Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Filipino 10

Total questions: 49

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag na: Huwag kang manunumpa sa ngalan ng buwang di matimtiman. Baka ang pag-ibig mo ay maging kasing kasalawahan.

a)

Natatakot

b)

Nagtataka

c)

Nagdududa

d)

Nangangamba

2.

Anong kultura ang sumasalamin sa mga pangyayari sa Romeo at Juliet?

a)

Pagpapakita ng emosyon ng isang tao.

b)

Ang pag-iibigan nila Romeo at Juliet.

c)

Tradisyon ng isang pamilya at paninindigan ng isang pamilya para sa isang kaaway.

d)

Paglalarawan ng isang panitikan.

3.

Sa pangungusap na, "Sa tulong ng isang susuguin ko" ano ang pinag-ugatan nito?

a)

Sugod + in

b)

Sugo + in

c)

Sugu + in

d)

Suguin

4.

Ang lihim na pagkikita nina Romeo at Juliet ay nagpapakita ng __________?

a)

Pagtitiwala ni Paris kay Juliet

b)

Pagmamahalan nila sa isa't-isa

c)

Pagsunod sa utos ng kanilang angkan

d)

Wala sa nabanggit

5.

Sa pahayag na "Ang pook na ito ay kamatayan. Pag natagpuan ka ng sinumang aking kasamahan." Ito ay nangangaluguhan na ___________?

a)

Kamatayan

b)

Pagtataksil

c)

Pagbabanta

d)

Kaguluhan

6.

Si Thor ang pinakatanyag na diyos ng mitolohiyang Norse. Ano ang tawag sa kaniyang sandatang maso?

a)

Excalibur

b)

Mjolnir

c)

Frejlord

d)

Vili

7.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng banghay ng isang mitolohiya?

a)

Tumatalakay sa pagkalikha ng mundo

b)

Ipinapakita ang ugnayan ng mga tao at ng mga diyos-diyusan.

c)

Salat sa aksiyon at tunggalian dahil nakatuon lamang ito sa iisang tauhan.

d)

Nakatuon sa mga suliranin at kung papaano ito malulutas.

8.

Ano ang tawag sa lugar kung saan nakatira ang mga diyos ng Norse?

a)

Ragnarok

b)

Asgard

c)

Jotunheim

d)

Ygdrassil

9.

Ano-ano ang mga naging paligsahan na pinaglabanan nila Thor sa kaharian ni Utgard-Loki?

a)

Pabilisan sa paglangoy, pabilisan sa pagputol ng malalaking puno, pagpapaamo sa mabangis na tigre

b)

Pagppatulog sa alagang pusa, paggawa ng kastilyo, pagbuhat sa malaking bato.

c)

Pabilisan sa pagkain, pabilisan sa pagtakbo, padamihan ng maiinom na alak

d)

Pagalingan sa pagkanta, patalasan ng isip, pagkukumpuni sa nasirang damit ni Utgard-Loki

10.

Bakit hindi nagtagumpay sa mga pagsubok ni Utgard-Loki sina Thor?

a)

Dahil lubhang napakahirap ng mga pagsubok na inihanda ni Utgard-Loki.

b)

Dahil sa pagiging mainitin ng ulo ni Thor kaya siya nagkamali sa mga pagsubok.

c)

Gumamit ng mahika si Utgard-Loki upang mandaya dahil batid niyang malakas na kalaban si Thor.

d)

Pinagkaisahan sina Thor at ang kaniyang mga kasamahan ng mga alagad ni Utgrad-Loki upang di sila Manalo

11.

Ano ang kahulugan ng payapa kong katre sa taludtod na "Payapa kong katre'y wala nang halina"?

a)

Payapang bayan

b)

Bagong katre o higaan

c)

Payapang buhay

d)

Payapang pagkakaibigan

12.

Ano ang kahulugan pumula sa dugo sa taludtod na "Pumula sa dugo ng kalabang puksa"?

a)

Sumobra ang galit

b)

Umagos ang luha

c)

Maraming namatay

d)

Nangyari ito sa katanghaliang tapat

13.

Ano ang kahulugan ng rurok na mithiin sa taludtod na "Narating kong rurok ng mithiin"?

a)

Pagiging mataas na pinuno

b)

Pagkamit ng isang pangarap

c)

Pagkamit ng ginto at kayamanan

d)

Pagkamit ng kapangyarihan

14.

Ano ang kahulugan ng sa pakpak ng tuwa sa taludtod na "Sa pakpak ng tuwa ninyong kabataan"?

a)

Mga ibong alaga ng isang bata

b)

Kaligayahang dulot ng pag-aaral

c)

Mga bagay na nagdudulot ng saya sa kabataan

d)

Kaligayahang dulot ng kapangyarihan

15.

