WorksheetsIkatlong Markahan ng Pagsusulit sa Values Education 7
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Bakit mahalagang matuklasan at mapaunlad ang sariling talento at hilig kasama ang kapwa?
upang maging mas sikat kaysa sa iba
upang maiwasan ang mga tungkulin sa paaralan
upang makatulong sa pagtupad ng mga tungkulin at makapaglingkod ayon sa kakayahan
upang maipakita na mas magaling kaysa sa kapwa
Paano nakatutulong ang pagpaunlad ng talento at hilig sa pagbuo ng pananaw sa ninanais na propesyon ng isang mag-aaral?
Nagiging dahilan ito ng pagkalito sa pagpili ng kurso.
Nagiging gabay ito sa pagpili ng kursong angkop sa sariling kakayahan.
Wala itong kaugnayan sa pagpili ng propesyon.
Nagiging hadlang ito sa pag-abot ng pangarap.
Mahilig si Ana sa pagguhit at napansin niyang may kaklase siyang mahusay sa paggawa ng mga poster. Ano ang pinakamainam na hakbang na nagpapakita ng pagpaunlad ng talento kaagapay ang kapwa?
Itago ang sariling talento upang hindi mapansin.
Makipagtulungan sa kaklase upang makagawa ng maayos na proyekto.
Hayaan na lamang ang kaklase ang gumawa.
Itigil ang pagguhit dahil mas magaling ang iba.
Si Mark ay may hilig sa pagluluto at nais niyang mag-enrol sa kursong teknikal-bokasyonal sa hinaharap. Alin sa mga sumusunod ang tamang kilos na nagpapakita ng tiwala sa sarili at wastong paglalapat ng talento?
pagwawalang-bahala sa kaniyang hilig
pag-ensayo ng pagluluto at pagtulong sa mga gawain sa bahay
pag-iwas sa mga gawaing may kinalaman sa pagluluto
pagsunod lamang sa gusto ng kaibigan
May proyekto sa paaralan na nangangailangan ng iba’t ibang kakayahan. Ano ang pinakamainam na gawin ng isang mag-aaral upang maisakilos ang sariling talento at hilig kaagapay ang kapwa?
Gawin mag-isa ang lahat ng gawain.
Pumili lamang ng madaling gawain.
Ibahagi ang sariling kakayahan at makipagtulungan sa grupo.
Um asa sa kakayahan ng iba.
Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Leo at ang kaniyang kaklase. Nais ni Leo na maibalik ang kanilang magandang samahan. Alin ang pinakamainam na kilos na nagpapakita ng pagpapatawad at pakikipagkasundo?
Kausapin ang kaklase nang mahinahon at humingi ng tawad.
Iwasan ang kaklase at huwag na itong kausapin.
Ipagsabi sa iba ang nangyari.
Hintayin ang kaklase ang unang lumapit.
Nasaktan si Maria sa sinabi ng kaniyang kaibigan ngunit pinili niyang unawain ito. Ano ang ipinakitang kilos ni Maria?
pagiging mahina
pagiging mapagpakumbaba
pagiging walang pakialam
pagiging takot sa kaibigan
May alitan sa loob ng pamilya dahil sa hindi pagkakasundo. Alin ang dapat gawin upang makatulong sa pagbuo muli ng nasirang ugnayan?
iwasan ang pag-uusap
panatilihin ang galit
sisiin ang isa’t isa
magpakita ng pagpapatawad at bukas na pakikipag-usap.
Bakit mahalagang isagawa ang pagpapatawad at pakikipagkasundo nang may kababaang-loob?
upang mapatunayan na ikaw ay tama
upang mapanumbalik ang tiwala at maayos na ugnayan
upang masunod ang utos ng iba
upang maiwasan ang pananagutan
Kung may nagawang pagkakamali ang isang kaklase laban sa iyo, paano mo maisasabuhay ang pagpapatawad?
pagbalewala ngunit may galit pa rin
paghihiganti sa tamang panahon
paglayo sa lahat ng pagkakataon
pagbibigay ng pagkakataon at pakikipagkasundo
Bakit mahalaga ang mabuting pakikipagkaibigan sa isang mag-aaral?
Dahil nagbibigay ito ng pansamantalang kasiyahan.
Dahil nakatutulong ito sa paghubog ng pagkatao at tiwala sa sarili.
Dahil iniiwasan nito ang pakikipag-ugnayan sa iba.
Dahil nagiging dahilan ito ng kompetisyon.
