NEW
Font size
WorksheetsAP8 Q3 Reviewer (Rizal High School)
Total questions: 50
Worksheet time: 50mins
Ang pamilyang Medici sa Renaissance ay ang nagpatayo ng pampublikong aklatan bilang isang sentro ng pag-aaral at kultura. Bilang isang mamamayan, paano mo maipakikita ang kahalagahan ng edukasyon?
Payuhan na bigyang prayoridad ang trabaho para umangat ang antas ng buhay.
Ipamulat ang kahalagahan ng edukasyon para maiwasan ang kahirapan.
Bigyan sila ng kalayaang mamili sa nais nilang gawin.
Hikayatin ang mga kabataan na unahin ang pagtatrabaho para kumita.
Ano ang HINDI kabilang sa mga aksyon ng Simbahang Katoliko sa Kontra-Repormasyon?
Pagbabawal sa pagtanggap ng mga tauhan ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno.
Pag-aalis ng simony o pagbebenta ng mga opisina at tungkulin ng simbahan
Pagbabawal sa mga pari na mag-asawa upang malayo sa suliranin ng pamilya at nang mailaan ang buong sarili sa paglilingkod sa Diyos.
Pagkolekta ng mga alay para sa lingguhang misa ng simbahan
Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI naging epekto ng Renaissance?
Nakatulong sa pagtuklas ng heograpiya at eksplorasyong pandagat.
Nagpabagsak sa relihiyong Kristiyanismo
Nagpaunlad ng mga pilosopiya
Nagbigay daan sa mga kilusang laban sa simbahang Katoliko
Paano ipinapakita ng “Estatwa ni David” ang kahalagahan ng pagsasanay, disiplina, at pasensya sa sining?
Pagtanggap sa kahirapan at pagbabalik-loob
Pagpapakita ng dedikasyon sa bawat detalye
Pagsunod sa mga simpleng hakbang
Pagtutok lamang sa mga visual na aspeto
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa panahon ng kasaysayan matapos ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano at bago magsimula ang Panahon ng Pagtuklas?
Renaissance
Dark Ages
Gitnang Panahon o Middle Ages
Classical Period
Alin sa sumusunod ang pinaka-akmang pagpapaliwanag tungkol sa Renaissance?
Panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europa
Muling pagkapukaw ng interes sa kaalamang Griyego-Romano
Muling pagsikat ng Kulturang Helenistiko
Panibagong kaalaman sa Agham
Ano ang tawag sa obrang ito ni Da Vinci: "May isang babaeng may misteryosong ngiti at tanawin sa likuran"?
The Birth of Jesus
Mona Lisa
La Belle Jardiniere
The Last Supper
Aling kilusan ang nagdulot ng paghihiwalay ng mga Protestante mula sa Simbahang Katoliko Romano?
Kontra-Repormasyon
Repormasyon
Humanista
Philosophe
Alin sa mga salik ang HINDI nakatulong sa paglakas ng kapangyarihan ng mga hari at pagbagsak ng mga panginoong may-lupa at maharlika noong Middle Ages?
Sumama ang panginoong may-lupa sa krusada at hindi nakabalik
Pagtatag ng hukbong kasundalohan ng mga tagapamanihala ng bayan
Pagkakaroon ng isang wika sa isang lugar at estado
Ipinagbili ng mga alipin ang kanilang kalayaan
“Ama ng Humanismo”: Francisco Petrarch ; “Perpektong Pintor”: __________
Rafaello Santi
Leonardo da Vinci
Giovanni Boccaccio
Michaelangelo Buonarotti
Matagumpay na narating ni Bartholomeu Dias ang Cape of Good Hope na nasa timog ng Africa. Ano ang napatunayan sa pangyayaring ito?
Maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.
Ang Cape of Good Hope ay ang nagdudugtong sa Africa, India at China.
Ang Cape of Good Hope ay ang nagdudugtong sa Africa, India at China.
Ito ang tinahak ni Ferdinand Magellan para makarating sa Pilipinas.
