NEW
Font size
WorksheetsRebyuwer AP 8-3rd Quarter
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Anong ideya mula sa Renaissance ang nagbigay-diin sa pagpapahalaga sa tao at sa kanyang kapasidad na matutuno at magtagumpay?
Ang teolohiya
Feudalismo
Humanismo
Romantismo
Ano ang epekto ng Renaissance sa pananaw ng mga tao tungkol sa kalikasan at agham?
Pinahina nito ang paniniwala sa relihiyon at sa papel ng simbahan.
Ipinakilala nito ang ideya na ang tao ay walang kontrol sa kanyang kapalaran.
Pinalakas nito ang pananaw na ang lahat ng bagay ay sanhi ng mga diyos at Espiritu.
Nagbigay ito ng bagong pananaw kung saan ang agham at kalikasan ay maaaring ipaliwanag gamit ang lohika at obserbasyon.
Paano nakatulong ang pag-imprenta ng mga libro sa pamamagitan ng printing press sa pagpapalaganap ng mga ideya noong Renaissance?
Nagbigay ito ng pagkakataon sa mas maraming tao na matutunan ang mga bagong ideya at siyensya.
Nakatulong ito upang mapabilis ang paggawa ng mga kopya ng mga relihiyosong aklat lamang.
Pinadali nito ang pagpapalaganap ng relihiyosong propaganda.
Naging dahilan ito ng pag-aaway ng mga bansa sa Europa.
Kung ikaw ay isang mangangalakal sa Renaissance, anong hakbang ang maaari mong gawin upang mas mapabilis ang iyong kalakalan sa buong Europa?
Pagpapalaganap ng relihiyon at mga katulad na ideya.
Pagbabawal sa mga banyagang kalakal upang mapalakas ang lokal na Negosyo.
Pagpapalaganap ng mga tradisyunal na pamamaraan ng negosyo mula sa nakaraan.
Pagpapakilala ng mga makabagong paraan ng paggawa ng negosyo at pag-import ng mga produkto.
Kung ikaw ay isang artista sa Renaissance, anong uri ng sining ang maaari mong likhain upang ipakita ang mga ideya ng humanismo?
Paglikha ng mga likhang-sining na tumutok sa mga religyosong tema lamang.
Paglikha ng mga likhang-sining na tumutok sa mga kathang-isip na kwento at Alamat.
Paglikha ng mga likhang-sining na nagpapakita ng kaharian at kapangyarihan ng mga hari.
Paglikha ng mga likhang-sining na nagpapakita ng indibidwalismo, natural na kagandahan ng tao, at kalikasan.
Ano ang magiging epekto sa isang bansa kung wala ang mga mahahalagang ideya ng Renaissance?
Mananatili sa gitna ang ekonomiya at edukasyon.
Magiging makapangyarihan ang simbahan at mga aristokrata.
Magkakaroon ng tuluy-tuloy na pag-unlad sa mga industriya at agham.
Makakaranas ng pagka-antala sa mga makabagong ideya at pamumuhay.
Isang iskolar mula sa Renaissance ang nagsasagawa ng eksperimento upang mapatunayang ang mga ideya ng agham ay may katibayan sa kalikasan. Paano nakatulong ang mga ideyang ito sa pag-unlad ng kalinangan ng panahon?
Nagbigay ito ng bagong pananaw sa kalikasan, agham, at teknolohiya na nagsusulong ng mga bagong kaalaman.
Ang mga eksperimento ay hindi tinanggap at nanatili ang mga tradisyunal na pananaw.
Pinilit nito ang mga tao na tanggapin ang lahat ng ideya ng simbahan at relihiyon.
Naging sanhi ito ng mga digmaan at hidwaan sa mga siyentipiko.
Kung ikaw ay isang lider ng isang bansa noong Renaissance, paano mo gagamitin ang mga ideya ng humanismo upang paunlarin ang iyong lipunan?
