Worksheets3rd Quarter Summative
Total questions: 50
Worksheet time: 26mins
Ang sangay ng Ekonomiks na nakatuon sa pag- aaral ng kabuuan ng pang-ekonomikong kalagayan ng buong lipunan.
Sosyoekonomiks
Makroekonomiks
Paraekonomiks
Maykroekonomiks
Ito ay ang modelo o dyagram na naglalarawan sa ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya at ipinapakita kung paano tumatanggap ng kita at gumagasta ang bawat sektor.
Datos Pang Ekonomiya ng Bansa.
Paikot na Daloy ng Pambansang Ekonomiya
Pambansang Ugnayan ng mga Sektor sa Ekonomiya
Datos ng mga Uganyan ng Sektor sa Ekonomiya
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay mahalaga dahil nauunawaan natin ang ugnayan at gawain ng bawat sektor ng ___________.
Agrikultura
Industriya
Ekonomiya
Paggawa
Ito ang sektor na kabilang sa paikot na daloy ng ekonomiya na pinanggagalingan ng lupa, paggawa, at kapital.
Pamilihan ng Salik ng Produksyon
Pamahalaan
Pamilihan ng Kalakal at Paglilingkod
Pamilihang Pinansiyal
Paano mailalarawan ang relasyon ng bahay-kalakal at sambahayan sa paikot na daloy?
Parasitism
Dependency
Interdependence
Interrelation
Ang pag-aangkat (import) at pagluluwas (export) ay mga gawain na kabilang sa:
Panlabas Na Sektor
Bahay- kalakal
Sambahayan
Pamahalaan
Ang pamilihang pinansyal ay may kaugnayan lamang sa bahay-kalakal kung ito ay may pagpapaplano sa hinanarap gaya ng pagpapalawak ng negosyo, at pagdadagdag ng produksiyon.
pag-iimpok
pangungutang
pamumuhunan
pagbebenta.
Ito ay tumutukoy sa kita ng pamahalaan na nakukuha mula sa buwis na nakokolekta ito.
Interes
Kapital
Tariff
Public Revenue
Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya ay may limang modelo. Anong modelo ang pinapakita ng larawan sa ibaba?
Ikalawang Modelo
Ikatlong Modelo
Ika-apat na Modelo
Ikalimang Modelo
Ito ay ang kabuuang kitang pinansyal ng lahat ng sektor na nasasakupan ng isang bansa o estado.
Pambansang Kita
Kitang Panloob
Kitang Panlabas
Kabuuang Kita
Ayon kay Villegas at Abola (1992), mga Pilipinong Ekonomista, may tatlong paraan sa pagsukat ng Gross National Income. Alin ang hindi kabilang?
Expenditure Approach
Income Approach
Subsidy Approach
Industrial Origin Approach
Si Mrs. Park ay isang Koreana na nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Saan dapat isinasama ang kanyang kinikita dito sa Pilipinas kahit na siya ay isang Koreana?
Sa Gross Domestic Product ng Korea dahil mamamayan siya nito
Sa Gross National Income ng Pilipinas dahil nagmula ang kaniyang kinikita
Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kaniyang kinikita
Sa Gross Domestic Product ng Korea at Pilipinas dahil nagmula ang kaniyang kinikita.
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan sa isang bansa?
Gross Domestic Product
Expenditure Approach
Gross National Income
Income Approach
Ayon sa DTI, dumami ang mga nagtayo ng online business katulad ng shopee at lazada. Ang kita ng mga online business ay kabilang sa pagsukat ng pambansang kita sa paraan ng:
Expenditure Approach
Economic Freedom Approach
Industrial Origin Approach
Income Approach
Bakit mahalagang sukatin ang pambansang kita ng bawat bansa?
Upang magkaroon ng datos ukol dito
Upang malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa.
Upang makaiwas sa pagkalugi ang mga negosyante
Upang magsilbing basehan kung sino ang pinakamayaman na bansa
Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto.
Sinusukat ng Gross National Income ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.
Ang Gross National Income ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.
Mga gawain na kabilang sa impormal na sektor ay kasama sa sinusukat ng Gross National Product.
Kita ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income.
Ang _______ ay halaga ng produksyon sa loob at labas ng bansa sa loob ng isang taon.
Gross National Income
Gross Domestic Product
Real GNI
Nominal GNI
Ang mga sumusunod ay mga limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita. Alin ang hindi kabilang?
Hindi pampamilihang gawain
Kalidad ng buhay
Pormal na sektor
Externalities
Alin sa mga sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa?
