Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3rd Quarter - AP 5 - Quiz 2

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Bakit mahalaga pa ring pag-aralan ang impluwensya ng mga Espanyol sa kulturang Pilipino?

a)

Upang maunawaan kung paano naapektuhan ang kasalukuyang kultura ng Pilipinas ng

kolonyalismo

b)

Upang itakwil ang anumang bagay na may kaugnayan sa pananakop ng Espanya

c)

Upang mapanatili ang pagiging banyaga ng kulturang Pilipino at mabawasan ang pagkakakilanlan bilang Asyano

2.

Ano ang naging pangunahing layunin ng sistemang encomienda na ipinatupad ng mga Espanyol?

a)

Upang mas mapadali ang paniningil ng buwis at pagpapalaganap ng Kristiyanismo

b)

Upang mapanatili ang kapayapaan sa pagitan ng mga katutubo.

c)

Upang matulungan ang mga Pilipino sa agrikultura

3.

Bilang isang mag-aaral, paano mo maipagmamalaki ang iyong pagiging Pilipino?

a)

Palagiang panunuod ng Korean Drama.

b)

Pagkakalat at paninira ng mga kagamitan sa silid-aralan.

c)

Pag-awit ng Lupang Hinirang nang may pagmamalaki.

4.

Ano ang tawag sa dulang may awitan, salitaan, at sayawang may romantikong istorya?

a)

Moro-Moro

b)

Panunuluyan

c)

Senakulo

d)

Sarsuwela     

5.

Ano ang pangunahing layunin ng mga Pilipinong lumaban sa mga mananakop na banyaga?

a)

Pagpapalaganap ng relihiyong Katolisismo

b)

Pagpapayaman ng mga lider kolonyal

c)

Pagtatag ng isang malawak na imperyo

d)

Pagtatanggol ng kanilang kalayaan at kasarinlan

6.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit may mga Pilipinong pinili ang kooperasyon sa mga Espanyol sa halip na lumaban?

a)

Upang mapanatili ang kapangyarihan at pribilehiyo sa ilalim ng pamahalaang kolonyal

b)

Dahil sa takot na maparusahan ng mga Espanyol

c)

Dahil sa pangako ng mga Espanyol na gagawing pantay ang karapatan ng mga Pilipino

7.

Paano nakaapekto ang pananatili ng kultura at tradisyon ng mga katutubong Pilipino sa nasyonalismong Pilipino?

a)

Napalakas nito ang pagkilala at pagmamalasakit ng mga Pilipino sa kanilang sariling identidad at

kultura.

b)

Napilitang talikuran ng mga Pilipino ang kanilang kultura upang maging mas moderno.

8.

Kung ikaw ay isang lider ng isang pangkat ng katutubong Pilipino noong panahon ng pananakop, paano mo ipapakita ang iyong pagmamahal sa bayan?

a)

Ituturo sa iyong mga nasasakupan ang pagpapahalaga sa kultura at pagtatanggol sa sariling  lupain

b)

Ipagpapalit ang kultura ng mga katutubo sa dayuhang tradisyon.

9.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pagkaing ipinamana ng mga Espanyol sa mga Pilipino?                                                         

a)

French Fries

b)

Leche Flan    

c)

Mechado

d)

Paella

10.

Ano ang epekto ng pagpasok ng wikang Kastila sa kulturang Pilipino, lalo na sa larangan ng edukasyon?

a)

Napilitan ang mga Pilipino na gumamit ng wikang Kastila sa edukasyon, ngunit hindi ito ganap na

lumaganap sa masa

b)

Naging mas madali para sa mga Pilipino na makipag-ugnayan sa ibang Asyano

c)

Nawala ang katutubong wika ng mga Pilipino at napalitan ng wikang Kastila

11.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ipinakilala ng mga Espanyol ang Kristiyanismo sa Pilipinas?

a)

Upang gawing Kristiyanong bansa ang Pilipinas at mapalawak ang kanilang pananakop

b)

Upang mapanatili ang kapayapaan sa mga isla

c)

Upang mapalaganap ang edukasyon sa buong kapuluan

12.

Anong kanluraning sayaw ang ipinakilala ng mga Espanyol sa mga katutubo?

a)

Bonde do Brunao

b)

Pandanggo

c)

Apt  

13.

Ano ang pinakatanyag na obra o gawang-sining ni Juan Luna?

a)

Las Damas Romanas

b)

The Blood Compact

c)

Spoliarium

14.

