Font size
WorksheetsPagsusulit sa Araling Panlipunan 8
Total questions: 55
Worksheet time: 38mins
Saang kontinente umusbong ang kabihasnang Greece?
Asia
Europe
Africa
Australia
Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa isla ng Crete. Ito ay yumaman sa pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla.
Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.
Nakarating sa iba't ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
Sino ang tanyag na hari ng mga Minoan?
Minos
Agamemnon
Zeus
Evans
Sa kabihasnang Minoan, ano ang kinikilala bilang isang makapangyarihang lungsod na naging kabisera ng isla ng Crete?
Knossos
Aegean
Greece
Mycenaean
Ang kilalang lungsod-estado o polis na tinaguriang 'Pamayanan ng mga Mandirigma'.
Athens
Sparta
Thebes
Ionia
May mga dayuhang mananalakay ang nagtangkang sakupin ang mga Greeks tulad ng mga Persiyano. Ano ang maaring dahilan bakit sa paningin ng dayuhang mananalakay ang mga Greeks ay tila madaling talunin at sakupin?
Sila ay mahihina.
Kulang sila sa mga armas pandigma.
Kaunti lamang ang kanilang populasyon.
Sila ay nahati-hati sa iba't ibang lungsod-estado at hindi nagkakaisa.
Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ang mga sumusunod ay naging epekto nito sa kabuuang lupain MALIBAN sa;
Naging sagabal sa mabilis na pagdaloy ng komunikasyon.
Naging mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya.
Naging dahilan upang magkaroon ng kaugnayan sa iba't ibang uri ng tao.
Ang bawat lungsod-estado ay nagkaroon ng kani-kaniyang natatanging katangian na nagpapayaman ng kanilang kultura.
Ang pagpasok ng dalawang pangkat ng tao sa Greece ay tinaguriang Dark Age o madilim na panahon na tumagal nang halos 300 taon. Bakit tinawag itong Dark Age?
Naging palasak ang digmaan ng iba't ibang kaharian.
Ang paglago ng sining at pagsulat ay unti-unting naudlot.
Nahinto ang kalakalan, pagsasaka at ibang gawaing pangkabuhayan.
Lahat sa nababanggit.
Mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ang pagkakaroon ng kalalakihan at kababaihan na walang kinakatakutan at may malakas na pangangatawan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagbibigay katibayan sa mithiing ito?
Ang mga sanggol na may mahinang pangangatawan ay inalagaan hanggang sa sila ay gumaling.
Lubos na pinahalagahan ang edukasyon upang sila ay magkaroon ng maraming kaalaman.
Sa edad na pito ay nag-uumpisang magsanay ang lalaking Spartan.
Sila ay sinanay upang maging mahusay sa pakikipagkalakan.
Ang mga Romano ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na batas para sa lahat?
Twelve Tables
Eleven Tables
Thirteen Tables
Fourteen Tables
Tukuyin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome.
Censor at Praetor
Etruscan at Roman
Patrician at P
Tukuyin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome.
Censor at Praetor
Patrician at Plebeian
Etruscan at Roman
Maharlika at Alipin
Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng Pax Romana?
Paghatid ng kasaganaan sa lipunan.
Pagkaroon ng maraming tagapagtanggol.
Pagpapahalaga ng kapayapaan sa lipunan.
Pag-unlad ng pangkabuhayan ng mga mamamayan.
Matagumpay na naitaboy ng mga Romano ang mga Etruscan at sila'y nagtatag ng isang Republika. Ano ang naging epekto nito sa lipunang Roman?
Nakapili ang mga Roman ng kanilang hari.
Nawala ang kapangyarihan ng mga mayayaman.
Nakapaghalal sila ng mga konsul bilang pinuno.
Nagkaroon ng pagkakataon na mamuno ang mga plebeian.
Ipinakita ng mga Romano ang kanilang galing sa inhenyeriya. Ano ang kanilang itinayo upang pag-ugnayin ang buong imperyo kabilang ang malalayong lugar?
Nagtayo sila ng mga daan at tulay.
Nagtayo sila ng mga aqueduct at templo.
Nagtayo sila ng mga basilica at templo.
Nagtayo sila ng mga bulwagan at forum.
