WorksheetsDIVISION 7 Yunit 1&2
Total questions: 57
Worksheet time: 29mins
Ano ang pangunahing yamang mineral na iniluluwas ng Pilipinas sa ibang bansa?
Ginto
Tanso
Nikel
Bakal
Ano ang pinakamalaking produkto ng agrikultura sa Indonesia at Malaysia na iniluluwas sa buong mundo?
Palay
Palm Oil
Goma
Kape
Ano ang pangunahing produktong iniluluwas ng Brunei mula sa Dagat Timog Tsina?
Langis at natural gas
Ginto at pilak
Asukal at tabako
Palay at niyog
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit masagana sa agrikultura ang mga bansang may matabang lupa sa Timog-Silangang Asya?
Dahil sa malalaking deposito ng langis
Dahil sa bulkanikong pinagmulan ng lupa
Dahil sa malawak na kagubatan
Dahil sa malalaking sakahan ng baka
Aling bansa ang may tradisyong Tara Bandu, isang ritwal sa pangangalaga ng likas na yaman?
Pilipinas
Thailand
Timor-Leste
Cambodia
Ano ang mahalagang papel ng mga dagat sa kasaysayan ng Timog-Silangang Asya?
Ginamit ito bilang estratehikong depensa sa digmaan
Naging daan ito ng pagkalat ng kultura at kalakalan
Nagdulot ito ng paghihiwalay sa mga bansa
Naging hadlang ito sa pag-unlad ng sibilisasyon
Aling UNESCO natural world heritage site sa Timog-Silangang Asya ang tahanan ng daan-daang uri ng bahura at yamang dagat?
Ha Long Bay, Vietnam
Angkor Wat, Cambodia
Tubbataha Reefs, Pilipinas
Borobudur, Indonesia
Ano ang uri ng klima sa pangkontinenteng Timog-Silangang Asya?
Polar
Disyerto
Tropikal
Mediterranean
Aling bansa ang matatagpuan sa pangkontinenteng bahagi ng Timog-Silangang Asya?
Pilipinas
Indonesia
Thailand
Malaysia
Ano ang pangunahing epekto ng tropikal na klima sa agrikultura ng Vietnam at Thailand?
Limitadong pagtatanim ng palay
Masaganang produksiyon ng bigas
Pagkakaroon ng matinding tagtuyot
Pagbabawal sa pagtatanim ng mais
Ano ang pinakamahabang ilog sa Myanmar?
Ilog Mekong
Ilog Irrawaddy
Ilog Salween
Ilog Red
Ano ang pangunahing kahalagahan ng Mekong Delta sa Vietnam?
Sentro ng turismo
Sentro ng transportasyon
May matabang lupa na angkop sa agrikultura
Sentro ng pagmimina
Anong ilog ang nagsisilbing natural na hangganan sa pagitan ng Vietnam at Tsina?
Ilog Salween
Ilog Irrawaddy
Ilog Red
Ilog Mekong
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit mayaman sa biodiversity ang pangkontinenteng Timog-Silangang Asya?
Malawak na disyerto
Malamig na klima
Matabang lupa at malawak na kagubatan
Mataas na populasyon
Ano ang pangunahing kabundukan na naghahati sa Vietnam at Laos?
Bulubundukin ng Himalayas
Bulubundukin ng Annamite
Bulubundukin ng Arakan
Bulubundukin ng Tenasserim
Anong bulubundukin ang nagsisilbing natural na hangganan ng Myanmar at Thailand?
Bulubundukin ng Himalayas
Bulubundukin ng Tenasserim
Bulubundukin ng Arakan
Bulubundukin ng Annamite
Ano ang pangunahing produkto ng Myanmar na iniluluwas sa ibang bansa?
Langis
Tekla o teak
Palay
Copper
Ano ang pangunahing hanapbuhay sa mga lambak-ilog sa pangkontinenteng Timog-Silangang Asya?
Pagtrotroso
Pagmimina
Pagsasaka at pangingisda
Industriya ng electronics
Anong bansang pangkontinente sa Timog-Silangang Asya ang may pinakamalaking produksiyon ng bigas?