Mataas na remittance ng mga Overseas Foreign Workers (OFW)
Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo
Maayos ng pamumuno ng pamahalaan sa pamumuhunan
Wala sa mga nabanggit
Ang Implasyon ay isang suliraning pang-ekonomiya na kinakaharap ng maraming bansa. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay pakahulugan sa implasyon?
Pagbaba ng pangkahalatang presyo ng mga bilihin.
Pagtaas ng pangkahalatang presyo ng mga bilihin.
Pagbaba ng halaga ng salapi.
Pagtaas ng halaga ng salapi.
Alin sa ibaba ang nagpapakita ng demand-pull?
Si Mang Juan ay gumagawa ng sinturon. Biglang nagmahal ang mga materyales na ginagamit niya.
Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay nauusong gadget ng mga kabataan ngayon.
Naglabas ng paalala ang MERALCO na magtataas ang bayarin sa kuryente.
Nagkakaroon ng kakulangan sa mga hilaw na sangkap sa paggawa ng produkto.
Ang pagbaba ng halaga sa presyo ng mga produkto o serbisyo ay tinatawag na ______________.
implasyon
depresasyon
deplasyon
hyperinflation
Sino sa mga sumusunod ang tuwirang nakikinabang sa implasyon?
Si Grasya na pinautang ng 1000 piso ang kanyang kaibigan.
Ang nanay ni Julia na isang guro na may tiyak na sweldo kada buwan.
Ang kapatid ni Francis na malaki na ang naiipon sa alkansya.
Si Miguel na isang negosyante na malakas ang loob.
Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang sweldo ng iyong tatay para tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya. Ang pinakamalaki ninyong gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang iyong maimumungkahi upang mapagaan ang problema ng pananalapi ng iyong pamilya?
Huwag nang gumastos
Bumili ng mura ngunit masustansiyang pagkain
Huminto muna sa pag-aaral
Gumawa ng bagay na mapagkakakitaan
Bilang isang mamimili, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang makatiyak sa presyo.
Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.
Sa pamamagitan ng __________policy ay isinasagawa ng pamahalaan ang paggasta sa mga proyektong pampamahalaan at pagpapababa sa buwis.
contractionary Fiscal
expansionary Fiscal
demand Pull
cost - push
Ipatutupad ang patakarang ito kapag nasa alanganing pagtaas ang mga presyo sa ekonomiya.
contractionary Fiscal
expansionary Fiscal
demand Pull
cost - push
Ang mga sumusunod ay pinagmumulan ng pondo ng ating pamahalaan, alin ang HINDI kabilang?
Buwis
Sa mga salaping nakalagak sa Bangko Sentral ng Pilipinas
Pagbebenta ng ari-arian at mga kompanyang pag-aari ng pamahalaan.
Mula sa iba't ibang kagawaran ng pamahalaan
Halagang nakalaan upang makabili ng mga produkto at serbisyong makapagdaragdag sa asset ng pamahalaan tulad ng Government-owned and Controlled Corporation (GOCC).
Current Operating Expenditures
Capital Outlays
Net Lending
Budget Allocation
Kinokolekta ng tuwiran at direkta ang buwis mula sa mga indibidwal at bahay- kalakal sa pamamagitan ng .
excise tax
proporsiyonal na buwis
sales tax at income tax
witholding tax
Titipunin ng Department of Budget and Management ang mahahalagang dokumentong bubuo sa President's Budget at National Expenditure Program at ipapasa sa _______________ upang sang-ayunan at maging isang ganap na batas.
Senado
Pangulo
Kongreso
Bangko Sentral ng Pilipinas
Ang ipinapatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas kung saan ibinaba ang interes sa pagpapautang para maraming mamumuhunan ang mahihikayat na humiram ng pera para idagdag sa negosyo.
contractionary money policy
expansionary money policy
demand money policy
supply money policy
Anong bangko ang itinatag upang mapangalagaan ang kabuuang ekonomiya ng bansa?
Bangko Sentral ng Pilipinas
Development Bank of the Philippines
Land Bank of the Philippines
Rural Banks of the Philippines
Ang polisiyang ipinapatupad ng BSP para mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan.
expansionary money policy
contractionary money policy
demand money policy
supply money policy
Ito ay ang bangkong pag - aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan.
