wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 10 Ikalawang Markahang Pagsusulit (Yellow)

Total questions: 48

Worksheet time: 36mins

Name
Class
Date
1.

Habang natutulog si Marco, bigla siyang napangiti at gumalaw ang kanyang kamay. Anong uri ng kilos ang kanyang ginawa?

a)

Makataong kilos

b)

Kilos ng tao

c)

Kusang-loob

d)

Di kusang-loob

2.

Si Ana ay kusang tumulong sa kanyang kaklase na gumawa ng proyekto dahil gusto niyang makatulong. Anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang ipinakita ni Ana?

a)

Walang kusang-loob

b)

Di kusang-loob

c)

Kusang-loob

d)

Kilos ng tao

3.

Si Carlo ay nagsinungaling upang hindi mapagalitan ng kanyang guro. Alam niya na mali ito ngunit ginawa pa rin. Anong uri ng kilos ang ipinakita niya?

a)

Kilos ng tao

b)

Makataong kilos

c)

Walang kusang-loob

d)

Di kusang-loob

4.

Habang umiiyak, napasigaw si Lea nang malakas nang hindi niya namamalayan. Anong uri ng kilos ito?

a)

Makataong kilos

b)

Kilos ng tao

c)

Kusang-loob

d)

Di kusang-loob

5.

Si Ben ay tinutukan ng kutsilyo at pinilit magnakaw. Ginawa niya ito dahil sa takot. Anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang kanyang ginawa?

a)

Kusang-loob

b)

Walang kusang-loob

c)

Di kusang-loob

d)

Kilos ng tao

6.

Si Liza ay hindi sinasadyang matapunan ng mainit na tubig ang kanyang kaklase dahil nadulas siya. Anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang ginawa niya?

a)

Kusang-loob

b)

Walang kusang-loob

c)

Di kusang-loob

d)

Makatamong kilos

7.

Si Carla ay nagbigay ng pagkain sa isang pulubi upang makakuha ng maraming “likes” sa social media. Batay sa aral tungkol sa layunin ng kilos, paano ito maituturong?

a)

Mabuting kilos dahil tumulong siya sa iba.

b)

Masamang kilos dahil mali ang paraan.

c)

Hindi ganap na mabuting kilos dahil hindi malinis ang intensyon.

d)

Makatamong kilos dahil kusa niya itong ginawa.

8.

Pinakiusapan ni Ana ang kanyang kuya na bantayan ang kanilang kapatid habang bibili siya ng gamot. Ginawa naman ito ng kuya. Anong uri ng kilos ang ipinakita ng kuya ni Ana batay sa obligasyon?

a)

Kusang-loob

b)

Walang kusang-loob

c)

Di kusang-loob

d)

Kilos ng tao

9.

Si Ramon ay tinulungang ang kanyang kaklase na gumawa ng proyekto. Ngunit kalaunan ay humingi siya ng kapalit. Ano ang masasabi sa intensyon ni Ramon batay sa batayan ng mabuti at masamang kilos?

a)

Mabuti ang kanyang kilos dahil tumulong siya.

b)

Hindi ganap na mabuti dahil may sariling interes.

c)

Masama ang kilos dahil hindi totoo ang tulong.

d)

Walang kinalaman ang intensyon sa kabutihan ng kilos.

10.

Habang nagmamadali si Leah papasok sa paaralan, hindi niya sinasadyang matabi ang gamit ng kaklase at nabasag ito. Alin sa sumusunod ang tamang paglalarawan ng kilos ni Leah batay sa kapanagutan at proseso ng pag kilos?

a)

Siya ay ganap na mananagot sapagkat siya ang gumawa.

b)

May kabawasan sa pananagutan dahil walang intensyon ang kilos.

c)

Wala siyang pananagutan sapagkat hindi niya alam.

d)

Mananagot siya kung umamin siya sa guro.

11.