Itaguyod ang kalayaan ng sining, agham, at edukasyon upang mapalawak ang mga kaalaman ng bawat isa.
Pagtibayin ang mga tradisyunal na sistema at limitahan ang mga pagbabago sa kalikasan at agham.
Magbigay-diin sa mga ideya ng relihiyon upang mapanatili ang kapayapaan sa Lipunan.
Iwasan ang mga bagong ideya.
Paano nakatulong ang pag-usbong ng mga bagong ideya sa agham at sining sa panahon ng Renaissance sa pagbabago ng pananaw ng mga tao tungkol sa mundo?
Pinalakas nito ang kapangyarihan ng simbahan at mga relihiyosong lider.
Pinilit nitong ibalik ang mga tradisyonal na pananaw ng mga medieval na lipunan.
Nagbigay ito ng mas mataas na pagpapahalaga sa mga makalumang relihiyosong tradisyon.
Ipinakita nito na ang tao ay may kakayahang magbago at mag-explore ng bagong kaalaman.
Ano ang pangunahing layunin ng mga Europeo sa kanilang ekspedisyon sa mga bagong teritoryo noong unang yugto ng Kolonyalismo?
Magtayo ng mga relihiyosong sentro.
Magtayo ng mga bagong pamahalaan sa Asya.
Maghanap ng mga bagong lupain para sa pamumuhay.
Maghanap ng mga bagong ruta para sa kalakalan at yaman.
Ano ang naging epekto ng mga ekspedisyon ng mga Kastila sa Pilipinas noong unang yugto ng Kolonyalismo?
Pinilit nilang palaganapin ang Kristiyanismo at kontrolin ang mga katutubong pamayanan.
Nagkaroon sila ng kasunduan sa mga katutubong lider upang itaguyod ang mga tradisyon.
Nagbigay sila ng kalayaan sa mga lokal na pamahalaan.
Nagbigay sila ng libreng edukasyon sa mga Pilipino.
Paano nakatulong ang paghahanap ng mga bagong ruta sa kalakalan sa pag-usbong ng unang yugto ng Kolonyalismo?
Nagdulot ito ng higit na kalayaan sa mga bansang nasakop.
Pinaunlad nito ang ugnayan sa pagitan ng mga kolonya at mga katutubong mamamayan.
Nagbigay ito ng access sa mga bagong yaman at kalakal na ginamit ng mga kolonyalista.
Pinayagan nito ang mga lokal na mangangalakal na magkaroon ng direktang kalakalan sa Europa.
Kung ikaw ay isang lokal na lider sa isang bansang nasakop noong unang yugto ng Kolonyalismo, anong hakbang ang maaari mong gawin upang maprotektahan ang iyong komunidad mula sa pananakop?
Makipagkaibigan sa mga banyaga upang maiwasan ang digmaan.
Iwasan ang anumang kontak sa mga banyaga at magtago sa kagubatan.
Magtatag ng alyansa sa mga katutubong tribo laban sa mga mananakop.
Magbigay ng mga yaman sa mga mananakop upang matigil ang paglusob.
Kung ikaw ay isang mangangalakal noong panahon ng unang yugto ng Kolonyalismo, paano mo mapapalakas ang iyong negosyo sa gitna ng mga pagbabago sa kalakalan at kolonya?
Magtayo ng mga bagong pabrika para sa lokal na produksyon lamang.
Mag-invest sa mga bagong produkto at kalakal na hinahanap sa mga kolonya.
Magpatuloy sa pagtangkilik sa lokal na produkto at iwasan ang banyagang kalakal.
Lumikha ng mga kasunduan sa mga katutubong mangangalakal para mapanatili ang mga tradisyonal na kalakal.
Ano ang pangunahing epekto ng unang yugto ng Kolonyalismo sa mga katutubong mamamayan ng mga nasakop na teritoryo?
Pinalakas nila ang kanilang ugnayan sa ibang mga katutubong grupo sa paligid.