Tukuyin sa mga sumusunod na pahayag ang tamang interpretasyon sa 'Pagtawid sa Ilog Rubicon'.
Si Pedro ay tatawid sana sa ilog ngunit alam niyang itoy malalim kaya humanap siya ng ibang daanan.
Gumawa ng mahirap na desisyon si Tomas kung ipapagpatuloy pa niya ang kanyang pag-aaral.
Pinag iisipan ni Maria kung saan siya dadaan sa tulay na mapanganib o sa madilim na lagusan.
Si Juan ay bibili sana ng lollipop ngunit kulang ang kanyang pera kaya umuwi nalang siya sa bahay.
Alin sa sumusunod ang naging epekto sa mga plebeian ng pagkakasulat ng Twelve Tables?
Nabawasan ang panlilinlang sa mga plebeian
Nagkaroon sila ng karapatan na makapag-asawa ng patrician
Nagkaroon sila ng pagkakataon na mahalal na konsul
Alin sa sumusunod ang HINDI salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano?
Mahihina at hindi mahusay na pamumuno ng mga sumunod na emperador
Paglusob at pananakop ng mga dayuhang barbaro o barbarians
Paglakas ng ekonomiya at pagkakaroon ng balanseng kalakalan
Pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayan
Ang mga sumusunod ay mga imperyong umunlad sa kontinente ng Africa MALIBAN sa ______________.
Mali
Ghana
Songhai
Inca
Ang larong pok-a-tok ay isang larong ritwal gamit ang bolang yari sa goma na katulad ng larong basketball subalit ang mga manlalaro ay hindi maaaring gumamit ng kamay. Ito ay galing sa kabihasnang _________.
Aztec
Maya
Ghana
Inca
Piliin kung alin sa mga sumusunod na pangkat ng mga pulo sa Pacific ang may pinakatamang pagkakaugnay.
POLYNESIA- Poly (maitim) nesia (isla)
MICRONESIA- Micro (malaki) nesia (isla)
POLYNESIA- Poly (marami) nesia (isla)
MELANESIA- Mela (maliit) nesia (isla)
Sila ang mga tinatawag na 'Mga Anak ng Araw' dahil sa pagsamba nila sa araw.
Inca
Maya
Ghana
Aztec
Batay sa kalagayang heograpikal, ano ang mahihinuha mong pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga pamayanan ng mga pulo sa P
Batay sa kalagayang heograpikal, ano ang mahihinuha mong pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga pamayanan ng mga pulo sa Pacific?
Pagmimina
Industriyal
Pagsasaka at pangingisda
Turismo
Bakit mahalaga ang asin para sa mga mamamayan ng Africa?
Dahil marami ito sa kanilang lugar.
Dahil ito ay ginagawa nilang gamot.
Dahil ito ay ginagamit sa kanilang ritwal.
Dahil ginagamit ito upang mapreserba ang kanilang mga pagkain.
Bakit tinabunan ng mga Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga chinampas?
Upang hadlangan ang madalas na pagbaha.
Upang dagdagan ang mga lupang tinataniman.
Upang magpalawak ng teritoryong nasasakupan.
Upang magtayo ng mga matatawag na hangganan.
Kung ang mga Pulo sa Pacific ay kilala sa larangan ng relihiyon sa pamamagitan ng 'mana'; ang Africa sa Kristiyanismo at Islam, ano naman ang sa Mesoamerica?
Pananakop
Pakikipagdigmaan
Paggamit ng asin at ginto
Pagtatayo ng mga piramide at templo
Bakit tinawag na 'dark continent' ng mga Kanluranin ang Africa?
Hindi nasisikatan ng araw ang kabuuan ng Africa.
Nababalutan ang buong kontinente ng misteryo.
Dahil sa kulay ng mga taong naninirahan dito
Dahil sa napakalawak na kagubatang nakapaligid dito.
Inatasan ka ng iyong guro sa Araling Panlipunan na mag-isip ng mabisang paraan upang mabilis na maipalaganap sa iba't-ibang panig ng daigdig ang mahahalagang kontribusyon ng kabihasnang Mesoamerica, Africa, at Mga Pulo sa Pacific, alin sa mga sumusunod ang gagawin mo?
