Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pre-Final Test sa Values Education

Total questions: 54

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ang kabataan ay may kakayahan na makisangkot sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapuwa mamamayan. Ang pahayag na ito ay__________.

a)

mali

b)

opinyon

c)

tama

d)

suhestiyon

2.

Ang virtue na mapapaunlad sa isang tao kung sila ay tumutulong sa kapuwa mamamayan ay ______.

a)

malasakit

b)

masipag

c)

matiyaga

d)

maunawain

3.

Si Brenda ay tumutulong sa pagpapabasa sa mga batang hirap sa pagbasa. Masasabing may bisa ang kaniyang ginagawa kung _________.

a)

palagian na siya ay sumasama sa gawaing ito

b)

natutong magbasa ang kaniyang mga tinuturuan

c)

nakakasama niya ang mga kaibigan

d)

nakikiisa siya sa gawaing ito

4.

Alin sa mga sumusunod ang nangangahulugan sa kasabihan na turuan mo ang tao na mangisda sa halip na bigyan ito ng isda?

a)

maaaring walang marating sa buhay

b)

maaaring maging pala-asa at hindi magtrabaho ang tao

c)

maaaring mabalewala ang gagawing pagtulong

d)

maaaring hindi maging masaya sa buhay

5.

Ang pagmamalasakit ay nararapat na tunay at may sinseridad. Ito ay dahil ___________.

a)

masasabing kalakip ito ng pakikipagkapuwa tao

b)

maiiwasan ang napilitan lamang sa pagtulong

c)

upang bumalik sa iyo ang biyaya ng pagtulong

d)

magkakaroon ng utang na loob ang kanyang kapuwa

6.

Napagtanto ni Giron na ang pakikilahok sa kabutihan ng mamamayan ay nakakabuti. Dahil dito ay naisip niyang isagawa ito nang madalas. Napapatunayan nito na ________.

a)

pananagutan ng isang kabataan na makilahok sa Lipunan

b)

ang pagtulong sa bayan ay gawain ng kabataan

c)

nagmumula sa reyalisasyon ang dahilan ng pagtulong

d)

magkakaroon ng kabutihan sa pagtulong sa kapuwa

7.

Nakita mo na nasagasaan ang iyong kaklase papasok ng paaralan. Ano ang dapat unang mong gawin?

a)

isumbong sa awtoridad ang nangyari

b)

magsilbing saksi kapag may kaso ukol dito

c)

ipost ito sa social media

d)

humingi ng tulong sa dumaraan

8.

Bakit kailangan na sang-ayon sa kakayahan ng isang indibiduwal ang kaniyang isasagawang pakikilahok?

a)

sapagkat iba-iba ang kapabilidad ng bawat isa

b)

sapagkat nararapat na tumulong ang bawat isa

c)

sapagkat maraming nangangailangan sa lipunan

d)

sapagkat maraming epekto ang pakikilahok

9.

Napansin mo na marami sa iyong mga kapuwa kabataan ang hindi nag-aaral, bilang kabataan, ano pinakamabisang panghihikayat mo na bumalik sila sa paaralan? Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa ibaba.

   I. kaibiganin sila                   

   II. ipaliwanag sa kanila ang halaga ng pag-aaral  
   III. magpakita ng magandang halimbawa  

   IV. tanungin ang kanilang pangarap  

a)

II,III,IV,I

b)

III,II,I,IV

c)

I,II,III,IV

d)

III,I,IV,II

10.

Mahalaga ang pagboto batay sa kakayahan at kuwalipikasyon ng kandidato dahil ________.

a)

sila ang mamumuno sa pamayanan

b)

salamin sila ng pagkatao ng bumoto

c)

sila ang masusunod sa pamamalakad

d)

salamin sila ng uri ng pamayanan

11.

Ang pagiging kilala ay hindi nararapat na maging batayan sa pagpili ng pinuno dahil ________.

a)

kakayahan ang unang dapat tignan

b)

may ibang dahilan ang kasikatan ng isang tao

c)

hindi kasama sa kuwalipikas

12.