Ano ang kahulugan ng malayong bituin sa taludtod na "Mithii'y kita 'ng malayong bituin?"

a)

Isang tala sa kalawakan

b)

Isang matayog na pangarap

c)

Isang kayamanan

d)

Matinding kapangyarihan

16.

Ipinahihiwatig ng teksto na, ang katangian ng nagsasalita ay _______.

a)

May hinanakit sa nangyari kay Juliet

b)

Handang mamatay upang makasama ang minamahal

c)

May labis na pagmamahal

d)

May sariling paninindigan para sa kaligayahan

17.

Batay sa katauhan ni Romeo at Juliet na isinulat ni William Shakespeare, anong paniniwala, pananaw o kulturang naglalarawan sa bansang England?

a)

Ipinapakita nila ang uri o kalagayan ng pamumuhay, pananamit at pananalita.

b)

Naniniwala sa wagas na pag-ibig sa iba't-ibang aspeto tulad ng pagmamahal sa pamilya, kasintahan at iba pa.

c)

Paniniwala na ipaglaban ang pagmamahal sa kasintahan hanggang sa kamatayan

d)

Tunggalian sa pagitan ng dalawang pamilya

18.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kultura, tradisyon, at paniniwala ng bansang England?

a)

Isang liberal at makapangyarihang bansa

b)

Ang bansang England ang sentro sa larangan ng Moda at Sining.

c)

Naniniwala sa wagas na pag-ibig sa iba't-ibang aspeto ng pagmamahal gaya ng pamilya, kasintahan, at iba pa.

d)

Makikita ang iba't-ibang paraan ng pananamit batay sa lipunang ginagalawan, kilos, at pananalita.

19.

Sa nangyayari sa panahon ngayon, ang bawat Pilipino ay nangangamba. Batay sa nakasalungguhit na salita, ano ang pinag-ugatan ng salita?

a)

Amba

b)

Mangamba

c)

Pangamba

d)

Nangamba

20.

Ang salitang buti kapag nilagyan ng panlapi na ma- at inulit ay magiging mabuti-buti, ito ay nangangahulugan na ___________.

a)

Mabuti na

b)

Magaling

c)

Katamtamang ayos

d)

Maayos

21.

"Patawad po ina, ngunit hindi ang pagtuturo ang landas na nais kong tahakin. Ang nais ko'y maging mang-aawit. Sana maintindihan niyo sapagkat buo na ang aking pasya." Tukuyin kung anong Teoryang Pampanitikan ang kinabibilangan ng pahayag.

a)

Eksistensiyalismo

b)

Naturalismo

c)

Humanismo

d)

Realismo

22.

Tukuyin kung anong Teoryang Pampanitikan ang kinabibilangan ng pahayag na "Hindi na natin matatakasan pa ang itinakda ng ating mga ninuno. Mananatili ang kultura sa ayaw man natin o sahindi."

a)

Eksistensiyalismo

b)

Naturalismo

c)

Humanismo

d)

Realismo

23.

"Iyan si Joe! Laging inuuna ang kagalingan ng ibang tao, napakahusay niyang pinuno!" Anong Teoryang Pampanitikan ang kinabibilangan ng pahayag?

a)

Eksistensiyalismo

b)

Naturalismo

c)

Humanismo

24.

Tukuyin kung anong Teoryang Pampanitikan ang kinabibilangan ng pahayag na "Tuwina'y umuuwi ng lasing si Simoun. Lahat ng kinitang pera ay napupunta sa babae, sugal at alak. Hindi mapapasubaliang salamin si Simoun ng kadiliman ng Maynila.

a)

Eksistensiyalismo

b)

Humanismo

c)

Naturalismo

d)

Realismo

25.

Ito ang tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang panggalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay.

a)

Panaguri

b)

Ingklitik

c)

Pang-uri

d)

Komplemento

26.

Aling uri ng paksa ang tinutukoy ng salitang may salunguhit?

a)

Pang-abay

b)

Lokatibo o Panlunan

c)

Nagpapahayag ng pagmamay-ari

d)

Atribusyon o modipikasyon

27.

Aling uri ng paksa ang tinutukoy ng salitang may salunguhit?

a)

Lokatibo o Panlunan

b)

Pang-abay

c)

Atribusyon o modipikasyon

d)

Nagpapahayag ng pagmamay-ari

28.

Aling salita sa pangungusap ang halimbawa ng pang-abay? "Mahusay na nagtalumpati ang pangulo at totoong humanga ang lahat."

a)

mahusay

b)

nagtalumpati

c)

totoong

d)

humanga

29.

Aling uri ng paksa ang tinutukoy ng salitang may salunguhit?

a)

Atribusyon o modipikasyon

b)

Nagpapahayag ng pagmamay-ari

c)

Lokatibo o Panlunan

d)

Pang-abay

30.

