wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Araling Panlipunan

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Saan umiikot ang pamumuhay ng mga bourgeoisie?

a)

Sa kalakalan

b)

Merkantilismo

c)

sa pamilihan

d)

sa simbahan

2.

Sa huling bahagi ng ika-14 na siglo, isinilang ang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modernong Panahon. Ano ang tawag sa muling pagsilang o rebirth ng pagkahilig sa sinaunang kultura ng Greece at Rome?

a)

Imperyalismo

b)

Kolonyalismo

c)

Renaissance

d)

Repormasyon

3.

Noong ika-11 siglo, nakamit ng Europa ang pang-ekonomikong pag-unlad dahil sa pagsulong ng rebolusyong agrikultural at pag-unlad ng kalakalan. Sino ang mga mamamayan sa medieval France ang nanguna sa pagtataguyod ng ekonomiyang ito?

a)

Aristokrata

b)

Bourgeoisie

c)

Pari

d)

Serf

4.

Anong patakarang ang nakilala sa pagkontrol ng pamahalaan sa industriya at kalakalan na kung saan ang kapangyarihan ng isang bansa ay malakas kapag marami ang inaangkat?

a)

A. Imperyalismo

b)

B. Kolonyalismo

c)

C. Merkantilismo

d)

D. Nasyonalismo

5.

Sa pagtatapos ng Midde Ages, sumilang ang bagong pananaw na dulot ng interes sa pag-aaral ng sinaunang Greece at Rome. Ano ang tawag sa kilusang intelektwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome?

a)

Ekonomista

b)

Humanismo

c)

Philosophes

d)

Siyentipiko

6.

Sa pagkakatuklas ng lupain, anong kalakal ang higit na dumagsa mula sa Asya?

a)

A. Ginto

b)

B. Kape

c)

C. Pilak

d)

D. Spices

7.

Noong ika-15 siglo nagsimula ang dakilang panahon ng panggagalugad at pagpapalawak ng mga lupain. Ang mga bansang nanguna sa eksplorasyon ay ang Portugal, Spain, France, England at

a)

Austria

b)

Germany

c)

Netherlands

d)

Russia

8.

8. Ang Asya ay naging kaakit-akit na lugar para sa mga Europeong naghahangad ng mga hilaw na materyal. Sinong Muslim na manlalakbay ang nakapukaw sa motibo ng mga Europeong manlalakbay na magtungo sa Asya?

a)

A. Ibn Batuta

b)

B. Ibn Battuta

c)

C. Marco Polo

d)

D. Marco Pollo

9.

9. Maliban sa paghahangad ng kayamanan, ano ang isa pang motibo ng Spain sa pagtungo sa silangan o Asya?

a)

A. Maipalaganap ang Kristiyanismo.

b)

B. Mapalawak ang kanilang teritoryo.

c)

C. Mapa-unlad ang kanilang teknolohiya.

d)

D. Maging tanyag upang katakutan ng Portugal.

10.

10. Maliban sa mga Portuguese at Espanyol, sinong mga Europeo ang naghangad din ng Kayamanan mula sa Asya ang lumitaw noong ika-17 siglo?

a)

A. English

b)

B. Dutch

c)

C. French

d)

D. Polish

11.

11. Iba-iba ang dahilan ng pananakop ng mga kanluranin sa ikalawang yugto ng ng pananakop. Ano ang tawag sa paniniwala ng mga Europeo na tungkulin nila na panaigin ang kanilang kabihasnan sa mga kolonyang kanilang sakop?

a)

A. concession

b)

B. protectorate

c)

C. manifest destiny

d)

D. white man's burden

12.

12. Ang paggalugad ng mga bansan Europeo ay nagdulot ng maraming epekto sa mga mananakop at sinakop. Ano ang tawag ng mga iskolar sa palitan ng hayop, halaman, lahi at sakit sa pagitan ng Europe, America at Asya sa panahon ng eksplorasyon?

a)

A. Barter System

b)

B. Columbian Exchange

c)

C. Exchange Rate

d)

D. Galleon Trade

13.