Bakit sinasabing ang tunay na pakikipagkaibigan ay nabubuo mula sa pagmamahal?
dahil ito ay bunga ng kagustuhang makipag-ugnayan at umunawa
dahil may inaasahang kapalit
dahil ito ay nakabatay sa pakinabang
dahil ito ay sapilitan
Paano nakatutulong ang pakikipagkaibigan sa pagbuo ng matatag na sariling pagkakakilanlan?
sa pamamagitan ng panggagaya sa iba
sa pagbibigay ng pagkakataong makilala at mapahalagahan ang sarili
sa pag-iwas sa pakikipag-ugnayan
sa pagsunod lamang sa gusto ng kaibigan
Ano ang kaugnayan ng bukas na komunikasyon sa pagpapanatili ng mapayapang ugnayan?
Nagdudulot ito ng hindi pagkakaunawaan.
Nagreresulta ito sa paglaya ng loob.
Nakatutulong ito sa paglilinaw ng damdamin at pag-iwas sa alitan.
Pinipigilan nito ang pagpapahayag ng saloobin.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na paliwanag kung bakit mahalaga ang katapatan sa pakikipagkaibigan?
upang makontrol ang kaibigan
upang mapanatili ang tiwala at matatag na ugnayan
upang maiwasan ang responsibilidad
upang palaging masunod ang sariling nais
May hindi pagkakaunawaan sina Paul at ang kaniyang kaibigan dahil sa maling impormasyon. Alin ang pinakamainam na gawin ni Paul upang maipakita ang pagiging tapat at mapanatili ang kanilang pagkakaibigan?
Manahimik at hayaan na lamang.
Itanggi ang nangyari.
Kausapin ang kaibigan nang tapat at mahinahon.
Iwasan ang kaibigan.
Sa isang group activity, hindi nagampanan ng kaibigan mo ang kaniyang tungkulin. Ano ang tamang kilos upang mapatatag ang pagkakaibigan?
Kausapin siya nang maayos at magbigay ng pag-unawa.
Sisiihin siya agad.
Ipost ang reklamo sa social media.
Iwasan na lamang siya sa susunod.
Napansin ni Liza na may maling ginagawa ang kaniyang kaibigan na maaaring makaapekto sa iba. Paano niya maipapakita ang bukas na komunikasyon at malasakit sa pakikipagkaibigan?
Pagalitan ang kaibigan sa harap ng marami.
Kausapin ang kaibigan nang pribado at tapat.
Ipagsabi ito sa iba.
Balewalain ang nangyayari.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan ng pagpapatatag ng pakikipagkaibigan?
pagsunod lamang sa gusto ng kaibigan
pag-iwas sa seryosong usapan
pagtatago ng saloobin
bukas na komunikasyon at paggalang sa damdamin ng isa’t isa
Bakit mahalaga ang katapatan sa pakikipagkaibigan lalo na sa panahon ng hindi pagkakaunawaan?
upang manalo sa argumento
upang maipakita ang galit
upang mapanatili ang tiwala at maayos na ugnayan
upang maiwasan ang pakikipag-usap
Nakakita si Jennifer ng artikulo sa internet tungkol sa pag-aayuno ng mga Muslim tuwing Ramadan. Alin sa mga sumusunod ang ipinapakita ng kaugalian na ito?
tradisyon ng kasiyahan
kaugalian na nakaugat sa pananampalataya
paniniwalang pamahiin
modernong gawi ng Kabataan
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tamang paggalang sa ibang kaugalian ng kapwa na nakaugat sa pananampalataya?
Pagbabawal sa ibang tao na isagawa ang kanilang relihiyosong ritwal sa harap mo.
Pagbibigay ng espasyo para sa mga kapwa mong may ibang relihiyon upang magsagawa ng kanilang panalangin.
Pagsasabing mali ang relihiyon ng iba at sabihing ang iyong relihiyon ang tama.
Pagtawanan ang mga tradisyon ng iba dahil hindi mo ito naiintindihan.
Bakit mahalaga ang paggalang sa mga kaugalian ng kapwa na nakaugat sa pananampalataya?
upang ipakita na ikaw ay matalino
upang magmukhang mabait sa ibang tao
upang mapanatili ang mapayapang ugnayan at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan
upang mapakita na ikaw ay may mataas na posisyon sa Lipunan
Ano ang ibig sabihin ng “paggalang sa iba’t ibang kaugalian ng kapwa na nakaugat sa pananampalataya”?
Pagkilala at pagpapahalaga sa mga kaugalian at tradisyon ng iba, kahit ito ay iba sa iyong mga paniniwala.
Pagpapakita ng hindi pagsang-ayon sa relihiyon ng ibang tao.