Sa pagpili ng class officers ay nararapat na unang kilatisin ang __________.

a)

pagiging malapit

b)

kakayahan

c)

plano

d)

Itsura

13.

Ang pagboto ay parehong karapatan at tungkulin kaya't kailangan na _________.

a)

lagi itong isagawa

b)

isawalang bahala

c)

gawin ito nang tama

d)

may kapalit na salapi ang pagboto

14.

Nararapat na bantayan ang mga inihalal na pinuno. Ito ay dahil sa mga sumusunod na dahilan maliban sa isa _________.

a)

maaaring silang magkamali ng pasya

b)

maaaring silang maging tiwali

c)

malilimutan nila ang pangako sa bayan

d)

Walang epekto sa atin ang kanilang pasya nila

15.

Sa isang halalan ng class officers ay tumakbo ang kaibigan mo sa pagka-Pangulo ng klase. Batid mo na mas may kakayahan ang kanyang kalaban ano ang mabuting mong gawin?

a)

kausapin ang kaibigan na umatras

b)

hikayatin ang mga kamag-aral na iboto ang kaibigan

c)

tumakbo sa parehong posisyon

d)

iboto ang mas karapat-dapat sa posisyon.

16.

Laganap ang fake news sa panahon ng halalan. Bakit nararapat na mangilatis sa pagiging totoo ng isang balita kapag may eleksyon?

a)

upang matukoy ang tunay at sa maling impormasyon.

b)

upang maiwasan ang pagbabahagi ng impormasyon

c)

upang hindi maloko sa kanilang pangako

d)

upang maiboto ang tama ang nararapat na kandidato

17.

Sinasabing sa halip na isyu, sa personalidad tumututok ang mga Pilipino sa pagpili ng iboboto. Sa iyong palagay, paano ito nakaaapekto sa pagpili?

a)

nakakalimutan ang mga mahahalagang isyu sa lipunan

b)

mga popular na tao ang nahahalal ng karamihan.

c)

nagiging personalan ang labanan ng mga kandidato

d)

nakakasama sa resulta ng halalan

18.

Mahalaga ang pangingilatis upang makaboto nang wasto. Ito ay sapagkat ___________.

a)

may epekto sa bawat isa ang resulta ng halalan

b)

may mga salik na kailangang pag-isipan

c)

maraming kandidato na pagpilian

d)

Kasalukuyan natin ang nakataya

19.

Ang lahat ay nararapat na ilagay sa social media post maliban sa isa

a)

kalagayan ng trapiko

b)

Pribadong impormasyon

c)

lagay ng panahon

d)

petsa

20.

Nararapat na pigilan ng bawat isa ang pag post sa social ng mga personal na galit sa isang tao. Ang nasabing pahayag ay ____________.

a)

mali

b)

opinyon

c)

tama

d)

suhestiyon

21.

Nararapat na mag ingat ang bawat isa sa pagpapahayag sa social media post upang

a)

maiwasan ang pakikipag-away

b)

maproteksyonan ang sarili at kapuwa

c)

mapanatili ang privacy

d)

maiwasan ang hindi pagkakaunawaan

22.

Napagsabihan ni Ana ang kanyang anak dahil sa madalas na pag post nito kung nasan siya. Bakit kaya nya ito pinagsabihan?

a)

maaaring silang matunton ng masasamang loob

b)

maaaring na makasama sa anak nya ito

c)

maaaring na ma bash ang kanyang anak

d)

maaaring maligaw ng lugar ang anak

23.

Sa galit ni Tinay sa kaibigan ay naipahayag nya sa isang social media post ang isang sensitibong isyu ukol dito. Bakit hindi nararapat ang nasabing gawi?

a)

malalaman ng iba ang kwento

b)

malalabag ang karapatan ng kaibigan

24.