Kung mangyari ang panahon ng eksplorasyon sa kasalukuyan, ano ang nararapat mong hakbang bilang isang mamamyan, upang ipagtanggol ang iyong bansa laban sa mga mananakop at maprotektahan ang kalayaan ng iyong bayan?
Hayaan na lamang ang pananakop para hindi na magkagulo.
Magsumikap na mapanatili ang kultura ng bansa kasabay ng pagyakap sa pagbabagong dala ng mga mananakop.
Humikayat ng mga taong lulusob sa bansa ng mananakop.
Makipaglaban gamit ang pangungutya sa mananakop sa iba't ibang social media platform.
Paano nakaapekto ang pagkakaroon ng monopolyo sa mga spices sa kalakalan at ugnayan ng Europa at Asya?
Nagresulta ito sa pagkawala ng interes ng mga Europeo sa kalakalan sa pampalasa
Nagdulot ito ng pagtaas ng presyo ng mga pampalasa sa Europa
Naging dahilan ito para ang mga Europeong mangangalakal ay magtangkang maghanap ng direktang kalakalan sa Asya
Nabawasan ang kita ng mga mangangalakal na Venetians at Arabo
Anong konsepto ng panghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa?
Kolonyalismo
Merkantilismo
Kapitalismo
Imperyalismo
Alin ang HINDI kabilang sa mga motibo ng kolonyalismong eksplorasyon?
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Paghahangad ng katanyagan at karangalan
Pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa
Paghahanap ng ginto at pilak sa mga lupain
Sino ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag na nagsilbing inspirasyon sa mga manlalakbay sa kanyang panahon?
Charles V
Henry the Navigator
Vasco the Gama
Christopher Columbus
Aling bansa sa Europa ang naging pangunahing tagapanguna sa paggalugad at pagdiskubre ng mga bagong ruta sa panahong ng eksplorasyon?
Spain
Great Britain
France
Portugal
Bakit naging mahalaga ang paglalakbay ni Magellan sa larangan ng heograpiya at sa pagtuklas ng bagong ruta?
Napatunayan niya ang katotohan sa likod ng Bermuda triangle.
Napatunayan niya na ang mundo ay bilog at hindi patag.
Napatunayan niya na may ibang lupain sa ibang bahagi ng mundo.
Napatunayan niya ang katapatan ng Diyos dahil nakaya nilang maglayag ng hindi kumakain at nakakainom.
Ano ang naging epekto ng kasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille sa kanilang mga kaharian at sa kasaysayan ng Espanya?
Nagresulta ito sa pagkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Spain at France.
Nag-udyok ito sa pag-aaral ng mga bagong ruta patungong Tsina.
Binuksan nito ang pinto para sa kolonyalismong Espanyol sa Silangan.
Pinalakas nito ang ugnayan sa pagitan ng Portugal at Spain.
Alin sa sumusunod ang HINDI nauugnay sa Kasunduan sa Tordesillas na nilagdaan noong 1494?
Ipinahahayag dito na tanging ang mga bansang Europeo lamang ang may karapatan sa mga lupain ng mundo.
Nagkaroon ng demarcation line sa daigdig na nagsasaad na may karapatan ang Spain sa kanlurang bahagi ng mundo at sa silangang bahagi naman ng mundo ang Portugal.
Namagitan si Papa Alexander VI sa kasunduang ito.
Ipinatupad ito dahil sa lumalalang paligsahan sa pagitan ng Portugal at Spain.
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga bagong kaalaman na lumitaw sa Rebolusyong Siyentipiko?
Analytic Geometry
Inductive Method
Geocentric View
Heliocentric View
Thomas Hobbes: "Leviathan" ; ____________: "Separation of Powers"
Voltaire
Denis Diderot
Mary Wollstonecraft
Baron de Montesquieu
Ano ang tawag sa panahon kung kailan nagsimulang gumamit ang mga tao ng makabagong kagamitan sa produksyon at pamamaraan ng paggawa?