Pagtanggap ng lahat ng pananampalataya bilang mali.
Pagpipilit na baguhin ang relihiyon ng iba upang maging katulad ng iyo.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na halimbawa ng pagsasabuhay ng wastong pagtuon sa kaugalian ng kapwa?
pagpuna batay sa sariling paniniwala
pagbabahagi ng maling impormasyon
pag-iwas sa mga taong may ibang pananampalataya
paggalang at pag-unawa batay sa tamang impormasyong nakalap
Kung ikaw ay nakikisalamuha sa isang grupong may iba’t ibang relihiyon at may oras ng panalangin ang isa sa kanila, paano ka magpapakita ng respeto sa kanilang gawain?
Pagsusuwag sa kanilang panalangin at ipagpatuloy ang iyong ginagawa.
Maghihintay hanggang matapos ang kanilang panalangin bago magpatuloy sa iyong gawain.
Magkomento na walang silbi ang kanilang panalangin.
Hindi makikialam at magpapanggap na hindi mo nakita.
Ikaw ang lider ng inyong pangkat at may dalawang posibleng oras ng pagpupulong. Ang unang oras ay maginhawa sa nakararami ngunit kasabay ng panalangin ng ilan. Ang ikalawang oras ay mas huli ngunit makakadalo ang lahat. Ano ang pinakamainam na pasya?
Piliin ang ikalawang oras upang igalang ang relihiyosong gawain ng lahat.
Ipagpaliban ang proyekto.
Piliin ang unang oras dahil mas marami ang makakadalo.
Iwan ang mga hindi makakadalo.
May mga kaibigan kang may ibang relihiyon at ipinagdiriwang nila ang kanilang pista. Paano ka magpapakita ng paggalang sa kanilang tradisyon?
Pumunta at sumali sa kanilang pagdiriwang kahit hindi mo alam kung paano.
Magbigay ng regalo bilang tanda ng paggalang sa kanilang okasyon.
Habang nasa isang grupo ng mga tao, napansin mong may isang kasamahan na sumusunod sa relihiyosong ritwal ng kanyang pananampalataya. Ano ang dapat mong gawin?
Makialam at baguhin ang paraan ng kanilang ritwal.
Ipakita ang paggalang sa pamamagitan ng hindi pag-abala at pagpapakita ng interes sa kanilang ginagawa.
Pagtawanan ang kanilang ritwal dahil hindi mo ito nauunawaan.
Sabihin na hindi na nila kailangan magsagawa ng ritwal dahil hindi mo ito maintindihan.
Kung ikaw ay naroroon sa isang okasyon ng ibang relihiyon at kailangan nilang magsagawa ng kanilang panalangin, ano ang dapat mong gawin upang mapakita ang respeto sa kanilang paniniwala?
Magpatuloy lang sa iyong ginagawa at huwag makialam.
Magsimula ng iyong sariling ritwal upang mapansin ang iyong paniniwala.
Magkomento sa kanilang panalangin upang ipakita ang iyong opinyon.
Lumabas muna upang bigyan sila ng pribadong oras.
Napagdesisyunan ng inyong klase na magdaos ng fundraising para sa mga nasalanta ng bagyo. Bilang isang mag-aaral sa ikapitong baitang, ano ang unang hakbang upang maisakilos ang pagiging mapagmalasakit?
Ibigay agad ang iyong donasyon nang hindi nalalaman ang detalye.
Tanungin ang kaklase kung gaano karami ang ibibigay niya.
Mag-research tungkol sa tamang paraan ng pagkuha at pamamahagi ng tulong.
Mag-post sa social media tungkol sa donasyon.
Kung may impormasyon ka tungkol sa iba’t ibang pangangailangan ng mga komunidad sa iyong barangay, paano mo gagamitin ang kaalaman na ito upang epektibong maglingkod sa kapwa, lalo na sa mahihirap at mahina, ayon sa iyong sariling kakayahan?
Pumili kaagad ng isang proyekto na sa tingin mo ay makakatulong kahit hindi mo pa nasusuri ang epekto nito.
Suriin at ikumpara ang impormasyon tungkol sa pangangailangan ng bawat grupo, pagkatapos ay planuhin ang tulong na naaayon sa iyong kakayahan at mapakikinabangan ng nakararami.
Maghintay hanggang may ibang tao o organisasyon na magbibigay ng instruksyon bago gumawa ng anumang aksyon.
Tumulong lamang sa mga kilala mo, kahit alam mo na may mas malalaking pangangailangan sa ibang lugar.
