Font size
WorksheetsFINAL EXAM Q4 - EL FILIBUSTERISMO
Total questions: 52
Worksheet time: 49mins
I-type nang maayos ang iyong APELYIDO (Last Name)
I-type nang maayos ang iyong UNANG PANGALAN (First Name)
Sino ang pangunahing tauhan sa El Filibusterismo na nagbalik bilang alahero?
A. Basilio
B. Isagani
C. Simoun
D. Tadeo
Sino ang anak ni Kabesang Tales na nagpaalila kay Hermana Penchang?
A. Paulita
B. Juli
C. Donya Victorina
D. Sisa
Sino ang mamamahayag na mayabang at hindi patas sa balita?
A. Ben Zayb
B. Quiroga
C. Don Custodio
D. Tadeo
Saan sinimulan isulat ni Rizal ang El Filibusterismo?
A. Hong Kong
B. Madrid
C. Calamba
D. Biarritz
Sino ang tinaguriang "mosca muerta"?
A. Padre Camorra
B. Padre Irene
C. Padre Salvi
D. Padre Fernandez
Bakit pinili ni Simoun ang magbalatkayo bilang alahero?
A. Para yumaman
B. Para matakasan ang mga Kastila
C. Para sa paghihiganti
D. Para tumulong sa simbahan
Ano ang ipinapahiwatig ng punong balite sa kabanata ni Basilio?
A. Paghihimagsik
B. Pag-asa
C. Paggunita at pagdadalamhati
D. Tagumpay
Ano ang nagpapakita ng saloobin ni Basilio sa paghihiganti ni Simoun?
A. Tahasang pagsang-ayon
B. Walang pakialam
C. Pagdududa at pag-aalinlangan
D. Kasamang nagplano
Anong ideolohiya ang kinakatawan ni Padre Fernandez?
A. Konserbatibo
B. Liberal
C. Atheismo
D. Sosyalismo
Ano ang pangunahing layunin ng mga estudyante gaya ni Macaraig?
A. Tumulong kay Simoun
B. Magkaisa para sa rebolusyon
C. Magsulong ng akademya para sa Wikang Kastila
D. Sumali sa simbahan
Kung si Don Custodio ay isang opisyal ng gobyerno ngayon, paano siya mailalarawan?
A. Makatwiran
B. Mapagkalinga
C. Palusot at hindi gumagawa ng aksyon
D. Matapat
Anong dapat gawin ni Isagani upang maisulong ang tunay na pagbabago?
A. Tulungan si Simoun sa mga plano
B. Gumamit ng karahasan
C. Magsalita at ipaglaban ang tama sa mapayapang paraan
D. Tumigil na lang
Kung ilalapat sa lipunang Pilipino ngayon ang tema ng nobela, ano ang mas epektibong paraan ng pagbabago?
A. Himagsikan
B. Edukasyon at kritikal na pag-iisip
C. Kasipagan
D. Pagpapanggap
Ano ang dapat gawin ng mga kabataan kung sila ay makaranas ng kawalang-katarungan?
A. Mag-alsa agad
B. Maghintay ng tulong
C. Magtulungan at kumilos nang mapayapa
D. Manahimik
Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ni Simoun, sino ang pipiliin mong kaalyado?
A. Don Custodio
B. Padre Camorra
C. Isagani
D. Padre Salvi
Sino ang anak ni Sisa na naging mag-aaral sa Ateneo?
A. Isagani
B. Basilio
C. Tano
D. Macaraig
Sino ang pamangkin ni Donya Victorina na iniwan si Isagani?
A. Juli
B. Huli
C. Paulita
D. Hermana Penchang
Sino ang estudyanteng mayabang at umaasa sa iba?
A. Macaraig
B. Juanito Pelaez
C. Tadeo
D. Sandoval
Kanino inalay ni Rizal ang El Filibusterismo?
A. Sa kanyang mga guro
B. Sa bayan ng Calamba
C. Sa Gomburza
D. Sa kanyang pamilya
Bakit hindi isinuplong ni Basilio si Simoun sa mga guwardiya sibil kahit nalaman niya ang plano nitong paghihiganti?
A. Dahil takot siya kay Simoun
B. Dahil kapwa nila galit sa pamahalaan
C. Dahil pinangakuan siya ng kayamanan
D. Dahil wala siyang sapat na ebidensya
Ano ang simbolismo ng lampara sa piging ni Kapitan Tiago?
