Font size
WorksheetsPagsusulit sa Filipino 10
Total questions: 57
Worksheet time: 46mins
Ano ang damdaming nangingibabaw sa Mongheng Mohametano nang kaniyang ipahayag ang ganito? “Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang sultan.”
kalungkutan
kapighatian
kasiyahan
katapangan
“Bakit hindi mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?”, tanong ng vizier sa Mongheng Mohametano. Ano ang damdaming nakapaloob sa pahayag?
nagdadalamhati sapagkat matatanggal na siya bilang ministro
nagdududa sapagkat tila may kakaiba sa Mongheng Mohametano
natutuwa sapagkat mayroong naglakas ng loob na sumuway sa sultan
nababahala sapagkat nagalit ang sultan sa ikinilos ng Mongheng Mohametano
Anong aral ang iyong natutunan sa binasang anekdota? Ano ang nahihinuhang damdamin ng sumulat ng tula?
Panatilihing mapagkumbaba sa lahat ng panahon.
Hindi hinihingi ang respeto dahil kusa itong ibinibigay.
Ang mga taong nasa posisyon ang dapat magsilbi sa mamamayan.
Huwag gamitin ang iyong posisyon para ikaw ay galangin ng ibang tao.
Alin sa mga nabanggit sa saknong 1 ang makatotohanang masasalamin sa pandaigdigang pangyayari sa kasalukuyan?
Ang buhay ng tao ay pabago-bago
May saya at lungkot sa buhay ng tao
Mawawala din ang sakit na nararamdaman
Maraming kaibigan ang nasasaktan sa kasalukuyan
Makikita sa saknong 2 na ang pagkakasala sa kaibigan ay ______.
kahihiyan
insulto
masama
hindi pagkakasala
Anong pangyayari sa kasalukuyan ang maaaring iugnay sa tulang napakinggan?
bahagi sa buhay ng tao ang saya at kalungkutan
kawalan ng pagkapantay-pantay ng mga tao
mas malakas ang masamang gawa sa mabuti
maghanap ng bagong paborito araw-araw
Alin sa mga sumusunod ang suliraning nangingibabaw sa napakinggang bahagi ng akda ang maiuugnay sa kasalukuyang pangyayari sa daigdig?
di pagkakaunawaan
masamang gawa
kasiyahan
kalungkutan
Anong tradisyon ng Africa ang masasalamin sa binsang sipi ng nobela?
hilig sa babala
paggamit ng mahika
paniniwala sa hula
paniniwala sa pamahiin
Batay sa binasang sipi ng nobela, alin sa mga sumusunod ang kakikitaan ng paniniwala ng mga african sa hula-hula?
Pagbibigay ng babala
Pagkausap kay Ogbuefi
Pagkonsulta sa orakulo
Paggamit ng ekwe
Si Rosita ay naimbitahan sa isang pagdiriwang. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
Si Rosita ay naimbitahan sa isang pagdiriwang. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
kasalukuyang inaanyayahan
aanyayahan pa lamang
tapos ng naanyayahan
hindi na aanyayahan
Ang taong nagpakain ng mga kapus-palad, ang siyang laging pinagpapala ng Diyos. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
magbibigay pa lamang ng pagkain
kasalukuyang namimigay ng pagkain
tapos na nagbigay ng pagkain
nagbigay ng pagkain
Ang singsing na kanyang isinuot ay makislap. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
madilim
malabo
makinang
maliwanag
Ang pangalawang taludtod sa tula ay nagpapahiwatig ng damdaming __.
kalungkutan
kasiyahan
pagkabigo
pagkamuhing
Ano ang nais ipagpapakahulugan ng salitang taghoy sa tula?
dinidikta
laman
ninanais
sigaw
Ano ang pagpapakahulugan ng pahayag na may salungguhit sa tula?
pagdilig
pagluha
pagtakas
pasakit
Iayos ang sumusunod na salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahayag.
Tampo, Pikon, Galit, Inis, Suklam, Poot
Pikon, Galit, Tampo, Inis, Suklam, Poot
Inis, Pikon, Galit, Tampo, Suklam, Poot
Pikon, Tampo, Inis, Galit, Suklam, Poot
Iayos ang sumusunod na salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahayag.
Namayani, Nangibabaw, Naghari, Namayagpag
Namayani, Nangibabaw, Namayagpag, Naghari
Nangibabaw, Namayani, Naghari, Namayagpag
Namayani, Naghari, Nangibabaw, Namayagpag
Iayos ang sumusunod na salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahayag.
Galak, Ligaya, Saya, Tuwa
Ligaya, Saya, Tuwa, Galak
Saya, Tuwa, Galak, Ligaya
Tuwa, Galak, Ligaya, Saya
Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa sa kaniyang sarili? Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na ito?