Thrift Banks
Rural Banks
Land Bank of the Philippines
Specialized Government Banks
Ano ang tawag sa institusyong di - bangko na itinatag upang magpautang sa mga taong madalas mangangailangan ng pera ngunit may kolateral?
pawnshop
insurance companies
pre - need companies
kooperatiba
Ang mga sumusunod ay mga tinatawag na regulator, maliban sa isa ____________.
BSP
PDIC
RISK MANAGEMENT
DBP
Layunin ng pamahalaan na lahat ng empleyado sa bansa ay mabigyan ng proteksyon lalo sa oras ng pangangailangan at sa panahon ng pagreretiro. Aling ahensya ng pamahalaan ang nagbibigay seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya?
PAG-IBIG Fund
Government Service Insurance System
PhilHealth
Social Security System
Ano ang tawag sa rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng Karapatan ng Komisyon ng Seguro (Insurance Commission) na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas?
Insurance Companies
Registered Companies
Pre - Need Companies
Risk Management Companies
Ang nanay ni Jessica ay isang guro at ang kanyang tatay naman ay isang sundalo. Anong ahensyang nangpamahalaan ang nagbibigay ng seguro (life insurance) sa mga kawanin nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno katulad ng kanyang mga magulang?
Social Security System (SSS)
Government Service Insurance System (GSIS)
Pag - IBIG Fund
Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)
Ang itinalaga ng batas na maging receiver at liquidator ng nagsasarang bangko?
PDIC
SEC
IC
DBP
Halimbawang ikaw ay may ipon na limamg libong peso (5,000.00) sa bangko, ano ang pinakamainam mong gawin upang lumago ito?
ilagay sa mga investment programs ng bangko
manatiling savings account ng bangko upang hindi magastos or mawala ang ipon
gawing puhunan sa uumpisahang negosyo
ipapautang ito upang kumita ng interes
Bilang isang responsableng mamayan ay kinakailangan na may kaalaman ka sa kahalaghan ng pag-iipon para sa kinabukasan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa kahalagahan ng savings?
upang may mailagak sa mga financial intermediaries tulad ng bangko
upang magamit ng mga bangko ang ipon ng mga indibiduwal sa pagpapautang at pagpapahiram sa mga gustong mag-loan
upang maitago nang matagal ang pera at hindi ito magagastos
upang ang mga nag-loan ay magagamit ang nahiram sa pagpapalago ng kanilang mga asset at mga negosyo.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahalagang pinagagamitan ng pera?
ginagamit sa pagpapalago ng negosyo
ginagamit upang maubos at kumita pa ng mas maraming pera
ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan.
ginagamit upang matupad ang mga pangarap sa buhay
Bakit kinakailangan ng matalinong pag-iisip at pagdedisisyon sa pagkonsumo?
Upang mapakinabangan nang husto at walang nasasayang
Para mabili lahat ang pangangailangan at kagustuhan
Upang matupad lahat ang mga pinapangarap at inaasam sa buhay
Dahil dapat maging masaya at makuntento sa araw araw na buhay
Kung ang iyong ipon na pera ay itatago lamang sa alkansiya, hindi ito kikita at maari pang lumiit ang halaga nito dahil sa _______.
Implasyon
Kakulangan
Kakapusan
Debalwasyon
Bilang isang mag- aaral, mahalaga ang pag-iimpok ng pera o savings. Ano ang pinakamagandang dahilan ng kahalagahan ng pag-iimpok ng pera?
Pambili ng bagong gadgets
Sa hinaharap bilang emergencies
Para sa bakasyon at luho
May maipagmalaki sa iba.
Kung ikaw ay may pera na nagkakahalaga na isang milyong piso, paano mo ito pamamahalaan?
Ibibili ko ng bahay at lupa para sa mga magulang ko.
Ibibili ko ng bago at Magandang kotse.
Magpapatayo ako ng Negosyo, mamumuhunan at mag-iimbak ng pera sa banko.
Ibibili ng mga alahas, bag, damit at pagkain.
Si Roger ay isang matalino at matipid na guro kaya naman, buwan- buwan siyang nagdedeposit ng limang libong piso (P 5,000) sa Landbank. Sa iyong palagay, bakit nya ito ginagawa?
makapag- impok ng salapi para sa hinaharap
magkaroon ng pambayad sa utang
may panggastos sa kasalukuyan
may ipautang sa mga kapit-bahay
Kung ikaw ay nagnanais na makaipon ng sapat na salapi para sa hinaharap o gawin puhunan sa naiisip na Negosyo, kinakailangan mo munang ipagpaliban ang iyong mga gatos sa pamamagitan ng.
Investment
Pamumuhunan
Economic Investment
Savings