13. Isa sa bunga ng pamamaraang makaagham ang epekto ng rebolusyon sa iba- ibang aspekto ng buhay. Ano ang panahon kung saan nakasentro ang ideya sa paggamit ng rason o katuwiran sa pagsagot sa suliraning panlipunan, pampolitika at pang-ekonomiya?

a)

A. Dark Age

b)

B. Enlightenment Age

c)

C. Industrial Age

d)

D. Scientific Age

14.

14. Itinuturing ang ika-19 na siglo bilang panahon ng Ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon. Alin sa mga sumusunod ang uri ng pananakop kung saan ang kolonyo ay binibigyan ng proteksiyon laban sa paglusob ng ibang bansa?

a)

A. Concession

b)

B. Manifest Destiny

c)

C. Protectorate

d)

D. Sphere of Influence

15.

15. Alin sa mga sumusunod na batas ng British sa 13 kolonya nito ang naging mitsa sa pagsiklab ng Rebolusyong Amerikano?

a)

A. Boston Tea Acts

b)

B. Declaration Acts

c)

C. Intolerables Acts

d)

D. Townshend Acts

16.

16. Ang Merkantilismo ay isa sa mga nagbigay daan sa paglakas ng Europe at ang isa sa doktrina nito ay ang Bullionism. Bakit itinuturing na mas mayaman ang bansang maraming mahahalagang metal?

a)

A. Ito ay ginagawang alay kapalit ng mga taong isinasakripisyo sa kanilang mga diyos.

b)

B. Nakabatay sa dami ng mahahalagang metal ang buwis na malilikom ng isang bansa.

c)

C. Pinapahalagahan ang mga metal na ito katulad ng ginto at pilak dahil sa katangiang taglay nito.

d)

D. Ang mga mahahalagang metal na ito ay ginagamit upang makagawa ng mga sandatang yari sa metal.

17.

17. Ano ang naging motibo ni Prinsipe Henry the Navigator sa pagsuporta niya sa mga manlalakbay na Portuguese?

a)

A. Paghahangad nang katanyagan

b)

B. Pagpapalaganap ng relihiyong kanyang pinaniniwalaan

c)

C. Pagpapa-unlad ng teknolohiya mula sa mga natuklasang lupain

d)

D. Makatuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan ng Diyos at ng Portugal

18.

18. Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng makabagong pagtingin sa kalawakan sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko. Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

A. Ang araw ang sentro ng kalawakan

b)

B. Ang daigdig ang sentro ng kalawakan

c)

C. Ang lahat ng mga planeta ang sentro ng kalawakan

d)

D. Ang lahat ng elemento sa kalawakan ay umiikot sa araw

19.

19. Noong panahon ng Enlightenment isinulong ang karapatan ng tao sa pamamahala at ito ay nakasaad sa Social Contract Theory ni Jean Jacques Rousseau. Dito kanyang isinaad ang kahalagahan ng Konstitusyon. Bakit ito mahalaga sa lipunan?

a)

A. Nakasalig dito ang general will ng tao na magsusulong ng kabutihang panlahat

b)

B. Dito nakasaad ng pagsuko ng karapatan ng mga tao upang pamunuan ng isang isang tiranikong pinuno

c)

C. Ito ay nagsasaad ng karapatan ng tao na maglunsad ng rebelyon laban sa pinunong mapang-abuso

d)

D. Binibigyan nito ng katwiran ang pagkakaroon ng isang pamahalaan na mangangasiwa ng gawain at alituntunin sa lipunan

20.

20. Ano ang imbensyon ni Samuel B. Morse na nakatulong sa paglago ng Rebolusyong Industriyal?

a)

A. Newcomen at watt steam engine

b)

B. Elektrisidad upang mapatakbo ang iba't ibang mga kasangkapan

c)

C. Telepono upang makausap ang mga mahal sa buhay na nasa malayong lugar

d)

D. Telegrapo na nakatulong para makapagpadala ng mga mensahe sa mga kamag-anakan na nasa ibang lugar

21.

21. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagbibigay kahulugan sa Rebolusyong Industriyal?

a)

A. Umunlad ang pamumuhay ng mga tao

b)

B. Paggamit ng makabagong kagamitan tulad ng makinarya sa produksiyon

c)

C. Pagpapabilis ng gawain sa kabukiran sa pamamagitan ng paggamit ng Makinarya

d)

D.Naging daan ng Rebolusyong Industriyal sa malaking kita at pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao

22.

22. Ano ang ibig sabihin ng protectorate na itinatag ng mga mananakop?

a)

A. Dokrtrinang Manifest Destiny

b)

B. Pagkontrol sa isang lugar na kontrolado ng makapangyarihang bansa

c)

C. Pagbibigay sa kolonya ng proteksyon laban sa paglusob ng ibang bansa

d)

D. Binibigyan ng espesyal na karapatang pangnegosyo ang mga kolonyang

23.

23. Ang ika-15 hanggang ika-17 siglo ang unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Samakatuwid, ano ang kahulugan ng imperyalismo?

a)

A. Pagpapalawak ng imperyong Europeo

b)

B. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga mahihinang bansa

c)

C. Pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa

d)

D. Pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa

24.

24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pag-aagawan ng mga bansang Europeo sa Africa?

a)

A. Pansarilng ambisyon

b)

B. Pagpapalaganap ng relihiyon

c)

C. Bagsakan ng mga hilaw na materyal

d)

D. Pangangailangan sa mga hilaw na materyal

25.

25. Alin sa mga sumusunod na batas ng British sa 13 kolonya nito ang HINDI naging mitsa sa pagsiklab ng Rebolusyong Amerikano?

a)

A. Declaration Act

b)

B. Stamp Act

c)

C. Sugar Act

d)

D. Townshend Act

26.

26. Ang digmaan para sa kalayaan ng America ay kilala sa katawagang Rebolusyong Amerikano. Paano nagsimula ang himagsikan?

a)

A. Dahil sa pagnanais na mga Amerikano na makalaya

b)

B. Dahil sa labis na buwis na ipinapataw ng mga British

c)

C. Dahil sa pagmamalupit ng mga mananakop na British

d)

D. Dahil sa pagpipilit ng mga British na ipakilala ang kanilang relihiyon

27.

27. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pangyayari na nagpasiklab sa Rebolusyong Pranses?

a)

A. Pag unlad ng pananalapi

b)

B. Kawalan ng katarungan ng rehimen

c)

C. Walang hangganang kapangyarihan ng hari

d)

D. Oposisyon ng mga intelektuwal sa namamayaning kalagayan

28.

28. Ano ang naging kahinaan ni Haring Louis XVI upang maging salik sa pagsiklab ng Rebolusyong Pranses?

a)

A. Absoluto ang pamumuno

b)

B. Naging basehan ng pamumuno ay ang Divine Right Theory

c)

C. Nagmula sa kanilang mga diyos ang kapangyarihan sa pamumuno

d)

D. Magarbo at maluho ang naging pamumuhay ng hari at ang kanyang pamilya

29.

29. Bakit naging mahalaga sa Rebolusyong Pranses ang Rebolusyong Pangkaisipan?

a)

A. Naging mitsa ito ng kaguluhan France

b)

B. Nagkaroon ng mabilisang pagbabago ng lipunan

c)

C. Naging mapanuri ang tao sa kanilang mga natututunan

d)

D. Nagbabago ang pilosopiya at paniniwala sa kalayaan

30.

30. Ang magarbong at maluhong pamumuhay ng hari at ng kanyang pamilya, ang nagbunsod ng kaguluhan sa France. Sino ang hari ng France na nagpasiklab ng Rebolusyong France?

a)

A. Haring Louis XIII

b)

B. Haring Louis XIV

c)

C. Haring Louis XV

d)

D. Haring Louis XVI

31.

31. Mahalaga ang papel na ginampanan pamilyang Medici sa pag-usbong pag- usbong ng Renaissance sa Italy sapagkat nagpatayo sila ng pampublikong aklatan na sentro ng pag-aaral. Bilang isang mamamayan, paano mo isusulong ang edukasyon para sa lahat?

a)

A. Bigyan kalayaan ang mga mag-aaral

b)

B, Hikayatin ang mga kabataan na magsipag sa pag-aaral

c)

C. Payuhan ang mga mag-aaral na bigyang prayoridad ang pagtratrabaho

d)

D. Ipamulat sa kanila ang kahalagahan ng pag-aaral para maiwasan ang kamangmangan at kahirapan

32.

