wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino10-Unang Lagumang Pagsusulit (Ikaapat na Markahan)

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Bakit mahalaga ang "El Filibusterismo" sa kasaysayan ng Pilipinas?

a)

Ito ay isang salin ng ibang aklat na walang kabuluhan.

b)

Mahalaga ito dahil binigyang-diin nito ang mga isyu sa lipunan at ang pangangailangan para sa reporma.

c)

Ito ay kwento ng pag-ibig at pagkakaibigan.

d)

Ito ay tungkol sa mga bayani na hindi nakilala sa digmaan.

2.

Ano ang pangunahing motibasyon ni Rizal sa kanyang pagsusulat habang nasa Europa?

a)

Upang makilala bilang isang tanyag na artista sa Europa.

b)

Upang magtayo ng negosyo sa ibang bansa at kumita ng pera.

c)

Upang makalimutan ang kanyang mga alaala sa Pilipinas at ang kanyang mga problema.

d)

Upang ipakita ang mga epekto ng kolonyalismo at himukin ang mga reporma.

3.

Paano nakaapekto ang mga karanasan ni Rizal sa kanyang pagsusulat ng El Filibusterismo?

a)

Walang epekto ang kanyang mga karanasan sa kanyang pagsusulat.

b)

Pinabayaan niya ang kanyang mga ideya dahil sa mga pagsubok.

c)

Naging hadlang ang kanyang mga karanasan sa kanyang pagsusulat.

d)

Nakatulong ito sa pagbuo ng kanyang mga ideya at tema.

4.

Ano ang naging reaksyon ng mga Espanyol sa unang nobela ni Rizal, ang Noli Me Tangere?

a)

Nagdulot ito ng negatibong reaksyon.

b)

Nagdulot ito ng pagtaas ng kanyang popularidad.

c)

Ito ay nagkaroon ng maliit na epekto.

d)

Ito ay agad na pinuri at itinaguyod.

5.

Sa anong taon sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo?

a)

1887

b)

1890

c)

1891

d)

1896

6.

Alin sa mga sumusunod na karakter ang sumasalamin sa posibilidad ng radikal na pagbabago?

a)

Elias

b)

Gomburza

c)

Simoun

d)

Crisostomo Ibarra

7.

Ano ang ibig sabihin ng salitang "pilibustero" na ginamit sa pamagat ng nobela?

a)

Isang taong nagtatangkang maghimagsik

b)

Isang taong naghahangad lamang ng personal na interes

c)

Isang taong sumusuporta sa pamahalaan

d)

Isang taong nagtatrabaho para sa simbahan

8.

Ano ang simbolo ni Basilio sa nobela?

a)

Katiwalian at pagkukunwari

b)

Pagbabago at Paghihiganti

c)

Ang galit ng mga Pilipino

d)

Pag-asa at determinasyon ng kabataan

9.

Anong uri ng sistema ang tinutukoy sa El Filibusterismo?

a)

Sistemang pang-ekonomiya

b)

Sistemang pangrelihiyon

c)

Sistemang pang-edukasyon

d)

Sistemang kolonyal

10.

Aling mga paring martir ang inialay ni Rizal ang kanyang nobela?

a)

GOMBURZA

b)

Padre Irene

c)

Padre Salvi

d)

Padre Damaso

11.

Ano ang pangunahing layunin ni Rizal sa pagsusulat ng El Filibusterismo?

a)

Upang ipakita ang kagandahan at yaman ng Pilipinas sa mundo.

b)

Upang ipakita ang kanyang kahusayan sa pagsulat at panitikan.

c)

Upang magbigay aliw sa mga mambabasa sa pamamagitan ng isang nakawiwiling kuwento.

d)

Upang imulat ang mga Pilipino sa mga suliranin ng lipunan at maghikayat ng pagbabago.

12.

Sino ang nagbigay ng tulong pinansyal kay Rizal para sa pagpapalimbag ng kanyang nobela?

a)

Graciano Lopez Jaena

b)

Ferdinand Blumentritt

c)

Paciano Rizal

d)

Maximo Viola

13.

Ano ang pangunahing inspirasyon sa pagsusulat ni Rizal ng "El Filibusterismo"?

a)

Ang kanyang pagmamahal sa sariling bayan at pamilya.

b)

Ang mga pangarap para sa kalayaan at katarungan ng bayan.

c)

Ang kanyang karanasan sa ibang bansa.

d)

Ang kanyang pakikipagsapalaran sa negosyo.

14.

Anong layunin ni Crisostomo Ibarra sa kanyang pagbabalik?

a)

Upang makakuha ng mas mataas na antas ng edukasyon.

b)

Upang ipaglaban ang mga kinakailangang pagbabago para sa kanyang bayan.

c)

Upang magtayo ng mga paaralan para sa mga bata.

d)

Upang makipag-ugnayan sa mga banyaga.

15.