A. Pag-asa sa pag-ibig
B. Ilaw ng karunungan
C. Simbolo ng kasamaan
D. Plano ng paghihiganti
Bakit hindi naging ganap na kasapi si Basilio sa kilusan ng mga estudyante?
A. Dahil ayaw niya kay Macaraig
B. Dahil abala siya sa trabaho at pag-aaral
C. Dahil takot siyang mapatalsik
D. Dahil hindi siya pinayagan ng guro
Ano ang naging epekto ng pagkamatay ni Sisa kay Basilio?
A. Tumigil siya sa pag-aaral
B. Nagtago siya sa kagubatan
C. Naging mas determinadong magtagumpay
D. Umalis siya sa Maynila
Ano ang dahilan kaya tinutulan ni Ginoong Pasta ang Akademya ng Wikang Kastila?
A. Wala siyang interes
B. Natatakot siyang mawalan ng kita
C. Wala siyang panahon
D. Ayaw niyang masangkot sa isyu laban sa pamahalaan
Kung ikaw ay nasa kalagayan ni Basilio at inalok ka ni Simoun na sumama sa kanyang plano ng paghihiganti, ano ang pinakaangkop mong gawin bilang isang edukadong kabataan?
A. Sumang-ayon agad sa alok
B. Isumbong siya sa mga prayle
C. Tumanggi at humanap ng mapayapang solusyon
D. Magsagawa ng lihim na paghihiganti
Kung ang isang kabataang tulad ni Basilio ay bumagsak sa eksamen, ano ang dapat niyang gawin upang bumawi?
A. Tumigil na sa pag-aaral
B. Magalit sa guro
C. Magpursigi sa susunod at humingi ng tulong
D. Maglakwatsa para mawala ang stress
Sa kabuuan ng El Filibusterismo, paano inihahambing si Basilio kay Ibarra?
A. Si Basilio ay mas may malasakit kaysa kay Ibarra
B. Si Ibarra ay mas may malasakit sa bayan kumpara kay Basilio
C. Si Basilio ay hindi kasing tanyag ni Ibarra
D. Si Ibarra ay nagpatuloy sa paglaban sa sistema, samantalang si Basilio ay umatras
Batay sa mga karanasan ni Basilio, paano mo masusuri ang konsepto ng "pagpapatawad" sa El Filibusterismo?
A. Isang mahirap na hakbang na nagdudulot ng sakit at kabiguan
B. Isang masalimuot na desisyon na nagbubukas ng daan sa kalayaan
C. Isang simpleng desisyon na hindi kailangan ng masusing pag-iisip
D. Isang hakbang na palaging nagiging sanhi ng pagluha
Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Basilio, ano ang magiging desisyon mo hinggil sa pagninanais ng paghihiganti?
A. Sundin ang plano ni Simoun upang makamtan ang katarungan
B. Magpatawad at magpatuloy sa paghahanap ng kapayapaan
C. Sumama sa mga plano ng iba upang mapabuti ang buhay
D. Manatili sa pagkatalo at maghintay ng pagkakataon
Kung si Basilio ay naging matagumpay sa kanyang paghihiganti, paano ito makakaapekto sa mga kabataang tulad niya?
A. Magsisilbi siyang huwaran ng mga kabataan sa pagpili ng tamang hakbang sa buhay
B. Magsisilbi siyang paalala ng mga kabataan na ang paghihiganti ay hindi sagot sa lahat ng problema
C. Magiging inspirasyon siya sa mga kabataang magtamo ng tagumpay sa buhay
D. Magiging halimbawa siya ng kabataan na walang malasakit sa kapwa
Ano ang pangalan ng tapat at makatarungang opisyal sa Kabanata XXXI ng El Filibusterismo?
a) Simoun
b) Basilio
c) Mataas na Kawani
d) Juanito Pelaez
Ano ang naging layunin ni Simoun sa El Filibusterismo?
a) Pabagsakin ang kolonyal na pamahalaan
b) Maghanap ng pag-ibig
c) Tulungan si Basilio
d) Maging isang mag-aalahas
Sino ang tumulong kay Basilio upang makalaya mula sa kulungan?
a) Isagani
b) Paulita
c) Simoun
d) Mataas na Kawani
Ano ang simbolo ng lampara sa kabanata ng kasal?
a) Paghihiganti
b) Pag-ibig
c) Rebolusyon at paninindigan
d) Pagtakas
Ano ang simbolo ng kasal sa nobela?