Pagkabagot
Pagkagalit
Paghihinayang
Pagkalungkot
Anong damdamin ang nangibabaw sa akda?
pagkalungkot
paghihinakit
pagkabalis
panghihinayang
Anong damdamin ang nangingibabaw sa akda?
pag-asa
pagkatakot
paghihinayang
pagkalungkot
Kung si Nelson Mandela ay ang kauna-unahang pangulong itim ng Africa, sa Rodrigo Duterte naman ay kauna-unahang ________
pangulo ng Pilipinas
abogadong pangulo
Bisayang pangulo
nagmula sa Mindanao
Kung ang tulang elehiya ay para sa patay, ang sanaysay ay para sa _________________
talumpati
sawikain
kasabihan
salaysay
Ang presidente ay para sa bansa, ang guro naman ay para sa _____
klinik
paaralan
silid-aklatan
kaalaman
Tukuyin ang salitang HINDI kabilang sa pangkat.
doktor, guro, dentista, abogado
salamangkero, manghuhula, panday, manggagamot
mahiwaga, anting-anting, kapangyarihan, agimat
manunulat, makata, artista, mananayaw
Tukuyin ang salitang HINDI kabilang sa pangkat.
masunurin, mapagmahal, mapagbigay, mahinhin
naglalaro, nagsusulat, nagsusumamo, nagbubunot
kumakain, umiinom, mahalimuyak, natutulog
maunawain, matalino, maaalahanin, maaasahan
Tukuyin ang salitang HINDI kabilang sa pangkat.
Maikling Kwento, Tula, Sanaysay, Nobela
Brazil, Chile, Colombia, Costa Rica
Sukat, Tugma, Talinghaga, Kariktan
Pagtutulad, Pagwawangis, Pagsasalin, Pagtatangi
Alin sa mga sumusunod ang angkop na tuwirang pahayag na nagpapahayag ng malasakit sa mga frontliners sa panahon ng pandemya?
“Sumunod sa health protocols para sa kapakanan ng kapwa.”
Ayon sa DOH, huwag tayong magpakalat ng maling impormasyon sa social media.
“Magbigay ng face masks sa mga humihingi lamang nito.
”Sinabi ng doktor na sikaping huwag lumabas ng bahay kung hindi kailangan
Paano mo ipapahayag ang kasabihan gamit ang di tuwirang pagpapahayag.
Winika ni Rizal na dapat mahalin ang wika
Ayon kay Rizal na ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda
Binanggit ni Rizal na ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda
Sinambit ni ni Rizal na higit pa sa hayop at malansang isda ang hindi magmahal sa sariling wika
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang sumusulong sa wikang pambansa?
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
“Ang kalagayan kung saan may katahimikan at walang alitan.”
“Ang di-magmahal sa kanyang salita, mahigit sa hayop at malansang isda”
“Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.”
Kung ang bansang Kenya ay naniniwala sa mga Mito at ang bansang Persia ay mahilig sa anekdota, anong konklusyon ang iyong mahihinuha sa dalawang bansa?
Ang dalawang bansa ay mayaman sa panitikan.
Higit na marurunong ang Persian kaysa sa Kenyan.
Mayaman sa iba’t ibang panitikan ang dalawang bansa.
Walang kaisahan ang dalawang bansa sa kanilang paniniwala.
Ayon sa mga Persian, ang lahat ng buhay sa daigdig ay nagmula sa isang puno na tumubo mula sa bangkay ni Gayomard. Nagpapakita lamang ito na sila ay ______.
naniniwala sa mga mito
sumasamba sa maraming diyos
mahili
g lahat ng buhay sa daigdig ay nagmula sa isang puno na tumubo mula sa bangkay ni Gayomard. Nagpapakita lamang ito na sila ay ______.
naniniwala sa mga mito
sumasamba sa maraming diyos
mahilig sa mga sabi-sabi
walang alam sa Siyensya.
Para sa bilang 33-34. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon. 33.
Perpekto ang kaaway ng kabutihan
Ang pagiging perpekto ang tunay na kalaban ng kabutihan.
Ang tanging kalaban ng kabutihan ay ang pagiging perpekto.
Ang kalaban sa pagiging mabuti ay ang pagiging perpekto
Para sa bilang 35-40. 35. Anong katangian ni Mullah Nassreddin ang naibigan ng mga tao?
pinakamagaling na hari
pinakamabuting komedyante
pinakamahusay sa pagkukuwento
pinakamahusay sa pagsusulat ng kuwento
Paulit-ulit na nililisan ni Mullah Nassreddin ang mga tao ngunit paulit-ulit din siyang iniimbitahan upang mapakinggan ang kaniyang talumpati. Ito ay nagpapahiwatig na ang mga tao ay ________________.
tunay na palaban
may taglay na tikas at tapang
hindi napapagod mapahiya nang paulit-ulit
interesado sa karunugang ibabahagi sa kanila
Kilala si Mullah Nassreddin sa kanilang lugar bilang ___________.