Sa aling bansa natapos ni Rizal ang manuskrito ng El Filibusterismo?

a)

Ghent, Belgium

b)

Calamba, Laguna

c)

Biarritz, France

d)

Madrid, Spain

16.

Bakit naging mahirap kay Rizal ang pagpapalimbag ng El Filibusterismo?

a)

Kakulangan ng suporta mula sa mga kaibigan

b)

Maling pagpili ng palimbagan

c)

Pagsasara ng mga palimbagan sa Europa

d)

Kakulangan ng pondo

17.

Ano ang pangunahing tema ng nobelang El Filibusterismo?

a)

Katiwalian at paghihimagsik

b)

Relihiyon at pananampalataya

c)

Edukasyon at pag-asa

d)

Pag-ibig at pagtataksil

18.

Ano ang nag-udyok kay Rizal na lumikha ng mas madilim na tema kumpara sa Noli Me Tangere?

a)

Ang mga kasamaang kanyang nasaksihan at naranasan

b)

Ang pag-alay ng nobela sa Gomburza

c)

Ang kawalan ng suporta mula sa mga kababayan

d)

Ang negatibong reaksyon sa Noli Me Tangere

19.

Sino ang pangunahing tauhan na kilala rin bilang Crisóstomo Ibarra sa Noli Me Tangere?

a)

Kapitan Tiago

b)

Simoun

c)

Isagani

d)

Basilio

20.

Sino ang naging lider ng mga tulisan matapos agawin ang kanyang lupa?

a)

Tandang Selo

b)

Basilio

c)

Kabesang Tales

d)

Kapitan Tiago

21.

Ano ang simbolo ni Tandang Selo sa lipunan?

a)

Ang korapsyon at kawalang malasakit ng pamahalaan

b)

Ang kababaihang Pilipino na nagdurusa sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan

c)

Ang inaaping magsasaka sa ilalim ng sistemang kolonyal

d)

Ang mga matatanda at mga taong walang kapangyarihan sa lipunan

22.

Anong uri ng pagbabago ang pinapangarap ni Isagani para sa kanyang bayan?

a)

Pagbabago sa edukasyon at pagsisikap

b)

Pagbabago sa takot at pananakot

c)

Pagbabago sa dahas at paghihimagsik

d)

Pagbabago sa ganap na pagsunod

23.

Si Julie ay anak ni sino at ano ang kanyang papel sa kwento?

a)

Apo ni Tandang Selo at simbolo ng pagtitiis

b)

Anak ni Kapitan Tiyago at simbolo ng kadalisayan

c)

Anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio

d)

Kasintahan ni Isagani at biktima ng tradisyon

24.

Ano ang pangalan ng palimbagan na nahanap ni Rizal sa Brussels, Belguim na pumayag bayaran ng hulug-hulugan?

a)

F.Meyer Van Press

b)

K. Meyer Van Loo Press

c)

F. Mayer Van Loo Pres

d)

F. Meyer Van Loo Press

25.

Alin sa mga sumusunod ang simbolo ng pamahalaan na walang tiyak na direksyon?

a)

Bapor Tabo

b)

Padre Salve

c)

Don Custodio

d)

Ilog Pasig

26.

Sa anong bahagi ng Bapor Tabo nakasakay ang mga may kapangyarihan?

a)

Sa ilalim ng kubyerta

b)

Sa may makina ng bapor

c)

Sa gitnang bahagi ng bapor

d)

Sa ibabaw ng kubyerta

27.

Sinong tauhan ang madalas na pumintas sa kanyang kapwa Pilipino habang nasa ibabaw ng kubyerta?

a)

Doña Victorina

b)

Simoun

c)

Don Custodio

d)

Kapitan ng Bapor Tabo

28.

Ano ang sinasagisag ng itim na usok na ibinubuga ng Bapor Tabo?

a)

Kalumaan ng barko

b)

Kahinaan sa pag-unlad

c)

Pamamahala na walang direksyon

d)

Problema sa pamamahala

29.

Sa magkanong halaga binili ng gobyerno ng Pilipinas ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo mula kay Valentin Ventura?

a)

P5,000

b)

P8,000

c)

P9,000

d)

P10,000

30.

Kanino nagmula ang pahayag na "hindi siya kanin na gusto mong isubo" tungkol sa pag-aasawa?

a)

A. Padre Florentino

b)

B. Kapitan Basilio

c)

C. Simoun

d)

D. Basilio

31.

Ano ang dahilan kung bakit malungkot si Padre Florentino sa kanyang buhay?

a)

Dahil mayaman siya ngunit hindi niya matamasa ang kanyang kayamanan.

b)

Dahil siya ay nag-iisa at walang pamilya.

c)

Dahil nawala na ang kanyang ina at kasintahan.

d)

Dahil pinilit siya ng kanyang ina na magpari.

32.

Sa ilalim ng kubyerta, ano ang karaniwang sitwasyon ng mga pasahero?

a)

Malaya silang nakakakilos at may sapat na espasyo

b)

Tahimik, organisado, at malamig

c)

Mayayamang pasahero na nag-uusap tungkol sa negosyo

d)

Siksikan, mainit, at maingay

33.