Nawala ang kanilang kultura at tradisyon dahil sa impluwensya ng mga banyaga.
Nagkaroon sila ng higit na kalayaan sa pamamahala ng kanilang sariling mga teritoryo.
Naging bahagi sila ng mga bagong sistemang politikal at ekonomikal na ipinakilala ng mga Kolonyalista.
Kung ikaw ay isang tagapagsalita para sa mga nasakop na mamamayan, paano mo ipapahayag ang epekto ng unang yugto ng Kolonyalismo sa kanilang kalayaan?
Pinilit nitong baguhin ang kanilang kultura at tradisyon upang magkasya sa mga bagong sistema ng pamumuno.
Naging dahilan ito ng mas matatag na ugnayan sa pagitan ng mga nasakop at mga banyaga.
Nagbigay ito ng oportunidad sa mga katutubo na maging kasapi ng mga bagong Lipunan.
Nagdulot ito ng pagpapalawak ng mga karapatan at kalayaan para sa mga local.
Kung ikaw ay isang manunulat noong unang yugto ng Kolonyalismo, anong akda ang iyong isusulat upang ipakita ang epekto ng pananakop sa iyong lipunan?
Isang nobela na nagpapakita ng ugnayan ng mga kolonyalista at mga katutubong lider sa negosyo.
Isang tula na nagpapakita ng mga tagumpay ng mga kolonyalista sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon.
Isang akda na naglalarawan ng mga paghihirap ng mga katutubong tao sa ilalim ng kolonyal na pamamahala.
Isang sanaysay na nagpapakita ng mga benepisyo ng kolonyalismo sa ekonomiya ng mga nasakop na bansa.
Ang isang bansa ay nasakop ng isang kolonyal na kapangyarihan noong unang yugto ng Kolonyalismo. Ano ang magiging epekto ng mga pagbabago sa pamahalaan at kalakalan sa kasaysayan ng bansa pagkatapos ng pananakop?
Magkakaroon ng malawakang digmaan upang mapanatili ang mga lokal na pamahalaan.
Magiging bahagi sila ng mas malawak na sistema ng kolonyal na pamamahala at ekonomiya.
Magkakaroon ng pagtaas sa mga likas na yaman at kalakalan na makikinabang ang mga lokal na mamamayan.
Magiging malaya ang bansa sa mga banyagang impluwensya at ipagpapatuloy ang mga tradisyonal na sistema.
Ano ang pangunahing layunin ng Rebolusyong Siyentipiko?
Maghanap ng mga bagong lugar para sa kolonisasyon.
I-reporma ang mga relihiyosong pananaw tungkol sa mundo.
Magtatag ng mga pamahalaang demokratiko sa buong mundo.
Mag-eksperimento at magbigay ng mga siyentipikong paliwanag sa kalikasan.
Paano nakatulong ang Enlightenment sa pagbabago ng mga ideya tungkol sa pamahalaan at lipunan?
Pinilit nitong palakasin ang mga monarkiya at pamahalaang absolutista.
Ipinakita nito ang kahalagahan ng mga karapatan ng tao at kalayaan ng indibidwal.
Itinaguyod nito ang konsepto ng makatarungang digmaan upang protektahan ang mga bansa.
Nagbigay ito ng ideya na ang relihiyon ay dapat magkaroon ng mas malaking kapangyarihan sa gobyerno.
Ano ang naging epekto ng Rebolusyong Siyentipiko sa pag-unawa ng tao sa kalikasan?
Nagbigay ito ng mga bagong paraan ng pagtingin at pagpapaliwanag ng mga natural na phenomena.
Pinahina nito ang mga teoryang siyentipiko na nagbigay tuwa sa mga tao.
Nagpatibay ito ng mga tradisyonal na paniniwala tungkol sa kalikasan.
Nagdulot ito ng mas malalim na ugnayan ng tao at relihiyon.
Kung ikaw ay isang siyentipiko noong panahon ng Rebolusyong Siyentipiko, paano mo maipapakita ang epekto ng iyong mga ideya sa lipunan?
Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga bagong ideya at eksperimento sa mga pampublikong aklatan.
Sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga akda na nagsusulong ng mga relihiyosong pananaw.
Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga ideya na sumusuporta sa mga awtoridad.
Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga pananaw ng mga monarkiya.
Paano nakaapekto ang Enlightenment sa pagpapairal ng mga demokratikong prinsipyo sa mga bansa?
Nagbigay ito ng ideya na ang mga pamahalaan ay dapat ipatupad ang mga diktadura upang mapanatili ang kaayusan.
Ipinakita nito ang kahalagahan ng karapatang pantao at ang kapangyarihan ng mga tao sa pagpili ng pamahalaan.
Ipinakita nito na ang mga monarkiya ay hindi dapat sumunod sa mga pampulitikang ideya ng mga tao.
Nagbigay ito ng suporta sa mga monarkiya na may absolute na kapangyarihan.
Ano ang naging epekto ng Rebolusyong Industriyal sa buhay ng mga manggagawa?
Pinahintulutan silang maging bahagi ng mga bagong pampulitikang sistema.
Naging mas magaan at mas makatawid sa buhay ang kanilang pamumuhay.
Nagkaroon sila ng higit na kapangyarihan at kontrol sa kanilang mga buhay at pamilya.
Naging mas mahirap ang kanilang kalagayan dahil sa hindi tamang kondisyon sa trabaho at mababang sahod.
Kung ikaw ay isang mamamayan noong panahon ng Rebolusyong Industriyal, anong hakbang ang maaari mong gawin upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa?
Tumanggi na makipagtulungan sa mga mangangalakal na nagtataguyod ng mga pampulitikang reporma.
Magpatuloy sa pagtangkilik sa mga industriya kahit na masama ang kalagayan ng mga manggagawa.
Sumali sa mga pampulitikang kilusan upang isulong ang mga reporma sa mga kondisyon sa trabaho.
Iwasan ang anumang pakikisalamuha sa mga industriyalista upang maiwasan ang mga pagbabago.
Kung ikaw ay isang pinuno ng pamahalaan sa panahon ng Enlightenment, anong polisiya ang iyong ipatutupad upang itaguyod ang mga ideya ng Enlightenment?
Magtakda ng mga batas na nagpapalawak ng kalayaan ng indibidwal at karapatang pantao.
Magpatibay ng mga polisiya na magbibigay proteksyon sa mga mayayaman laban sa mga reporma.
Magpatupad ng mga batas na naglalayong pataasin ang kapangyarihan ng simbahan sa pamahalaan.
Magpatibay ng mga batas na naglalayong palakasin ang kapangyarihan ng mga monarkiya at relihiyon.
Ano ang pangunahing layunin ng Rebolusyong Pangkaisipan?
Ipagpatuloy ang mga tradisyonal na pananaw tungkol sa politika.
Magbigay ng mga relihiyosong pananaw na magpapatibay sa simbahan.
Pagtibayin ang mga ideya ng mga monarkiya at kapangyarihan ng simbahan.
Magbigay ng mga bagong pananaw na nakabatay sa rasyonalismo, agham, at kalayaan ng tao.
Paano nakatulong ang mga ideya ng Rebolusyong Pangkaisipan sa pag-usbong ng Rebolusyong Industriyal?
Pinaigting nito ang mga pananaw na nakatutok lamang sa relihiyon at hindi sa agham.
Pinaigting nito ang paniniwala sa makapangyarihang pamahalaan na walang limitasyon.
Nagbigay ito ng mga tradisyunal na ideya na humadlang sa mga pagbabago sa industriya.
Pinaunlad nito ang mga ideya na nakasentro sa siyensya, teknolohiya, at mga imbensyon na nagpatibay sa industriyalismo.
Kung ikaw ay isang pilosopo noong panahon ng Enlightenment, paano mo matutulungan ang pag-usbong ng Rebolusyong Industriyal?
