wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Reviewer AP 8_1st

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa malawak na masa ng lupa sa daigdig?

a)

Isla

b)

Bulubundukin

c)

Disyerto

d)

Kontinente

2.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking karagatan sa mundo?

a)

Indian

b)

Arctic

c)

Atlantic

d)

Pacific

3.

Bakit mahalaga ang lokasyon ng isang bansa sa aspekto ng kalakalan?

a)

Dahil ito ay batayan ng kultura.

b)

Dahil ito ay nagsasaad ng populasyon.

c)

Dahil ito ay nakaaapekto sa wika ng bansa.

d)

Dahil ito ay nakaaapekto sa klima at ugnayan sa ibang bansa.

4.

Paano nakaaapekto ang pagkakaroon ng maraming anyong tubig sa pamumuhay ng mga tao sa Timog-Silangang Asya?

a)

Nagbibigay ng oportunidad sa pangingisda at kalakalan.

b)

Nagiging dahilan ng kakulangan sa kabuhayan.

c)

Humahadlang sa ugnayan ng mga bansa.

d)

Nagdudulot ng pagbaha sa buong taon.

5.

Kung ikaw ay nakatira sa rehiyong maraming bulkan, ano ang pinakaangkop na paghahanda?

a)

Mag-imbak ng tubig

b)

Gumawa ng evacuation plan

c)

Lumipat ng bansa

d)

Magtayo ng matataas na gusali

6.

Ano ang epekto ng pagkakaroon ng bulubunduking rehiyon sa transportasyon?

a)

Nagpapadami ito ng mga uri ng sasakyan.

b)

Nagpapadali ito sa paglalakbay ng mga tao.

c)

Nagdudulot ito ng mas mainit na temperatura.

d)

Nagiging hadlang ito sa pag-unlad ng komunidad.

7.

Paano naiiba ang pamumuhay ng mga tao sa kapatagan kumpara sa kabundukan?

a)

Magkakapareho ang uri ng kanilang kabuhayan.

b)

Mas maraming ani ang nagmumula sa kabundukan.

c)

Mas mabilis ang daloy ng komunikasyon sa kapatagan.

d)

Mas sagana ang hayop sa kapatagan kaysa sa bundok.

8.

Alin sa mga sumusunod ang sinaunang kabihasnang umusbong sa Ilog Tigris at Euphrates?

a)

Shang

b)

Sumer

c)

Indus

d)

Egypt

9.

Bakit sa tabing-ilog karaniwang umusbong ang mga kabihasnan?

a)

Para sa proteksiyon ng kabihasnan.

b)

Para sa transportasyon at irigasyon.

c)

Para sa libangan ng mga hari.

d)

Para sa turismo ng dinastiya.

10.

Kung ikaw ay isang magsasaka noong kabihasnang Indus, paano ka makikinabang sa sistemang irigasyon?

a)

Mas maraming produkto ang mailuluwas.

b)

Mas lalaki ang kita sa pag-aalaga ng hayop.

c)

Mas mabilis ang komunikasyon.

d)

Mas dadami ang palengke.

11.

Ano ang maaaring maging epekto ng matinding pagbaha sa isang sinaunang kabihasnan?

a)

Pag-unlad ng teknolohiya.

b)

Paglago ng populasyon.

c)

Pagkawasak ng tirahan at pananim.

d)

Pagtaas ng kita sa kalakalan.

12.

Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakatatag ng mga lungsod sa sinaunang kabihasnan?

a)

Mataas na relihiyosong paniniwala.

b)

Malakas na hukbong sandatahan.

c)

Maunlad na pamahalaan at ekonomiya.

d)

Kakulangan sa pagkain.

13.

Paano nakaaapekto ang kalagayang heograpikal sa uri ng pamumuhay ng mga tao sa sinaunang panahon?

a)

Nagtatakda ito ng kabuhayan at uri ng pamayanan.

b)

Walang direktang epekto sa kanilang pamumuhay.

c)

Tanging relihiyon lamang ang naging batayan nito.

d)

Nananatili silang nakatira sa iisang lokasyon

14.