Bakit mahalaga ang paglilingkod sa kapwa bilang indikasyon ng pananampalataya?
Upang ipakita ang ating kakayahan at magmukhang mabuti sa ibang tao.
Upang magtamo ng premyo o gantimpala mula sa iba.
Upang magpakita ng malasakit at pagmamahal sa iba, lalo na sa mga nangangailangan.
Upang magtago ng ating tunay na hangarin at hindi maipakita ang ating mga nararamdaman.
Kung may isang kaklase ka na laging walang baon at nahihirapan sa paaralan, paano ka makapagpapakita ng malasakit sa kanya?
Huwag siyang pansinin at magpatuloy sa iyong mga gawain.
Magbigay ng baon o tulong na maaari niyang magamit sa araw-araw, batay sa iyong kakayahan.
Magbiro tungkol sa kanyang kalagayan at gawing katatawanan.
Sabihin sa kanya na maghanap ng ibang paraan upang makakuha ng baon.
Mayroong isang mag-aaral sa inyong komunidad na hindi kayang bumili ng mga gamit sa paaralan. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong?
Ibigay ang iyong mga gamit na hindi mo na ginagamit o kaya ay maghanap ng paraan upang siya ay matulungan.
Sabihin sa kanya na maghanap siya ng ibang tao na makakatulong sa kanya kasi marami ka din na tinutulungan.
I-bully siya dahil hindi niya kayang bumili ng gamit.
Hayaan na lang siya dahil hindi naman ito nakakaapekto sa iyong buhay.
Ang inyong kapitbahay ay matanda na at may sakit. Paano ka makakatulong sa kanya?
Bigyan siya ng gamot at alagaan siya ng maayos habang siya ay may sakit.
Hayaan na lang siya at magpatuloy sa iyong gawain.
Sabihin sa kanya na magpagaling siya at huwag alalahanin ang iba.
Pagtawanan siya dahil matanda na at may sakit.
Kung ikaw ay may extra na pera, anong maaari mong gawin upang makatulong sa mga nangangailangan?
I-save ang pera para sa sarili mong pangangailangan sa hinaharap.
Ibigay ang iyong pera sa mga mahihirap o sa isang kawang-gawa na tumutulong sa mga nangangailangan.
Gamitin ang pera sa iyong sariling kaligayahan at kaluwagan.
Sabihin na hindi mo kayang magbigay ng tulong.
Nasa isang komunidad ka kung saan maraming mga pamilya ang walang sapat na pagkain. Paano ka makakatulong upang matulungan sila?
Magbigay ng mga pagkaing sobra o mga gamit na maaari nilang magamit.
Huwag pansinin ang kanilang kalagayan at magpatuloy sa iyong mga gawain.
Sabihin na hindi nila dapat hintayin ang tulong ng iba.
Magbigay lamang ng tulong kapag ikaw ay pinilit na.
Ano ang maaaring gawin upang makatulong sa pagtitipid ng tubig sa inyong tahanan?
Hayaan nakabukas ang gripo habang nagsasabon ng kamay.
Ipagpatuloy ang paglalaba gamit ang malalaking halaga ng tubig kahit hindi ito kinakailangan.
Gumamit ng timba at tabo sa paghuhugas, upang hindi mag-aksaya ng tubig.
Gumamit ng hose sa paghuhugas ng sasakyan nang hindi iniisip ang konsumo ng tubig.
Kung ang inyong komunidad ay nagkakaroon ng problema sa kakulangan ng enerhiya, paano mo matutulungan na mabawasan ang paggamit ng kuryente?
Ipagpatuloy ang paggamit ng aircon at mga ilaw kahit hindi naman kailangan.
Patayin ang mga ilaw at mga kagamitang kapag hindi ginagamit upang makatipid ng kuryente.
Ipagpatuloy ang paggamit ng maraming electrical appliances sabay-sabay.
Iwang bukas ang lahat ng mga kagamitan, dahil wala namang problema sa kuryente.
Napansin mo na hinahayaan nakabukas ang gripo ng iyong mga kaklase habang nagkuukwentuhan pagkatapos maghugas ng kamay. Ano ang gagawin mo?
Ipapaalam agad sa guro.
Hayaan na lamang sila dahil hindi mo naman ito personal na babayaran.
Lalapitan sila at magalang na ipapaliwanag na ang tubig ay dapat pahalagahan.
Paparinggan sila nang malakas tungkol sa mga taong walang disiplina sa paggamit ng tubig.
Napansin mo na ang iyong mga kaklase ay nag-iiwan ng mga bukas na ilaw at electric fan tuwing recess. Ano ang pinaka-epetibong paraan upang mahikayat silang magbago ng gawi?
