wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 8

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?

a)

Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam  niyang pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at  sa Diyos.

b)

Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa kaniyang pinanggalingan.

c)

Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.

d)

Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa kaniyang kalooban.

2.

Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat? 

a)

Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit

b)

Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat

c)

Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya  ang trabaho nito

d)

Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa

3.

Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?

a)

Nagiging mas pokus ang  kaisipan at  may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.

b)

Naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog na presyun ng dugo at pulse rate.

c)

Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat.

d)

Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.

4.

Ano ang entitlement mentality?

a)

Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.

b)

Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.

c)

Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.

d)

Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang pangangailangan.

5.

Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:

a)

Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa

b)

Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay

c)

Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila 

d)

Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao

6.

Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:

        

a)

pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang.        

b)

pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay.

c)

paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang mga magulang.

d)

pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang  pagpapahalaga at pagmamahal sa kaniya.

7.

Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng

                                                        

a)

kalooban   

b)

damdamin       

c)

    isip  

d)

konsensya

8.

Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ang pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?

       

                                               

 

a)

Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa

b)

Pagpapasalamat

c)

Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo

d)

     Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya

9.

Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?

a)

Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo

b)

Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang

c)

Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong

d)

Ang kawalan ng utang ng loob sa taong tumutulong

10.

Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa:

a)

Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng makakaya

b)

Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso

c)

Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan

d)

Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de edad

11.

Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng ___________.

       

                      

 

a)

pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.   

b)

pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.

c)

pagbibigay ng halaga sa isang tao.

d)

pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.

12.

Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng kakayahang magpasakop?”

 

a)

Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.

b)

Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.

c)

Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos.

d)

May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang magpasakop at sumunod.

13.

Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?

                     

                               

a)

Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya.

b)

Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya.

c)

Nabubuklod nito ang mga henerasyon.

d)

     Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.

14.

Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?

a)

Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.

b)

Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.

c)

Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.

d)

Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.

15.

Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa:

a)

pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin.

b)

pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kaniya.

c)

pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagsunod.

d)

pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.

16.

Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob ng isang bata, ang bata ay________.

a)

madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang.

b)

nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay.

c)

nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinatakda.

d)

kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang.

17.

Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang naging lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang walang pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay nagpapakita ng ____________:

                                                                          

a)

katarungan

b)

kasipagan 

c)

pagpapasakop

d)

pagsunod

18.

18. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang kanilang mga anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito nang maayos. Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatatag nila ang kanilang samahan sa pamamagitan ng ________:

 

a)

sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo.

b)

pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone / email kung nasa malayong lugar.

c)

pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga.

d)

pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.

19.

19. Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod silang apat na magkakapatid. Ngunit siya ay kinakikitaan ng ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalalahanan siya ng kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksyon ni Vangie. Ano ang nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon?

a)

Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon.

b)

Kausapin si Vangie at ipaintindi na nasa lahi nila ang pagiging magaling.

c)

Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie. Kumilos nang ayon sa mga natuklasang dahilan.

d)

Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano siya nang walang pagtatangi.

20.

20. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?

a)

Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin kung ano ang inaasahan na tama.

b)

Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may awtoridad na nabubuhay nang mabuti.

c)

Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali, lalo na kung hindi naman ikaw ang naapektuhan.

d)

Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas.

21.

21. Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit. Minsan nahuli siyang may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga kamag-aral. Ano ang maaaring ibunga nito kay Manuel kaugnay ng pagtingin sa kaniya na isang magaling na mag-aaral?

      

            

 

a)

Hindi na siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit. 

b)

Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang masmaging magaling

c)

Hindi na siya paniniwalaan at pagkakatiwalaan

d)

Hindi na siya kakaibiganin ng mga mag-aaral

22.

22. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagsasabi ng totoo maliban sa:

a)

Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.

b)

Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban.

c)

Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa isang tao hindi upang masisi, maparusahan at masaktan.

d)

Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento.

23.

23. Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa huli.

 

            

          

        

          

a)

Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao 

b)

Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan

c)

 Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa

d)

Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao

24.

24. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa panuntunan sa paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na magulang niya.

 

          

          

          

        

a)

Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao   

b)

Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan

c)

Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao

d)

Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa

25.

25. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.

         

          

          

a)

Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao   

          

b)

Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan

c)

Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa

d)

Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao

 

26.

26. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan.

             

          

          

            

a)

Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao

b)

Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan

c)

Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa

d)

Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao

27.

27. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nasaan ang kaniyang ama ay hindi pa rin nagsalita si Alvin.

 

                                          

                                   

a)

Pag-iwas

b)

Pananahimik

c)

Pagtitimping pandiwa (mental reservation)

d)

Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

28.

28. Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito.

 

                                            

                                  

a)

Pag-iwas

b)

Pananahimik

c)

Pagtitimping pandiwa (mental reservation)

d)

Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

29.

29. Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay Charmaine. Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala kay Rene na mag-isip nang malalim at ang kaniyang sagot ay maaaring mayroong dalawang kahulugan.

 

                                        

                                  

a)

Pag-iwas

b)

 Pananahimik  

c)

Pagtitimping pandiwa (mental reservation)

d)

Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

30.

30. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin para sa kaniyang mga magulang na matagal na nawala at hindi niya nakasama. Mas ipinararamdam na lamang niya rito na siya ay nasasaktan sa kaniyang tanong sa halip na sabihin niya rito ang tunay niyang nararamdaman.

 

                                          

                                  

a)

Pag-iwas   

b)

Pananahimik

c)

Pagtitimping pandiwa (mental reservation)

d)

Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

31.

31. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tunay na kabutihang-loob?




a)

Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit.

b)

Tumulong sa iba ngunit may hinihintay na kapalit.

c)

Maging mabuti sa mga taong may maibabalik na pabor sa iyo.

d)

Gawing negosyo ang pagtulong sa iba.