32. Ano ang epekto ng kolonisasyon na nararamdaman pa rin sa kasalukuyang panahon?

a)

A. Pangangalakal ng alipin

b)

B. Pagkakaroon ng colonial mentality

c)

C. Pagkawasak ng mga bansang nagin kolonya

d)

D. Napukaw ang interes sa mga makabagong pamamaraan

33.

33. Isa sa nagbigay-daan sa Unang yugto ng Imperyalismo ang pag-unlad ng teknolohiya ang itinuturing na isa sa mga paraan ng pagsusulong ng ekonomiya ng bansa. Ano ang suhesyon mo sa pamahalaan upang mapaunlad ng Pilipinas ang teknolohiya nito?

a)

A. Maglaan ng malaking pondo para sa Department of Science and Technology

b)

B. Ipadala sa ibang bansa ang mga mag-aaral na mahusay sa agham at teknolohiya

c)

C. Makipagtulungan sa Japan, South Korea at U.S.A. upang matutunan ang kanilang teknolohiya.

d)

D.Suportahan ng pamahalaan ang mga imbentor at paigtingin ang patent Law at protection for intellectual property

34.

34. Alin sa mga pahayag ang HINDI naging mabuting epekto ng unang yugto ng kolonisasyon?

a)

A. Pinalakas ang ugnayang silangan at kanluran

b)

B. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan

c)

C. Nagdulot ito ng maraming suliranin o pagsubok sa mga bansang nasakop

d)

D. Nakapukaw ang interes sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya

35.

35. Sa simula ng Panahon ng Enlightenment, limitado lamang ang karapatan ng mga kababaihan kung ikukumpara sa mga kalalakihan. Ngunit nagbago ang pananaw na ito sa kalagitnaan n ika-18 siglo dahil sa mga ginawang protesta ng ilang mga kababaihan tulad nina Catherine Macaulay at Mary Wallstonecraft. Sa iyong palagay, tama ba ang kanilang ginawa?

a)

A. Hindi po, dahil ito ay nagdudulot ng kaguluhan at digmaan sa isang bansa.

b)

B. Opo, dahil makakatulong ito upang mas makilala pa ang mga talento ng mga kalalakihan

c)

C. Hindi po, dahil wala naming masama sa naging pagtingin ng lipunan sa sektor ng mga kababaihan

d)

D.Opo, dahil ang mga ganitong paraan ay isang instrumento upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa mga kalalakihan at kababaihan

36.

36. Ang panahon ng pagkamulat ay nagbunga ng pagkalat ng kaalaman sa mga i deyang pampamahalaan, ekonomiya at relihiyon. Bilang isang mamamayan, paano mo maipakikita na ikaw ay maalam sa mga kaganapang nangyayari sa iyong bansa?

a)

A. Makilahok sa mga protestang ginagawa laban sa pamahalaan

b)

B. Huwag makialam sa kung anumang nagaganap sa isyung pamabansa dahil gawain ito ng mga nasa pamahalaan

c)

C. Magkaroon ng mga dagdag na impormasyon at pagsusuri sa mga isyung Pambansa upang higit na lumawak ang pang-unawa at kaalaman

d)

D.Kalabanin ang mga kaibigan, kamag-anak, o ang mga kakilalang labag sa iyong opinion ukol sa mga isyung pambansa

37.

37. Ano ang namayani sa 20 bansa sa Latin America laban sa mga Espanyol na maaari rin natin maramdaman bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kalayaan?

a)

A. Makabansang damdamin

b)

B. Napagkakamalang hindi bansa ang Latin America

c)

C. Maraming Latin America ang nagsasalita ng Espanyol

d)

D. Marami ang may pananampalatayang Katoliko Romano

38.