pinakamagaling na hari
pinakamabuting komedyante
pinakamahusay sa pagkukuwento
pinakamahusay sa pagsusulat ng kuwento
Batay sa anekdotang binasa, ano ang dulot sa tao
Batay sa anekdotang binasa, ano ang dulot sa tao ng pagpapatawa, ayon sa paniniwala ng Sufis?
naghahatid ng suwerte sa mga tao
nagdudulot ng kasiyahan sa mga tao
nagpapayaman sa kaalaman ng mga tao
nagdadala ng ibayong pagpapala sa mga tao
Tungkol saan ang paksa ng anekdotang Mullah Nassreddin?
pananampalataya
karanasan sa buhay
kuwento ng kaibigan
paninindigan sa buhay
Batay sa anekdota, tama ba ang ginawa ng ni Mulah Nasreddin na iwan ang mga taong nakikinig sa kanya kapag HINDI akma ang sagot sa kanyang mga katanungan?
Oo, dahil bahagi iyon ng kanyang palabas.
Oo, sapagkat hindi madali ang maging isang tagapagsalita.
Hindi, sapagkat hindi gawain ng isang propesyunal ang mang-iwan sa gitna ng palatuntunan
Hindi, dahil dapat ay panatilihin ang pagiging pasensiyoso ng isang tao sa lahat ng panahon.
Ang tekstong nasa kahon ay napabilang sa akdang pamapanitikang sanaysay. Anong katangian ang HINDI nagpapakita sa kaibahan ng sanaysay sa iba pang akda?
nanunuligsa
namumuna
nangangaral
nagbibigay-impormasyon
Ano ang pagkakaiba ng sanaysay sa iba pang akda?
Ito ay madalas na tungkol sa napapanahong isyu kumpara sa ibang akda
May layuning magbahagi ng impormasyon gaya ng ibang akda
Ito ay nagsasalaysay o nagkukwento ng mga pangyayari
Naglalayong magbigay aliw sa mga mambabasa nito
Isa sa katangian ng sanaysay ay ang paglalahad ng damdaming nagbababala? Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng katangiang ito?
Tara, punta tayo roon.
Hindi kita iiwan, pangako iyan.
Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.
Gagawin ni Okonkwo ang lahat upang mapanatili ang kanyang katapangan kahit patayin pa niya ang kanyang anak-anakan na si Ikemefuna. Anong teoryang pampanitikan ang sinasalamin ng sitwasyon na ito?
Humanismo dahil binibigyang-tuon nito ang kalakasan at kahinaan ng pangunahing tauhan.
Realismo dahil nagpapakita ang pangunahing tauhan ng kanyang pagpapakatotoo na walang halong pagkukunwari.
Sosyolohikal dahil ipinamamalas ng pangunahing tauhan ang kultura at tradisyon ng lugar na kanyang kinalakhan.
Moralistiko dahil pinahahalagahan ng pangunahing tauhan ang moralidad, disiplina at kaayusan ng mga tao o bagay na nakapaligid sa kanya.
Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa, hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith. Anong teoryang p
Anong teoryang pampanitikan ang sinasalamin ng pangyayari na ito?
Humanismo dahil binibigyang-tuon nito ang pagiging marangal ng tauhan na ang tao ang sentro ng mundo.
Realismo dahil nagpapakita ng karanasan ng tao at lipunan sa isang katotohanang pamamaraan.
Sosyolohikal dahil mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan at pagpapamalas sa kultura ng bansa.
Moralistiko dahil pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda.
Mula sa napakinggang bahagi ng nobela, ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang mga desisyon sa buhay?
may determinasyon
may iisang salita
mapaghiganti
puno ng hinanakit
Batay sa ipinapahayag sa sipi, ano ang paniniwala ng mga misyonero tungkol sa pananampalataya?
palaganapin ang Kristiyanismo
may tatlong persona sa iisang Diyos
mabuti ang pagsamba sa mga diyos-diyosan
dapat magkaroon ng seremonya tungkol sa pagsamba sa Bathala
Bakit nasabi ni Obierika ang mga katagang ito? “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kanyang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.”
Isang pangkaraniwang bagay lamang ang pagpapatiwakal.
Para sa kanila ang taong nagpatiwakal ay parang isang hayop.
Para sa kanila ang pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan.
Ang pagkitil sa sariling buhay ang maghahatid sayo sa kaluwalhatian.
Ang pangungusap tatlo (3) sa teksto ay nagpapakita na si Haring Ahmad ay isang ______ na pinuno ng Pate.
mabangis
malupit
marahas
mapaghangad
Batay sa akda, anong katangian ang ipinakita ni Liongo?
matapang
mapagnais
mapagmahal
marunong
Bakit nasaktan ng isang kaibigan?
Ang isang masamang gawa ba ay mas malakas kaysa sa isang daang mabuti?
Dapat ba tayong maghanap ng mga bagong paborito araw-araw?
Gamit ang ekwe, napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng kaunting sundot ng budhi si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya si Ogbuefi Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna.