Magsusulat ng isang artikulo na ipalilimbag sa lokal na pahayagan.
Bubuo ng isang video presentation na ipo-post sa social media sites.
Gagawa ng isang data retrieval chart na iuulat ko sa loob ng silid-aralan.
Aatasan ko ang aking matalik na kaibigan na gawin nalang niya para sa akin.
Anong kabihasnan ang naging makapangyarihan dahil sa kalakalan ng diyamante at ginto?
Kabihasnang Africa
Kabihasnang South America
Kabihasnang Mesoamerica
Kabihasnan ng mga Pulo sa Pasipiko
Suriin ang mensahe ng sumusunod na pahayag: 'Matagal nang bumagsak ang Greece, ngunit ang kanyang alaala ay buhay na buhay hanggang sa modernong panahon'. Anong mahihinuha mo dito?
Utang natin sa Greece anuman ang mayroon tayo ngayon.
Patuloy pa rin ang pag-unlad ng kabihasnang Greece hanggang sa kasalukuyan.
Hindi nakaagapay ang kabihasnang Greece sa pangangailangan ng makabagong panahon.
Hanggang ngayon ay tinatangkilik at pinapakinabangan pa rin ng buong mundo ang mahahalagang ambag ng kabihasnang Greece.
Ano ang pinakamahalagang ambag ng Athens sa kabihasnan ng daigdig na ginagamit hanggang sa kasalukuyang panahon?
Asembleya
Demokrasya
Batas Militar
Lungsod-estado
Inatasan ka ng iyong guro sa Araling Panlipunan na gumawa ng isang diorama tungkol sa mga mahahalagang ambag ng Mesoamerica sa kasalukuyang panahon. Alin ang HINDI mo pipiliin?
ang HINDI mo pipiliin?
A.
B.
C.
D.
Bumuo ng isang T - Chart organizer tungkol kay Socrates sa pamamagitan ng pagtanggal sa pahayag na walang kaugnayan ukol sa kanya.
Ikaw ay inatasan upang sumulat ng isang tula na may pamagat na "Pax Romana". Anong konsepto o kaisipan ang bubuo sa iyong tula?
Ito ay tungkol sa pakikipagkalakan sa mga karatig lupain ng Rome.
Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng kapayapaan at kaunlaran sa Rome.
Panahon kung saan iniluklok ni Julius Caesar ang kanyang sarili bilang pinuno ng Rome na ikinagalak ng mga taga-Roma.
Ito ay tungkol sa mga tagumpay ng Rome na magpalawak ng teritoryo sa pamamagitan ng pananakop.
Itinuring na klasikal ang kabihasnang Rome dahil sa ambag nitong Twelve Tables na naging kapaki-pakinabang sa kasalukuyan. Paano ito nakatulong sa kasalukuyang panahon?
Naging pundasyon ito ng demokratikong pamamahala.
Nabigyan-pansin ang lahat ng hinaing ng mga taong-bayan.
Nagsilbi itong gabay sa pagbalangkas ng mga karapat-dapat na batas.
Nagkaroon ng mas malawak na karapatan ng mga mahihirap sa pamamahala.
Sino ang kinilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko sa Gitnang Panahon?
Kardinal
Hari
Papa (Pope)
Pari
Alin ang naglalarawan sa mga serf?
Kinilala sila bilang natatanging sektor sa lipunan.
Sila ang bumubuo sa masa ng tao noong Gitnang Panahon.
Napaunlad nila nang malaya ang kanilang pamumuhay at pamilya.
Mayroon silang karapatan at kalayaang bumuo ng sariling pamilya.
Ano ang dahilan sa pag-iral ng sistemang piyudalismo sa Europa noong Gitnang Panahon?
Pagsalakay ng mga barbaro
Pagbagsak ng Imperyong Roman
Paglakas ng Simbahang Katoliko
Paghina ng Banal na Imperyong Roman
Ano ang tawag sa lupang ipinagkakaloob ng hari sa kanyang basalyo (vassal)?
Dowry
Fief
Homage
Manor
Alin ang HINDI kabilang sa mga dahilan ng paglakas ng Kapapahan (Papacy) sa Europa noong Gitnang Panahon?