Pinag-isipan ni Bryan kung tutulungan ba siya sa group project o maglaro muna. Pinili niyang tulungan ang grupo upang matapos agad ang proyekto. Aling bahagi ng proseso ng pagkilos ang ipinakita ni Bryan?

a)

Paglayon

b)

Pag-iisip ng makatarungang paraan

c)

Pagpili ng pinakamalapit na paraan

d)

Pagsasakilos ng paraan

12.

Isang estudyante ang tinanong kung bakit siya nag-aaral nang mabuti. Sinabi niyang “Para makatulong sa pamilya at makapaglingkod sa Diyos.” Batay sa aral ng makataong kilos at layunin, paano mo ito huhusgahan?

a)

Mabuting kilos dahil nakatuon sa sarili lamang.

b)

Mabuting kilos dahil nakabatay sa mataas na layunin at kabutihan ng iba.

c)

Walang halaga dahil personal na pananaw lamang ito.

d)

Hindi makatamong kilos dahil hindi ito sinabayan ng gawa.

13.

Si Mico ay hindi nakapagpasa ng proyekto dahil inakala niyang sa susunod na linggo pa ang deadline. Nalaman niyang mali siya, ngunit may oras naman siyang magtanong sana sa guro tungkol dito. Anong uri ng kamangmangan ang ipinakita ni Mico?

a)

Hindi madaraig

b)

Madaraig

c)

Masidhing damdamin

d)

Takot

14.

Habang naglalakad sa daan, biglang tumakbo si Lea nang makita niyang may asong tumatahol sa kanya. Aling salik ang nakaapekto sa kanyang kilos?

a)

Kamangmangan

b)

Takot

c)

Karahasan

d)

Masidhing damdamin

15.

Dahil sa sobrang tuwa sa pagkapanalo ng kanilang koponan, niyakap ni Kim ang kanyang guro nang hindi sinasadya. Aling uri ng masidhing damdamin ang ipinakita ni Kim?

a)

Nauuna (antecedent)

b)

Nahuhuli (consequent)

c)

Takot

d)

Karahasan

16.

Pinilit ng isang kaklase si Ryan na mandaya sa pagsusulit sa pamamagitan ng pagbabanta na isusumbong siya sa guro. Anong salik ang nakaapekto sa kilos ni Bryan kung siya ay sumunod?

a)

Karahasan

b)

Takot

c)

Kamangmangan

d)

Masidhing damdamin

17.

Si Hanna ay bumagsak sa pagsusulit dahil hindi niya inaral ang leksyon. Naisip niyang madali lang ang test kaya hindi siya naghanda. Bakit siya may pananagutan sa kanyang kilos?

a)

Dahil ito ay hindi sinasadya

b)

Dahil may pagkakataon siyang malaman ang tama ngunit pinili niyang huwag gawin

c)

Dahil wala siyang kakayahang matuto

d)

Dahil may ibang taong nag-impluwensya sa kanya

18.

Si Carlo ay labis na nagalit sa kanyang kaklase dahil sa tsismis na narinig. Dahil sa galit, sinabunutan niya ito. Ano ang pinakamainam na paliwanag sa kilos ni Carlo batay sa masidhing damdamin?

a)

Ang kanyang emosyon ay nauuna at hindi niya ito napangasiwaan kaya nagresulta sa maling kilos.

b)

Wala siyang pananagutan dahil nadala lang siya ng galit.

c)

Hindi niya kasalanan dahil likas sa tao ang magalit.

d)

Wasto ang kanyang ginawa dahil nagalit siya sa maling akusasyon.

19.

Si Rhea ay galit na galit sa kanyang kaklase dahil siniraan siya. Dahil sa sobrang galit, gusto niyang gantihan ito. Ano ang dapat niyang gawin upang maging mapanagutan sa kanyang kilos?

a)

Hayaan ang galit na mamayani upang makaganti

b)

Balansihin ang isip at damdamin bago gumawa ng pasiya

c)

Iwasan muna ang kaklase at kalimutan ang nangyari

d)

Maghanap ng ibang taong makakaintindi sa kanya

20.