Ano ang layunin ng mga estudyanteng sina Basilio at Isagani sa pagtatayo ng Akademiya ng Wikang Kastila?

a)

Para magkaroon ng isang akademya para sa wikang Kastila

b)

Para magkaroon ng isang lugar kung saan pwede mag-aral ng Latin

c)

Para magkaroon ng mas maraming oportunidad sa ibang bansa

d)

Para mapalakas ang nasyonalismo sa pamamagitan ng pag-aaral ng ibang kultura

34.

Ano ang sinasabi ni Basilio tungkol sa paggamit ng opyo?

a)

Ang paggamit ng opyo ay nakakatulong para sa wikang Kastila

b)

Ang paggamit ng opyo ay dapat lamang para sa mga Intsik

c)

Ang paggamit ng opyo ay dapat para lamang sa medisina

d)

Ang paggamit ng opyo ay pwedeng makatulong sa pagpapalakas ng katawan

35.

Kailan natapos ni Rizal ang manuskrito ng El Filibusterismo?

a)

A. Marso 19, 1891

b)

B. Mayo 19, 1891

c)

C. Marso 29, 1891

d)

D. Mayo 29, 1891

36.

Ano ang pangunahing paksa ng talakayan sa ibabaw ng kubyerta sa kabanata 3?

a)

Alamat ni San Nicholas na nagligtas ng isang intsik

b)

Pagkamulat, simbahan, at mga alamat

c)

Alamat ni Doña Geronima na nagbalatkayo

d)

Ang pagkamatay ni Ibarra o Guevara

37.

Sa anong lugar naganap ang kwento tungkol sa alamat ng malapad na bato?

a)

Sa ilog Pasig

b)

Sa isang yungib

c)

Sa lawa

d)

Sa isang bapor

38.

Aling alamat ang naglalarawan ng isang babaeng sinundan ang kanyang kasintahan na naging arsobispo sa Maynila?

a)

Alamat ng Malapad na Bato

b)

Alamat ni San Nicholas

c)

Alamat ni Doña Victorina

d)

Alamat ni Doña Geronima

39.

Alin sa mga sumusunod ang karakter na nagkwento tungkol kay Doña Geronima?

a)

Padre Salvi

b)

Kapitan ng Bapor

c)

Padre Florentino

d)

Ben Zayb

40.

Anong batas ang nagsusulong at naglalayon na isama sa kurikulum at pag-aaral ang buhay, gawa at obra maestra ni Rizal sa mga pribado at pampubilkong paaralan?

a)

R.A 1242

b)

R.A 1324

c)

R.A 1533

d)

R.A 1425

41.

Ang nobelang El Filibusterismo ay inaalay ni Rizal sa tatlong paring martyr. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang?

a)

Mariano Gomez

b)

Jacinto Burgos

c)

Jose Burgos

d)

Jacinto Zamora

42.

Siya ang pinagtapatan ni Simoun ng tunay niyang katauhan bago siya malagutan ng buhay.

a)

padre Damaso

b)

padre Salvi

c)

Ben Zayb

d)

padre Florentino

43.

Ang mag-aaral na may kayabangan ngunit kinagigiliwan ng mga propesor at nakatuluyan ni Paulita Gomez sa bandang huli.

a)

Macaraeg

b)

Basilio

c)

Isagani

d)

Juanito Pelaez

44.

Siya ay isang estudyanteng kastila na kapanalig ng mga mag-aaral sa usapin ng Akademya ng wikang Kastila.

a)

Sandoval

b)

Ginoong Leeds

c)

Ben Zayb

d)

Macaraeg

45.

Misteryosong Amerikano na nagtatanghal sa perya.

a)

Ginoong Leeds

b)

Ben Zayb

c)

Tadeo

d)

Macaraeg

46.

Tiyahin ni Paulita Gomez at nagpapanggap bilang isang Europea.

a)

Hermana Penchang

b)

Hermana Bali

c)

Donya Victorina

d)

Kabesang Andang

47.

Sa kanyang tindahan ipinatago ni Simoun ang sandata at pulbura para sa kanyang plano himagsikan.

a)

Basilio

b)

Quiroga

c)

Mataas na Kawani

d)

Kapitan Basilio

48.

Ang naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camora para mapalaya ang kasintahan na si Basilio.

a)

Hermana Penchang

b)

Hermana Bali

c)

Kabesang Andang

d)

Donya Victorina

49.

Ang pinagsisilbihan ni Juli na isang madasalin at mayaman tao sa mga panahong kailangan niya na pandagdag na salapi para ipantubos sa kanyang ama.

a)

Hermana Penchang

b)

Hermana Bali

c)

Donya Victorina

d)

Kabesang Andang

50.

Isang guwardiya sibil na nakapatay kay Tandang Selo.

a)

Carolino

b)

Macaraeg

c)

Kapitan Basilio

d)

Simoun