Maipapakita ang pananagutan sa mga tungkulin sa bayan sa pamamagitan ng

a)

kasipagan

b)

kabutihan

c)

maunawain

d)

responsibilidad

25.

Ang nasyonalismo ay maipapakita sa pagpapaunlad ng kakayahan upang makalahok sa ikabubuti ng bayan. Dahil dito ang isang kabataan ay dapat na________.

a)

maghangad ng kayamanan

b)

mahal ang kanyang bayan

c)

gumawa ng mga bagay na ikasisiya

d)

gawin lang ang ibinigay na trabaho

26.

Bakit nararapat na ikonsidera ang kabutihan ng bayan sa pagpapasya ng anumang gagawin ang isang tao?

a)

upang hindi masisi ng iba sa mga ginawang pagpapasya

b)

dahil nararapat na pagmalasakitan ang bayan

c)

upang hindi maapektuhan ang sariling trabaho at buhay sa pagpapasya

d)

para hindi tumaas ang mga bilihin

27.

Kung tutularan lamang ng mga Pilipino ang mga Hapon sa pagmamahal nila sa kanilang bayan tiyak na maunlad na ang bayan natin. Ang nasabing pahayag ay ________.

a)

tama sapagkat naging daan ito ng pag-unlad ng Japan

b)

tama sapagkat isa itong malaking salik sa kaunlaran

c)

mali sapagkat opinyon lamang ang nasabing pahayag

d)

mali sapagkat marami pang salik ang dapat pang makonsidera

28.

Makakapagsanay ang isang kabataan sa kanilang pagninilay kung siya ay

a)

nakakagawa ng kabutihan paminsan-minsan

b)

nakakapagpahayag ng damdamin

c)

nakakapag-isip ng dahilan sa isang gagawin

d)

natutukoy ang mga nagpapalungkot sa kanya

29.

Ang sariling pagpapasiya ay nararapat na mula sa malalim na pagninilay sapagkat________.

a)

daan ito upang mapabuti ang isang tao

b)

daan ito upang mapag-isipan ang gagawin

c)

daan ito upang maayos ang buhay

d)

daan ito upang maging mabuti sa kapuwa

30.

Nararapat na magkaroon ng kasanayan sa pagpapasiya ang isang mag-aaral ng ikapitong baitang. Ang pahayag na ito ay _________.

a)

mali

b)

opinyon

c)

tama

d)

suhestiyon

31.

Ang karakter ng pagiging matiyaga ay nangangahulugan ng pagsasagawa ng isang gawain sa kabila ng maraming hadlang. Ito ay nararapat na matutuhan ng isang kabataan sapagkat________

a)

maraming balakid na maaaring maranasan

b)

may mga gamit na kinakilangang makamit

c)

may mga tungkulin na dapat gawin

d)

may mga oras na dapat gugulin

32.

Kailangang lagi na may matuklasan ang isang kabataan hinggil sa sariling kakayahan na kaniyang taglay, ito ay dahil _______.

a)

may mga balakid siyang dapat harapin

b)

kalakip ito ng salik sa pagtukoy sa pangarap

c)

kailangan ito upang mabili ang mga kagustuhan

d)

nangangailangan ito ng pagninilay

33.

Mahalaga na ngayong nasa ikapitong baitang ka pa lang ay matukoy ang Senior High School (SHS) track o strand na iyong pipiliin apat na taon mula ngayon. Mangyayari ito sa pamamagitan ng pagtuklas sa sarili gamit ang pagninilay. Ito ay dahil_________.

a)

kailangan ito ng isang kabataan

b)

may pangarap na dapat tuparin

c)

may taon na dapat bilangin

d)

may mga kakayahan na dapat malaman

34.

Isang araw ay sinabi ng guro mo na may kakayahan ka sa pagsusulat ng isang sanaysay. Paano mo gagamitin ang nasabing kakayahan upang matukoy ang iyong pangarap?

a)

magsaliksik kung anong industriya ang nangangailangan nito

b)

patuloy sa pagsusulat upang may maipagmalaki sa hinaharap

c)

gamitin ang kakayahan upang maipagyabang sa mga kaibigan.

d)

patuloy na tuklasin ang iba pang kakayahan

35.