Kung ikaw ay lider noon, anong aspeto ng heograpiya ang iyong bibigyang pansin upang umunlad ang iyong kabihasnan?

a)

Klima

b)

Kagubatan

c)

Katubigan

d)

Disyerto

15.

Ano ang pangunahing dahilan ng pakikipagkalakalan ng mga sinaunang kabihasnan?

a)

Upang manakop.

b)

Upang makakuha ng yaman.

c)

Upang mapalawak ang relihiyon.

d)

Upang magkaroon ng palitan ng produkto at ideya.

16.

Alin sa mga sumusunod ang bunga ng pakikipag-ugnayan ng kabihasnang Tsino sa iba pang kabihasnan?

a)

Pagtatag ng mga bagong imperyo.

b)

Pagkalat ng relihiyong Islam.

c)

Pagpapalaganap ng kultura at teknolohiya.

d)

Pag-iral ng sistemang caste.

17.

Bakit mahalaga ang kalakalan sa pag-unlad ng kabihasnang Mesopotamia?

a)

Dahil limitado ang likas yaman kaya kailangang makipagpalitan ng produkto.

b)

Dahil ito lamang ang kanilang pinagkakakitaan.

c)

Dahil sa relihiyon ng mga mamamayan.

d)

Dahil nais nilang lumawak ang teritoryo.

18.

Paano nakatulong ang kalakalan sa paglaganap ng relihiyon sa Asya?

a)

Naipasa ito sa pamamagitan ng digmaan.

b)

Naipasa ito sa mga misyonaryo.

c)

Naipasa ito sa pamamagitan ng mga mananakop.

d)

Naipasa ito sa mga mangangalakal.

19.

Anong impluwensiya ang naipasa ng India sa Timog-Silangang Asya sa pamamagitan ng ugnayan?

a)

Confucianism

b)

Islam

c)

Hinduismo

d)

Kristiyanismo

20.

Aling sitwasyon ang nagpapakita ng kultural na ugnayan sa pagitan ng mga kabihasnan?

a)

Paglaganap ng mga wika at alpabeto.

b)

Pagbuwag ng pamahalaan.

c)

Paglilinis ng kalikasan.

d)

Paglikha ng mga armas.

21.

Ano ang epekto ng Silk Road sa mga sinaunang kabihasnan?

a)

Napalitan ang sistemang barter.

b)

Nawalan ng trabaho ang mga tao.

c)

Lumaganap ang pandarambong.

d)

Lumawak ang ugnayan at kalakalan ng mga bansa.

22.

Alin sa mga sumusunod ang patunay na nagkaroon ng ugnayan ang mga kabihasnan sa Asya at Europa?

a)

Pagdami ng mga paaralan.

b)

Pagkakatuklas ng compass.

c)

Pagkakaroon ng iba't ibang tribu.

d)

Pagkakaroon ng parehas na arkitekturang estilo.

23.

Kung ikaw ay isang pinuno ng isang kabihasnan, paano mo mapapaunlad ang inyong kalakalan sa ibang bayan?

a)

Isarado ang hangganan.

b)

Palitan ng pera ang lahat ng produkto.

c)

Magtayo ng pamilihan sa mga daungan.

d)

Tanggihan ang mga dayuhan.

24.

Ano ang tawag sa sistemang panlipunan sa India na may matinding pagkakahati-hati ng tao?

a)

Feudalismo

b)

Alipinismo

c)

Sistemang caste

d)

Monarkiya

25.

Bakit mayroong estrukturang panlipunan sa mga kabihasnan?

a)

Upang mapalawak ang sakop ng kanilang teritory.

b)

Upang mapataas ang buwis ng bawat mamamayan.

c)

Upang malinaw ang pagkakaiba ng antas sa lipunan.

d)

Upang gawing pantay-pantay ang karapatan ng lahat.

26.