Iwasan ang mga bagong teknolohiya at ipaglaban ang mga kaugalian ng nakaraan.
Pagsikapan na mapanatili ang mga teorya na umaayon lamang sa relihiyon at hindi sa agham.
Magpalaganap ng mga ideya tungkol sa kalayaan at karapatan ng tao na makikinabang ang mga Industriya.
Pagtibayin ang mga ideya ng absolutismo at mga monarkiya upang mapanatili ang tradisyonal na pamamahala.
Ano ang magiging epekto sa isang lipunan ng pag-usbong ng Rebolusyong Pangkaisipan at Rebolusyong Industriyal?
Makikita ang pagbabago sa sistema ng edukasyon, pagsulong ng teknolohiya, at pagpapahalaga sa kalayaan ng tao.
Magkakaroon ng paghina sa teknolohiya at pagpapalakas sa pamamahala ng simbahan.
Makikita ang pagtaas ng kapangyarihan ng mga monarkiya at simbahan sa pamamahala.
Magkakaroon ng paghina ng mga industriya at mga bagong ideya sa agham.
Ano ang pangunahing layunin ng Rebolusyong Pangkabuhayan o Rebolusyong Industriyal?
Ipatupad ang mga ideya ng monarkiya sa mga industriya.
Magtayo ng mga makalumang pook para sa mga artisano at magsasaka.
Pagtibayin ang mga tradisyunal na pamamaraan ng paggawa at agrikultura.
Magpatibay ng mga bagong ideya na may kinalaman sa makinarya, pabrika, at malakihang produksyon.
Paano nagbukas ang Rebolusyong Pangkaisipan ng mga pinto para sa Rebolusyong Industriyal?
Ipinakita nito na ang mga ideya ng agham at teknolohiya ay may kakayahang baguhin ang lipunan.
Pinili nitong palaganapin ang mga tradisyunal na sining kaysa sa modernisasyon ng mga industriya.
Pinili nitong itaguyod ang mga ideya ng relihiyon at awtoridad kaysa sa agham at inobasyon.
Nilimitahan nito ang paggamit ng mga teknolohiya sa ilalim ng kontrol ng mga monarkiya.
Kung ikaw ay isang lider ng lipunan noong panahon ng Enlightenment, ano ang hakbang na maaari mong gawin upang mapadali ang transisyon mula sa Rebolusyong Pangkaisipan patungo sa Rebolusyong Industriyal?
Magpatibay ng mga batas na nagpo-promote ng kalayaan sa ekspresyon, edukasyon, at siyensya upang magbigay ng puwang para sa teknolohikal na pag-unlad.
Magpatibay ng mga batas na naglalayong panatilihin ang mga tradisyon at kontra sa anumang uri ng inobasyon.
Magpatuloy sa pamamahala sa ilalim ng isang absolutistang sistema na hindi pinapayagan ang pagbabago.
Magtulungan ang simbahan at gobyerno upang kontrolin ang lahat ng aspeto ng teknolohiya at agham.
Paano mo matutulungan ang mga manggagawa noong panahon ng Rebolusyong Industriyal sa pamamagitan ng mga ideya mula sa Rebolusyong Pangkaisipan?
Magtulungan upang gawing mas mahirap ang mga kondisyon sa mga pabrika.
Magpatibay ng mga batas na magpapatibay sa mga hindi makatarungang kondisyon sa trabaho.
Magpatuloy sa paghihigpit ng mga karapatan ng mga manggagawa upang mapanatili ang kaayusan.
Magbigay ng edukasyon na magpapalawak sa kanilang kaalaman sa kalayaan, karapatan, at siyensya.
Ano ang pangunahing dahilan ng ikalawang yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo noong ika-19 na siglo?
Pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo.
Pagtutulungan ng mga kolonya upang makamit ang Kalayaan.
Pagnanais na mapanatili ang kapangyarihan ng mga lokal na pinuno.