Rebolusyong Enlightenment
Rebolusyong Amerikano
Rebolusyong Industriyal
Rebolusyong Siyentipiko
Bakit naging mahalaga ang imbensyong telegraph at steamboat sa Europa?
Nakatulong ito sa aspektong pangkabuhayan ng mga taga Europe
Naging madali ang kominikasyon at transportasyon sa malalayong lugar.
Naging madali ang pagproseso ng mga hilaw na materyales.
Mas naging epektibo ito sa sistemang militar na nakatulong sa digmaan.
Paano nakatulong ang kolonisasyon sa pagpapalaganap ng kulturang Kanluranin sa mga bansa sa Silangan?
Pangangalakal at pagpapalitan ng kaalaman
Pagpapalaganap ng kulturang lokal
Pagsakop sa mga bansa
Pangingialam sa relihiyon
Batay sa konsepto ng "Tabula Rasa" ni Locke, ano ang nararapat gawin para maayos na mahubog ang isang bata na nagsisimula pa lamang umangkop sa kanyang kapaligiran?
Ituro sa kanya ang magagandang asal at maging mabuting halimbawa para tularan.
Punuin ang kanyang isip ng mahihigpit na alituntunin para maging disiplinado siya.
Hikayatin siyang maintindihan na siya ang magiging daan sa pag-angat ng kaniyang pamilya mula sa kahirapan.
Hayaan siyang mag-isa sa kanyang paglaki upang natural na mahubog ang kanyang pagkatao.
James Watt: Steam Engine ; John Kay: _____________
Power Loom
Spinning Mule
Telegraph
Flying Shuttle
Ano ang natutuhan ng tao dahil sa Rebolusyong Siyentipiko?
Sumunod nang buong-buo sa mga sinaunang sulatin ng mga sinaunang siyentista
Maging kunteto at iwasan ang magtanong at mag-usisa sa bagay-bagay
Maniwala lamang sa mga nakagisnang sulatin ng mga siyentista
Magtanong at mag-usisa sa bagay-bagay
Ano ang katawagan sa mga pilosopong Pranses na naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga ideya noong Panahon ng Enlightenment?
Pisiyokrat
Repormista
Philosophe
Humanista
Alin sa sumusunod ang naging positibong epekto ng unang yugto ng kolonyalismo sa mga bansang nasakop?
Nagdulot ito ng malawakang pag-unlad sa lahat ng bansang nasakop.
Nakapukaw ng interes sa mga makabagong teknolohiya sa heograpiya at paglalakbay para sa mga bansang nananakop.
Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem ng daigdig.
Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan.
Alin sa sumusunod ang tamang paliwanag tungkol sa konsepto ng Natural Law ayon kay Thomas Hobbes?
Walang natural na karapatan ang sinumang taong pamahalaanan ang kanyang kapwa tao.
Ito ang nagtatakda ng anyong pamahalaan at pagsunod ng mga tao sa nasasakupan.
Ang tao ay may karapatang pangasiwaan ang kanilang gobyerno ayon sa batas ng katarunungan, katwiran at budhi.
Ang absolutong monakiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan.
Alin sa Rebolusyong Pranses at Amerikano ang may pagkakatulad sa mga rebolusyon na naganap sa ating bansa?
Sa Rebolusyong Amerikano lamang, dahil tulad sa Amerika ang Pilipinas ay naging kolonya gayon din pareho itong nakilala sa pagbuo ng konstitusyon.
Sa Rebolusyong Pranses lamang, dahil ang Rebolusyon sa Pilipinas ay nagsimula dahil sa mapagsamantalang pamumuno, pagkagutom at kahirapan.
Hindi maaaring ihalintulad ito sa ibang rebolusyon dahil ito ay kakaiba.
Parehas na akma ang dalawang rebolusyon sa rebolusyon sa Pilipinas dahil walang pinagkaiba ang mga naging layunin nito.
Paano nakaapekto ang kalagayang panlipunan ng karamihan sa mamamayan ng France sa pag-usbong ng rebolusyon?