Nagprisinta si Arco na maging lider ng proyekto kahit alam niyang mahirap ito. Ginawa niya ito nang kusa at may layuning makatulong. Anong uri ng kusang-loob ang ipinakita ni Arco?

a)

Di-Kusang Loob

b)

Walang Kusang Loob

c)

Kusang-Loob

d)

Pilit na Kusang-Loob

21.

Dahil sa matinding takot, napilitan si Lana na sumang-ayon sa maling gawain ng kanyang mga kaibigan. Ano ang epekto ng takot sa kanyang kakayahang maging mapanagutan?

a)

Mas napabuti ang kanyang pasiya

b)

Nabawasan ang kanyang kakayahang mangatwiran

c)

Mas naging malawak ang kanyang pag-unawa

d)

Mas naging matatag siya sa harap ng tukso

22.

Si Ian ay nahihirapan pumili kung ipagpapatuloy ba niya ang pakikipagkaibigan sa taong laging gumagawa ng mali. Ano ang unang hakbang sa proseso ng pagpasya na dapat niyang gawin?

a)

Gumawa agad ng desisyon

b)

Ipagwalang-bahala ang problema

c)

Tukuyin ang kilos na nararapat gawin

d)

Humingi ng tulong sa kaibigan

23.

Si Zea ay nagdesisyong magboluntaryo sa clean-up drive ng barangay kahit wala siyang kapalit na matatanggap. Anong uri ng kusang-loob ang ipinakita niya?

a)

Kusang-Loob

b)

Di-Kusang Loob

c)

Walang Kusang Loob

d)

Pilit na Kusang Loob

24.

Napagalitan si Paul ng kanyang guro dahil hindi niya natapos ang proyekto. Sinisi niya ang kanyang kaklase sa halip na tanggapin ang pagkakamali. Anong katangian ang kulang kay Paul bilang mapanagutang tao?

a)

Kakayahang mangatwiran

b)

Pagpapasiya

c)

Pananagutan

d)

Kusang-Loob

25.

Si Liza ay nakakita ng wallet na may lamang pera habang siya ay naglalakad pauwi. Naisip niyang gusto niya itong kunin dahil kailangan niya ng pambili ng proyekto. Aling yugto ng makataong kilos ang inilalarawan?

a)

Intensiyon ng layunin

b)

Pagkaunawa sa layunin

c)

Paghuhusga sa nais makamtan

d)

Pagpili

26.

Si Rico ay nagpasya na gustong matulungan ang kanyang kaklase na hirap sa Math dahil alam niyang ito ay mabuting gawain. Anong yugto ng makataong kilos ang ipinapakita ni Marco?

a)

Nais ng layunin

b)

Masusing pagsusuri ng paraan

c)

Paggamit

d)

Utos

27.

Si Lhea ay gustong makapasa sa lahat ng asignatura. Sinusuri niya kung alin sa mga paraan ang makakatulong: mag-aral gabi-gabi, makinig sa klase, o mag-review bago ang exam. Aling yugto ng makataong kilos ang ipinakikita?

a)

Paghuhusga ng paraan

b)

Masusing pagsusuri ng paraan

c)

Pangkaisipang kakayahan ng layunin

d)

Paggamit

28.

Pagkatapos pag-isipan ni Carlo ang lahat ng paraan, pinili niyang mag-aral gabi-gabi upang makamtk ang mataas na marka. Anong yugto ng makataong kilos ang ipinakita niya?

a)

Pagpili

b)

Intensiyon ng layunin

c)

Utos

d)

Bunga

29.

Si Jerome ay nagpasya nang mag-aral gabi-gabi. Sa una, tinatamad siya ngunit kalaunan ay nasanay na. Nang makuha niya ang karangalan sa klase, labis siyang natuwa at nasiyahan. Anong yugto ng makataong kilos ang inilarawan ng kanyang kasiyahan?

a)

Pangkaisipang kakayahan ng layunin

b)

Bunga

c)

Utos

d)

Paggamit

30.

