong ng ganap na Kalayaan upang maitaguyod ang sistemang demokrasya.
Pagpapalakas ng hukbong sandatahan upang maging pinakamakapangyarihan sa buong Timog-Silangang Asya
Ano ang pangunahing paraan ng pagtugon ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong kanluranin?
Mapayapang paraan gamit ang panulat
Pag-aalsa gamit ang mga armas
Pananahimik at pagtanggap
Kombinasyon ng mapayapa at armadong pagtutol
Ang paglaban ng mga Indones sa kolonyalismong Olandes ay nagpapakita ng anong uri ng pagkilos sa kasalukuyang konteksto?
Pagtanggap sa globalisasyon
Pagtutol sa impluwensya ng dayuhan
Pag-asa sa tulong ng mga dayuhan
Pagsasawalang kibo sa mga isyu
Ano ang isang mahalagang aral na dapat matutuhan mula sa mga naging pagtugon ng mga Pilipino, Indones, at Malay sa pagbuo ng Nasyonalismo?
Mahalaga ang pakikipagtulungan sa mga dayuhang makapangyarihan
Buong pusong pagtanggap sa kolonyal na kultura upang makapamuhay ng payapa.
Pagkakaisa ng mga mamamayan para makamit ang Kalayaan at pag-unlad
Kanya-kanyang pagkilos laban sa mananakop na dayuhan
Kung ikaw ang magiging pangulo ng Pilipinas, ano ang pinakamabisang tugon sa isinasagawang pag-aangkin ng China sa mga teritoryo sa West Philippine Sea?
Pagdedeklara ng digmaan laban sa China
Paghingi ng bayad mula sa China kapalit ng teritoryo
Pagpapaalis sa mga Chinese sa Pilipinas
Pakikipag-ugnayan sa internasyonal na komunidad
Anong kasunduan ang nilagdaan ni Haring Norodom noong 1863, upang ipagkaloob sa France ang karapatang kontrolin ang panlabas na pakikipag-ugnayan ng Cambodia at bilang protectorate ng France?
Treaty of Paris
Treaty of Protection
Colonial Agreement
Protection Agreement
Ano ang tawag sa pangyayaring ito na naganap noong 1925, kung saan naganap ang insidenteng ito ng pagpatay ng mga Burmese sa isang opisyal na Pranses na sapilitang nangolekta ng karagdagang buwis mula sa mga taga nayon?
Bardez Incident
Burmese Massacre
French Incident
Krang Leav Massacre
Ano ang tawag sa diyaryo o pahayagang ito na inilathala ng mga Cambodian laban sa kolonyalismo at pagsulong ng nasyonalismo?
Khmer Times
Nagara Vatta
Nagara Khmer
Vatta Times
Ito ay pinamahalaan ng Britain bilang bahagi ng anong bansa mula 1919 hanggang sa ito ay naging crown colony noong 1937?
China
India
Indonesia
Malaysia
Anong sistema ang ipinatupad ng Britanya na kung saan ay nagtatalaga ng opisyal upang pangasiwaan at impluwensyahan ang mga lokal na pinuno?
Delegation System
Officiate System
Representative system
Resident system
Ito ay tumutukoy sa paniniwala ng mga Pranses na tungkulin nila na sakupin ang hindi mauunlad na rehiyon sa Asya at Africa upang ipalaganap ang mga makabagong ideyang politikal, repormang panlipunan, sistemang industriyal at makabagong teknolohiya. Ano ang tawag sa konseptong ito?
Civilizing Mission
Cultivation System
Manifest Destiny
White Man's Burden
Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng pagpapatuloy ng kolonyal na istruktura sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
Paggamit ng katutubong wika sa Sistema ng edukasyon
Pagdami ng mga dayuhang kompanya
Pagtataguyod ng mga tardisyunal na kultura.
Pagiging Malaya ng bansa.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng direktang epekto ng mga patakarang pang-ekonomiya ng mga kolonyal na bansa sa kasalukuyang kalagayan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
Pantay na distribusyon ng yaman ng bansa
Maayos na mga imprastraktura
Malaking agwat ng mayaman at mahirap
Pagiging Malaya ng bansa.
Sino ang mongheng Burmese ang nagsagawa ng hunger strike laban sa mga mananakop?
U Ottama
Saya San
U Wisara
U Nu
Noong 1916, ipinakita ng mga Cambodian ang kanilang pagkadismaya sa pagpapataw ng buwis sa pamamagitan ng isang demonstrasyon. Anong pangkat o uri ng tao ang nagsagawa ng nasabing demonstrasyon?
Magsasaka
Mangagalakal
Manggagawa
Mangingisda
Sino ang rebolusyonaryong Vietnamese ang namuno sa mga hukbong rebelde laban sa mga kolonyal na pwersa ng Pransya sa Vietnam. Pagkatapos ng kanyang kamatayan noong ika-20 siglo kinilala siya bilang isang pambansang bayani ng Vietnam.