Sinasabi na kulang ang mga Pilipino sa pagninilay. Bakit mahalaga na magkaroon ng kasanayan ang isang tao sa kakayahang mag-isip muna bago magpasya?

a)

ito ay dahil maraming bagay na dapat isaisip

b)

ito ay dahil may mga bagay na dapat lutasin

c)

ito ay dahil sangkap ito ng mabuting pagkatao

d)

ito ay dahil sa kailangang maiwasan ang pagkakamali

36.

Pagsunod sunurin ang mga hakbang sa ibaba kung paano magsagawa ng tamang pagpapasiya.

4 lines
37.

Pagsunod sunurin ang mga hakbang sa ibaba kung paano magsagawa ng tamang pagpapasiya.

a)

I. Magsagawa ng pasya II. Timbangin ang mga bagay-bagay III. Sumangguni sa nakatatanda IV. Magnilay bago magpasya

b)

III,II,IV,I

c)

III,II,I,IV

d)

IV,III,II,I

38.

Ang mga hayop ay nararapat nasa natural na Panahanan (habitat) nito. Ang pahayag na ito ay

a)

mali

b)

opinyon

c)

wasto

d)

suhestiyon

39.

Bakit nararapat na hulihin nang hindi sinasaktan ang mga pusa nakita sa loob ng tahanan?

a)

dahil wala silang kakayahang manakit sa tao

b)

dahil sa malasakit natin sa hayop bilang kapwa nilalang

c)

dahil sa naghahanap lamang sila ng masisilungan

d)

dahil kaaya-aya ang kanila itsura

40.

Bakit hindi nararapat na mag-alaga ng mga tinaguriang wild animals sa loob ng bahay?

a)

dahil maaari silang manakit sa tao

b)

dahil sa malasakit natin sa mga kasama sa bahay

c)

dahil may nararapat na lugar o habitat para sa kanila

d)

dahil hindi sila ligtas sa loob ng bahay

41.

Bakit kailangang may kaalaman ang isang kabataan ukol sa panahanan (habitat) ng mga hayop?

a)

ito ay kasama sa pinag-aaralan sa loob ng paaralan

b)

ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng hayop

c)

ito ay upang pangalagaan ang kalikasan

d)

ito ay upang matiyak ang kalusugan ng bawat Isa.

42.

Nakakita ka ng isang ahas sa inyong kusina. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

sumigaw nang malakas

b)

gawin itong alaga

c)

ipagbigay alam sa awtoridad

d)

sabihin sa kaibigan

43.

Sa isang field trip ay nakita mo ang isang kamag-aral na ibinulsa ang isang tarsier. ano ang nararapat mong gawin?

a)

sumigaw nang malakas

b)

gawin itong alaga

c)

ipagbigay alam sa awtoridad

d)

sabihin sa kaibigan

44.

Mahalaga na mapanatili ang mga hayop lalo iyong mga maituturing na mailang (wild) sa kanilang natural na panahanan (habitat). Ito ay dahil _______.

a)

kailangang masiguro ang kaligtasan ng tao

b)

kailangang masiguro ang balanse sa kalikasan

c)

kailangang masiguro ang kalinisan

d)

kailangang masiguro ang kalusugan

45.

Sa halip na sa loob ng zoo, mas ligtas ang mga hayop na mamuhay sa kanilang natural na habitat. Ito ay dahil ________.

a)

magastos ang magpalakad ng zoo

b)

paraan ito upang hindi sila makapanakit ng tao

c)

natural na pamumuhay ang kailangan ng mga hayop

d)

sa kalinisan at kalusugan ng tao

46.