Pangangailangan ng mga bansang Europeo ng mga hilaw na materyales at bagong pamilihan.
Paano nakaapekto ang Rebolusyong Industriyal sa ikalawang yugto ng Kolonyalismo?
Nagdulot ito ng pangangailangan sa mga hilaw na materyales at pamilihan para sa mga produktong industriyal.
Naging batayan ito ng mga bansang Europeo upang magbigay ng kalayaan sa kanilang mga kolonya.
Itinulak nito ang mga bansang Europeo na umiwas sa pakikialam sa ibang mga bansa.
Naging dahilan ito upang humina ang interes ng mga Europeo sa pagkuha ng kolonya.
Kung ikaw ay isang lider noong ikalawang yugto ng Kolonyalismo, paano mo magagamit ang teknolohiya ng Rebolusyong Industriyal upang makontrol ang isang kolonya?
Magtayo ng mga pabrika na eksklusibo lamang para sa mga kolonyalistang bansa.
Limitahan ang pag-access ng mga mamamayan sa teknolohiya upang maiwasan ang pag-aalsa.
Gamitin ang teknolohiya upang magpatayo ng imprastraktura at palakasin ang ekonomiya ng kolonya.
Iwasan ang paggamit ng teknolohiya upang panatilihin ang tradisyunal na sistema sa kolonya ng Europeo.
Ano ang epekto ng "Scramble for Africa" sa mga bansang sinakop ng mga Europeo?
Nakatulong ito sa pagtataguyod ng kalayaan at pagkakaisa ng mga bansa sa Africa.
Naging batayan ito ng mas makataong pakikitungo ng mga Europeo sa mga katutubo.
Nagresulta ito sa sapilitang paghahati ng teritoryo at paglilimita sa tradisyunal na kultura.
Nagbigay ito ng oportunidad sa mga bansang Europeo na paunlarin ang teknolohiya ng Africa.
Ano ang ginamit na dahilan ng mga bansang Europeo upang bigyang-katwiran ang kanilang kolonyalismo at imperyalismo?
"White Man's Burden," o ang pananaw na responsibilidad ng mga Europeo na gawing "sibilisado" ang mga sinakop.
Pagtutulungan ng mga bansang Europeo at mga sinakop na kolonya.
Pagbibigay ng proteksyon sa mga kolonya laban sa iba pang bansa.
Pagkilala sa kalayaan ng mga katutubo sa mga kolonya.
Kung ikaw ay isang mamamayan ng kolonya noong panahon ng ikalawang yugto ng Kolonyalismo, ano ang iyong posibleng gawin upang labanan ang pananakop?
Magbigay ng suporta sa mga kolonyalista upang mapanatili ang kanilang control.
Magtayo ng mga bagong pabrika upang palakasin ang ekonomiya ng mga kolonyalista.
Magtatag ng mga kilusang pang-edukasyon upang isulong ang nasyonalismo at kalayaan.
Tanggapin ang mga panuntunan ng mga kolonyalistang bansa nang walang pagtutol at pag-aalinlangan.
Paano mo ilalarawan ang epekto ng kolonyalismo sa ekonomiya ng mga bansang sinakop?
Walang naging epekto ang kolonyalismo sa ekonomiya ng mga sinakop na bansa.
Lumakas ang ekonomiya ng kolonya dahil sa pagkakaroon ng kalayaan sa sariling pamilihan.
Naging masagana ang ekonomiya ng kolonya dahil sa patas na kalakalan sa mga bansang Europeo.
Nalimitahan ang ekonomiya ng kolonya dahil sa sapilitang produksyon ng mga hilaw na materyales para sa mga bansang Europeo.
Paano nagdulot ng tensyon ang imperyalismo sa pagitan ng mga bansang Europeo noong ika-19 na siglo?
Lumawak ang pakikitungo ng mga bansa sa isa't isa sa paraang pantay-pantay.
Nagkaroon ng kompetisyon at tunggalian para sa kontrol sa mga kolonya at teritoryo.