Si Althea ay pinayuhan ng kanyang magulang na umiwas sa masamang barkada. Pagkatapos niyang pag-isipan, sinunod niya ito at pinili ang mabuting kaibigan kahit nahirapan siya. Ano ang ipinapakita ng kanyang kilos?

a)

Paghuhusga sa nais makamtan

b)

Utos

c)

Paggamit

d)

Pangkaisipang kakayahan ng layunin

31.

Nais ni Julia na humingi ng tawad sa kanyang kaklase matapos niya itong masabihan ng masasakit na salita. Pinag-iisipan niya ngayon kung paano niya ito gagawin — kakausapin ba niya ito ng personal o magpapadala na lang ng mensahe? Aling yugto ng makataong kilos ang ipinapakita?

a)

Intensiyon ng layunin

b)

Masusing pagsusuri ng paraan

c)

Paghuhusga ng paraan

d)

Bunga

32.

Pinag-isipan ni Kevin ang mga paraang maaari niyang gawin para tumulong sa kaklaseng nahihirapan sa proyekto. Pinili niyang turuan ito pagkatapos ng klase. Aling yugto ng makataong kilos ang inilalarawan?

a)

Pagpili

b)

Utos

c)

Paggamit

d)

Pangkaisipang kakayahan ng layunin

33.

Bago kausapin ni Lina ang kanyang kaibigan tungkol sa masakit nitong pagbibiro, inisip muna niya kung kaya ba niyang sabihin ito ng mahinahon at kung magiging maayos ang resulta ng kanilang pag-usap. Anong yugto ng makataong kilos ito?

a)

Paghuhusga sa nais makamtan

b)

Intensiyon ng layunin

c)

Utos

d)

Pagkaunawa sa layunin

34.

Matapos magpasya si Ramil na kausapin ang kanyang kaibigan, nagsimula na siyang gumawa ng hakbang — nilapitan niya ito at mahinahon na ipinaliwanag ang kanyang saloobin. Anong yugto ng makataong kilos ang ipinapakita?

a)

Utos

b)

Paggamit

c)

Pangkaisipang kakayahan ng layunin

d)

Intensiyon ng layunin

35.

Pagkatapos kausapin ni Ramil ang kanyang kaibigan, nakaramdam siya ng gaan sa loob at kapayapaan sapagkat naipahayag niya nang maayos ang kanyang saloobin. Aling yugto ng makataong kilos ang ipinakita rito?

a)

Bunga

b)

Pagpili

c)

Masusing pagsusuri ng paraan

d)

Utos

36.

Napagtanto ni Lia na bagama’t natakot siyang kausapin ang kanyang kaibigan, mas mabuti pa ring sabihin ang totoo upang maiwasan ang pagkakasala sa hinaharap. Pinili niyang kumilos nang may kabutihan. Anong aspeto ng makataong kilos ang pinahahalagahan niya?

a)

Kalayaan ng kilos-loob

b)

Pangkaisipang kakayahan ng layunin

c)

Intensiyon ng layunin

d)

Pagkaunawa sa layunin

37.

Si Kea ay nag-abot ng pagkain sa kanilang kapitbahay na may sakit. Ginawa niya ito dahil gusto niyang makatulong sa nangangailangan. Ano ang nagpapakita rito ng mabuting layunin?

a)

Dahil gusto niyang purihin siya ng kapitbahay

b)

Dahil gusto niyang ipakita ang kabutihan ng loob

c)

Dahil gusto niyang gantihan ng kabutihan

d)

Dahil may proyekto sila sa EsP tungkol sa pagtulong

38.

Si Mark ay nagbigay ng tulong pinansyal sa kaklase ngunit pinagmamalaki niya ito sa social media. Aling salik ng makataong kilos ang nakaapekto sa kabutihan o kasamaan ng kanyang ginawa?

a)

Layunin

b)

Paraan

c)

Sirkumstansiya

d)

Kahihinatnan

39.

Pinayuhan ni Dr. Cruz ang kanyang pasyente na huwag uminom ng gamot na makasasama sa kalusugan nito kahit na kikita siya kung ibebenta niya ito. Aling salik ng makataong kilos ang kanyang isinasaalang-alang?

a)

Kahihinatnan

b)

Layunin

c)

Paraan

d)

Sirkumstansiya

40.