Walang naging epekto ang kalagayang panlipunan ng France sa rebolusyon.
Nagkaisa ang ikatlo at ikalawang estate upang labanan ang mga mapaniil sa unang estate.
Dahil sa hindi pantay at hindi makatarungang sistemang pampolitika, namulat ang ikatlong estate na ipaglaban ang kanilang karapatang pampolitika.
Ito ang nagtulak sa kanila upang bumuo ng alyansa at pigilin ang rebolusyon.
Ito ang paniniwala ng mga Europeo na obligasyon nilang tulungan ang mga katutubo ng kolonyang nasakop na maging sibilisado.
Protectorate
Spheres of Influence
Manifest Destiny
White Man’s Burden
Paracelsus: "Homeopathy" ; __________ : Sirkulasyon ng Dugo sa Katawan ng Tao
William Harvey
John Napier
Andreas Vesalius
Galileo Galilei
Paano nakatulong ang Enlightenment sa utak ng mga Pranses at Amerikano?
Ang paglaganap ng kaisipang liberal, politikal, agham,at pang-ekonomiya ay nakatulong upang malaman nila ang kanilang karapatan at kalayaan.
Nakatulong ito upang gawing kapitalismo ang batayang pangkabuhayan ng Pranses at Amerikano.
Binigyang diin nito na dapat na nakikitungo ng mabuti ang tao kahit pa sila ay naaapi.
Ito ang nag-udyok sa kanila na labanan ang isa’t isa para malaman kung sino ang pinakamalakas at ang karapat-dapat mamuno.
Ano ang pangunahing dahilan na nagtulak sa mga bansang Europeo na palawakin ang kanilang imperyalismo sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo?
Pagpapalaganap muli sa relihiyong Kristiyanismo.
Paghahanap ng hilaw na materyales na gagamitin sa mga industriya.
Pagpapalawak ng teritoryo.
Paghahanap ng alipin na maaaring ipagbili.
Alin sa sumusunod ang HINDI kasama sa mga itinataguyod ng "Declaration of the Rights of Man" mula sa malupit na pamamahala ni King Louis XVI?
Kalayaan sa pagpili ng relihiyon
Kalayaan sa pamamahayag
Karapatang bumoto ng pinuno
Karapatan sa pagmamay-ari
Ito ang pangyayari kung saan itinapon sa dagat ang malaking halaga ng tsaa bilang pagtutol sa mataas na buwis na ipinataw ng pamahalaan sa 13 kolonya.
Boston Tea Act
Storming of Bastille
Continental Congress
Boston Tea Party
Alin sa sumusunod ang pinakamabuting epekto ng paglaganap ng mga kaisipan noong Englightenment?
Nagbigay daan ito sa paglaya ng mga bansang sinakop mula sa kolonyal na pamamahala.
Nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang mga tao sa kanilang responsibilidad bilang mamamayan.
Nagbunga ng mas maayos na pamamahala ang pakikibaka ng mamamayan.
Naisulong ng mga tao ang pagkilala at paggamit ng kanilang mga karapatan.
Ano ang maaaring hakbang na gawin ng mga bansa sa Africa para mapanatili ang kanilang kalayaan at masiguro ang pag-unlad ng kanilang ekonomiya mula sa mga aral sa panahon ng pananakop ng mga Europeo?
Pagpapasok ng mga banyagang mananakop upang palakasin ang ekonomiya
Pagtutok sa pagpapalakas ng mga lokal na industriya at kalakalan
Pag-aalok ng mga likas na yaman sa mga kanlurang bansa upang palaganapin ang kolonyalismo
Pag-alis ng lahat ng kasaysayan at kultura ng Africa upang magpatuloy ang kaunlaran
Alin sa sumusunod ang pinakatamang paglalarawan ng konseptong "sphere of influence"?
Nawawalan ng kalayaan ang bansa at nagiging palaasa sa makapangyarihang bansa.
Walang epekto ang makapangyarihang bansa sa mga bansa sa sphere of influence.