Laos
Vietnam
Cambodia
Myanmar
Anong bansang pangkontinente sa Timog-Silangang Asya ang may pinakamalaking produksiyon ng bigas?
Laos
Vietnam
Cambodia
Myanmar
Ano ang pangunahing dahilan ng deforestation sa pangkontinenteng Timog-Silangang Asya?
Mabilis na urbanisasyon
Pagpapalawak ng sakahan at pagmimina
Pagbabago ng klima
Likas na paglaki ng kagubatan
Ano ang pangunahing relihiyon sa pangkontinenteng Timog-Silangang Asya na may kaugnayan sa kalikasan?
Islam
Kristiyanismo
Buddhism
Hinduism
Aling imperyo ang lumakas sa paligid ng Ilog Mekong at nagtatag ng Angkor Wat?
Imperyong Khmer
Imperyong Srivijaya
Imperyong Majapahit
Imperyong Ayutthaya
Ano ang pinakamalaking pagdiriwang sa Cambodia na may kaugnayan sa tubig?
Songkran Festival
Tết Festival
Bon Om Touk o Water Festival
Lunar Festival
Ano ang tawag sa mababang kapatagang nasa pagitan ng dalawang bundok?
Talampas
Lambak
Kapatagan
Buról
Aling yamang-lupa ang sagana sa Laos at ginagamit sa paggawa ng mga istrukturang pangkonstruksiyon?
Nikel
Apog o limestone
Pilak
Langis
Aling bansa ang may pinakamalawak na kagubatan sa pangkontinenteng Timog-Silangang Asya?
Thailand
Myanmar
Vietnam
Cambodia
Ano ang pangunahing dahilan ng mabilis na urbanisasyon sa mga lungsod tulad ng Bangkok at Hanoi?
Pagdami ng populasyon at migrasyon
Pag-unlad ng turismo
Pagbaba ng agrikultura
Pagkontrol ng gobyerno sa mga probinsiya
Ano ang pangunahing gamit ng mga lambak-ilog sa rehiyon?
Industriyal na pook
Sentro ng agrikultura at pamayanan
Pinakamalaking tirahan ng mga hayop
Lugar ng pagmimina
Ano ang dahilan kung bakit ang Ilog Irrawaddy ay tinatawag na "lifeline" ng Myanmar?
Dahil ito ang nagdurugtong sa Myanmar at Tsina
Dahil ito ang pangunahing ruta ng transportasyon at kalakalan
Dahil ito ang pinagmulan ng relihiyon sa Myanmar
Dahil ito ay may pinakamaraming uri ng isda
Ano ang dahilan kung bakit mayaman sa isda at iba pang lamang-dagat ang Mekong Delta?
Dahil sa dami ng pabrika malapit sa ilog
Dahil sa matabang lupa at saganang sustansya sa tubig
Dahil ito ay sentro ng turismo
Dahil sa init ng klima
Aling likas na yaman ang matatagpuan sa Vietnam at ginagamit sa paggawa ng kasangkapan at alahas?
Jade
Ginto
Bakal
Tanso
Ano ang pangunahing produkto ng Thailand na iniluluwas sa iba’t ibang bansa?
Mais
Palay
Asukal
Goma
Aling lungsod sa pangkontinenteng Timog-Silangang Asya ang kilala bilang “Venice of the East” dahil sa mga ilog at kanal nito?
Hanoi
Bangkok
Phnom Penh
Naypyidaw
Anong bansa ang may sistemang parlamentaryo kung saan ang punong ministro ang namumuno?
Indonesia
Singapore
Myanmar
Vietnam
Ano ang pangunahing dahilan ng mabilis na paglaganap ng Islam sa Timog-Silangang Asya?
Pagsakop ng mga Arabong mandirigma
Pakikipagkalakalan ng mga Muslim na mangangalakal
Pagtuturo ng mga Kristiyanong misyonaryo
Pananakop ng mga Espanyol
Anong bansa sa Timog-Silangang Asya ang may pinakamalaking populasyon ng Muslim?
