wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

RA 9262 at RA 9710

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing layunin ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004?

a)

a. Protektahan ang kababaihan at kanilang mga anak laban sa pang-aabuso

b)

b. Bigyan ng mas mataas na sweldo ang mga kababaihan

c)

c. Tanggalin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan

d)

d. Hikayatin ang mga kababaihan na lumahok sa politika

2.

Sino ang mga maaaring mabigyan ng proteksyon sa ilalim ng RA 9262?

a)

a. Mga bata lamang

b)

b. Kababaihan at kanilang mga anak

c)

c. Lahat ng manggagawa sa pamahalaan

d)

d. Mga asawang lalaki na inabuso

3.

Ano ang maaaring ipataw na parusa sa isang lalaking napatunayang lumabag sa RA 9262?

a)

a. Pagbabayad lamang ng danyos

b)

b. Pagkakakulong at multa

c)

c. Pagtatanggal sa trabaho

d)

d. Wala, depende sa kaso

4.

Ano ang pangunahing layunin ng Magna Carta of Women?

a)

a. Bigyan ng mas maraming benepisyo ang mga manggagawang kababaihan

b)

b. Protektahan ang mga bata laban sa pang-aabuso

c)

c. Pigilan ang mga kababaihan na lumahok sa pulitika

d)

d. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan sa lahat ng larangan

5.

Alin sa sumusunod ang isang karapatan ng kababaihan sa ilalim ng Magna Carta of Women?

a)

a. Karapatan sa libreng pabahay

b)

b. Karapatan sa libreng negosyo

c)

c. Karapatan sa patas na pagtrato sa harap ng batas

d)

d. Karapatang mamili ng kanilang kasarian

6.

Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na marginalized women sa ilalim ng batas?

a)

a. Mga babaeng may mataas na posisyon sa gobyerno

b)
  • b. Mga babaeng may negosyo

c)
  • c. Mga babaeng may mataas na pinag-aralan

d)

d. Mga babaeng kabilang sa mahihirap na sektor ng lipunan

7.

Ano ang kahulugan ng Women in Especially Difficult Circumstances sa ilalim ng Magna Carta of Women?

a)

a. Mga babaeng nag-aaral ng mahihirap na kurso

b)

b. Mga babaeng nasa mapanganib o mahirap na kalagayan tulad ng biktima ng pang-aabuso

c)

c. Mga babaeng may mataas na katungkulan sa pamahalaan

d)

d. Mga babaeng hindi kasal ngunit may anak

8.

Kailan naisabatas ang Magna Carta of Women?

a)

a. 2004

b)

b. 2009

c)

c. 2015

d)

d. 1995

9.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga itinuturing na "anak" sa ilalim ng batas?

a)

a. Anak na wala pang 18 taong gulang

b)

b. Anak na higit sa 18 taong gulang na may kakayahang alagaan ang sarili

c)

c. Anak ng babaeng inabuso na hindi niya tunay na anak ngunit nasa ilalim ng kanyang pangangalaga

d)
  • d. Anak na lehitimo o hindi

10.

Alin sa mga sumusunod ang hindi itinuturing na isang uri ng karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak sa ilalim ng RA 9262?

a)

a. Pisikal na pananakit

b)

b. Sikolohikal o emosyonal na pang-aabuso

c)

c. Pagbibigay ng suportang pinansyal sa babae

d)

d. Sekswal na pang-aabuso

11.

Ang RA 9710 ay kilala rin bilang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Ang RA 9262 ay kilala rin bilang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

a)

Tama

b)

Mali

13.
  • Ang RA 9262 ay sumasaklaw din sa mga anak na higit sa 18 taong gulang kung sila ay walang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang kanilang sarili.

a)

Tama

b)

Mali

14.
  • Isa sa mga layunin ng RA 9710 ay tiyakin ang pantay na pagtrato sa kababaihan at kalalakihan sa trabaho at edukasyon.

a)

Tama

b)

Mali

15.
  • Ang isang babae na nakaranas ng pang-aabuso mula sa kanyang dating kasintahan ay hindi maaaring humingi ng proteksyon sa ilalim ng RA 9262.

a)

Tama

b)

Mali

16.
  • Hindi maaaring kasuhan ang isang lalaki sa ilalim ng RA 9262 kung ang pananakit na ginawa niya sa babae ay minsan lang nangyari.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Ang RA 9710 ay isang batas na naglalayong alisin ang diskriminasyon laban sa kababaihan at isulong ang kanilang karapatan bilang mamamayan.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, ay saklaw ng RA 9710 o Magna Carta of Women.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Ang mga kababaihang kabilang sa marginalized sector, tulad ng mga magsasaka at mangingisda, ay saklaw ng RA 9710.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Ayon sa RA 9710, walang batas na nagbabawal sa diskriminasyon laban sa kababaihan sa trabaho, gobyerno, media, at sports.

a)

Tama

b)

Mali