NEW
Font size
WorksheetsASPEKTO NG PANDIWA
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Aling salitang kilos ang gagawin palang?
Binilhan
Dinadagsa
Susuyuin
Hinahalo
Aling pandiwa ang nasa anyong kontemplatibo?
Binato
Binabato
Kababato
Babatuhin
Ano ang perpektibong anyo ng pandiwang tumatawag?
Tumawag
Tinawag
Tatawag
Katatawag
Aling pandiwa ang nasa anyong perpektibo?
Tinatanggap
Tinanggap
Katatanggap
Tatanggapin
Ano ang kontemplatibong anyo ng pandiwang kumain?
kakain
kumakain
kinain
kakakain
Aling pandiwa ang nasa anyong imperpektibo?
inaral
binabasa
susulatin
kabibigkas
Ano ang imperpektibong anyo ng dinala?
kadadala
dinala
dinadala
dadalhin
Aling salitang kilos ang naganap o natapos na?
pinapadalhan
pinadalhan
dadalhin
dinadala
Aling salitang kilos ang ginagawa pa lamang?
pinahid
nilalako
ibebenta
isusukli
Aling pahayag ang nagpapakita ng katatapos lang gawin ang kilos?
Kakakain lang namin ng pancit.
Naligo kami kaninang umaga.
Pupunta kami sa simbahan
Pinapakain ko ang aso ninyo.
Nagbuburda ng mga panyolito si Julia. Anong aspekto ng pandiwa ang salitang nagbuburda?
Katatapos
Imperpektibo
Perpektibo
Kontemplatibo
Dinakip ang ama ng binata. Anong aspekto ng pandiwa ang salitang kilos sa pahayag?
Perpektibo
Imperpektibo
Kontemplatibo
Katatapos
Tinatawag silang Filibustero at Mason. Anong aspekto ng pandiwa ang salitang kilos sa pangungusap?
Imperpektibo
Katatapos
Perpektibo
Kontemplatibo
May namatay na! Anong aspekto ng pandiwa ang isinasaad sa pahayag?
Katatapos
Kontemplatibo
Imperpektibo
Perpektibo
Sasalakayin pa rin nina Teñong ang mga kura. Anong aspekto ng pandiwa ang salitang sasalakayin?
Kontemplatibo
Imperpektibo
Perpektibo
Katatapos
Nag-usap na ang ina ni Julia at ang ama ni Miguel. Anong aspekto ng pandiwa ang isinasaad sa pangungusap?
Kontemplatibo
Perpektibo
Imperpektibo
Katatapos
Magpapadala ang dalaga ng liham kay Teñong sa tulong ni Lucas. Ang kilos sa pangungusap ay nasa anyong________.
Katatapos
Tapos na
Ginagawa pa lamang
Gagawin pa lang
Tumutol ang dalaga. Anong aspekto ng pandiwa ang salitang kilos na tumutol?
Imperpektibo
Perpektibo
Kontemplatibo
Katatapos
Pinakinggan ng kura ang kumpisal ni Teñong. Anong aspekto ng pandiwa ang salitang kilos na pinakinggan?
Katatapos
Imperpektibo
Kontemplatibo
Perpektibo
Galit man si Juana ay pumayag ito. Aling salita ang nagpapahayag ng kilos?
Galit
Juana
pumayag
ito