Naging dahilan ito ng pagbuo ng alyansa at masiglang ugnayan sa pagitan ng mga bansa.
Nabawasan ang
Ano ang pangunahing layunin ng mga kilusang nasyonalista sa Europa noong ika-19 na siglo?
Pagkaisahin ang mga mamamayan batay sa iisang wika, kultura, at kasaysayan.
Panatilihin ang kontrol ng mga banyagang kapangyarihan.
Magtatag ng mga alyansa sa pagitan ng mga monarkiya.
Palaganapin ang kolonyalismo at imperyalismo.
Paano nakaapekto ang Rebolusyong Pranses sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Europa?
Nagbigay ito ng inspirasyon sa mga tao na labanan ang monarkiya at itaguyod ang Kalayaan.
Nagdulot ito ng takot na maulit ang mga rebolusyon sa iba't ibang bansa.
Pinatibay nito ang impluwensiya ng mga monarkiya sa Europa.
Naging dahilan ito ng pagbagsak ng nasyonalismo sa Europa.
Kung ikaw ay isang pinuno ng nasyonalista, paano mo hikayatin ang mga mamamayan na magkaisa para sa kalayaan?
Hilingin sa ibang bansa na sakupin ang iyong bayan.
Isulong ang edukasyon sa kasaysayan at kultura ng bansa.
Panatilihin ang kontrol ng mga dayuhan sa inyong ekonomiya.
Iwasan ang anumang hakbang na magpapahayag ng damdaming makabansa.
Ano ang epekto ng mga kilusang nasyonalista sa mga bansang sinakop ng mga imperyalista?
Nagdulot ito ng masiglang pakikipagtulungan sa mga bansang nanakop.
Pinatibay nito ang diwa ng kalayaan at pagsasarili ng mga kolonya.
Nagresulta ito sa mas mahigpit na kontrol ng mga imperyalista.
Pinahina nito ang kultura ng mga sinakop na bansa.
Bakit naging mahalaga ang pagsasabansa ng edukasyon sa mga bansang may kilusang nasyonalista?
Upang mapanatili ang kontrol ng ibang bansa.
Upang ituro ang wikang banyaga sa mga mamamayan.
Upang makalimutan ng mga tao ang kanilang kasaysayan.
Upang palaganapin ang pagmamahal sa sariling bayan at kultura.
Kung ikaw ay nasa panahon ng Rebolusyong Industriyal, paano mo magagamit ang teknolohiya upang itaguyod ang nasyonalismo?
Maglimbag ng mga pahayagan at aklat na nagpapahayag ng damdaming makabansa.
Huwag pansinin ang teknolohiya upang panatilihin ang tradisyunal na paraan.
Ituon ang teknolohiya sa paggawa ng mga produkto para sa ibang bansa.
Gamitin ang teknolohiya upang palaganapin ang ideya ng kolonyalismo.
Paano makatutulong ang paggunita sa mga makabayang bayani sa pagpapatibay ng nasyonalismo?
Nagdudulot ito ng pagkakawatak-watak ng mga mamamayan.
Nagdudulot ito ng takot sa mga tao na maglaban para sa kanilang karapatan.
Nagiging inspirasyon ito upang ipagpatuloy ang pakikibaka para sa kalayaan.
Nagbibigay ito ng ideya na ang mga bayani lamang ang may kakayahang baguhin ang lipunan.
Ano ang ugnayan ng kilusang nasyonalista sa Europa at sa mga kilusang makabansa sa Asya?
Nagkaroon ng direktang suporta mula sa Europa sa mga kilusan sa Asya.
Nagdulot ito ng pagsasama-sama ng mga nasyonalista mula sa Europa at Asya.
Wala silang naging koneksyon dahil magkaibang mga layunin ang kanilang isinulong.
Ang kilusang nasyonalista sa Europa ang nagsilbing inspirasyon sa mga kilusan sa Asya.