Isusumbong sila sa punongguro upang mabigyan ng kaukulang parusa.
Magpopost sa social media tungkol sa mga taong walang malasakit sa kalikasan.
Papatayin ang mga switch nang tahimik at hindi na lang kakausapin ang mga kaklase.
Magmungkahi sa klase na gumawa ng Energy Checklist na gagawin bago lumabas ng silid.
May malawakang water maintenance sa inyong barangay. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng pinakamalalim na pagsusuri sa iyong tungkulin bilang bahagi ng komunidad?
Pag-imbak ng labis na tubig para sa sariling pamilya kahit kulangin ang iba.
Paggamit ng pinaghugasan ng bigas bilang pandilig upang makatulong sa pagtitipid.
Pagbili ng maraming mineral water upang hindi na kailangang gumamit ng gripo.
Pagreklamo sa opisina ng tubig dahil sa abalang dulot ng maintenance.
Nagkasundo ang iyong mga kaibigan na magbisikleta na lamang kaysa magpahatid sa sasakyan patungo sa plaza. Ano ang pangunahing implikasyon nito sa pagtitipid ng enerhiya?
Mas mapapabilis ang iyong pagdating sa pupuntahan.
May kolektibong aksyon upang makatipid at mabawasan ang polusyon.
Makakaiwas kayo sa pagbabayad ng pamasahe sa tricycle.
Mas magiging sikat ang inyong grupo dahil sa inyong mga bisikleta.
Maraming kumakalat na fake news tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa ating kasaysayan. Ano ang pinaka-responsableng paraan ng pakikipagkapwa sa sitwasyong ito?
I-share agad ang impormasyon dahil ito ay viral.
Awayin ang mga taong nag-post ng maling impormasyon.
Huwag na lang magbasa ng kahit anong balita sa social media.
Magsaliksik gamit ang mga mapagkakatiwalaang datos at ibahagi ang katotohanan sa mahinahong paraan.
Nakita mong pinagtatawanan ng iyong mga kaklase ang isang katutubong Pilipino dahil sa kanyang kasuotan. Bilang pagpapahalaga sa ating kasaysayan, ano ang gagawin mo?
Ipapaliwanag ang kahalagahan ng pagrespeto sa ating pinagmulan at kultura.
Tatahimik na lang para hindi mapag-initan ng mga kaklase.
Sasali sa pagtawa para maging "in" sa grupo.
Kukuha ng video at i-post ito sa internet para mapahiya ang mga kaklase.
May proyektong pangkultura ang inyong paaralan ngunit kakaunti ang gustong sumali. Bilang mag-aaral, paano mo ito lulutasin?
Huwag na lang ding sumali para hindi magmukhang kakatawa.
Gamitin ang sining o teknolohiya para ipakita sa mga kapwa mag-aaral kung bakit mahalaga ang ating kultura.
Pilitin ang mga kaibigan na sumali kahit ayaw nila.
Pagtawanan ang mga sumali sa proyekto.
Kapag may kalamidad, madalas nating makita ang "damayan." Kung ang iyong kaklase ay nawalan ng kagamitam dahil sa baha, paano mo ilalapat ang aral na ito?
Sabihan siya na mag-ingat na lang sa susunod.
Ibigay ang mga gamit na sira-sira na dahil hindi mo na kailangan.
Makipagtulungan sa ibang kaklase upang makalikom ng mga kagamitang magagamit niya sa pag-aaral.
Ipagdasal na lang siya pero huwag magbigay ng kahit anong materyal na bagay.
Sa gitna ng krisis sa ekonomiya, paano mo gagamitin ang aral ng "pagtitipid" mula sa ating mga ninuno bilang paraan ng pakikipagkapwa?
Iwasan ang labis na paggastos at ibahagi ang labis na gamit o pagkain.
Humingi ng pera sa mga kaibigan.
Mag-imbak ng maraming pagkain para sa sarili lamang.
Magreklamo sa mataas na presyo ng mga bilihin nang walang ginagawang aksyon.
Napansin mong may diskriminasyon sa inyong pangkatang gawain dahil sa katayuan sa buhay ng isang miyembro. Ano ang tamang paghusga para dito?
Pabayaang siyang gumawa ng mag-isa.
Sundin ang gusto ng mas nakararami na huwag siyang isali.
Siguraduhin na ang bawat isa ay may pagkakataong makibahagi anuman ang kanilang katayuan.
Isumbong sila sa guro nang hindi sinusubukang kausapin ang mga miyembro.