Tumulong si Andrea sa paglilinis ng paaralan upang mapuri ng kanyang guro. Batay sa salik ng layunin, paano masusuri ang kanyang ginawa?

a)

Mabuti sapagkat tumulong siya sa paaralan

b)

Hindi ganap na mabuti dahil pansarili ang layunin

c)

Masama dahil pinilit lamang siya ng guro

d)

Mabuti dahil maraming nakakita sa kanya

41.

Si Carlo ay nagnakaw ng gamot sa botika upang mailigtas ang kanyang inang maysakit. Batay sa salik ng sirkumstansiya, paano ito maipapaliwanag?

a)

Masama pa rin dahil ang pagnanakaw ay labag sa batas

b)

Mabuti dahil nais niyang iligtas ang kanyang ina

c)

Bahagyang nababawasan ang kasamaan dahil sa kalagayan

d)

Mabuti dahil para sa pamilya ang layunin

42.

Si Jenny ay nagdesisyong magsinungaling upang hindi mapagalitan ng magulang. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng kanyang kilos?

a)

Mawawala ang tiwala ng magulang sa kanya kapag malaman

b)

Mas mapapalapit siya sa kanyang mga magulang

c)

Walang magiging epekto basta’t hindi ito malaman

d)

Magiging mabuting halimbawa siya sa kapatid

43.

Nais ni Rona na makatulong sa kanyang mga kaklase sa proyekto. Ngunit ang kanyang layunin ay para lamang mapuri ng guro. Mabuti ba ang kanyang layunin?

a)

Oo, dahil nakatulong siya sa proyekto

b)

Oo, dahil hindi siya napagod

c)

Hindi, dahil maliliit lang naman ang tulong

d)

Hindi, dahil ang layunin ay hindi taos-puso at hindi para sa kabutihan ng kapwa

44.

Si Jomar ay tinanong kung bakit niya nilinis ang silid-aralan. Sinabi niyang ginawa niya ito upang mapanatiling malinis at maginhawa para sa lahat.

a)

Mali ang ginawa niya dahil hindi siya inutusan

b)

Wala siyang dapat pakialaman

c)

Hindi ito mabuti dahil maliit lang na bagay

d)

Mabuti ang kilos dahil may mabuting layunin at may paggalang sa kapwa

45.

Sa paggawa ng desisyon, mahalaga ang pagkalap ng impormasyon. Ano ang tamang dahilan kung bakit?

a)

Para mas madali ang desisyon

b)

Para makaiwas sa pananagutan

c)

Para mapadali ang kilos-loob

d)

Para matiyak na tama at makabubuti ang magiging pasya

46.

Ang isang kilos ay maituturing na mabuti kung ito ay…

a)

Basta’t nakakatulong kahit kanino

b)

Ginagawa ng maraming tao

c)

Isinasagawa nang mabilis

d)

Batay sa mabuting layunin, tamang paraan, at maayos na sirkumstansiya

47.

Si Pia ay gustong tumulong sa kapatid na mag-aral, ngunit dahil gabi na at pagod siya, nagdesisyon siyang ipagpaliban ito sa susunod na araw. Ano ang dapat niyang gawin upang maging mabuti ang kanyang pasya?

a)

Hayaan na lang muna dahil pagod siya

b)

Pabayaan na lang ang kapatid

c)

Magalit sa sarili dahil hindi nakatulong

d)

Suriiin kung makabubuti sa lahat at planuhin kung kailan niya matutulungan ang kapatid

48.

Sa panahon ng proyekto, pinili ni Marco ang pinakamadaling paraan upang matapos agad kahit may masasaktan. Ano ang ipinapakita ng kanyang kilos?

a)

Mabuti dahil mabilis natapos

b)

Tama dahil ito ang gusto ng grupo

c)

Makatwiran dahil walang masamang intensyon

d)

Hindi mabuti dahil ang paraan ay nakasasakit sa iba kahit may mabuting layunin