Paano naapektuhan ng pananakop ng mga Espanyol ang orihinal na sistema ng paniniwala at relihiyon ng mga sinaunang Pilipino?

a)

Napilitan ang mga Pilipino na talikuran ang kanilang orihinal na paniniwala at Kristiyanismo

b)

Napanatili ng mga Pilipino ang kanilang katutubong relihiyon at paniniwala

c)

Naghalo ang paniniwala ng mga Pilipino at Espanyol, kaya hindi naging dominanteng relihiyon

ang Kristiyanismo

15.

Ano ang tawag sa paaralang itinatag para sa mga nais maging guro?

a)

Kolehiyo

b)

Normal

c)

Pamparokya

d)

Beaterio

16.

Ano ang tawag sa isang dulang panrelihiyon na itinatanghal tuwing Semana Santa o Mahal na Araw?

a)

Moro-moro

b)

Komedya

c)

Senakulo

17.

Paano nagbago ang kaayusan ng mga pamayanan noong pananakop ng Espanya?

a)

Nanatili ang karamihan sa mga pamayanang Pilipino sa mga liblib na lugar.

b)

Napagsama-sama ang mga pamayanan at nabuo ang mga bayan o pueblo.

c)

Lumawak ito katulad ng isang Sultanato.

18.

Paano nagbago ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa panahon ng Espanyol?

a)

Nagpatayo ng mga pormal na paaralan sa bansa.

b)

Itinuro ang Baybayin sa mga Pilipino.

c)

Nagkapag-aral ang lahat maging ang mga mahihirap.

19.

Kung hindi dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, paano maaaring naiiba ang kulturang Pilipino ngayon?

a)

Ang relihiyon ng karamihan sa mga Pilipino ay maaaring Islam, Hinduismo, o paniniwalang

katutubo

b)

Mas magiging makabago at industriyalisado ang Pilipinas kaysa sa ibang bansa sa Asya

20.

Ano ang naging papel ng liderato ni Sultan Kudarat sa paglaban sa pananakop ng mga Espanyol?

a)

Tumulong siya sa mga Espanyol upang sakupin ang Visayas

b)

Itinatag niya ang unang Katolikong simbahan sa Mindanao

 

c)

Pinangunahan niya ang digmaan laban sa mga Espanyol upang mapanatili ang Islam at

    kalayaan ng kanyang nasasakupan

21.

Kung ikaw ang tatanungin, dapat pa rin bang ipagpatuloy ang mga kaugaliang ipinakilala ng mga Espanyol sa Pilipinas, tulad ng Simbang Gabi at Pista ng Bayan?

a)

Hindi mahalaga kung ipagpatuloy o hindi, dahil hindi na ito nakakaapekto sa buhay ng mga

Pilipino ngayon

b)

Oo, dahil ito ay bahagi na ng ating kultura at nagpapalakas ng pagkakaisa ng mga Pilipino

c)

Dapat piliin lamang ang mga kaugaliang may positibong epekto sa modernong pamumuhay ng

mga Pilipino

22.

Paano nakakatulong ang pagpapahalaga sa mga katutubong Pilipinong lumaban tulad ni Magat Salamat sa pagtataguyod ng kasaysayan ng mga Pilipino?

a)

Pinapakita nito ang mga kwento ng paglaban na hindi dapat malimutan ng mga Pilipino.

b)

Pinapalakas nito ang pagpapahalaga sa mga banyagang mananakop.

c)

Pinapalaganap nito ang mga maling impormasyon tungkol sa kasaysayan ng bansa.

23.

Ano ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa mga katutubong Pilipinong lumaban laban sa mga Espanyol sa pagkakaroon ng kasarinlan ng Pilipinas?

a)

Nagpapalakas ito ng damdamin ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

b)

Nagtutulungan ang mga katutubo at mga Espanyol upang magtagumpay.

c)

Pinipigilan nito ang pag-usbong ng bagong kultura at relihiyon sa Pilipinas.

24.

Bakit mahalaga ang pagpapahalaga sa mga katutubong Pilipinong tulad ni Lakandula, Magat Salamat, at Diego Silang sa konteksto ng kasaysayan ng Pilipinas?

a)

Upang mapanatili ang kanilang mga aral at kontribusyon sa edukasyon.

b)

Upang mapanatili ang mga tradisyon at kultura ng mga Espanyol.

c)

Upang kilalanin ang kanilang sakripisyo sa paglaban para sa kasarinlan ng bansa.

25.

Ano ang tawag sa unang aklat panrelihiyon na inilimbag dito sa Pilipinas?

a)

Koran

b)

Bibliya

c)

Doctrina Christiana

d)

Encyclopedia