WorksheetsFilipino 5
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Name
Class
Date
1.
Nalampasan ni Bordi ang mga sakit pagkatapos ng operasyon niya. Anong katangian ang taglay ni Bordi?
a)
mahina
b)
malakas ang loob
c)
malungkot
d)
masaya
2.
Binigyan ni Maria ng mga lumang damit ang mga taong nasalanta ng bagyo. Ano ang katangian mayroon si Maria?
a)
maramot
b)
mapera
c)
matulungin
d)
masungit
3.
Alin ang tamang pananalita kapag nakikipag-usap sa mas nakakatanda sa inyo?
a)
Pahingi nga ako niyan!
b)
Pahiram ako niyan!
c)
Umalis ka diyan. Alis!!!
d)
Puwede ko po bang hiramin ito?
4.
Isaksak ang plantsa sa saksakan, Hintaying uminit ang plantsa bago ito gamitin, Plantsahin ang kuwelyo ng damit. Sumunod ay ang mga manggas at iba pang parte ng damit,_________________________________. Ano ang susunod upang makumpleto ang panuto sa pamamalantsa ng damit?
a)
Ihanger ang damit upang hindi ito magusot.
b)
Ilapag sa sahig upang hindi ito magusot.
c)
Tapakan ang damit upang hindi magusot.
d)
Buhosan ng tubig upang hindi magusot ang damit.
5.
Dahan-dahang inilapag ni Jessica ang bata sa kaniyang kama. Ano ang pang-abay na pamaraan na ginamit sa pangungusap?
a)
inilapag
b)
Maria
c)
dahan-dahang
d)
bata
6.
Namili sila ng damit sa Divisoria. Ano ang ginamit na pang-abay na panlunan sa pangungusap?
a)
namili
b)
Pasko
c)
sa Divisoria
d)
gamit
7.
Uuuwi kami sa Sta. Rosa City sa Mayo 15, 2025. Ano ang ginamit na pang-abay na pamanahon sa pangungusap?
a)
Mayo 15, 2025
b)
Sta. Rosa City
c)
uuwi
d)
kami
8.
Pagod ____ pagod si May kaya siya nagpapahinga ngayon. Ano ang angkop na pang-angkop upang maging tama ang pangungusap?
a)
–ng
b)
–g
c)
na
d)
at
9.
Ang alimango___dagat ay masarap. Ano ang wastong pang-angkop ana gagamitin?
a)
-g
b)
-ng
c)
at
d)
na
10.
Nagtanim ng punong narra ang lahat ng magsasaka. Ano ang tawag sa sugnay na may salungguhit?
a)
simuno
b)
panaguri
c)
tayutay
d)
pandiwa
11.
Nanalo sa nakaraang eleksyon si Dan Fernandez. Aling sugnay ang simuno?
a)
nanalo
b)
si Dan Fernandez
c)
sa nakaraang eleksyon
d)
Nanalo sa nakaraang eleksyon
12.
Si nanay ay nagluluto ng pinakbet __________ siya ay nanonood ng pelikulang “Barcelona.” Ano ang angkop na pangatnig ang gagamitin upang mabuo ang diwa nito?
a)
ngunit
b)
dapatapwat
c)
dahil
d)
habang
13.
Huwag sayangin ang oras sa mga bagay na walang kabuluhan. Ano ang pormal na kahulugan ng salitang may salungguhit?
a)
katuturan
b)
mga bagay na importante
c)
mga lugar na sinasambahan
d)
nakakatakot na lugar
14.
Ang pangulo ay ang pinuno ng ating bansang Pilipinas. Ano ang dalawang salitang magkaugnay?
a)
Pilipinas-pangulo
b)
pinuno-bansa
c)
pangulo-pinuno
d)
ating-bansa
15.
Kinopya ng aking kaklase ang aking sinipi sa aking kuwaderno. Ano ang dalawang mgakaugnay?
a)
kinopya-sinipi
b)
kaklase-kuwaderno
c)
kuwaderno-kinopya
d)
kaklase-sinipi
16.
Mataba ang aking katabi sa upuan. Ano ang kasalungat ng salitang mataba?
a)
malusog
b)
balyena
c)
elepante
d)
payat
17.
Tahimik dito sa aming lugar dahil mapayapang sinusunod ng mga tao rito ang mga batas. Ano ang dalawang salitang magkasingkahulugan?
a)
lugar-tahimik
b)
tahimik-mapayapa
c)
tao-dahil
d)
batas-tao
18.
Kung ang kasingkahulugan ng mayaman ay maykaya, Ano naman ang kasalungat nito?
a)
mapera
b)
makapangyarihan
c)
dukha
d)
masalapi
19.
May inaayos na poste kaya magkakaroon ng isang gabing brown-out. Ano ang ibig sabihin ng brown –out?
a)
mawawalang ng tubig
b)
mawawalan ng kuryente
c)
mawawalan ng pagkain
d)
mawawalan ng paninda
20.
Si Maria ay nagluto ng macaroni salad. Ano ang ibig sabihin ng salitang macaroni?
a)
isang uri ng tsinelas
b)
isang uri ng kuwintas
c)
isang uri ng cellphone
d)
isang uri ng pasta
21.
Ang tao ay intrepidong pinanood ang Train to Busan. Ano ang ibig sabihin ng intrepido?
a)
matapang
b)
mahina
c)
duwag
d)
takot
22.
Ang pagkain ay dapat kumpleto sa sahog upang maging masarap at malasa ito. Ano ang katumbas sa salitang Ingles ng salitang sangkap?
a)
savor
b)
ingredients
c)
special
d)
cook
23.
Ano ang paboritong ulamin ng mga Bicolano?
a)
pagkaing matatamis
b)
pagkaing maaalat
c)
pagkaing maanghang
d)
pagkaing masabaw
24.
Kung ang Iloko ay mahilig sa bagoong na isda, Ano ang ginagamit ng mga Bikolano na pamalit sa bagoong?
a)
sili
b)
gata ng niyog
c)
katas ng kamatis
d)
sampalok
25.
. Ibig kong malaman ang mga bakanteng trabaho o kaya mga ibinebentang mga produkto o sasakyan. Anong bahagi ng pahayagan ang iyong babasahin?
a)
obitwaryo
b)
klasipikadong anunsyo
c)
pangunahing balita
d)
balitang isports
100 %