Isang kang opisyal ng Science Club ng inyong paaralan. Naatasan kang gumawa ng information drive hinggil sa pangangailangan ng mga hayop na manatili sa natural nilang panahanan. Pagsunod-sunurin ang mga hakbang na iyong isasagawa para rito.

a)

I. Sumangguni sa eksperto II. Pangunahan ang isang seminar III. Magsaliksik gamit ang iba pang pinagkukunan ng kaalaman IV. Magsarbey ng mga malapit na natural na panahanan na malapit sa pamayanan

b)

IV,III,II,I

c)

IV, III, I, II

d)

IV,I, III, II

47.

Kailangang maging sensitibo ang isang kabataan sa suliranin sa pamayanan. Ang pahayag na ito ay _______.

a)

mali

b)

opinyon

c)

wasto

d)

suhestiyon

48.

Ang glokalisasyon ay paglalapat ng isang solusyon na nagawa sa ibang bansa at suliranin sa ating pamayanan. Ito ay magagawa kung ang mga tao sa pamayanan ay _________.

a)

may sari-sariling desisyon

b)

magkakaisa sa pagresolba ng problema

c)

magsasagawa ng pagsangguni sa mga may kaya

d)

pagkakaroon ng sari-sariling pagsasaliksik

49.

Isang alkalde ang tumulad sa waste segregation sa bansang Singapore. Ang nasabing solusyon ay nararapat sapagkat __________.

a)

maunlad na bansa ang kanilang tutularan

b)

nagawa ng Singapore na solusyunan ang dami ng basura

c)

makakaya ng mga trabahador ng gobyerno ang trabaho

d)

malaki ang problem na kinakaharap sa basura

50.

May mga nagpapanukala na gayahin ng bansa ang sistema ng edukasyon sa Finland. Ito ay posibleng makatugon sa solusyon sa suliranin sa edukasyon kung ang bawat isa ay _______

a)

may sari-sariling desisyon

b)

magkakaisa sa pagresolba ng problema

c)

magsasagawa ng pagsangguni sa mga may kaya

d)

pagkakaroon ng sari-sariling pagsasaliksik

51.

Napansin mo na nahihirapan ka sa pag-aaral mo sa ngayon dahil sa hindi maayos na pamamahala mo sa iyong oras. Dahil dito ay nagsaliksik ka ng mga iba't-ibang paraan para rito. Nakatuklas ka na maraming epektibong pamamaraan na ginagamit ng mga banyagang mag-aaral. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

gawin ang nasabing pamamaraan

b)

sumangguni sa nakatatanda ukol dito

c)

pag-aralan at tayain ito kung paano iaaplay sa sarili

d)

hikayatin ang kamag-aral na subukin din mga ito

52.

Nahihirapan ka sa matematika. May naghikayat sa iyo na subukan ang pamamaraan na naging pamoso sa ibang bansa. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

gawin ang nasabing pamamaraan

b)

sumangguni sa nakatatanda ukol dito

c)

pag-aralan at tayain ito kung paano iaaplay sa sarili

d)

hikayatin ang kamag-aral na subukin din mga ito

53.

Bakit dapat na batay sa sariling kakayahan ang anumang pagsasabuhay ng prinsipyo ng globalisasyon?

a)

ito ay dahil may mga salik na iba't-iba sa situwasyon

b)

ito ay dahil may mga suliraning hindi mareresolbahan

c)

ito dahil may mga pagkakaiba sa kultura

d)

ito ay dahil sa mas malala ang problema sa bansa

54.

Nararapat na maalam ang bawat isa sa iba't-ibang kaparaanan ng paglutas ng suliranin sa pamayanan gamit ang prinsipyo ng globalisasyon. Ito ay dahil ________.

a)

magkakahalintulad ang mga suliranin sa bawat bansa

b)

nagpakita na ng solusyon ang ibang bansa sa ating suliranin

c)

lumalala ang situwasiyon sa bansa na nakaapekto sa bawat isa

d)

may mga suliranin ang bansa na hindi kaya Maresolba ung kaya't kailangan natin pagtiisan ito.