32.

32. Ano ang nagiging bunga ng pagiging mapagpasalamat?




a)

Depresyon

b)

Kasiyahan at positibong pananaw sa buhay

c)

Kawalan ng tiwala sa sarili

d)

Galit at sama ng loob

33.

Kailan dapat magpasalamat?




a)

Kapag may natanggap na regalo o biyaya

b)

Kapag may magandang nangyari lamang

c)

Sa lahat ng pagkakataon, mabuti man o hindi ang sitwasyon

d)

Kapag may nakamasid na ibang tao

34.

Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa magulang at may awtoridad?



a)

Kung kinikilala mo ang kanilang halaga at pagiging gabay sa buhay

b)

Kung binibigyan ka nila ng materyal na bagay

c)

Kung hindi sila humihigpit sa iyo

d)


Kung hindi nila pinakikialaman ang iyong desisyon

35.

Ano ang tamang pananaw tungkol sa paggalang?



a)

Pipiliin lamang ang mga taong gagalangin.

b)


Dapat igalang ang lahat, kahit hindi natin sila gusto.

c)

Susundin lamang ang gusto nating sundin.

d)

Hindi mahalaga ang paggalang kung wala namang nagmamasid.

36.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng tunay na pagsunod?



a)

Susundin lamang ang utos kung may benepisyong matatanggap.

b)

Sumusunod nang walang hinihintay na kapalit.

c)

Gumagalang sa nakatatanda kahit hindi nakatingin ang iba.

d)


Nakikinig at nagpapakita ng respeto sa opinyon ng iba.

37.

Ano ang paniniwala tungkol sa pagiging maganda o mabuti ng tao?



a)

Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay may angking kabutihan.

b)

May tao talagang isinilang na masama.

c)

Ang kagandahang-loob ay hindi likas sa tao.

d)


Ang kabutihan ay natutunan lamang sa eskwelahan.

38.

Ano ang kahulugan ng kagandahang-loob?




 

a)

Ang ugat ng mabuting pag-iisip, damdamin, at gawa.

b)

Ang paggawa ng mabuti kung may kapalit.

c)

Ang pag-aalaga lamang sa mga malalapit sa iyo.

d)

Ang pagtulong sa kapwa kung ito ay kinakailangan lamang.

39.

Paano naipapakita ang kagandahang-loob sa pamayanan?




a)

Sa pagmamahal at pagkalinga sa kapwa

b)

Sa maayos at mapayapang pakikitungo sa iba

c)

Sa pagiging mabuting kapitbahay

d)

Lahat ng nabanggit

40.

Kailan dapat gumawa ng kabutihan?


a)

Kapag may gantimpalang matatanggap

b)


Kapag may nakatingin na iba

c)


Sa lahat ng pagkakataon, hindi lamang sa mga taong kayang suklian ang kabutihang ginawa

d)

Kapag may hinihintay na kapalit

41.

Ano ang kailangan sa tunay na paggawa ng kabutihan?




a)

Pagsasakripisyo

b)

Pagtitipid

c)

Pananahimik

d)

Pagtatanong kung sulit ba ang kabaitan

42.

Ano ang tinutukoy ni Aristoteles bilang “ultimate end” o huling layunin ng tao?




a)

Yaman

b)

Kapangyarihan

c)

Kaligayahan

d)

Katanyagan

43.

Ano ang katangian ng isang matapat na tao?



a)

Hindi kailanman nagsisinungaling.

b)

Hindi kumukuha ng hindi kanya.

c)

Hindi nandaraya o nanloloko.

d)

Lahat ng nabanggit

44.

Bakit mahalagang magtaglay ng mataas na pamantayang moral?




 

a)

Upang makaiwas sa gulo

b)

Upang maging tapat sa salita at gawa

c)

Upang mapasama sa mga sikat na grupo

d)

Upang hindi mapansin ng iba

45.

Ano ang dapat isaalang-alang sa bawat iniisip, sinasabi, at ginagawa?




a)

Dapat laging yumayakap sa katotohanan.

b)

Dapat laging pinapaboran ang sarili.

c)

Dapat laging iniisip ang opinyon ng iba.

d)

Dapat laging iniwasan ang pagsasalita ng totoo kung masakit ito.

46.

Ano ang nagiging epekto ng pagsasabi ng totoo?




a)

Kapayapaan ng kalooban

b)

Kawalan ng tiwala sa sarili

c)

Pagtatago ng damdamin

d)

Pag-iwas sa responsibilidad

47.

Bakit mahalaga ang pagsasabi ng katotohanan?



a)

Dahil ito ang nagdadala ng aral sa buhay.

b)


Dahil mas masakit malaman ang katotohanan kung tinakpan ito ng kasinungalingan.

c)

Dahil ito ay makakaiwas sa hindi pagkakaunawaan at kalituhan.

d)

Lahat ng nabanggit.

48.

Ano ang natatanging paraan upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?




a)

Pagsasabi ng totoo

b)

Pagsasabi ng kalahating katotohanan

c)

Pagtatago ng impormasyon

d)

Pag-iwas sa usapanB. Pagsasabi ng kalahating katotohanan

49.

Ano ang tawag sa pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit makapinsala sa iba?



a)

Selfish Lying

b)

Self-enhancement Lying

c)

White Lie

d)


Accidental Lying

50.

50. Ano ang tawag sa pagsisinungaling upang maiwasan ang kahihiyan, sisi, o parusa?




a)

Selfish Lying

b)

Self-enhancement Lying

c)

White Lie

d)

Accidental Lying