Pagbagsak ng Imperyong Roman
Paglakas ng Banal na Imperyong Roman
Pagkatatag ng mga monasteryo at orden
Pagkabuo ng isang matatag at mabisang organisasyon ng simbahan
Anong sistemang pang-ekonomiya ang umiral noong Gitnang Panahon sa Europa?
Kapitalismo
Komunismo
Manoryalismo
Merkantilismo
Ano ang pangunahing hangarin ng ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyano sa Europa na kung tawagin ay krusada?
Mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano.
Mapalakas ang kalakalan ng mga bansang Europeo.
Mabawi sa kamay ng mga Turkong Muslim ang Jerusalem.
Makamit ang katanyagan sa buong Europa
Saan nakabatay ang Sistemang Manor?
Pagbebenta
Pangingisda
Pangangalakal
Pagsasaka
Si Sherlocke ay bahagi ng sistemang kabalyero o knighthood sa Gitnang Panahon ng Europe. Tinataglay niya ang mga kagandahang asal MALIBAN sa isa.
Matipid
Maginoo
Matapang
pagiging kalmado
Suriin ang naging ugnayan ng pagdami ng pagkain a
Gitnang Panahon ng Europe. Tinataglay niya ang mga kagandahang asal MALIBAN sa isa.
Matipid
Maginoo
Matapang
pagiging kalmado
Suriin ang naging ugnayan ng pagdami ng pagkain at populasyon sa pag-unlad ng kalakalan noong panahong Medieval.
Dumami ang mga pangangailangan at suplay sa panahong ito.
Natutunan ng mga tao ang paggamit ng salapi sa pakikipagkalakalan.
Lumakas ang pisikal na kakayanan ng mga mamamayan upang makapagtrabaho.
Sumigla ang ekonomiya ng Europe dulot ng mga bagong pamamaraan sa pagsasaka at umusbong ang mga bayan sa lungsod.
Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang hindi matulad sa naganap na "bubonic plague" sa Europe na nagdulot ng malawakang pagkamatay ng mga tao?
Pagpanatili ng malinis na kapaligiran.
Pagbili ng pesticide para mapuksa ang mga salot.
Pag-alaga sa mga daga sa mga farm o tamang lugar.
Paglagay ng mga patibong upang mahuli ang mga daga.
Sa kasalukuyan, masasabi pa bang may matibay na ugnayan ang pamahalaan at Simbahan?
Wala na,dahil lagging pinupuna ng simbahan ang anumang pagkakamali ng pamahalaan
Wala na,dahil ang unang problema ng simbahan ay ang paraan ng pamumuno sa pamahalaan.
Oo, dahil naging batayan parin ng pamahalaan ang moralidad ng simbahan sa paggawa ng mga batas.
Oo, dahil naniniwala ang pamahalaan sa kahalagahan ng simbahan sa uri ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga tao ay patuloy na namumuhay sa manor?
Dito sila sumikat katulad ng hari.
Maraming mga pagawaan ang kanilang mapapasukan.
Takot sila na maparusahan ng hari kung iiwan nila ang manor.
Naipagkaloob ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Suriin ang dayagram at sagutin ang tanong. Tukuyin ang pahayag na sumasalalim sa dayagram.
Makapangyarihan ang lahat ng tao sa lipunan.
Ang maharlika ang kinikilalang pinuno ng lipunang piyudal.
Binubuo ng iba't-ibang uring panlipunan ang lipunang piyudal.
Maraming mamamayan sa Europe noong Panahong Medieval.
Paano nakaimpluwensiya ang Simbahan sa panahon ng pagbagsak ng Imperyong Romano?
Ito ang nagsilbing institusyong nangalaga sa pangangailangan ng mga tao.
Ito ang nag-iisang institusyon na kinatakutan ng mga barbarong pakialaman.
Ito ang nakipaglaban para sa karapatan ng mga mamamayan sa panahon ng kaguluhan.
Ito ang naging tagapagtanggol ng mga mamamayan mula sa mapang-abusong mananakop.
Aling pangyayari ang hindi kabilang sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod?
Paglitaw ng Burgis
Paggamit ng salapi
Pagbagsak ng kalakalan
Paglitaw ng sistemang guild