Phan Đình Phùng
Pach Chhoeun
Pol Pot
Son Ngoc Thanh
Paano nakaapekto ang Bardez Incident sa Cambodia?
Nagpalala ng hidwaan at tensyon
Nagdulot ng mas matibay na pagkakaisa
Nagbukas ng mga oportunidad para sa diyalogo
Wala itong naging epekto
Sino ang makabayang Cambodian na kilala bilang Khmer Serei ang nanguna sa unang kilusang rebelyon laban sa mga Pranses?
Archar Hem Chieu
Pach Chhoeun
Pol Pot
Son Ngoc Thanh
Bakit nagkaroon ng Rebelyong Saya San sa Burma?
Ipakita ang suporta sa British
Ipaglaban ang kasarinlan mula sa kolonyal na pamahalaan
Itaguyod ang relihiyong Budismo
Itaguyod ang magandang mga kondisyon sa trabaho
Anong paliwanag ang maaaring ibigay sa slogan na "To be Burmese is to be Buddhist" ng kilusang nasyonalista na The Sun?
Ang lahat ng mga Burmese ay dapat maging Buddhist upang matanggap ng lipunan.
Ang Buddhism ay isang mahalagang bahagi ng kultura at identidad ng Burmese.
Ang slogan ay nagpapakita ng pagwawalang-bahala sa ibang relihiyon sa Burma.
Ang pagiging Burmese ay nakabatay sa mga tradisyon ng mga hindi-Buddhist na tao.
Alin sa mga sumusunod na bansa ang unang nasakop ng bansang Hapon sa simula ng kanilang Imperyalismo?
Korea
Indochina
Pilipinas
China
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng "pag-angkop" bilang tugon sa pananakop ng mga dayuhan?
Ang mga mamamayan ay nagsimulang mag-aral ng wikang ginagamit ng mga mananakop upang mapabuti ang kanilang kalagayan sa lipunan at makakuha ng trabaho.
Ang mga mamamayan ay nag-organisa ng isang malawakang pag-aalsa laban sa mga mananakop, na nagresulta sa maraming pagkamatay at pagkawasak.
Ang mga mamamayan ay nagtago sa mga bundok at kagubatan upang maiwasan ang mga mananakop at patuloy na lumaban sa pamamagitan ng gerilya.
Ang mga mamamayan ay nagsagawa ng mga demonstrasyon at protesta upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa mga patakaran ng mga mananakop
Ano ang pangunahing dahilan ng pagpapalawak ng Imperyo ng Hapon sa ika-20 siglo?
Maipalaganap ang kultura ng Hapon sa buong Asya
Maitaguyod ang industriyalisasyon at modernisasyon
Mapalaya ang mga bansang Asyano sa mga kanluranin
Makipag-alyansa sa mga makapangyarihang bansa
Anong pangyayari ang nagmarka ng simula ng agresibong imperyalismong Hapon?
Digmaang Russo-Hapones
Pagsalakay sa Pearl Harbor
Pagsakop sa Manchuria
Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Alin sa mga sumusunod na bansa ang nagkaroon ng pinakamahabang panahon ng kolonyalismo ng mga Espanyol?
Indonesia
Myanmar
Pilipinas
Vietnam
Paano natapos ang Imperyalismong Hapon?
Pagkatalo ng Hapon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Pagbabago sa mga patakaran ng mga Hapon
Pagtutulungan ng mga bansang nasakop ng Hapon
Pagbagsak ng ekonomiya ng bansang Hapon
Ano ang pangunahing ideolohiya na ginamit ng mga Hapon upang bigyang katwiran ang kanilang imperyalismo?
Assimilation
Asia Co-Prosperity
Sphere of Influence
White Man's Burden
Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng Hapon sa mga nasakop na bansa?
Demokrasya
Komunismo
Monarkiya
Pamahalaang militar
Paano naiba ang paraan ng kolonyalismo ng Hapon sa mga naunang Kolonyalistang Europeo?
Mas mapayapa at demokratiko ang kanilang pamamaraan.
Higit silang nakatulong sa kapwa Asyano
Mas malupit at mapang-api ang mga Hapones
Nakatuon sila sa ekonomiya kaysa sa Pulitika
Paano natin maiiwasan ang pag-ulit-ulit ng pangyayari sa mga comfort women sa kasalukuyan?
Paglimot sa mga nangyaring isyu
Pagsusulong ng edukasyon sa karapatang pantao
Paghingi ng kabayaran sa Pamahalaang Hapones
Pag-iwas sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan
Ano ang kaugnayan ng pag-aaral ng kasaysayan ng mga comfort women sa kasalukuyan?
Nagsisilbi itong paalala sa malagim na nakaraan
Batayan ito sa pagsusulong ng Gender Equality
Pinapakita nito na mas malakas ang kalalakihan
Higit na palakasin ang kababaihan kaysa kalalakihan
