wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Paghahanda ng Pagkain at Kasangkapan

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Sa paghahanda ng pagkain para sa iyong pamilya, ano ang hindi nararapat mong gawin?

a)

Ihanda ang resipi.

b)

Magsuot ng mga alahas sa kamay.

c)

Maghugas ng kamay bago hawakan ang mga lulutuin.

d)

Piliin ang tamang dami at uri ng pagkaing kailangan ng pamilya

2.

Ano ang maaari mong gawin upang maging kaakit-akit ang pagkain na iyong ihahanda?

a)

Magplano ng pagkain na pang isang linggo.

b)

Ibatay ang pagkaing ihahanda sa Food Pyramid

c)

Magplano ng pagkaing makukulay at kaakit-akit sa paningin.

d)

Bumili ng pagkaing nilagyan ng kulay upang maging kaakit-akit.

3.

Paano mo malalaman na sariwa ang isda na bibilhin mo sa palengke?

a)

Malaki, walang hiwa, sugat, o butas-butas.

b)

Malinaw ang mata, makintab ang kaliskis at dikit sa laman.

c)

Siksik ang laman, manilaw-nilaw ang taba, may masamang amoy.

d)

Magaspang ang balat, malambot ang laman, at namumula ang mga mata.

4.

Si Dante ay naglaro ng basketbol. Ano ang dapat niyang gawin upang mapangalagaan ang kanyang uniporme?

a)

I-hanger at isilid sa cabinet.

b)

Tupiin at ilagay kasama sa malilinis na damit.

c)

I-hanger at pahanginan ang damit na basa sa pawis.

d)

Ilagay kaagad sa basket ang basang uniporme kasama ng ibang maruruming damit.

5.

Si Helena ay mamalantsa ng kanyang bestida. Ano ang unang hakbang na kanyang gagawin?

a)

Plantsahin ang kwelyo at manggas ng bestida.

b)

Plantsahin isa-isa ang pleats, likod at harap ng bestida.

c)

Baliktarin muna at plantsahin ang bulsa, kuwelyo, balikat, likod at harap ng bestida, manggas, at laylayan.

d)

Ibalik ang karyagang bahagi nito at ayusin ang pleats ayon sa tupi / tiklop nito plantsahin ito mula laylayan pataas.

6.

Si Kiko ay mamimili ng sangkap sa lulutuing niyang adobo. Ano ang dapat niyang isaalang-alang?

a)

Piliin ang imported na sangkap.

b)

Piliin ang imported pero murang sangkap.

c)

Piliin ang lokal, maayos at murang sangkap.

d)

Piliin ang sangkap na may di kanais-nais na amoy.

7.

Paano mo masasabi na ang isang damit ay hindi naplantsa?

a)

Ang damit ay madumi

b)

Ang damit ay kusot-kusot

c)

Ang damit ay mukhang bago

d)

Ang damit ay mabango at malinis tingnan

8.

Ano ang tawag sa pinapatungan ng mga paa upang patakbuhin ang makinang de-padyak?

a)

Drive wheel

b)

Needle clamp

c)

Tension regulator

d)

Treadle / tapakan o pidal

9.

Bakit kailangang maging maayos ang paghahanda ng pagkain sa hapag kainan?

a)

Upang matuwa ang mga bisita

b)

Upang ganahan ang mga kakain

c)

Upang maging kaakit-akit ito sa paningin ng mga tao

d)

Upang maipakita ang tamang kaayusan ng hapag- kainan

10.

Ito ang pagtatahi nang pinong-pino at paulit-ulit. Naihahalintulad ito sa tahi ng makina. Ginagamitan ito ng sinulid na kapareha ng kulay ng damit o malapit sa kulay, at pinong karayom din ang ginagamit dito.

a)

Pagbuburda

b)

Pagsusulsi

c)

Pagtatahi

d)

Pagtatagpi

11.

Si Clariz ay nasa bahay lamang. Anong uri ng damit ang nararapat niyang isuot?

a)

pambahay

b)

pampaaralan

c)

pansimba

d)

pantanging okasyon

12.

Ang ________ay ginagamit na pantanggal ng nakadikit na chewing gum sa damit.

a)

Asin

b)

Kalamansi

c)

Yelo

d)

Zonrox

13.

Alin sa mga sumusunod na paraan ang hindi kasali sa pamamalantsa?

a)

Ihanda ang mga paplantsahing damit.

b)

Dagdagan ito ng sapin kung nais ng makapal

c)

Ihanda ang plantsahan. tiyaking marumi ang sapin ng plantsahan.

d)

Tiyaking din na malinis ang plantsa at walang kalawang. I-set ang temperatura ng plantsa ayon sa uri ng damit na paplantsahin.

14.

Si Mary ay mamalantsa ng polo. Anong bahagi ang dapat niyang unahin?

a)

balikat

b)

kuwelyo

c)

laylayan

d)

manggas

15.

Ang mga mag-aaral sa ika-limang baitang ay mananahi ng serbilyeta o table napkin. Alin sa mga kagamitan sa pananahi ang dapat nilang gamitin?

a)

karayom

b)

salamin

c)

sinulid

d)

tali

16.

Ito ay ginagamit na panghawak sa telang tinatahi na may matalas at matulis ang dulo?

a)

aspile

b)

gunting

c)

karayom

d)

sinulid

17.

Bahagi ng makinang de-padyak na nagpapaandar o nagpapahinto nito.

a)

Thread Guide

b)

Balance wheel

c)

Stitch regulator

d)

Tension regulator

18.

Kung ang bed o kama ay patungan ng tinatahi sa makinang de-pidal. Ano naman ang tawag sa pinaglalagyan ng sinulid sa ilalim ng makina?

a)

bobina

b)

kabinet

c)

treadle

d)

shuttle

19.

Ito ay batayan ng pinakamahusay na inererekomendang pagkonsumo ng pagkain mula sa bawat pangkat.

a)

Food Pyramid

b)

Glow Food

c)

Grow Food

d)

Go Food

20.

Ang kanin at kamote ay napabibilang sa pangkat ng Go Food, anong pagkain naman ang napapabilang sa pangkat ng Grow Foods?

a)

karne at isda

b)

saging at itlog

c)

gulay at prutas

d)

pasta at tinapay

21.

Isang paraan ng pag-alis ng lukot sa damit upang bumalik ang dating hugis at anyo dulot ng paglalaba.

a)

Pag aalmirol

b)

Paglalaba

c)

Pamamalantsa

d)

Pagsasampay

22.

Sa pag-alis ng mantsang tsokolate sa damit? Ano ang iyong gagamitin upang maalis ang mantsa?

a)

Malamig na tubig.

b)

Katas ng kalamansi.

c)

Mainit na tubig na may sabon.

d)

Tubig at sabong panligo o mild soap.

23.

Ano ang tawag sa pangkat ng mga pagkaing nagbibigay lakas?

a)

Food pyramid

b)

Glow Food

c)

Go Food

d)

Grow Food

24.

Anong prutas ang epektibong pampaputi sa unipormeng naninilaw ang kilikili?

a)

bayabas

b)

kalamansi

c)

mangga

d)

santol

25.

Si Juana ay maglalaba, pinagbukod-bukod niya ang mga damit bago labhan, Alin ang unang dapat labhan?

a)

panlaro

b)

mga puti

c)

uniporme

d)

may kulay