Malaysia
Brunei
Indonesia
Pilipinas
may pinakamalaking populasyon ng Muslim?
Malaysia
Brunei
Indonesia
Pilipinas
Anong sistema ng pamamahala ang pinaiiral sa mga bansang Brunei at Malaysia na may kaugnayan sa Islam?
Monarkiya
Demokrasya
Komunismo
Oligarkiya
Anong relihiyon ang malalim ang naging epekto sa istrukturang panlipunan at batas ng Brunei?
Kristiyanismo
Islam
Hinduismo
Budismo
Ano ang opisyal na relihiyon ng Malaysia ayon sa kanilang konstitusyon?
Islam
Kristiyanismo
Budismo
Hinduismo
Anong tawag sa prinsipyo ng Indonesia na kumikilala sa iba't ibang relihiyon ngunit may paniniwala sa iisang Diyos?
Karma
Pancasila
Nirvana
Dharma
Ano ang pangunahing hamon sa pagkakaiba-iba ng pananampalataya sa Timog-Silangang Asya?
Kakulangan ng edukasyon
Hindi pagkakaunawaan at tensiyong panrelihiyon
Kawalan ng likas na yaman
Kakulangan sa agrikultura
Aling pangkat-etnolingguwistiko ang nakatira sa mga mabundok na bahagi ng Vietnam, Laos, at Cambodia?
Malay
Khmer
Mon-Khmer
Javanese
Ano ang pangunahing dahilan ng pagkakaiba-iba ng wika at kultura sa Timog-Silangang Asya?
Pananakop ng mga Europeo
Kakulangan sa edukasyon
Heograpiya at kasaysayan
Paglaganap ng relihiyon
Ano ang tawag sa pangkat-etnolingguwistiko sa Myanmar na may malaking populasyon at may sariling kultura?
Javanese
Thai
Burman
Khmer
Aling pangkat-etnolingguwistiko ang matatagpuan sa pangkapuluang Timog-Silangang Asya?
Thai-Kadai
Austronesyano
Tibeto-Burman
Austroasiatic
Ano ang isa sa pangunahing likas na yaman na nagpapakilala sa kultura ng mga pangkat-etnolingguwistiko sa Timog-Silangang Asya?
Ginto
Palay
Diamante
Langis
Anong relihiyon sa Timog-Silangang Asya ang may kaugnayan sa karma at reinkarnasyon?
Kristiyanismo
Islam
Budismo
Zoroastrianism
Ano ang Four Noble Truths sa Budismo?
Ang apat na aral tungkol sa pagdurusa at kalayaan
Ang apat na batas ng mundo
Ang apat na yugto ng buhay
Ang apat na relihiyosong paniniwala ng Hinduismo
Ano ang tawag sa paglalakbay ng mga Muslim patungong Mecca na itinuturing na banal na tungkulin?
Zakat
Hajj
Sawm
Jihad
Anong relihiyon ang may paniniwala sa konsepto ng Dharma at Karma?
Kristiyanismo
Islam
Hinduismo
Judaismo
Ano ang tawag sa sistema ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ay nasa isang pangkat ng mayayaman?
Demokrasya
Oligarkiya
Monarkiya
Awtoritaryanismo
Ano ang tawag sa pinuno ng isang sultanato?
Raja
Hari
Sultan
Datuk
Aling bansa sa Timog-Silangang Asya ang may sistemang konstitusyunal na monarkiya?
Brunei
Thailand
Pilipinas
Vietnam
Ano ang pangunahing epekto ng Kolonyalismo sa Timog-Silangang Asya?
Paglaganap ng Kristiyanismo
Pagtanggal ng Hinduismo
Pagkawala ng kultura
Pagtatag ng bagong relihiyon
Ano ang tawag sa sistema ng pagsasaka sa matatarik na lugar na ginagamit sa Timog-Silangang Asya?
Terrace farming
Irrigation farming
Plantation farming
Slash-and-burn farming
