Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q- 4 Quiz 2 KARAPATANG PANTAO

Total questions: 10

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.
  1. Sinong hari ng Persia ang sumakop sa lungsod ng Babylon at nagdeklara ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng lahi noong 539 B.C.E?

a)

Haring Cyrus

b)

Haring Charles I

c)

Haring John I

d)

Haring Louis XVI

2.
  1. Alin sa mga sumusunod na dokumento ang naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga England noong 1215?

a)

Bill of Rights

b)

Pitition of Rights

c)

Declaration of Rights of Man

d)

Magna Carta

3.
  1. Ano ang tinatamasang pribilihiyo ng isang tao mula sa kanyang pagkasilang hanggang sa kanyang kamatayan?

a)

dignidad

b)

Pagkatao

c)

Karapatan

d)

Pangangailangan

4.
  1. Paano mailalarawan ang mga karapatang sibil?

a)

Ito ay may kaugnayan sa ating pakikitungo sa ating kapwa.

b)

Ito ay may kinalaman sa ating karapatang mabuhay nang matiwasay at malaya.

c)

Ito ay nagbibigay proteksiyon kung tayo ay lumalabag sa batas.

d)

Ito ay tungkol sa paghahanap natin ng mapagkakakitaan upang mabuhay.

5.
  1. Alin ang pahayag na nagpapakita ng statutory rights?

a)

Ang karapatan ni Adelyn na kilalaning anak ng kanyang tunay na mga magulang.

b)

Ang pagsali ni Allen sa grupong Sakdalista.

c)

Ang pagbibigay ng 20% na pribilihiyo sa mga Senior-Citizen at mga mag-aaral sa lahat ng pampasaherong sasakyan.

d)

Ang pagpili ni Ryan sa Islam bilang kanyang relihiyon.

6.
  1. Ito ay nakapaloob sa dokumentong Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15, 1791

a)

Nagbibigay proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang ibang pang taong naninirahan sa bansa.

b)

Sumunod sa kapangyarihan ng hari

c)

Pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan.

d)

Pagtatag ng relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaismo, Hinduismo, Kristiyanismo, Buddhismo, Taoismo, Islam at iba pa.

7.

Sino ang namuno upang itaguyod ang paglagda at pagpatupad sa Universal Declaration of Human Rights ng komisyon sa Karapatang pantao?

a)

Eleanor Roosevelt

b)

Haring Louis XVI

c)

Haring Cyrus

d)

Haring John I

8.

Mga karapatan ng tao na dapat taglayin kahit hindi ito ipagkaloob ng Estado o ng bansa.

a)

Natural Rights

b)

Constitutional Rights

c)

Statutory Rights

d)

Political Rights

9.

Ang karapatang pantao ay sadyang napakahalaga sa bawat indibiduwal na nabubuhay rito sa ating lipunan. Paano tinitiyak ng pamahalaan na ang mga tao ay may pantay at makatarungang karapatan?

a)

Ipinapaalam sa mga tao ang kanilang mga karapatan

b)

Pinaparusahan nito ang sinumang lumalabag sa karapatan ng kapwa mamamayan.

c)

Dinadagdagan nito ang mga karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng batas.

d)

Tinatanggap nito ang mga karapatan ng mga mamamayang lumalabag sa batas ng bansa o estado.

10.

Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng karapatan ang nakasaad sa Magna Carta ng Englatera/England.

a)

Hindi maaaring dakpin, ipakulong at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasya ng hukuman at nilimitahan ang kapangyarihan ng mga hari.

b)

Pagbabawal na pagkulong na walang sapat na dahilan

c)

Pagbibigay proteksiyon sa lahat ng mamamayan sa bansa.

d)

Pagbibigay ng karapatang pumili ng relihiyon.