Sa sinaunang lipunan, sino ang karaniwang nasa pinakamababang antas?

a)

Maharlika

b)

Pari

c)

Alipin

d)

Mangangalakal

27.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaroon ng estrukturang panlipunan?

a)

Pantay-pantay ang lahat.

b)

Mayroong tungkulin at posisyon bawat antas.

c)

Walang pamahalaan.

d)

Lahat ay lider.

28.

Paano nakaaapekto ang estrukturang panlipunan sa kabuhayan ng tao?

a)

Nakabatay lamang ito sa kanilang relihiyon.

b)

Walang direktang epekto sa hanapbuhay ng tao.

c)

Batayan ito ng uri ng trabahong maaaring pasukin.

d)

Nagdudulot ito ng pagbaba ng antas ng edukasyon.

29.

Bakit may pribilehiyo ang mga nasa mataas na antas ng lipunan?

a)

Dahil sila ay laging nag-aalsa.

b)

Dahil sila ay nagmula sa ibang lahi.

c)

Dahil sila ang may kapangyarihan at edukasyon.

d)

Dahil sila ang pinakamahirap.

30.

Ano ang naging epekto ng estrukturang panlipunan sa oportunidad ng mga tao sa pag-aaral?

a)

Ang lahat ay nabigyan ng libreng edukasyon.

b)

Ang mahihirap ay tinuruan ng mga guro sa templo.

c)

Ang mga alipin ay binigyan ng mataas na posisyon sa paaralan.

d)

Ang edukasyon ay naging para lamang sa mga nakaaangat sa lipunan.

31.

Ano ang kaugnayan ng relihiyon sa estrukturang panlipunan sa India?

a)

Hindi ito naging bahagi ng lipunan at kultura.

b)

Pinalakas nito ang paniniwala sa sistemang caste.

c)

Pinabagsak nito ang lahat ng uri ng antas sa lipunan.

d)

Ipinaglaban nito ang pagkakapantay-pantay ng mamamayan.

32.

Kung ikaw ay isang guro noong sinaunang panahon, anong antas ka marahil kabilang?

a)

Alipin

b)

Pari o pantas

c)

Mandirigma

d)

Mangangalakal

33.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing relihiyon ng mga Sinaunang Tsino?

a)

Buddhism

b)

Confucianism

c)

Islam

d)

Judaism

34.

Paano nakatulong ang relihiyon sa pagkakaisa ng mga tao sa isang kabihasnan?

a)

Sa pagbibigay ng iisang paniniwala at ritwal.

b)

Sa pamamagitan ng digmaan.

c)

Sa pagpapatibay ng sistema ng buwis.

d)

Sa pamamagitan ng takot.

35.

Bakit mahalaga ang relihiyon sa sinaunang kabihasnan?

a)

Dahil ito ay para lamang sa mga pari.

b)

Dahil ito ang ginagamit sa pananakop.

c)

Dahil ito ang nagpapababa ng ekonomiya.

d)

Dahil ito ay sentro ng pamumuhay at pamahalaan.

36.

Paano nakakaimpluwensiya ang paniniwala sa mga gawaing pang-araw-araw ng mga tao?

a)

Hindi ito nagbibigay ng malinaw na epekto sa kilos.

b)

Nakahahadlang ito sa pagpasok ng mga mag-aaral.

c)

Pinipilit nito ang lahat ng tao na mag-isip nang pareho.

d)

Gumagabay ito sa wastong asal at pang-araw-araw na gawain.

37.

Ano ang tawag sa paniniwala na maraming diyos ang sinasamba?

a)

Animism

b)

Atheism

c)

Monotheism

d)

Polytheism

38.

Paano nagkakaiba-iba ang mga ritwal sa bawat kabihasnan?

a)

Dahil magkaiba ang wika mga kabihasnan.

b)

Dahil magkaiba ang lider ng bawat pangkat.

c)

Dahil batay ito sa relihiyong pinaniniwalaan.

d)

Dahil gusto lang ng tao na iba iba ang kanilang ritwal.