a) Pagkatalo
b) Pag-ibig
c) Pagbabago
d) Pagtataksil at pagkatalo
Bakit pinili ni Paulita Gomez ang kasal kay Juanito Pelaez?
a) Dahil siya ay na-in love kay Juanito
b) Dahil wala siyang ibang pagpipilian
c) Dahil siya ay naghahanap ng kapangyarihan
d) Dahil si Isagani ay umalis
Paano mo gagamitin ang iyong mga natutunan mula kay Basilio sa iyong buhay bilang estudyante?
a) Magiging idealista at hindi tatanggap ng mga kompromiso
b) Makikibahagi sa mga makatarungang hakbang para sa pagbabago
c) Magsasakripisyo para sa iba
d) Gagawin ang lahat ng paraan para magtagumpay, kahit na sa hindi tamang paraan
Paano ipapakita ang pagkakaiba ng mga tauhan tulad nina Basilio at Juanito sa El Filibusterismo?
a) Si Basilio ay magbibigay ng kanyang buhay para sa ibang tao, samantalang si Juanito ay makasarili
b) Si Juanito ay mag-aalahas tulad ni Simoun, habang si Basilio ay tahimik
c) Si Juanito ay tapat sa pamahalaan, samantalang si Basilio ay rebolusyonaryo
d) Pareho silang may malasakit sa bayan
Ano ang ibig sabihin ng salitang "pilibustero"?
A) Isang taong nagtatanggol sa gobyerno
B) Isang taong itinuturing na kalaban ng pamahalaan
C) Isang lider ng rebolusyon
D) Isang relihiyosong lider
Ano ang taon ng pagkakabitay sa tatlong paring martir na GOMBURZA?
A) 1861
B) 1872
C) 1887
D) 1896
Anong akda ni Rizal ang unang isinulat na ipinaliwanag ang mga suliraning panlipunan sa panahon ng kolonyalismo?
A) Noli Me Tangere
B) El Filibusterismo
C) Mi Ultimo Adios
D) La Tragedia De San Juan
Sino ang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng El Filibusterismo?
A) Padre Damaso
B) Ang mga Kastila
C) Leonor Rivera
D) Ang mga paring martir
Ano ang unang pangalan ni Dr. Jose Rizal?
A) Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
B) Francisco Rizal Mercado
C) Jose Protacio Rizal Realonda y Alonso Mercado
D) Jose Protacio Realonda Alonso Mercado y Rizal
Anong taon naipublish ang El Filibusterismo sa Ghent, Belgium?
A) 1888
B) 1891
C) 1896
D) 1872
Ano ang tawag sa nobela ni Rizal na nagbigay-diin sa tema ng rebolusyon at pagbabago sa lipunan?
A) El Filibusterismo
B) Noli Me Tangere
C) La Tragedia De San Juan
D) Mi Ultimo Adios
Saan unang nagsimulang mag-aral si Jose Rizal ng Batsilyer ng Sining?
A) Pamantasan ng Ateneo de Manila
B) Universidad ng Santo Tomas
C) Universidad Central de Madrid
D) Pamantasan ng Paris
Paano nakatulong ang El Filibusterismo sa pagpapalaganap ng nasyonalismo sa Pilipinas?
A) Itinuro nito ang halaga ng edukasyon
B) Inilantad nito ang mga kalupitan ng mga Kastila at ang pangangailangan para sa pagbabago
C) Pinuri nito ang mga Kastila at ang kanilang pamamahala
D) Nagbigay ito ng gabay sa mga Pilipinong mangangalakal
Ano ang pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo?
A) Mas masaya at romantiko ang tema ng Noli kaysa El Fili
B) Pareho ang tema nila at layunin
C) Mas seryoso at madilim ang tema ng El Fili kumpara sa Noli
D) Wala silang pagkakaiba
Anong karakter sa El Filibusterismo ang nagpakita ng tunay na kabutihan at pagkatao sa kabila ng mga kalupitan ng pamahalaan?
A) Basilio
B) Isagani
C) Simoun
D) Maria Clara
Paano nakatulong ang mga tauhan sa El Filibusterismo na magsilbing representasyon ng mga problema sa lipunan?
A) Ang mga tauhan ay hindi makatarungan at walang ginagampanang papel sa pagbabago
B) Ang bawat tauhan ay may natatanging papel na nagpapakita ng mga suliraning kinahaharap ng bawat sektor
C) Ang mga tauhan ay hindi nagpakita ng anumang pagbabago sa lipunan
D) Ang mga tauhan ay mga simbolo lamang ng mga bayani