38. Alin ang mga pahayag na nagpapakita ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon?

a)

A. 1, 2, 3, 4

b)

B. 1, 2, 3

c)

C. 2, 3, 4

d)

D. 3, 4

39.

39. Ano ang naging bunga ng eksplorasyon na nararamdaman pa rin sa kasalukuyang panahon?

a)

A. Pangangalakal ng alipin

b)

B. Naging malaganap ang Kristiyanismo

c)

C. Pagkawasak ng mga bansang naging kolonya

d)

D. Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag

40.

40. Unang Yugto ng Kolonisasyon : Pagkakatukalas ng mga lupain: Ikalawang Yugto ng Kolonisasyon:

a)

A. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig

b)

B. Paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa Silangan

c)

C. Pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura

d)

D. Ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya

41.

41. Steamboat: Ikalawang Yugto ng Ekplorasyon; Unang Yugto:

a)

A. Astrolabe

b)

B. Caravel

c)

C. Compass

d)

D. Telegraph

42.

42. Enlightenment: Panahon ng Kaliwanagan; Rebolusyong Siyentipiko:

a)

A. Pagtuklas ng mga bagong lupain

b)

B. Pagkakahati ng Simbahang Katoliko

c)

C. Panahon ng pagsisiyasat at eksperimento

d)

D. Muling pagsilang ng kulturang Greek at Roman

43.

43. Galileo Galilei: Teleskopyo; Alexander Graham Bell:

a)

A. Elektrisidad

b)

B. Steam Engine

c)

C. Telebisyon

d)

D. Telepono

44.

44. Repormasyon: Germany; Rebolusyong Industriyal:

a)

A. France

b)

B. Great Britain

c)

C. Italy

d)

D. Spain

45.

45.Puerto Rico: Protectorate; China:

a)

A. Concession

b)

B. Kolonya

c)

C. Sphere of Influence

d)

D. White man's burden

46.

46.Bukod sa pampalasa ng pagkain, saan pa maaaring magamit ng mga Europeo ang spices na isa sa mga salik ng eksplorasyon?

a)

A. Bilang medsina

b)

B. Bilang dekorasyon sa gamit

c)

C. Pagpreserba ng pagkain

d)

D. Pandekorasyon sa kanilang mga sarili

47.

47.lba't iba ang dahilan ng pananakop ng mga dayuhan sa mga mahihinang bansa. Paano binigyan katuwiran ng United States ang manifest destiny?

a)

A. Pagkontrol sa pamahalaan at politika.

b)

B. Paniniwalang may karapatang ibinigay ng Diyos sa kanila.

c)

C. Paniniwalang tungkulin nilang ipalaganap ang kanilang kultura

d)

D. Paniniwalang may karapatan at tungkulin silang paunlarin ang nasakop

48.

48.Paano napasali ang United States sa pananakop ng mga lupain?

a)

A. Nang makipagdigmaan laban sa Spain noong 1898

b)

B. Nang magkaisa ang mga Amerikano na makipaglaban

c)

C. Nang ipairal nila ang manifest destiny sa kanilang pananakop

d)

D. Nang makalaya ang 13 kolonya sa America mula sa mga Ingles

49.

49.Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng imperyalismo sa Africa at Asya?

a)

A. Pagsasamantala sa mga katutubo

b)

B. Pagbibigay karapatan sa lahat ng nasasakop

c)

C. Pagkakaloob sa mga pangangailangan ng mga katutubo

d)

D. Kung ang katutubo ay may kasalanan ito ay lilitisin sa kanyang lugar

50.

50.Nagbunsod ang Ikalawang Yugto ng imperyalismo sa paglinang ng diwang makabansa ng mga mamamayan ng Asya at Africa. Sa kasalukuyan, paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa bansa sa darating na eleksyon sa 2022?

a)

A. Paninira sa mga politiko na hindi gusto manalo

b)

B. Panonood ng mga debate at pagbibigay ng opinion ukol dito

c)

C. Makilahok sa mga meeting de avance ngkandidatong nais magwagi

d)

D. Pagkumbinsi sa mga magulang at kakilala na boboto na maging matalino sa pagpili ng kandidato