39.

Ano ang kinalaman ng relihiyon sa mga arkitektura ng sinaunang kabihasnan?

a)

Ginagamit ang mga ito bilang lugar ng pagsamba at ritwal ng relihiyon.

b)

Ginagamit ang mga ito bilang tirahan ng mga pinuno sa lipunan.

c)

Ginagamit ang mga ito bilang taguan sa panahon ng digmaan.

d)

Ginagamit ang mga ito bilang sentro ng kalakalan at negosyo.

40.

Anong kultural na aspeto ang kadalasang naaapektuhan ng relihiyon?

a)

Pananamit, pagkain, at pagdiriwang.

b)

Damihan ng populasyon.

c)

Uri ng transportasyon.

d)

Kalagayan ng klima.

41.

Paano mo maipapakita ang respeto sa relihiyon ng iba?

a)

Ipagbawal ang kanilang mga paniniwala at tradisyon.

b)

Tanggapin at unawain ang kanilang mga paniniwala.

c)

Gawing katatawanan ang kanilang relihiyosong gawain.

d)

Sadyang suwayin ang kanilang mga ritwal at paniniwala.

42.

Ano ang tawag sa sistematikong paraan ng pagtatanim sa kabundukan?

a)

Ilog system

b)

Terrace farming

c)

Crop rotation

d)

Slash-and-burn

43.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang ugnayan ng tao at kapaligiran?

a)

Pagputol ng mga puno

b)

Paggamit ng solar energy

c)

Pagmina ng walang pahintulot

d)

Pagtapon ng basura sa ilog

44.

Bakit mahalaga ang pangangalaga sa likas na yaman?

a)

Para maubos ang mga ito.

b)

Para mapabayaan ang kalikasan.

c)

Para madagdagan ang populasyon.

d)

Para magamit pa ng susunod na henerasyon.

45.

Paano nakaaapekto ang pag-abuso sa kapaligiran sa kabuhayan ng tao?

a)

Nagiging sanhi ito ng sakuna at kakulangan sa yaman.

b)

Nagdudulot ito ng masaganang ani at magandang ani.

c)

Nagtataas ito ng kalidad ng hangin sa kapaligiran.

d)

Nagdudulot ito ng mas maraming tao sa trabaho.

46.

Alin sa sumusunod ang konkretong paraan ng pagkalinga sa kapaligiran?

a)

Pagkakaingin

b)

Paggamit ng plastik araw-araw

c)

Pagbili ng bagong sasakyan

d)

Pagtatanim ng mga punong-kahoy

47.

Ano ang kahalagahan ng pag-recycle?

a)

Nagpapadami ito ng dumi sa mga kabahayan.

b)

Nakadadagdag ito sa dami ng basura sa paligid.

c)

Nagdudulot ito ng polusyon sa ating kapaligiran.

d)

Nakababawas ito sa paggamit ng likas na yaman.

48.

Alin sa mga sumusunod ang epekto ng climate change sa pamumuhay?

a)

Nagbabago ang panahon na apektado ang kabuhayan.

b)

Nagdudulot ito ng pagdami ng ani sa buong taon.

c)

Nagiging sanhi ito ng pag-ulan ng ginto sa bansa.

d)

Nagpapataas ito ng antas ng literacy sa lipunan.

49.

Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa kapaligiran?

a)

Manood ng TV buong araw.

b)

Magtapon ng basura kahit saan.

c)

Gumamit ng mga plastik na bote.

d)

Magtanim at sumali sa clean-up drives.

50.

Kung ikaw ay lider ng pamayanan, anong proyekto ang makatutulong sa kapaligiran?

a)

Magpatayo ng maraming gusali sa bawat barangay.

b)

Magputol ng mga puno para sa paggawa ng kalsada.

c)

Magpalawak ng palengke para sa mas maraming mamimili.

d)

Maglunsad ng programang pangkalikasan tulad ng tree planting.