Ang isang ____________ ay isang uri ng sulatin o komposisyon na naglalayong maibahagi ang saloobin ng nagsulat nito.

a)

Tula

b)

Dula

c)

Salawikain

d)

Sanaysay

31.

Sinasabing ito ang kaluluwa ng pahayagan o publikasyon.

a)

Tula

b)

Editoryal

c)

Dula

d)

Sanaysay

32.

Ang bahagi ng sanaysay kung saan matatagpuan ang esensiya o ang nilalaman nito.

a)

panimula

b)

impresyon

c)

gitna o katawan

d)

wakas

33.

Ang bahagi na siyang magiging basehan ng tagapakinig o kung ibibigay ba niya ang buong atensyon dito.

a)

simula

b)

impresyon

c)

gitna o katawan

d)

wakas

34.

Sa bahaging ito ng editorial ang mag-iiwan ng hamon o kaisipang kikintal sa puso at isipan ng tagapakinig o mambabasa.

a)

panimula

b)

impresyon

c)

gitna o katawan

d)

wakas

35.

Siya ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento sa buong Mundo.

a)

Edgar Allan Poe

b)

O. Henry

c)

Ernest Hemingway

d)

Rufino Alejandro

36.

Ito ay bahagi ng maikling kuwento na kung saan dito ipinapakilala ang mga tauhan at tagpuan na gumaganap sa kuwento.

a)

simula

b)

banghay

c)

gitna

d)

wakas

37.

Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa kalikasan, o tao laban sa lipunan.

a)

tunggalian

b)

wakas

c)

paksang diwa

d)

kaisipan

38.

Sa panahon ngayon marami pa rin ang may__________ na handang tumulong sa nangangailangan.

a)

ginintuang puso

b)

mahaba ang pisi

c)

kamay na bakal

d)

nakalutang sa ulap

39.

Bilang magulang kailangan__________natin sa sitwasyong ito ng New Normal para sa paggabay sa ating mga anak.

a)

mahaba ang pisi

b)

kamay na bakal

c)

magsunog ng kilay

d)

nakalutang sa ulap

40.

Dahil dito marapat sana na huwag tayong gumamit ng__________ at higit bigyan natin sila ng pagkalinga at pagmamahal.

a)

kamay na bakal

b)

ginintuang pusp

c)

maghigpit ng sinturon

d)

magsunog ng kilay

41.

Lagi pa rin nating isaisip na kailangan nating_________ sa kasalukuyan lalo na at walang sapat na kita ang ating mga magulang gawa ng pandemya.

a)

maghigpit ng sinturon

b)

magsunog ng kilay

c)

nakalutang sa ulap

d)

mahaba ang pisi

42.

Ito ay isa pang uri ng matatalinghagang pagpapahayag kung saan sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa karaniwang paraan ng pagsasalita upang higit na mapaganda mabigyang halina ang isinusulat o sinasabi.

a)

tayutay

b)

idyoma

c)

paksang diwa

d)

kariktan

43.

O Kamatayan! Hayaan mong mamuhay muna at yumabong ang mga kabataan. Anong uri ng tayutay ang nabanggit na pangungusap?

a)

Pagtawag

b)

Pagmamalabis

c)

Paguyam

d)

Pagtutulad

44.

Bumaha ng dugo sa nangyaring digmaan. Suriin kung anong uri ng tayutay ang pangungusap?

a)

Pagmamalabis

b)

Pagwawangis

c)

Pagtutulad

d)

Pagbibigay katauhan

45.

Alin sa pangungusap ang nagpapahayag ng tayutay na pagtutulad?

a)

Ang digmaan ay tulad ng halimaw na sumisira sa bawat madaanan.

b)

Ang baya'y umiiyak dahil ito'y may tanikala.

c)

Ang ating bayan ay malaya kaya't mga dayuhan ang namamalakaya.

d)

Maraming puso ang nadurog sa kalagayan ng mga batang nabiktima ng digmaan.

46.

Ito ay isang anyo ng panitikan na binubuo ng saknong at taludtod.

a)

Tula

b)

Maikling Kuwento

c)

Sanaysay

d)

Suring basa

47.

Siya ang nagsalin sa Filipino ng maikling kuwento na, "Ang Aginaldo ng mga Mago".

a)

Jesus Manuel Santiago

b)

Rufino Alejandro

c)

Deogracias Rosario

d)

O. Henry

48.

Ang kauna-unahang babaeng Pangulo ng bansang Brazil noong 2010.

a)

Dimla Rouseff

b)

Maria Elena Scott

c)

Regina Lopez

d)

Wilma Frond

49.

Ito ay sanaysay na binibigkas. Ito din ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko.

a)

Talumpati

b)

Editoryal

c)

Lathalain

d)

Komplemento