May kalayaan ang bansa at walang pakialam ang makapangyarihang bansa.
Ang bansa ay may kalayaang magpatupad ng mga polisiya nang walang interperensya.
Ano ang pinakatamang paliwanag tungkol sa nasyonalismo?
Ang nasyonalismo ay nagmumula lamang sa mga positibong kaganapan sa isang bansa.
Ang nasyonalismo ay isang damdamin ng pagmamahal sa bayan na lumalakas sa harap ng mga pagsubok.
Ang nasyonalismo ay hindi na kailangan kapag ang isang bansa ay maunlad na.
Ang nasyonalismo ay hindi naapektuhan ng mga kaganapan sa isang bansa.
Ito ang sistema ang mga pinunong lokal nasa kanilang posisyon habang tumatanggap ng payo mula sa mga Europeo sa larangan ng kalakalan o gawaing pangmisyonaryo.
Protectorate
Spheres of Influence
Kolonya
White Man’s Burden
Ito ang pangyayari sa Russia na nagbigay-daan na magkaisa ang mga Ruso upang labanan ang kapangyarihan ng czar na nagwakas sa aristokrasya.
Sepoy Revolution
October Revolution
Boxer Rebellion
People Power Revolution
Paano ginamit ng mga mananakop ang "Social Darwinism" noong ikalawang yugto ng imperyalismo?
Ginamit ito upang magtanging lahi kung saan sa pananaw ng mga racist, ang mga lahing puti ay umuunlad at nagiging mas mataas ang antas ng sibilisasyon.
Sa pananaw ng mga kanluranin, isang pabigat sa mga lahing puti ang mga lahing itim o kayumanggi kaya obligasyon nilang tulungan at gabayan ang mga ito.
Ito ay humikayat sa mga Europe na palawakin ang kanllang nasyonalismo sa labas ng Europe.
Ginamit ito upang paniwalaan na ang mga puti ay walang obligasyong tulungan ang mga kapus-palad sa daigdig.
Alin sa mga pahayag ang nagpapaliwanag ng doktrinang "Manifest Destiny"?
Kontrolado ng pamahalaan ang isang makapangyarihang bansa.
Pagbibigay ng protesyon sa mga kolonya laban sa ibang bansa.
May karapatang ibinigay ang Diyos sa United States na angkinin ang Hilagang Amerika.
Tungkulin ng mga Europe na paunlarin ang kabihasnan ng mga katutubo na kanilang sinakop.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ang damdaming nasyonalismo?
Pagbubuwis ng buhay para sa bansa.
Pagmamahal sa sariling wika.
Pagtangkilik sa sariling produkto ng bansa.
Pagpapayaman upang mapaunlad ang sarili.
Sa iyong palagay, maaari bang gamitin ang mga estratehiya ng Siam (Thailand) at Korea para maprotektahan ang Pilipinas mula sa pananakop noon?
Hindi, dahil hindi tayo nakikipagkalakalan sa iba’t ibang bansa.
Hindi, dahil ang bansang Siam at Korea ay mas madaling maharangan, samantala ang Pilipinas ay malaki at magkakalayo.
Oo, kung ang mga Pilipino ay magkakaisa.
Oo, kung ito ay isasabatas at mahigpit na ipapatupad ang hindi pagtanggap sa mga dayuhan.
Ipagpalagay na ikaw ay nabuhay bilang lider noong Ikalawang Yugto ng Imperyalismo, anong hakbang ang maaari mong gawin para mapanatili ang kultura ng iyong bansa habang pinapabuti ang ekonomiya gamit ang mga makabagong imprastruktura?
Ipalaganap ang kolonyal na kultura at gamitin ang banyagang teknolohiya.
Magpatayo ng imprastruktura para lamang sa mga mananakop
Magtayo ng makabagong imprastruktura ngunit isama ang lokal na kultura.
Panatilihin ang mga tradisyunal na paraan at iwasan ang teknolohiya ng mga foreigners.
